watch now

Author Topic: Horror Guests  (Read 91253 times)

babybubot

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #120 on: March 06, 2013, 06:46:43 pm »
^ako naman hindi after sa kung anong ibibigay kaya lang sana naman wag ganon na parang masabing may naibigay kasi di naman nila gugustuhin na ganon ang mangyari sa kanila yun o sa anak nila.  Nakakadurog ng puso lalo na satin mga mommy pag may mga guests na walang pakundangan.

sis akireyhoj, correct :)
« Last Edit: March 06, 2013, 07:17:48 pm by babybubot »

vainwriter

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #121 on: March 06, 2013, 08:46:36 pm »
nangyari na sa son ko yan na pencil yung gift pero hindi naman nilagay sa paper bag so pagkita ko alam kong small gift lang sya. ok lang naman talaga yun pero yung nagpretend pa at nilagay sa paper bag? yun ang nakakairit dun e. mas mahal pa yung lalagyan. wag na sana nagpretend.

may kilala din kami na di nagreregalo tapos wagas makapintas. dati medyo malaking occassion namin for son eh walang alcohol sabi ni guy ano ba naman daw yun bakit walang alcohol. then medyo umaga na bakit wala na daw pagkain (early afternoon pa sya nasa bahay). then may small party sa house at ako lang nagluto since iilan.lang naman sila na pupunta na friends ni hubby, aba pinintasan yung luto ko. so everytime pumunta sila sa bahay kahit pasko pa yan di ko na inaalok kumain. last bday ni hubby naghanda kami. sila nagpunta the weekend after at di talaga ko naghanda as instructed by hubby. sabi ni guy bakit wala daw handa...buti daw nagdala sya ng luto nya (ginisang corned tuna...yes delata). sabi ko eh kaw lang naman pupunta eh naghanda na kami nung thursday eh :P

sexytabachung

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #122 on: March 06, 2013, 08:50:34 pm »
I agree with you mga sis, masakit kasi Para sating mga nanay na parang hindi binigyan ng importance yung anak natin. Ako, I don't care kahit isipin pa ng iba na materyosa akong tao. Kaligayahan ng anak ko pinag uusapan natin. Honestly, ma-appreciate ko talaga yung kahit mumurahin lang basta magbigay sila sa anak ko. I have a cousin, single parent, 3 anak, walang work, nagtitinda lang ng merienda pero pag alam niya na mag bday na anak ko, mag start yan mag ipon kahit 10pesos a day makabili lang ng gift kasi gusto niya maging happy yung daughter ko. Sobrang naaapreciate ko talaga yun. Samantalang yung brother in law ko at yang asawa niya, 2 ang stores nila, puro yabang ang alam 8yrs old na anak ko ni isang panty hindi nakatanggap anak ko from them. Haaay, nakakagigil. Ang kapal pa ng fez.
Last yr, nagpabinyag ako sa baby ko, hindi Naka attend asawa niya kasi bagong panganak lang rin. Yung lalake, nag uwi ng food Para sa wife niya, sabi ng mom ko, kasing Taas daw ng bundok yung laman ng plate. Haha. Tapos ni isang lampin walang binigay sa baby ko. Nakakaloka talaga si kuya. Bagay na bagay sila ng asawa niya :)
This weekend, bday ng baby ko, ano na naman kayang scenario ang makikita ko.. Hayysss!!!

babybubot

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #123 on: March 06, 2013, 09:06:29 pm »
^naku si goodluck sayo ng madami, kung ano mang stress ang dala ng mag-asawang yan i-let go mo na lang o kaya okrayin mo na ng matauhan.

funky f

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #124 on: March 06, 2013, 09:23:16 pm »
Ka-stress mga stories nyo ha! Well, i have my fair share din of horror stories...starting with my own wedding.  My hubby's officemates wala man lang maski anong gift sa 'min - to think na around 15-20 pax sila.  I told my hubby nakarma yata sya kasi sya, hindi mahilig magbigay ng gift before, hahaha!  Pero naman, wedding yun so dapat nagprepare man lang sila ng whatever tutal weeks in advance naman sila nabibigyan ng invites...
2nd, naalala ko, i gave my then bf (now hubby) a surprise party. I rented a room in a hotel.  I invited his college and some other close friends. Itong hubby ko, pinapunta pa mga gym buddies nya na di ko pa nameet. Pagdating ba naman, may mga kasamang dates! At ang malupit, ininom ng dates yung beer sa mini bar to think na ang daming beer!  Nagalit talaga ko nun, hahaha!

babybubot

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #125 on: March 07, 2013, 10:36:37 am »
^grabe naman yang mga officemate ng hubby mo sis, tipong pinagpag na lang ata ang hiya makaattend lang ng wedding nyo. Sa dami nila di man lang nakapag ambagan kahit nga tig 100-200 lang pakunswelo sa inyong mag-asawa lalo na at kasalan pa naman. Sa dami nila walang nakaramdan talaga.


funky f

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #126 on: March 07, 2013, 01:09:32 pm »
Oo di ba? Hahaha!  My friend has a systematic way of buying a gift whenever she attends a party. What she does is she computes magkano yung kakainin nila per head. So for example, sa hotel, estimate nya na 1.5k per head tapos 2 sila ng hubby nya so ang value ng gift that she'd buy is around 3k.  Sabi ko sobrang OC naman nya but makes sense kahit pano...but me, not naman like that and im not expecting that also.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #127 on: March 07, 2013, 01:49:25 pm »
^ naloka naman ako sa friend mo. :D parang sobrang busy ko na para kwentahin yung gifts na bibigay ko. Hahaha! Basta sakin pag wedding or baptismal yung pupuntahan ko at closest friends ko, I don't care how much yung price nung gift as long na magagamit nila at ma aappreciate. Pag friends ko talaga usually nag ssplurge ako sa gift. Way of saying ko na rin yun na I really appreciate our friendship.

Nung binyag naman ng baby ko last week, na-appreciate naman namin ni hubby yung mga gifts. Konti lang sya pero most of them magagamit namin para kay baby kaya thankful din kami sa mga umattend. Thankful na rin ako at walang pasaway na guests. Pasaway lang samin eh yung mga hindi umattend na walang pasabi. Hindi man lang nag iisip na per head ang bayad at akala nila eh mayaman kami na pinupulot pambayad sa event. :P

funky f

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #128 on: March 07, 2013, 01:57:03 pm »
Yan din mga ayaw ko - yung magkoconfirm tapos di aattend bigla. Sana nabigay na sa iba yung slot for them, right?  Kasi dumating sila or not, we paid for the food allocated for them.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #129 on: March 07, 2013, 02:12:22 pm »
^ correct! hindi sila nag iisip na kaya nga sila ininvite eh dahil kasama sila sa list na kino-consider as guests. Nakakainis most of those who didn't attend our event last week eh mga kamag anak pa namin. Buti pa nga yung ibang friends namin na almost 2 days nalang nasabihan talagang effort sa pagpunta. Ayoko nalang mainis pero I find it rude and unreasonable. Ano ba naman yung sabihin sayo beforehand para may mga ibang tao ka pa sana na na-consider. Kaya nga next time na may event ulit kami crossed out na yung mga hindi umattend. Nakakasira sa budget eh. Sayang pa naman yung food! :P

babybubot

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #130 on: March 07, 2013, 10:44:31 pm »
naku may mas nakakainis pa jan, yung the day before the event nakausap mo pa todo oo sa pagpunta sabay no show sa okasyon. Sarap silaban ng buhay hahaha :)

KVsWahmmy

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #131 on: March 08, 2013, 03:00:01 pm »
Every year, we have a horror moment with a horror guest. :D Hindi na ata talaga maiwasan pag madaming tao ang invited, kaya this year, literal na kami na lang and immediate families. Hehe.

Last year's horror story:

We held my daughter's 3rd birthday party sa place ng MIL ko na malapit lang din sa amin. It was technically a house party kasi sa garahe lang ng house nila, pero malaki naman yung garahe nina MIL, so we were able to comfortably seat mga 50 guests siguro. Since this time malapit lang sa amin yung celebration, we decided to invite neighbors na kilala namin and ni MIL, kasi the past 2 birthdays, sa venue/fastfood so bilang lang talaga. So ayun kainan na...may napansin yung tita ni hubby (who helped cook the food din) na isang guest/neighbor na nakakailang balik na sa buffet area. Ang nakakaloka don, per plate, puro ulam lang. Naisip nya, ah baka para lang hindi sila pabalik-balik sa buffet - may point nga naman. Abaaaaa, maya-maya, balik na naman si horror guest/neigbor sa buffet area getting a different kind of ulam, AAAAT may katulong pa sya na kumuha na hindi naman namin kilala at bigla na lang dumating dun sa party (teenager na girl yung 'extra' guest, pamangkin nya ata). AT ETO ANG WINNER, yung mga plates ng ulam na kinukuha hindi sa table nila ang derecho ----- sa BAHAY! Nakita nung tita ni hubby na bitbit nila yung plates of ulam papunta sa bahay nila!!! NAKAKALOOOOKA! To think the party had just started non at my gosh, ni hindi namin sila kamag-anak - at walang pasabi kung maka-take home parang nagpaluto lang sa amin! Nagdala na nga ng extra guests, aba'y kung makapag-take out akala mo inorder. Hindi na lang sinita nung tita ni hubby kasi daw baka mapahiya. At dahil diyan forever nang blacklisted ang naturang neighbor sa kahit anong event namin or ng in-laws ko. Hehe. Grabe, kung ako nga sa sarili kong kamag-anak hindi ako nag-take home unless sila ang magkusang magbalot talaga para ipauwi, tapos sya, my gooooshhhh.....

funky f

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #132 on: March 10, 2013, 04:47:18 pm »
Grabe yung tita mo, sis.  Hindi mo ba binawi yung lechon?  Kung ako siguro, ipapabalik ko talaga, haha!

babybubot

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #133 on: March 10, 2013, 05:04:01 pm »
^grabe nga sis yung tita parang sya lang ang pinaghanda, kung ako yan kukunin ko yan talaga minsan kasi umaabuso mga yan porke kamag-anak akala nila okay lang.

dada08

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #134 on: March 11, 2013, 02:28:41 am »
sarap kausapin ng tita mo sis :)

sexytabachung

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #135 on: March 11, 2013, 07:19:53 am »
Hi mga sis, finally natapos na ang party ni baby yesterday at I'm so thankful dahil yung bilas ko, feeling mo eh nagbabasa siya ng thread na to, super laki ng pinagbago kahapon. Walang take home food, meron gift!!! Kahit pa teddy bear from blue magic ang gift niya sa baby ko, naiyak tlaga ako kasi finally, nakaramdam na din sila mag asawa. Sa sobrang saya ko, nag promise ako sa kanya na ako sasagot ng venue sa bday ng baby niya few months from now :)

From our party yesterday,I only had 1 horror guest. I heard him kasi making pintas sa food. As in sakto pagdaan ko sa kanila, nagrereklamo siya na mabuto daw yung beef. Eh halllleeer, spareribs kaya yan? Ano  gusto mo, laman lang??? Kesyo hindi daw masarap food. Na-offend tlaga ako. Sinabi ko nga kay hubby, ano ba naman yan, as if naman sanay siya kumain ng masarap.. Eh hindi nga sila marunong magluto ng asawa niya eh.. Tapos yung mga tita ko na may catering business and mahilig tlaga sa masarap, sabi nila masarap.daw ang food, nagustuhan daw tlaga nila.. After the party, marami nag ask how much daw dun kasi daw bukod sa maganda na ang program eh masarap pa daw ang food. So, iniisip ko na lang na inggit lang siguro siya kasi mga anak niya laging 1pc chickenjoy at spag lang ang handa. Nakakairita! Asawa pa naman siya ng sis in law ko.

akireyhoj

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #136 on: March 11, 2013, 08:55:58 am »
hayaan na daw nakakahiya sa mga bisita intindihin nalang daw at tayo yung nakakaangat

sorry pero eto pinaka ayokong sinasabi sakin. kesyo mas nakakaangat ka. so lagi ikaw magpapasensta? or lagi ikaw magbibigay? naiinis ako pag sinasabihan ako nyan.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #137 on: March 11, 2013, 02:46:04 pm »
^^ ay nako sis kung ako talaga yan ipapabalik ko yung lechon! super walang "hiya" ng tita mo ha... I mean pwede manghingi pero yung mag uwi ng isang buong lechon... super priceless

at nakuha pa nya mamintas about sa lechon? sis baka di mo napadal yung sarsa kaya kulang daw? :P

at super classic ha... pati bata pinatulan just because of the prices! pwede naman ibili yung apo or kausapin yung mga apo na maging competitive sa games para manalo at hindi para mang agaw... :P

sorry pero eto pinaka ayokong sinasabi sakin. kesyo mas nakakaangat ka. so lagi ikaw magpapasensta? or lagi ikaw magbibigay? naiinis ako pag sinasabihan ako nyan.

I agree with you! Ganyan lagi sila, pagpasensyahan nalang daw dahil ikaw yung mas nakaka angat, may pinag aralan, may malawak na pag iisip para intindihin sila, etc... Pero not all the time naman siguro. Sometimes kelangan din natin siguro iparating sa mga ungrateful and horror guests na yung ginagawa nila eh mali. Hindi issue kung mahirap sila or wala silang pera, it's about having proper breeding and following right GMRC. Hindi ba uso yan nung elementary???
« Last Edit: March 11, 2013, 02:51:21 pm by theshopaholicprincess »

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #138 on: March 11, 2013, 05:22:38 pm »
^ yun na nga lang sis i-ban mo nalang talaga sila sa next party nyo. I'm used reading hear about horror guests na talagang nagpapabalot ng ulam at mag uwi ng lahat ng give aways pero yung lechon? That's too much, you spend pa rin dun ha plus shipping pa.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #139 on: March 11, 2013, 05:55:17 pm »
^ yun nga eh. next time talaga kelangan din natin sabihan yung mga waiters regarding on pabalot ng food. Minsan kasi talaga meron pasaway!

May isa nga rin tayong sis dito sa hotel din nagpabalot ng food yung relatives nya. Ewan ko ba bakit yung iba alam na nga na hotel or hindi pa tapos yung event nakikipabalot pa. Pwede naman mag ask after ng event. Ang alam ko uso ang balot balot eh sa province. :P

 

Latest Stories

Load More Stories
Close