watch now

Author Topic: Horror Guests  (Read 91071 times)

vainwriter

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #140 on: March 11, 2013, 10:04:53 pm »
on a related story, may naghire sa amin ng sushi bar service and katabi namin ang lechon station dun sa wedding. may isang oldie na guest na lumapit sa lechon station at humakot ng balat. then binulungan nya ang lechon staff na ibalot ang buto for her, ipapaksiw siguro :D

SnowBall

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #141 on: March 12, 2013, 01:57:53 pm »
Ingat din sa mga waiters mga sis, from experience, sila din mismo nagbabalot ng pagkain tapos ilalagay agad nila sa ilalim ng table.

di bale sana kung konti lang, yung nahuli namin, ang dami, LOL.

dada08

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #142 on: March 13, 2013, 10:16:34 am »
share ko lang experience dati nung sister ko sa jollibee.
since yung crew hindi ganun ka strict, yung mga parents pang adult food ang kinuha for their chikitings :(

sad kasi nagkulang ang para sa adults :(

break_free

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #143 on: March 16, 2013, 12:36:00 pm »
Grabe mga sis! Nakak page 1 - 3 pa lang ako hindi ko kinaya mga horror stories!


Wala pa naman ako na encounter na ganyan, kung meron man di siguro ganun ka-PG para maalala ko. Pero dami ko din natutunan here like kelangan strict ka talaga at huwag mahihiyang mag say no at maging upfront or else ikaw din mahihirapan sa huli.


Ang wish ko ay sana may mabasa ako na napagsabihan or napahiya nila yung mga 'garapal' na guests!


Hay mga sis wag niyo ulit hayaan mangyari kasi ako nga na taga read lang eh nasstress na ng bongga how much more pa kung kayo na mismo nasa eksena.  :'(

mistiqshannen

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #144 on: March 26, 2013, 11:49:19 am »
chikka101 di ako makaget over sa lechon mo haha..
padalhan mo kaya sya uli nun litson? yun me lason na... super talaga sya ha.
maiintindihan mo pa na yun tira uuwi nya ipapabalot pero di pa man nahihiwal ata pinabalot na.
Tsaka dapat pinagalitan nyo yun waiter pinabayad nyo sa kanila yun lechon.. kalurkey sya!

slickchick

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #145 on: March 26, 2013, 12:49:19 pm »
while reading this thread, naalala ko bigla yung mga horror guests tuwing birthday ng anak ko. unfortunately, some of them are relatives from my father's side. and now my son will be celebrating his 7th birthday, hindi ko maalis sa isip ko na parang ayaw ko sila imbitahin, kaya lang baka magtampo naman yung father ko. nilagyan ko na ng RSVP and "___ adults and ___ kids seats are reserved for you" yung invitation. sana naman sundin nila yung allowed # of guests. ang hirap kasi sa mga kamag-anak na yun eh feeling nila, may right sila magdala ng buong barangay nila sa birthday ng bata. i remember my son's 5th birthday sa shakey's. kinapos kami ng food because that set of relatives brought some kids and adults from their nearby neighbor. buti na lang madaling maghabol ng additional orders sa shakeys during that time. ayaw kong magjudge ng tao because of their social status, pero sana naman hindi gawin excuse ang kahirapan sa buhay para maging garapal. hay... nakakainis...  :-\

ronelie

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #146 on: March 26, 2013, 02:16:53 pm »
Horror Guests madami yan nung wedding ko, yung uncle ng hubby ko [textspeak!] nya ang pinakain daw namin sa kanila damo samantalang ceasar salad yun, tapos yung isa pa ng guest gusto pa mauna uminom ng wine namin bago kami magtoast, kalerki talaga!

isha21

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #147 on: May 27, 2013, 10:35:07 am »
first story - nung pumasa ako for the licensure exam,so nagprepare yung parents ko ng celebration for me sa house lang naman. nagimbita sila ng neighbors,friends and relatives. May kapit bahay kami na nagimbita ng sister in law nya at take note pati kapit bahay ng sister ni law nya. so nung umiikot ako para makipagusap sa mga dumating,i noticed a family na nasa buffet table at dun umupo sa tapat ng lechon,hinanap ko agad mother ko para tanungin kung sino yung nasa table,nakakagulat dun ay hindi nya daw kilala,tapos sige tuklap sya ng balat ng lechon, gusto ko sanang natunungin kung sino ba sya at bakit sya umupo dun?
kaso sabi ni mother hayaan ko na lang daw,after they left nakita ko yung lechon na mukhang binalatan lang yung part kung san sila nakaupo!
since then nagsabi na ako sa mother ko na hinding hindi na kami maghahanda sa bahay namin, kasi yung iba naming kapit bahay nagdadala ng bisita na parang sila ang nagprepare ng party.

story 2 - sa wedding ko naman eto. i reserve 10 people na iimbitahan ng mother ko na kapit bahay namin, mostly couples. may isang couples dun na sosyal daw kasi sila parang ganun ang peg.
nagbigay ba naman ng tip sa waiter para dalhan sila ng lechon sa table, at pinagmalaki pa nila sa akin dahil ganun daw talaga ka galante ang asawa nya, ang nakakainis lang dun eh yung lechon ay hindi naman naubos sa table nila tpos pati yung wine sa wine toasting ay isang bottle talaga ang kinuha. ginawa pang inuman yung wedding ko. nakakatawa pa dun when i check their gift for us ay  4'' na orasan na may shells. eh aanhin ba naman namin yung ganun kaliit na orasan? tapos sabi ni hubby malas daw ang shells sa loob ng bahay. kaya tinago na lang namin,naisip nga namin irecycle kaso nakakahiya din ibigay sa ibang tao.


cosm!c_ch!c

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #148 on: May 29, 2013, 10:58:52 am »
my daughter will be celebrating her 7th birthday next year. sa totoo lang, i dont want to invite some of my hub's relatives kasi naman imbyerna nung baptism ng bunso ko. may mga dumadating pang bisita, tinake-out na mga handa. nalaman ko pa nag-tip pa pala sa waiter para i-take out sa kanya lahat. feeling sila may pa-party. parang walang manners. pati waiter, hindi porket binigyan sila ng tip, ipapamigay na nila mga handa. wala naman kaso sakin mag-take out mga bisita, pero sana naghintay muna sila matapos ang party at hindi garapal na uubusin lahat.  >:(

i really donbt want to invite them on our next party kaya [textspeak!] parang bka mabwisit naman si MIL. my hub understands pero si MIL, i dont think so.

virgogirl98

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #149 on: May 31, 2013, 02:16:09 pm »
one time me guest kami, actually hindi nga guest dahil sabit lang sya sa family ng pinsan ko eh! 60th bday kasi ng mother ko and inivite namin yung pinsan ko and his whole family. nagulat kami, although isa lang naman yun, eh yun nga me bitbit silang di namin kilala na tomboy ang dating. relative daw ng wife ng pinsan ko. so ok, ang nakakainis lang feeling nya nasa bahay nya sya! aba naman kasi nagtaas ng paa at pinatong sa sofa namin! then nag-cross legs habang nakaupo! feeling nya talaga nasa sarili nya syang bahay! tas ang bwakaw pa sa mike sya lang lagi nakapag-videoke to think ang daming gustong kumanta. at eto pa, pabalik balik sa food table at panay kuha ng dessert, sabi ko nga ilang araw ba hindi kumain yan? kakaasar lang, kapal ng mukha talaga! sabi nga ng nanay ko next time wag na daw invite yung pinsan ko at baka dalhin na naman yung horror guest nya!

mhy_pie03

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #150 on: May 31, 2013, 03:28:46 pm »
Mga kapitbahay talaga horror guest. Noong debut ko sa isang clubhouse ako nagcelebrate. Inimbitahan namin yung isang kapitbahay namin kasama isang anak niya kahit naiinis kami sa paguugali nila. Aba pagdating one big happy family na sila. Yung nanay, kapatid, asawa ng kapatid at pamangkin nila. Heller ang dami ko ring friends noh. Wala nga ako masyadong relatives kasi malalayo panggagalingan nila. Tapos itong magaling na tatay ko ininvite rin yung mga kumpa-kumapari na hindi man lang ako sinabihan. Ang ending, akong may bday ni hindi ako nakakain maski isang hibla ng pasta!

FOURever

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #151 on: May 31, 2013, 07:54:31 pm »
Nalulungkot ako sa mga stories dito pero nakakarelate ako. Meron kasi kaming kamag anak talaga na lahat sila makapaghakot ng food. Di talaga magpabalot eh, maghakot yung term. Kadalasan sa handaan namin, kami kami lang magkakamag anak sa father side. Pero kulang sa amin ang 10kilo na baboy, di pa kasama manok, at sahog.. Yung mga asawa ng mga kapatid ng dad ko madalas nagluluto pag may handaan eh, bale yung relative namin na makahakot, aunt lang at pinsan nina daddy. GrAbe di pa nagsstart mag kainan, kalahati na lang yung food kasi hinahakot talaga yung food, tapos iba pa yung kukunin nilang food na nilagay sa table at yung mga patago or pabalot. Grabe! Mula bata ako ganito na. Kaya kapag may something sakin, pag sinasabi nila maghanda ako, humihindi ako. After nga ng handaan, lagi napag uusapan, parang pang isang linggong ulam na nila mga hinahakot nila. Pero masama pa, pag sila naghahanda, di nila kami iniinvite kahit lola ko na matanda na. Patago pa ginagawa. Minsan, iimbitahin kami pero sobrang layo nung venue, parang kami, di na lang. Kung bday, regaluhan na lang pag uwi sa compound namin, buti nga di pa sila nasisiraan ng tiyan kasi for sure  tatagal food sa kanila eh.

Medyo offensive pa palang ginawa nila, naghakot sila nung pasko then yung hinakot nila ang pinakain sa mga bisita nila! Then minsan, pag nag aalok sila ng food nila sa amin or sa mga katulong at boy namin, pasira na yung food or panis na talaga. Whatdapak lang talaga! Horror guests sila pag naimbitahan talaga o napasama sa handaan!
« Last Edit: May 31, 2013, 07:56:04 pm by FOURever »

bella_cor

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #152 on: June 27, 2013, 03:25:20 am »
my son's first birthday last year ended with a scandalous fight between a friend and his drunk ex girlfriend. as in nagsisigaw si ate sa compound cursing him. this year, she asked pa if may party uli sa house. bad shot na sya sa hubby ko. and we won't throw a party na, if my son will ask for a party nalang. =)

stormy

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #153 on: June 27, 2013, 08:10:37 am »
My gas nagtanong pa :(

Sa pag-iimbita pa lang may pasaway na :( sabi sa akin "ok what time nga ulit? I will bring my nieces".

Papalapit na party tsaka naman ang daming bastos na naeencounter.

hunny_ally

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #154 on: June 27, 2013, 04:45:15 pm »
usually when my kids get invited by their playmates, my husband and I dont attend anymore. Lalo na if we dont really know the parents of the celebrant. Kasi naman with 3 kids plus 2 yayas, if sasama pa kami barangay level na. what we do is we would drop them off at the party, say hi to the parents then wait for them nearby. In the recent party they attended, I noticed a family who came with the dad, mom, lola, kid's yaya, dog's yaya and all-around help plus the 1 kid who was invited. Ako ang nahihiya for them.

Purple_Power

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #155 on: August 20, 2013, 12:29:48 am »
Sa mga pamangkin ko wala pa akong na encounter na horror guests. Although ito nung debut ko grabe lang talaga itong kumare ng Tatay ko. Dati namin silang neighbors eh! Though sige andun na ako may participation siya sa debut ko since siya nag cater pero ang laki pa ring kabastusan ginawa niya. She informed my mom that her daughter is complaining that the theme of my part is like children's party. Well kasi hindi ko talagang ginawang traditional debut kundi may games talaga. I mean that kumare was so insensitive and have the guts to inform my mom about it. Wala talagang respeto sa amin yang babaeng yan eh! kaya nga kapag ako nagpamilya balang araw kapag nagkaroon na kami ng celebration I will never invite her! kahit na matanda na siya.

Horror guests talaga for me yung horrible mag left over worst case kinuha niya yung food from buffet pero hindi man lang niya kinain ni kahit isang kagat. I remember sa wedding anniversary ng Tita ko I even ask the waiter kung meron pa nung Tiramisu. Unfortunately wala na tapos makita ko sa isang table yung isang guest never niyang kinain. I mean anong mangyayari run? maliligpit lang tapos matatapon lang yung food mismo. Buti na lang my niece has that tiramisu saka understandable naman na hindi niya mauubos kasi bata pa siya.
« Last Edit: August 20, 2013, 03:42:43 pm by Purple_Power »

carxs

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #156 on: August 21, 2013, 09:19:16 am »
Horror Guests.. Naku marami dito sa amin.
1.) My mom's 50th birthday.. Some of her kumares here during the eating time na e kung maglagay ng food sa plate parang mauubusan, aside from that they didn't even used the serving spoon na nakalagay na nga mismo sa tray (hay.. so kainis kapag naaalala ko yun), ayun yung mga ibang food nalagyan na ng sarsa, buti na lang I saw it kasi I was assigned sa food, so before our other relatives came e naalis ko yun. I even saw her one kumare went out with the plate at inuwi pa, then she came again and did it again.. Sa inis ko I asked her "wow!! pang ilan mo na yan?".. Tumawa lang sya.  >:(
2. ) 3 years ago when my Dad's death anniversary, same person pero she brought all her pamangkin, ending.. 70% ata ng friend chicken e sa kanila napunta.. 6 kids ba naman ang dalhin db? Hindi naman sa madamot ako sa food pero we still have other guests, nahiya nga ako sa ibang kids na pamangkin ko kasi they're still want some friend chicken.. ending.. I went to the market and bought a grilled chicken for them na lang.

cloudzy_09

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #157 on: August 31, 2013, 10:55:00 am »
Sa akin ang pinaka ayaw ko is mag co confirm na pupunta tapos hindi naman pala pupunta. Yung pinasan ko nag confirm na pupunta sila and nag pa reserve for 15 people tapos ni isa doon sa 15 wala dumating sayang din yun kasi P500/pax x 15 = 7,500 din yun.

Purple_Power

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #158 on: August 31, 2013, 02:57:21 pm »
^Yan rin ang isa sa mga kinaiinisan ko. Sasabihin na confirm sila pero magugulat ka na lang katutak pala yung wala tapos bilang sa kamay yung dadating. Nakakaoffend lang rin talaga minsan kasi parang kang hindi sineryoso sa usapan.

inluvewithmikewesten

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #159 on: September 01, 2013, 11:33:44 pm »
Naawa ako sa bestfriend ko nung recent birthday party ng bunso niya kasi aalog alog talaga. Kahit sa bahay lang ginawa yong party pero sobrang dami nung food na hinanda kasi nga ang dami nag confirm sa FB invite. And mabuti sana kung that day nag text man lang na "uy di na kami pupunta". Kung di pa pinagti text ng friend ko di pa niya malalaman na di pala magpapakita. Imagine hinihintay sila kasi di maumpisahan activities, yon pala di naman dadating.

Hindi kami nagpaparty sa house pero when I was younger madalas kami umattend sa parties ng lola sa mother side. Kaloka yong mga pinsan and tita ko na makapag take out, pati ref and cabinets nira-ransack. No wonder lumipat sa malayong lugar si lola!

Buti nakuha namin ugali ni nanay na behave lang and nakaupo lang sa isang tabi and would only take out food when offered.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close