watch now

Author Topic: Horror Guests  (Read 91237 times)

kreez

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #160 on: September 02, 2013, 11:00:19 pm »
^nako sis ganyan din nangyari sa amin nung 1st bday ng baby ko... ang nagconfirm mahigit 50 kids tapos ang umattend na kids wala pang 15 tapos ang adults 160 nagconfirm mahigit half lang ang dumating... minsan yung mga guests hindi nag iisip imagine nun bday ng baby ko almost P600/head tapos hindi sila sisipot haaay... sana naman mag improve ngayon 4th bday ni baby

veecoust

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #161 on: September 05, 2013, 04:59:50 pm »
Naku ako din mga sis,horror guests!

Nung first birthday ng anak ko last year, yung cupcakes sa cupcake  tower,wala pang 3 minutes naglahong parang bula!
Sa bahay lang kasi ginanap, aba nung palaro na para sa kids yung ibang bata hindi na namin kilala!naloka talaga ako. nalaman lang namin na kasama ng isang kamag anak
Yung mga decorations, like balloon pops aba nakapangalan na sa kanila simula pa lang ng party!wala daw kukuha!
Meron pang matandang kapitbahay, hindi naman invited,siya yung unang una dumating!badtrip talaga ako
Yung balot sanay na ako sa mga kamag anak na mahilig magbalot huwag lang yung food nila for the next three days iasa sa handa namin.

TowBerryBlue

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #162 on: September 06, 2013, 12:13:49 am »
my son's 1st birthday party. naku po! apaka dami...

- yung daughter ng cousin ng ex ko. ehem! punta agad sa table ng prices at humihingi ng toys. nasaway naman nung una. nung binibigyan na ng favor, aba! namimili pa!

- yung cousin ng ex ko, kasama pati gf nya. ehem!

- yung mega reklamo sa food tapos nag order ng wala sa menu namin. kaasar!


Purple_Power

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #163 on: September 06, 2013, 11:59:48 am »
^Ang kapal naman!  >:( Nag order ng wala sa menu? Saan bang resto yan?

Nhetskii

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #164 on: September 06, 2013, 02:36:12 pm »
hayy... akala ko sa amin lang may ganyan...

nung bday ng mom ko 50th bday nya, ginawa namin sa multi purpose hall ng barangay since doon nag work ang tita ko which is my mom's 2nd cousin. ewan ko ba but until now di pa rin kami nasanay sa mga kamag anak ng mommy ko... pero talagang every event maloloka ka!...  etong tita ko, nagulat na lang kami nang biglang pinapunta lahat ng tao sa barangay hall ... barangay tanod, clerical staff ... as in lahat nang nakita na nag wo-work sa barangay that time... nagpapalakas yata at ginawang handa nya ang handa ng mommy ko!

bday naman ng brother ko pero simpleng kainan lang sa bahay... some of my brother's closest friends ang ininvite .... then nung nakaalis na, tsaka kami nagtawag sa kapitbahay/kamag anak...  yung tita ko... cousin ng mom ko (kapatid nung nag work sa bgy  --wahh! talaga run in their family) pinapunta ba naman sa bahay namin lahat ng tao sa bahay nila, pati bf ng anak nya plus take home para sa ibang anak nya na wala pa sa bahay at ang pinakamalupit!!! --- yung mga kainuman ng anak nya na nakatambay sa labas ng bahay pinapunta sa bahay namin at pinakain. Nagulat pa kami kasi yung isa kamukha nung isang pinsan namin... kaya tinapik pa ng brother ko nung kumukuha ng food tapos pag harap sabay sabay kaming nagulat at takang taka kung sino yun... tsaka namin nalaman na barkada nga nung anak ng tita namin! sobrang kapal!

The same clan -- mom's tita naman -- which is the nanay of my tita's na nabanggit ko - debut ko non... aba nag invite ba naman ng kandidato at worst pinag speech pa during the party! galit na galit mommy ko... buti nga talo!!

hayy dami pang nangyari everytime may kainan... sila ang palaging sobrang kain to death na eh may take out pa...   HAYYST!

rhed

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #165 on: September 16, 2013, 10:13:10 pm »
My neice's sons bday party yesterday.

Ok sana ang lahat except for the relatives and the lola and the batugan dad of my neice. (Mothers side nya kami) these people todo hakot. Hindi man lang nahihiya wala tinira for the other guests ni-ransack ang sweets table pati yung props na colored plastic goblets kinuha. And worst, inipit pa nila ang 5 yrs old nephew ni hubby sa table. Alam ng mga yun na kami ni hubby gumastos for the whole party. Buti na lang mabait talaga si hubby at hindi kumibo. Pero kung nalaman ko lang during the party yun, sinugod ko na yun.

cloudzy_09

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #166 on: September 16, 2013, 10:18:52 pm »
What do you mean inipit as in sinasadya?

rhed

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #167 on: September 17, 2013, 04:25:59 pm »
inipit sis kasi nakita naman nila may mga kids sa sweets table, siniksik pa nila. tapos he complained na "masakit na po" then hubby heard him and pulled him out. :-[

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #168 on: September 18, 2013, 03:51:05 pm »
^ grabe naman yung horror guests nyo sis. pati bata walang patawad. Syempre bata yun at dapat pinagbigyan na yung bata. napaka PG naman ng guest nyo.

cloudzy_09

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #169 on: September 18, 2013, 05:12:42 pm »
OA naman sa PG nga

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #170 on: September 18, 2013, 06:19:12 pm »
ok nga dito abroad.. ang mga kiddie parties, ihahatid lang at susunduin ng parents sa party venue.. kaya kids lang talaga ang nasa party.. :) cool! :)

Dapat naman talaga ganon sis lalo na kung mejo malaki na yung bata. Kase pag kasama pa parents plus yaya, 4 heads na kagad yon. Kawawa naman yung nagpa-party. Except na lang kung family friend yon na invited talaga ang parents. Otherwise, kung classmate lang, dapat hinahatid lang talaga yung kids diba as consideration naman. Yung iba kase walang kasing garapal talaga ang mga face.

lonelymiss28

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #171 on: September 18, 2013, 07:01:00 pm »
saka sa abroad advantage din ng magulang na di sila kasama sa party kasi time-off din nila yun from their kids.

hunny_ally

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #172 on: September 18, 2013, 07:33:11 pm »
I have 3 kids and 2 yayas. Puro maliliit so hindi talaga maiiwasan magdala. Usually if party ng mga playmates ng kids ko and I'm not close to the parents, my husband and I don't attend. We drop off my kids with the yayas. If friends namin ang parents, depende sa attitude ng hosts, I sometimes make the yayas eat before going to the party. If i know na its a no issue with them na may bitbit yayas, I let them eat at the party. But I've encountered talaga some who are "garapal". Like kuwento of my yaya, there was one playmate in a party they attended, 1 kid kasama si mommy, si yaya, si all-around maid plus the yaya of their doggie.  :o

khriseeee

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #173 on: September 18, 2013, 09:38:47 pm »
I only bring my yaya along if:

1. My hubby can't go
2. If the host says its ok for us to bring our yaya

Otherwise, if hubby can go, we don't bring the yaya anymore and just look after our daughter ourselves.

stormy

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #174 on: September 18, 2013, 09:54:12 pm »
@lonelymiSs, haha ganyan na ganyan pakiramdam ko everytime may pupuntahan party ang anak ko.

Wala kaming yaya at maid sa bahay pero may hina-hire ako na yaya pag may party na pupuntahan ang daughter ko. Kaya pag magreply ako sa invitation nilalagay ko na + 1 adult companion. Sa party ng classmates lang yun ganito.

Pag friends namin e umaattend anak ko kasama either mister ko or ako.

Pag malaki venue, hindi ko pinapansin mga may dalang sabit. Pero pag small venue e nakakakaba na baka kung sino pa yun totoong imbitado e sya pang wala mapwestuhan.

Sa 2nd bday ng anak ko kasi e may nagpaalam na isasama nya BIL and sis nya kasi galing raw abroad d nya pwede iwanan kasi bisita nila. Ang hirap sumagot pag ganyan btw, yang sabit na bisita ang nanalo sa raffle cp ang prize. Sabagay yun nagregalo ng isang pirasong lapis nga sa anak ko 2 yrs ago e nanalo naman ng GC. Swerte ang horror guests sa party namin.

 

lonelymiss28

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #175 on: September 18, 2013, 09:54:36 pm »
ito naman hindi party pero horror guest pa rin in a way. she told me she wants to go see where i live, so one day i picked her up sa bahay nya and dinala ko sa namin ko. pagpasok ng kotse ko sa garahe sabi nya isang kotse lang kaysa sa garahe nyo? sa akin kasi 2 kotse pwede sa loob kasi ayaw namin iiwanan sa labas yung kotse dapat sa garahe saka garahe namin may heater. then pagpasok namin sa bahay, lahat ng part ng bahay namin kinukumpara sa bahay nya. then i ask her if she wants to eat spaghetti dahil yun lang meron ako. sbai nya what wala kang pagkain sa ref mo, samantralang sa bahay ang daming pagkain so anytime gusto mo kumain meron ka makakain. then wala pang 10 mins gusto na daw nya umuwi and tatawagan na lang daw nya ako pag gusto nya mag-grocery para ako na daw mag-drive sa kanya. i was like WTH! anyway, that was the last time i saw her, she would call me that she wants to see me and miss na nya ako, i just keep quiet and would tell her na i'm busy and have to go.

vainwriter

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #176 on: September 18, 2013, 10:28:38 pm »
^wow what a user (non-) friend sis. iwasan mo na talaga yan napakanega.
may kilala din akong ganyan mapintas and pakialamero/ra sa diskarte namin ni hubby sa bahay. kairita.

cloudzy_09

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #177 on: September 19, 2013, 11:24:04 am »
Usually talaga pag kids party may mga yaya kaya pag birthday ng anak ko expected ko na may kasama yaya yung mga iba pero ok lang sa akin pero syempre huwag naman OA na buong help nila dalhin nila.

Purple_Power

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #178 on: September 20, 2013, 02:08:43 pm »
lonelymiss28 sino ba yang horror guest na yan at ang kapal naman ng mukha niya?  ;D Dapat pinipili niya yung mga tao na kung kanino lang siya pwede magcomment ng ganyan hindi yung basta basta.

funky f

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #179 on: September 20, 2013, 04:49:42 pm »
@lonelymiss, ayoko ng ganyang klaseng "friend..."  same as you, i won't hesitate to "un-friend" her...di mo alam ano agenda nya bakit sya super compare.  o sige, ikaw na ang mayaman at bongga...haha!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close