watch now

Author Topic: Horror Guests  (Read 91218 times)

lonelymiss28

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #180 on: September 21, 2013, 04:07:52 am »
i will never ever go to her place again or ever find ways to see her. sobra syang yabang, sobrang compare.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #181 on: September 24, 2013, 10:44:58 am »
^ baka naman in reality sis, insecure sya sayo kaya mega compare sya ng bahay mo at bahay nya.

lonelymiss28

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #182 on: September 24, 2013, 11:31:27 pm »
i dunno pero kinukumpara nya sarili nya sa lahat ng pilipino kung gaano sya ka-swerte sa buhay.

summersong

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #183 on: September 25, 2013, 03:28:51 am »
^ di ko alam kung maiinis o matatawa o maaawa ako sa asal ng guest mo, sis. it's probably a safe bet she doesn't have many real friends? :P ang hirap mamuhay ng ganun, kinokompetensya niya ang lahat ng Pinoy. 100 million ang dapat nyang sapawan. pano kung naging kapitbahay nya si napoles? lol

« Last Edit: September 25, 2013, 03:30:25 am by summersong »

lonelymiss28

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #184 on: September 25, 2013, 07:44:48 am »
i dunno pero lahat ikukumpara nya ultimo toyo huh! we went nga to the kitchen then nakita nya toyo namin then sabi nya ay ano gamit mong toyo..hello obvious bang silver swan yang gamit ko as if naman di panya alam....then sabi ko nga silver swan from pinas (syempre proud ako), then sabi nya "ah gamit ko kasi kikkoman, pero mas mahal yun kesa silver swan" toink!

Nhetskii

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #185 on: September 25, 2013, 08:50:22 am »
^ grabe naman yang guest mo sis... Sana binabad mo sya sa silver swan... hahaha! nakakaloka! para tuloy nakaka curious... ano ba itsura nyan?!

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #186 on: September 25, 2013, 09:59:11 am »
@lonelymiss28, kaloka naman yang friend mo. Pati ba naman toyo may comparison... ano bang satisfaction nya dun? At kamusta naman kelangan talaga i-mega flaunt na mas maswerte sya compared to other pinoys... grabe ha, social climbing at its highest peak!!!

EllaBratin

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #187 on: September 25, 2013, 11:29:22 am »
Nung 1st birthday ng pamangkin ko, habang lahat e nag-aabang at hinihintay kung anung gagawin niya sa cake niya, merong isang epal na bisita ang bigla na lang dumutdot ng icing using her finger at isinubo sa pamangkin ko  :o Sira ang moment! Yun pa naman ang pinakahihintay ng dad niya kasi nung 1st birthday daw niya inihilamos niya sa mukha niya ang cake kaya expected niya, ganun din ang gagawin ng anak niya. Kaso, umepal nga si horror guest, ginaya tuloy ng pamangkin ko, dutdot using his finger then subo  ::)

OT: Yung nangungupahan sa amin, mega invite nung birthday ng anak niya, pinuntahan pa talaga ako sa bahay namin tapos yung handa e spagetti na kinulayan lang ata ng ketsup. Naappreciate ko na sana ang kabaitan niya kaso nung humingi ng cake ang anak ko, ang sabi e para daw sa guest lang yun!  :o Maryosep, ano kami, gate crasher!?

Yung tita ko naman, nag 60th birthday, kuntodo picture sa mga handa including yung letchon. After picture taking, binalot na ulit ng foil si letchon, hindi na inihain...  ;D

vainwriter

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #188 on: September 25, 2013, 11:28:48 pm »
grabeeeh panalo ang toyo! siya siguro may toyo :D

rhed

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #189 on: September 27, 2013, 10:59:19 am »
lonelymiss28 - sarap ibabad nga sa toyo yung "friend na dapat unfriend mo na"

dapat yung horror guests na ka blacklisted na sa mga lists natin haha :) nakakahighblood talaga e

Purple_Power

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #190 on: September 27, 2013, 06:23:34 pm »
Yung tita ko naman, nag 60th birthday, kuntodo picture sa mga handa including yung letchon. After picture taking, binalot na ulit ng foil si letchon, hindi na inihain...  ;D

Meron akong naging neighbor na ganyan, pinagmalaki lang yung lechon sa handaan tapos hindi naman raw pinakain.  :o grabe napanis raw after ilang days. Pero actually siya rin yung tinutukoy ko na horror guest during my debut. Kaya kapag ako na ang mag oorganize ng party I don't really like to invite her and I don't want to see her face.


 ;D Kababasa ko rito ang dami kong natutunan seems pala na kapag nag organize ako ng party for our own magseset na ako rules rito and I would really anticipate of having horror guests. Lalo na kapag children's party then I think hindi dapat display ang cake o kung pwede lagyan talaga ito ng bakuran para naman iwas dutdutin ng fingers.

Maging strict pa lalo sa reservation seats kahit children's party ito at hindi kasal kasi expect it they bring bunches of Yaya. Pero kung ganyan ask the family if magdadala ng Yaya at sabihin niyo para mapa reserve rin ng seat. Itanong niyo na rin kung ilan mahirap na yung 3 bata tapos 3 rin pala Yaya. Grabe ha!  :o

abbmg15

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #191 on: August 15, 2014, 09:08:46 pm »
ngayon ko lang nabasa mga comments pero grabe ang mga horror stories dito... share ko lang...

nung first time na mag abroad yung husband ko (di pa kami magkakilala noon, nakwento niya lang saken hehe)  pag uwi sinabihan siya ng tita niya na magpahanda daw sila para sa mga kapit bahay, si tita daw bahala at mag organize. aba naman pagdating na nung araw eh yung husband ko pa nag asikaso ng pamalengke, pagluluto at pati nagastos, yun pala ioorganize lang ang mga kukumbidahin. grabe.... porket ofw dami na kagad uwing pera???

docs

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #192 on: August 21, 2014, 01:22:04 pm »
may pamangkin ang tatay ko kapag may handaan sa bahay kahit hindi naman kami nagpasabi or invite malakas ang radar at pumupunta sa bahay. most of kamag-anak ng tatay ko ganon. then may dalang sariling plastic na paglalagyan ng food. sa ilalim ng mesa nila ginagawa akala naman nila hindi sila mapapansin.

sa relatives naman ni husband noong wedding namin inuwi lahat ng tirang food from the caterer kahit wala pa akong nakakain. hindi man nagiwan kahit isa. siyempre busy ko sa photo taking at program kasi kasal ko nga. bottled water lang ang natikman ko saka wedding cake noong nagpicture kami na nagslice ng cake. ending after ng wedding gutom na gutom ako. naghanap ako ng sari-sari store sa resort venue at bumili ng cup noodles para may makain ako after ng wedding ko. :(

margauxkhloe

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #193 on: August 21, 2014, 02:17:58 pm »
May napanskin akong ganito. Every time na magpaparty sa Fastfood (eg. Jollibee, Mcdo) Syempre yung crew magbibigay ng pagkain sa table. They will ask ilan nakaupo sa table na yun. Tas yung ibang kamag anak sasabihin may isa pang nakaupo kahit wala para lang bigyan ng extra na food. Diba? KKLK!

imeego

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #194 on: August 21, 2014, 03:47:50 pm »
my daughter's party was last june lang, so medyo fresh pa..kainis lang ibang guests na pag tinanong kung makaka-attend ba yung kids/apo nila sasabihin hindi daw so ako naman tinanggal ko na sa list at pinalitan ng iba...tapos nung mismong party na present din pala..medyo namrobema lang ako nung event na kasi andaming kids na nadagdag sa list worried ako na kulangin ang lootbags (although may buffer din naman ako na naprepare just in case)..may isa pa binitbit pa kapitbahay nya plus the kid, akala ata open sa lahat yung party..yung isa namang helper ni MIL, nung bigayan na ng lootbag aba humihingi pa para daw sa kid nya na nasa probinsya :o imagine naman stressed na nga ako at nagpasabi na sa kanila na uunahin ko muna yung mga invited guests na mabigyan ng lootbags before yung mga kids na wala naman sa list tapos isisingit yung anak nya na wala naman sa mismong party, kaloka lang walang konsiderasyon..kakahiya namang yung invited pa walang makuha di ba..and last but not the least ;D, yung iba nagpapadagdag pa ng lootbag para daw kay ganito ganyan  ::)

prehtsel14

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #195 on: August 27, 2014, 03:04:48 pm »
Sa akin ang pinaka ayaw ko is mag co confirm na pupunta tapos hindi naman pala pupunta. Yung pinasan ko nag confirm na pupunta sila and nag pa reserve for 15 people tapos ni isa doon sa 15 wala dumating sayang din yun kasi P500/pax x 15 = 7,500 din yun.

ganito rin yung nagpasama ng loob ko ng kasal namin ni hubby. one table yung nilaan namin sa mga high school bestfriends nya. yun 2 out of 10 lang ang dumating. after nung wedding namin, in-unfriend ko sa FB lahat ng classmates nya. ngayong mag 1st birthday anak namin, sabi ko sa kanya, wag nyang subukang mag-invite kahit kanino sa mga high school friends nya. tuwing naaalala ko yun, nakakasama ng loob.

pero blessings in disguise na rin, na yung lola ni hubby at yung tita ko, nagbitbit ng di namin kakilala, so na-offset yung mga di dumating ng kasal. pero I have no plans to invite na rin yung mga nagdala ng extra guests, hello!!! party nyo?! :o

Mlabable

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #196 on: August 28, 2014, 05:40:44 am »
Dito rin ako naiinis yung mag-coconfirm na pupunta pero hindi naman. Kainis lang, nag-reserved ka ng seats para sa kanila. Ano ba naman before nung actual date e magtext or inform kami na di sila makakapunta. Ang hirap kasi mag-eexpect ka na dadating sila tas hindi naman, and dami ng rason bigla.

Kaya never ko na sila invite sa kahit anong party. Wala akong paki kung sumama loob nila.

ellipsis

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #197 on: August 28, 2014, 09:53:04 am »
nakaka-aliw na nakaka-inis at napapatango ako sa pagbabackread ng thread na ito. = )

hindi kasing horror ng ibang stories, pero for me, horror guests din yung inimbitahan mo, then hindi dadating. at hindi pa yun nagconfirm in the first place, so iniisip mo naman "baka" pumunta. pero hindi magtetext kahit hours before the party. sayang at ilang table ang walang laman, sayang binudget sa kanila, pang photobooth na sana yun at isa pang food booth sana.

fulltimeworkingmom

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #198 on: September 08, 2014, 04:26:25 pm »
my eldest 1st bday. super horror guest ang uncle ni hubby. he arrived na nakainom at lasing na. tinatakot guests namin with his balisong. i wasn't aware coz I was busy watching the clowns, and buong party kala ko hubby was busy with other guests, yun pala, busy pacifying the uncle. Kaya pala un buong angkan niya went home early kase nga nabuwiset na kay uncle. Nalaman ko lang when our college friends arrived, and kwento nila encounter with uncle. Ultimate sentiment ni hubby, he paid a lot for the clown he didn't watch (official clowns) and he wasn't aware daw may isa pa pala siya nahire na clown (uncle). AFter nun, all our kids parties, bdays and baptism, restaurants na. house lang kase naman un ginawa so not so organized.

mslcgrey

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #199 on: September 08, 2014, 08:24:11 pm »
I'm glad it is not my party kung hindi mababad trip talaga ako but hubby and i paid for most of the expenses of my father in-law's bday party just last August. It is supposed to be for our  Christian wedding reception but di natuloy for reasons explained on other threads. Since may downpayment na sa cafe restaurant para di masayang, sabi namin dun na lang gawin ang bday celebration ni father in-law.
Sit down lunch with 4 courses and since Dutch si chef, siyempre hindi typical Filipino foods ang mga dishes but all ingredients are familiar kasi sourced naman dito.
Well, eto na may umattend na nakasando na white, shorts, and tsinelas. As in parang inuman sa kanto ang pupuntahan. Marami din ang nakapants and t-shirt but tsinelas lang. A lot of people halos di kinain yung food. Though in all fairness naman to them, they are not really used to that type of dining.
I have heard comments na hindi daw sila kambing so hindi sila kakain ng dahon dahon referring to the fresh garden salad served with the main dish. Ang pangit din daw ng mga breads kasi these breads are not the typical tasty or monay but mga gourmet breads.
Actually, natawa na lang kami ni hubby and tried to understand them. Well, mga sisters naman ni hubby ang pinaasikaso namin sa menu and guest lists so if hindi nag-enjoy ang mga guests nila hindi na namin problem yun. Pwede naman kasi nila kausapin si chef regarding sa menu but parang hinayaan lang nila si chef.
Buti na lang may lechon na additional na binili ang sis ni hubby so iyon na-appreciate nila.
But, this got me thinking not to hold our Christian wedding there anymore. Some of the bisita eh mga relatives ni hubby na pinagpilitan nilang ipa-invite sa amin before nung hindi pa cancelled yung wedding plans namin.
« Last Edit: September 10, 2014, 01:49:46 am by mslcgrey »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close