watch now

Author Topic: Horror Guests  (Read 90972 times)

klengmorales

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #80 on: October 02, 2012, 09:35:44 am »
Yung tita ko sa father side ko ganyan din.. mahilig na magpabalot, pati kapitbahay niyayaya pa sa party. Take note... sagot din namin ang pamasahe ha.. nagrerent kasi kami ng van dati.. eh ngayon, may van na kami  hatid sundo ang mga tita ko at neighbors nila. hayz.

1. Yung bunso namin N years ago needs to attend a bday party sa fast food. Since lahat kami eh nagwowork at nag aaral walang pede sumama sa kanya. So what we did, pinakiusapan namin tong si tita ko na samahan. Day of the party pumunta sya sa hauz namin para sunduin ang sister ko, binigyan namin sila ng pamasahe. papunta/pauwi sa Sampaloc at yung pamasahe sa party. Nagulat si mama ko kasi kasama nya pa yung best friend nya at yung 2 batang kapitbahay nila, Ok lang daw yun kasi d naman daw malakas kumain at d pa daw nakaka experience ng party sa fast food. Sabi na lang ng mama ko kasi nakakahiya kasi baka isipin nung parents ng kaklase ko nagbitbit pa eh +2 lang ang allowed.  Sabi ng tita ko.. d daw pede iwan ang best friend nya kasi wala daw syang kasama, pag yung 2 bata naman nakakahiya daw sa nanay nung mga yun na dinala pa ng pasig para iwan lang sa amin (eh wala ngang magbabantay kasi aalis kaming lahat, kasalanan pa namin at nagbitbit). So No choice, pnapunta na namin. napamahal na sa pamasahe kasi syempre magtataxi na sila nun, nakakahiya pa sa celebrant) Kaya nga siya pinakiusapan na samahan, yun pala  sasamahan din pala sya dapat. hayz talaga.

2. Wedding ng cousin kong babae.. Medyo may kaya kasi yung napangasawa nya at medyo lang naman... matapobre yung parents. So yung mga tita ko (same tita) nag insist na sila na lang daw ang magluluto ng food para daw makatipid. Kaya lang ang concern kasi ng parents nung H2B ng cousin ko is gusto nila maganda ang presentation. Yung tipo talagang may mag aayos. So na pag agreehan na lang nila na magpa cater na lang after ng ceremony sa isang location. tapos yung ituloy na lang ang celebration sa bahay para sa inuman. So Magluluto pa din sila pero di na ganung karami.
So nag grocery na ang mga inlaws kasi nilista na nila ang menu sa bahay. aba hindi pa napprito ang manok ang mga tita ko.. nagbalot na. yung lumpia hindi na nailuto kasi naiuwi na yung kalahati. pati mantika kinuha. So si MIL nakakahalata na parang kulang ang food. So inabangan sa may dirty Kitchen, nakita yung hniram na cooler na puno ng raw chicken, pang lumpia, mantika, ketchup. even yung sangkalan na bagong bili etc. so syempre tnanong kung para saan daw yun. bakit nakabukod. nagpalusot pa si tita na tnabi lang kasi sobra daw... kahiya talaga sis nung knukwento sa akin to. Si cousin ko pahiyang pahiya...

vainwriter

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #81 on: October 02, 2012, 02:14:09 pm »
^OMG sis kawawa naman si cousin mo, forever nang maaalala ng inlaws nya yan :(

rics

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #82 on: October 03, 2012, 01:19:04 am »
^^with all the nakakahiya incident, dapat hindi nyo na iniimbita yan or dont get her involved with any of your parties.

evilwoman

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #83 on: October 03, 2012, 08:13:48 am »
meron na ding nangyaring ganyan sa isang family friend namin. nasa 100+ pax (basta not more than 150) yung invited then naghanda ng 10 baboy na di naman maliit so expect mo na maglulungad sa food ang mga bisita pero ang ending, yung mga kaclose talaga e pinagulam na lang ng de lata. nagkanya-kanyang hakot kasi ang mga relatives ng karne at iba pang ingredients. as in ipinupuslit daw sa tricycle nang nakabatya. napaiyak yung tatay nung kinasal dahil dun.

klengmorales

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #84 on: October 03, 2012, 08:33:34 am »
Kami kasing mga kamag anak niya.. sanay na sa ugali nilang ganun. Well pag may handa naman sila nagpapabalot din naman talaga sila sa amin (yun nga lang yung pera pambili ng mga ingredients galing pa din sa amin). Nakakahiya lang pag may ibang tao, kagaya nung sa pinsan ko. kaya sinasabihan namin. pero hindi talaga mapigilan eh. nagalit pa nga nung pinagsabihan, ganun daw pala tingin namin sa kanila... eh ganun nga hahahaha

On topic
naalala ko nung bata ako.. 7th bday party ko... So syempre mga kapitbahay namin invited, kahit hindi bata, yung katabi naming bahay pinpilit namin na pumunta eh ayaw. tapos si mama, binili na yung isang cart nung dirty ice cream na naglalako sa village namin. aba.. si kapit bahay na ayaw pumunta may dalang punch bowl, nakipila na din. eh natagalan yata kasi isa lang si manong na nagsscoop ng ice cream sa mga kids. ginawa ni kapitbahay, kumuha ng kutsara at tumabi kay kuya pati yung apa tinusok pa baliktad dun sa halos puno na na bowl. at eto pa... dumating yung kasama nila sa bahay... pahingi din daw na tig iisa kasi para bukas daw yung ice cream na yun. o diba? narinig at nakita ko lahat yun.. kasi ako yung kasunod sa pila eh. sinumbong ko nga kay mama ko... nailing na lang

Grayce

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #85 on: October 03, 2012, 06:58:59 pm »
^grabe. that's patay gutom at its finest. tsktsk. ibang klase ang tita mo.

enjey

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #86 on: October 05, 2012, 01:34:39 pm »
Grabe, hinde na pabalot yun ah.  Pagrocery na!

red_mama

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #87 on: October 08, 2012, 10:21:42 am »
grabe ang tita mo sis, kung ako ang nahuli ng MIL ang cousin mo, baka nailubog ko na sa ilalim ng lupa ang mukha ko sa kahihiyan :-[

at yung kapitbahay nyo, grabe din naman no, pakipot pa kunwari nung una, dirty ice cream lang pala ang katapat haha...

pinklilac

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #88 on: October 08, 2012, 10:44:58 am »
^grabe. that's patay gutom at its finest. tsktsk. ibang klase ang tita mo.


korek! patay gutom na tawag sa mga taong ganyan.. kahiya ...

klengmorales

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #89 on: October 08, 2012, 11:16:03 am »
Medyo kapos kasi sila mga sis. mga matatandang dalaga na eh (pero feeling ko tibo yung 2 bunso na tita ko eh. hehe)Wala pang work. Sanay na kami pag may mga ganyan.. like pag nag xmas party sa amin. nagtatabi na kami ng one of each kind na handa. nakaready na sa microwavable. para pag dating nila... ibibigay na lang namin para hindi na magbalot. Nakakairita lang pag nag invite pa ng kapit bahay nila.. Sarap buhay nga nila eh. May service na papunta.. libre na pagkain plus may take out pa pati kapit bahay nila. hehe.
Actually medyo nagbago na nga sila ngayon.. medyo mild na..d gaya dati nung bata ako na pag may handaan sa amin.. papasok sa kwarto at banyo yan pag labas may dala ng sabon na panligo/panlaba, shampoo, kandila, katol , baygon na sinasaksak at delata pati yung thermos namin (yung mga thermos dati na air pot ba yun? at yung may baso na takip). Buti ngayon.. hindi na nila gnagawa :)

Grayce

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #90 on: October 08, 2012, 06:19:58 pm »
^kahit na "kapos" sila it doesnt mean na pwede sila maginasta ng ganun. bordering to pagnanakaw na nga yan IMO.

pinklilac

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #91 on: October 09, 2012, 07:02:00 am »
^oo nga sis .hindi dahilan pagiging kapos or mahirap para mag certified PG
lumaki rin kameng hindi sagana pero pag nasa ibang bahay kame at inalok kumain ay todo tanggi kame kahit na gutom na ako. at hiya rin kame mag attend ng mga handaan.

Over talaga yang si "tita" hehe

lovelyness

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #92 on: October 11, 2012, 04:23:31 am »
^^grabe naman tita mo sis. buti na lang wala akong ganyang relatives na mahilig mamakyaw at maghoard sa party. pero we used to have  a guest na slightlty ganyan din ang ugali. she tries to take home everything pati yung mga flowers sa centerpiece at sa buffet inuwi ;D kaya ngayon hindi ko na iniinvite sa mga parties ng family namin... nakakastress ;D

twelve5

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #93 on: October 11, 2012, 08:44:43 am »
Actually medyo nagbago na nga sila ngayon.. medyo mild na..d gaya dati nung bata ako na pag may handaan sa amin.. papasok sa kwarto at banyo yan pag labas may dala ng sabon na panligo/panlaba, shampoo, kandila, katol , baygon na sinasaksak at delata pati yung thermos namin (yung mga thermos dati na air pot ba yun? at yung may baso na takip). Buti ngayon.. hindi na nila gnagawa :)

Sis, nakumpleto na daw nila mga gamit sa bahay. Kaya salamat daw sayo. Hehe

Bilib ako sa haba ng pisi mo. Nakayanan mo all these years.  :)

crazycoolchic19

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #94 on: October 11, 2012, 08:49:07 am »
Usually mga horror guest namin mismong relatives namin :)) kung makapagtake out parang wala ng bukas  ;D

sistah!

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #95 on: October 11, 2012, 10:17:51 am »
nung wedding ko, super daming food. as in overflowing. so after the party, the caterer packed the food na. i asked for packed food for 2 people lang, me and my husband, para makakain kami sa hotel pagbalik namin. the rest, pwede na ibigay sa family namin at sa relatives na naiwan. ang dami nga kasi. aba syempre pinack lahat, natawa lang ako kasi talagang pinagpilian ng family ng husband ko. tapos may binigay na mga styro sa parents ko. ayaw naman mag-takeout ng mommy ko pero nahiya sya kasi binigay sa kanya kaya inuwi nya. yun pala plain rice lang yun. lahat kinuha ng in laws ko. as in natawa talaga ako. nahiya pa kunin yung kanin!

vbaingan

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #96 on: October 23, 2012, 05:37:53 pm »
last bday party ng anak ko, baubusan kami agad ng food sa buffet table kasi nag hakot na yung tita ni hubby.  parang normal ata na ang horror guest kamag anak kasi walang hiya hiya or hinde nahihiya kasi nga kamag anak.

Blue Topaz

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #97 on: November 01, 2012, 05:31:18 pm »
2 weeks ago binyag ng baby ko and naku naman kakahiya ibang guests ahh. Actually I have nothing against them naman talaga. Kaya lang pag kasi ako nasa lugar nila diko gagawin yun ever. Sa awa ng Diyos walang nag-attempt magpabalot nung start pa lang.. or otherwise baka alam nila kasi buffet yun hindi pwedeng magpabalot. Pero meron kaming lechon at cake na di kasama sa food ng resto. Ang experience lang namin is yung mga giveaways hinakot as in paulit ulit na balik ginamit pa yung bata.. pati mga lootbags na puro imported na chocolates na for kids only, hindi pinalampas. Grabe! Sa inis ko nga yung mga damage na cupcakes ang pinamigay ko.. Ito pa, sinadya na nga naming may ticket pass din kasama sa invitation para makontrol ang headcount at malinaw na malinaw yung RSVP date, pero bilang lang sa daliri ng kamay ang nagconfirm, karamihan hindi nagconfirm at may bitbit pang iba buti ba kung isa lang, hay naku ang iba tigtatatlong tao pa. At ito pa yung pinsan ko ginawa kong ninang.. naku naman yung hubby nagdala pa ng 5 tao family member daw nya mga iyon.. Tumawag naman siguro 20mins before the party, eh hindi naman ako makatanggi.. ako pa masama kapag tanggihan ko. so ok no problem naman ako sa phone. Toinks pagdating sa venue sakop pala nila isang table 10 pala sila lahat. At ang matindi yung pinsan ko walang gift. haha. Ok lang naman ala gift eh. Marami nga guests namin walang gift, ang kinakaasar ko lang, magbitbit sila ng 8 ka tao. Buti kung kilala namin eh hindi naman. Ito pa kinakainis ko lalo nag-order pa ng drinks nung naubos na drink nila. Hindi kasi drink all you can yung drinks, 1 round lang. Little did I know naka 890+ sila sa drinks dun lang sa table nila. Hindi ko alam yun, hindi man lang nagpasabi sakin. Hiya talaga ako kay hubby. Nakakadalang imbitahin ulit.

dooonna

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #98 on: November 01, 2012, 06:03:32 pm »
This happened during the ToT sa Diamond Hotel. Madaming activities, and isa na 'yung balloon twisting. Mahaba ang pila. Nung napansin ko na wala na pila, lumapit ako, I realized mukhang naubusan na sila ng balloons, pero nandun pa 'yung in-charge. May isang babae, nagtatatalak, sabi ba naman, "Kuya, 'diba sa akin mo binigay 'yung andun? (pointing at the balloon decor sa stage!!!)" Take note, hindi pa tapos ang party, at nasa stage pa nga 'yung activity that time. So parang sabi nung in-charge na meron na nakakakuha, tapos 'yung nakakuha nasa gilid din ng stage lang, aba, inapproach ng babae at sabi ng medyo mataas ang boses "Miss! Miss! Sa akin ibinigay 'yan. Tanong mo pa dun". So parang ibibigay na sana nung nakakuha, sabi na sa kanila daw 'yun binigay. Umalis na ako that time sa eksena kasi baka magkagulo pa at natatawa na ako, kasi hello!!! Parang lobo lang nagkakasuguran pa. And to think ang tatanda na nila. Sana hinayaan na lang. Hindi lang naman dun makakakuha ng balloons  ;D

pinklilac

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #99 on: November 05, 2012, 08:03:52 pm »
^^OMG! grabe naman nangyari sa event mo sis.. kaka high blood to the maximum level ..

^korek! ultimo lobo pinag aagawan na akala mo eh pedeng isahog sa ulam..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close