watch now

Author Topic: Horror Guests  (Read 91155 times)

Purple_Power

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #240 on: January 27, 2016, 07:05:05 pm »
^curious lang, what happened ba sa wedding niyo?
Ako naman baligtad nandahil naman sa na organize naming 1st bday party parang ayoko naman mag church wedding kasi kahit simple lang ang gusto namin parating may aberya. I hate the fact na hindi kami parating masusunod sa gusto namin. Oh well kasi kasal na kami sa civil kaya formality na lang sa amin ang church wedding.


shygirlme

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #241 on: January 27, 2016, 07:12:16 pm »
^we paid 150pax sa caterer. 120 nag confirm 92 lang dumating. naisip ko nga sana 100pax nalang binayaran namin. tapos nagpadagdag nalang kami.

Purple_Power

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #242 on: January 27, 2016, 09:06:23 pm »
^Ah ok ang ginawa naman namin kasi sa bday party 5 days before the event kami nagbayad that is 80 pax then 60 yung dumating. Not bad for us dahil hindi naman ganun ka sobrang dami ang left overs yet bumabalik balik pa sila for the food. Kaunti lang naman yung food talaga na naihanda namin.

Kayo ba naghabol ng confirmation during that time? Kasi ako nagtyaga ako sa paghabol kaya kahit papaano dun ko naipasok yung 2nd priority. Mabuti na nga lang hindi kami nag 100 pax tapos imagine 40 ang nasayang. I strongly suggest na ipagpatuloy niyo pa rin ang 1st bday ni baby kung gusto niyo talaga magpaparty para sa kanya. Expect the headcount na nangyayari talaga na may magconfirm tapos hindi naman makakarating. Pag-usapan niyo na lang of course on what to do para sa left overs.

cutemama

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #243 on: January 27, 2016, 09:37:01 pm »
^^ korek sis.. sana nga nag 100 pax na [textspeak!] din ako para konti lang nasayang...syempre per head ang bayad.. buti sana kung sa bahay lang celebration kahit di sila magsiattend ok lang... kaya natuto na ko, nung 2nd bday ng anak ko 80 lang pinareserve ko para magdagdag na [textspeak!] ng kulang, pero waley pa rin 60 lang umattend..jusko hahah

Sabi nga ng asawa ko, try mo konti lang iinvite madami sisipot hahah parang taxi lang yan kung kelan nagaabang ka walang darating pag di mo kelangan taxi pa mismo hihinto sayo.

Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #244 on: January 28, 2016, 08:35:42 pm »
Ang dami kng tawa sa mga posts nyo sis, talagang nakakaloka yung iba ha to the highest level ang pagiging PG. Samin naman automatic pag may birthday binyag usually sa bahay lang naman handa automatic na dapat may pabalot sa mga relatives. Naalala ko lang nung wedding ng cousin mejo matagal na to, hindi ata nila nabilang ng husto yung mga guests nila, sobrang dami ng tao yung iba wala ng upuan ang nakakahiya pa pati yung lolo ng bride nagaling pang province hindi man lang nila napa allotan ng upuan, para lang silang aligaga.Kasi naman yung mga taga church nila naghila pa ng mga family and neighbors kaya sobrang dami.

Purple_Power

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #245 on: January 28, 2016, 11:55:07 pm »
^Pansin ko ganyan kapag provinces nakasanayan na magsipuntahan sa okasyon tapos maghihila ng marami.

Mama ko nga nahiyang humingi ng mga left over food sa reception nung kinasal yung pinsan ko.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #246 on: January 29, 2016, 01:30:36 am »
Sa province uso yan.Normal kasi ang pabalot sa province, sa lola ko din agad nakahanda na ang pabalot and the day before the event may pakain na sa mga tumulong aside sa pabalot nila, parang "bayad" sa tulong tapos the following day may pakain and pabalot pa uli. Kaya yung ibang mga cousins ko na naka-base na sa Manila ayaw pakasal sa province kasi mas magastos daw and nakaka-stress kasi di sila makakain ng maayos thinking na baka maubusan ng handa ang ibang guests. Pagfiesta may mga strangers din na nakikikain

Yung cousin ko kinasal din and sa place ng guy ang reception, ok naman sana ang nakakabadtrip lang pagnakita ka ng kamag-anak ng groom na sumasandok ng food itatanong kung kaano-ano mo yung kinasal, samantalang yung side nila labas-pasok sa bakuran na ang daming uwing pagkain tapos kami na sa side ng girl itatanong kung kaano-ano namin yun kinasal.

o9kristin

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #247 on: January 29, 2016, 07:16:09 am »
Here's what I'm planning to do on LO's 1st bday. Sana magwork.
- Reserve for 90 pax and invite 90 pax. If konti pumunta, fine. Pag madami, madali na magpadagdag since sa restaurant ang venue.
- Based on experience, meron talaga yung magsasama ng kung sino sino pero meron din naman kasing mga nagcoconfirm pero di naman pupunta so in the end, sakto lang.
- Seen zone sa FB. I'll say "Hey, it looks like you've already seen my message but I got no response so I'm assuming you'll be unable to come? That's sad but dear I'll give the slot to somebody else na lang since limited lang ang number of guests na kayang I accommodate ng venue."
Hello, kayo na ininvite, kayo pa hindi magrereply?
- Mangungulit 3 days before the event para magconfirm kung pupunta ba talaga or hindi.

Marami talaga horror guests pero part na talaga sila ng kahit anong event kaya shrug off na lang.

lovenkisses

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #248 on: February 01, 2016, 07:18:20 am »
^Hay naku, ako rin I had really a big time headache jan sa RSVP na yan. ang hirap pa saken coz we're based overseas thru FB or Whatsapp/Viber lang ako nakakakapag message sa guests ko. and yun nga seen zone lagi! then came our party, hay naku yung mga hindi sumagot they were there and me mga tag along pa. haisst pinoy talaga :(

ayi0119

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #249 on: February 08, 2016, 09:33:39 pm »
Sa province naman namin pag fiesta ang dami talagang nagpupunta sa bahay ng lola ko kahit yun mga hindi kakilala. Uso naman yun dun.

So itong pamilya na to, 5 sila, 2 adults and 3 kids.. naglagay sila ng sobrang daming ulam sa plato.. halo halo na yun ulam na nagoverlap na yun mga sarsa. Hindi pa nga ata sila sumusubo, naglabas na ng plastic. Ibabalot na lang daw nila kasi hindi na maubos..  :o sorry sa term, parang naging pagkaing baboy na yun mga ulam sa plastic kasi nga halo halo na.

Sinabihan ng tita ko, "bakit ganyan ginawa nyo? Kung gusto magtake-out, magsabi na lang kayo kesa ganyan nasasayang yun pagakin." Tahimik lang sila at umalis na din.

Pagpunta ko sa bahay ng tito ko (couple of blocks away), andun naman sila, nag house to house ata.. hahaha


mysterioza_me

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #250 on: February 09, 2016, 05:59:36 am »
^Normal sa province ang naglilibot, pero wala pa ko na-experience na nilalagay ng sama-sama ang ulam sa isang plastic. Sa lola ko may dala talagang bag at plastic ang mga lumilibot, kadalasan di pa namin kilala. Nung buhay pa lolo ko bukod sa ulam pinabibigyan pa niya ng bigas maski 1 o 2 kilo para may kanin daw

ayi0119

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #251 on: February 09, 2016, 07:00:16 am »
^ oo, sanay naman kami sa mga naglilibot talaga. Kaso grabe lang tong pamilya na to kung maghakot, pwede naman magsabi na magpapabalot sila.


In addition, nakakainis yun mga hindi marunong magconfirm kung pupunta o hindi. Ang hirap magset kung ilan ang ipapareserve. Yun binyag ng baby ko, ang daming pumunta.. 50 lang pinareserve ko, 80 ata nagpunta. Buti na lang restaurant yun reception at madali magpadagdag.
Nun birthday naman, 100 pinareserve ko, 80 lang ata nagpunta.. nakakaloka!
« Last Edit: February 09, 2016, 07:03:43 am by ayi0119 »

Purple_Power

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #252 on: February 09, 2016, 08:44:52 am »
^Actually ayos na rin yang 100 tapos 20 ang hindi nagpunta, kahit papaano. Ganyan rin sa akin 80 tapos 60 naman. Mas mahirap naman yung kulang lalo na kapag catering.

kymmiiee

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #253 on: February 11, 2016, 04:37:33 pm »
I just have to share this. Experience ng cousin ko pero hindi siya yung host, pero kung siya daw yung host nun probably she won't invite them again ever. Haha.

My cousin attended a baptism reception sa isang resto so of course per head yun count nun di ba. One their barkadas eh wala pa daw, 4pm yung start nung reception. So akala nila di na dadating. 2 hours lang naman usually ang party sa mga restaurant ang venue, right. Technically 6pm tapos na dapat. Come 6pm na halos lahat tapos na kumaen ang nagaalisan na yung iba, ayun dumating si barkada, talk about being late, and worse she came with 6, 6 freaking people, the barkada's mom, sister, pamangkin and I forgot the others. Total of 7. Late ka na nga may kasama ka pang 6. Haha. Ayun parang naging VIP pa sila kasi nagpadagdag pa tuloy ng food for them na andun na sa table kasi 7 sila eh. Natatawa na lang daw yung cousin ko kasi habang kumakain daw yung mga late comers, yung mga hosts ayun nagbabayaran na ng bill. Buti na lang mabait yung host, hayaan na lang daw. Kung sakin nangyari yun, ewan ko na lang, late na nga may anim pang kasama. Talk about delicadeza. Lol.

Purple_Power

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #254 on: February 11, 2016, 06:57:17 pm »
^Wow lang ha! Eh di sila na mga important. Children's party ba yan na fast food? Hindi talaga pwedeng pa diva dyan or else wala ka nang maaabutan.

kymmiiee

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #255 on: February 12, 2016, 05:06:58 pm »
^ Max's resto pa. So imagine you have to pay for 1 extra table pa for them.

lakwatsa

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #256 on: February 19, 2016, 09:58:55 pm »
Naku sa kin makulit din ako magpa RSVP kasi ewan ko ba pero di marunong magreply talaga mga pinoy. :D

Nun binyag ni baby since buffet kami at prepay yun para makuha yun big group promo, lower than confirmed pax ang binayaran ko kasi katwiran ko malamang may magla last minute na di makakapunta. Kung sakali naman makapunta lahat, magagamit ko naman yun senior citizen discount. Nagwork naman diskarte ko. May mga dumating kasi na di nagconfirm tas meron naman nagconfirm pero no show kaya bawi bawi lang. Sobra lang yata ng 2-3pax pero nagamit ko naman senior na discount para discounted pa rin rates nun mga extra pax na yun.

Nung 1st birthday naman 100pax sa caterer pero almost 200 nainvite ko. Kasi pag di nagreply o seenzone e inassume kong not going na. So next in line na yun ininvite ko. On the day 97 ang dumating then may 3 suppliers ako so nacover naman yun 100pax reservation. Ang sumobra e yun sa kids.

Regarding pasaway na guests, ayun sabi ng caterer may mga adults daw na kumuha ng food sa kids buffet. Haay kaloka gusto tikman lahat! Isa pa e may adults na pumila sa loot bag for kids. At inunahan talaga ang mga bata. Yun isa para daw sa apo nya e nabigyan ko na una pa sa pila. Nun sinabi ko yun sabi nya sa kanya na lang daw. Ay naku nakipaghilahan pa sa loot bag kasi sabi ko for kids lang at baka magkulang e ang haba pa ng nakapilang kids. Yun isa naman dumoble kasi ganun din para daw sa apo nya. Nauna pa sya pumila kesa sa apo nya.

May guests din na nag gift pero malapit na maexpire yun binigay. Meron din recycle gift ang binigay kasi andun pa yun original gift tag na naka address sa anak nya. Meron din dami nila sa pamilya pero wala man lang binigay na gift. Meron din mga nakalimutan daw ang gift so ipapadala na lang.

Siguro macoconsider ko pinakaworst guest yun nagconfirm pero no show naman on the day tapos wala man lang pasabi kahit super last minute or even after ng event di man lang nagsorry sa hindi pagpunta. Sobrang horror yung ganung guests. :D

Purple_Power

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #257 on: February 20, 2016, 09:29:00 am »
^Maswerte ka pa rin sa RSVP kasi kung may kulang man sa guests mo eh kakaunti lang sila compared naman sa mga namention namin na 20 pax ang no show siempre sayang pa rin pero ang kinaganda lang nun is nauwi naman left overs at nakain pa the next days.

Yung sa kiddie meal naman namin plated yun kaya walang adult na magtatangkang kumuha  ;D buti na lang hindi ko pina buffet yung sa kids. Ang ganda pa ng presentation yung sa kids namin ang social tingnan.

Buti na lang walang nag inarteng adult regarding sa lootbag. Yung waiter ng catering humingi pero ayos lang kasi may sumobra naman. Ako pa nga nagbigay sa Tita ko para sa apo niya. Yan ang isang bagay kung bakit ayokong magpaparty ako rito sa bahay eh! tapos kung sino sino na lang iimbitahin. Dahil sa ganyan baka mamaya maubusan akong lootbag.

lakwatsa

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #258 on: February 20, 2016, 10:31:58 am »
Yes sis kasi inisa isa ko talaga PM yun mga priority guests. A few days before nga lampas 100 nagconfirm. Napaisip pa ko kung magpapa add sa caterer kasi 10% buffer lang sila di ba. Buti na lang i followed my instincts pa rin ayun 1 day before e saktong 100 na lang confirmed hehe.

Saka pala ang ginawa ko may teaser pics ako na pinopost sa event page para lalo maexcite at maremind na rin yun mga invited :D

Purple_Power

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #259 on: February 20, 2016, 02:11:46 pm »
^Sa akin nga kahit iniisa isa ko na lahat meron pa rin mga seen zone :( tapos yung mga nagconfirm no show pa.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close