This happened to my friend's son's binyag. Ang daming pumunta na beyond sa number ng expected guest lists. Yung venue ay sa Max's SM North, puno yung place kasi it was lunch time on a weekend. Ang problema sa dami ng dumating (mostly relatives ni hubby nya na galing pa ng province) eh hindi na sila ma accommodate. So what they did, after the first batch na mga relatives din ni hubby ni friend, nagliwaliw sa mall at second batch naman ang kumain. Ang chika ni friend, ni invite daw nya yung mga yun months before the date pero di nagko confirm, so inalis sa guest lists, pero nagulat nalang at nag text an hour before the binyag na dadating sila kasama ang isang batalyong kamag anak. At take note, di pa nadala sa ginawa nila kay friend, they did it again sa first birthday naman nung anak nya, buti nalang at malaki laki ang venue na kinuha nya. So nung nag second birthday ang baby nya, dun nalang nya pinag celebrate sa province tutal naman sila sila rin ang mga bisita.
Nung wedding ko naman in 2009 was planned to be a small wedding kasi civil wedding lang kami. Pero kahit civil wedding I really bought a nice pair of rings na, kasi nga wedding ring naman so dapat medyo mag splurge ako kasi for me and hubby naman yun. Eh yung mga kamag anak kong garapal mahilig yun sa mga party na party ng bayan. Yung tipong buong baranggay invited kahit wala ng kakainin kinabukasan. And plan namin ni hubby was just for 50-60 pax lang including kids kasi sa isang resto-bar lang gaganapin including the ceremony. At dahil pakialamero ang makakapal kong kamag anak, sila ang namili ng halos 50% ng magiging ninong at ninang. At wala na kaming choice, ginawa naming ninang yung tita na mag iinvite sa gagawing ninong na si Congressman.
Okay, dumating ang wedding day, nung time na bumaba ako from the dressing room, aba ang daming taong di ko kilala. Akala ko nung una mga servers kasi naka uniform, yun pala my tita invited around 6-8 people and occupied an entire table suited for other guests. At meron pa akong napansin na 3-4 policemen in uniform, all along akala ko guards ni Congressman, yun pala invited ng lolo kong magaling. Yun pala, the nice Congressman/Ninong of ours mag isa lang dumating kahit we noted that he can have +1 sa invite. Buti nalang may extra tables ang chairs pa. Ang makakapal na mukhang people in uniform na kasama ng auntie eat and run, wala man lang chika sa amin ni hubby. Nag thank you lang na parang kumain lang sa karinderia ng libre. Di pa natapos dun, the policemen na dala ng lolo ko ordered alcohols pa from the bar. Di pa nakuntento my tita, nung hinatid namin si Congressman sa labas ng bar, sumunod ang tita ko, asking me kung bakit dun pa daw ako nag handa saka bakit daw kasi bumili pa ako ng mahal na wedding rings sayang daw at pwede pa sana ipandagdag sa handa. Ang kapal diba for questioning our decisions eh wala nga syang nilabas na singkong duling, ni wala nga syang binigay na gift. Naku naku kung di ko lang gustong masira ang wedding namin inaway ko talaga yun eh.
On the same wedding, nainis naman ako sa friends kong ininvite. Yung isa sabi nya, she's on her way when nanakaw yung camera nya and umuwi nalang without informing me, nalaman ko nalang 2 days after, yung isa naman yung may kid sa unang story, she came lang naman about nung matatapos na yung party. Kainis lang kasi when they have celebrations, I would always be there on time with gift.