watch now

Author Topic: Kasambahay Bill  (Read 150974 times)

shinta

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #460 on: April 05, 2013, 02:02:49 pm »
yung kasambahay namin walang record ng birth certificate sa NSO. sabi sa munisipyo, need niya pumunta kung san siya pinanganak at dun magpa-late register ng birth certificate niya. ayaw na niyang asikasuhin kasi sa bacolod pa yun. bukoad sa wala siyang kakilala dun, wala daw siyang panggastos.

so kung wala siyang nso birth certificate, pano namin siya maiaapply ng SSS and philhealth? liable pa ba kami dun kung ayaw na niya magpa-late register?

shinta

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #461 on: April 06, 2013, 04:11:01 pm »
^ thanks sis. sensya na di nakapag-backread.

kaya lang ang prob sa kasambahay namin, kahit isang ID wala din siya. di niya din daw sure kung may baptismal certificate siya tapos di din siya nakatapos ng elementary at wala siyang hawak na kahit anong school records. kahit nga voter's ID wala kasi di siya rehistrado dito sa municipality namin. pero 8 years na siyang nakatira dito.

best bet na lang siguro is baranggay certification. try namin para magkaron siya ng SSS at philhealth.

meimei

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #462 on: April 07, 2013, 02:34:25 am »
^ay, walang voter's ID? sayang, yun pa naman ang basic sana na posibleng magkaron siya, or postal ID. pero ok na yang barangay certification kasi acceptable yan sa Philhealth. tapos once na may Philhealth na siya, mas madali nang mag-apply ng SSS kasi may Philhealth ID na siya. :)

tutal, 8yrs na pala siyang nakatira dito, i-request na lang sa barangay na sila na talaga yung last resort para mai-apply ng Philhealth, tutal 8yrs na naman nakatira dito. kaya yan! ;) ang barangay naman madali lang kausap (well, sa barangay kasi namin, mababait ang mga tao, hehe, sana lang ganun din sa barangay nila). :)

sis, one other option is police clearance (this is different from NBI clearance ha). medyo keri din kumuha ng police clearance, see links below:

http://www.blog4charity.org/how-to-get-police-clearance-philippines/

http://dianneandheritchyfeet.wordpress.com/2012/12/23/getting-a-police-clearance-in-pasig-city/

though first try the barangay certification, kasi it should be the simplest one to get. :)
« Last Edit: April 07, 2013, 03:36:56 am by meimei »

happyfemme

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #463 on: April 18, 2013, 11:02:42 am »
I dont want to make a reaction na about the Kasambahay Bill, kasi kahit na ata umiyak ako ng dugo eh i really have to follow na what is demanded by the bill.

I have to share lang my experience with my yaya, after I let her watch FAILON NGAYON episode on Kasambahay bill. Kasi parang shes sending me an attitude na nakakairita na, and she kinda demanding na ha.

I let my yaya watch the episode para kahit papaano ay may idea siya how KB goes.

Sabi ko wala namang problema sa akin ang mag comply ng mga mandatory requirements (i.e. SSS, Philhealth and Pag-ibig) but of course i have to compute my expenses and make necessary adjustments para magkasya ang budget ko sa salary niya.

Her sahod is 4K na, then i have to shoulder pa all the contributions incurred for SSS, Philhealth and Pagibig. So kulang-kulang aabot ng 5K ang salary niya (hindi pa kasama ang 13th month pay and leave with pay).

From the time i hired her, at nung wala pang Kasambahay Bill, i always make a salary increase every year. Two years na siya sa akin, ok naman ang arrangements namin. Hindi narin siya "iba" sa amin. Sagot ko rin pamasahe niya whenever she wants to go home sa province niya.

Untill she became aware of the KBill... nag simula na ang sakit ng ulo ko.

I booked last year our vaction to HK, we decided na isama namin si yaya para hindi ako mahirapan sa pagbubuhat sa anak ko. When i told her na sasama siya, shes happy pa nga and excited. My budget alloted for her is 25k (from passport, travel tax, airport tax, amusement park fees, accomodation and dining).

Ok na ang arrangements, then a week after she watched the KBILL sa TV heto na ang demands ni atey.

1. Pag nasa HK daw siya, she demands for an overtime pay.
2. She is asking na i will give her FREE time for herself na makapaglibot libot daw sa HK  :o
3. Wala daw ba siyang pocket money?  :P
4. If i plan daw na hindi ko siya isasama sa HK, she will file for a vacation leave with pay.

Grabe! halos manginig ako sa imbey, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Parang akong pipi, but a lot of thoughts running through my mind (gilitan ko kaya ng leeg ito?). I just kept silent, and walked away.

My yaya seem to have an attitude na after this KBill was shown.

At heto pa ang pahabol, kanina lang may hinirit na naman nag atey "ate, kung aalis po ulit tayo next year pwede huwag sa march? I-move mo nalang ng april kasi uuwi ako sa province at aattend ng graduation."

Sino namang demonyo ang bumulong sa kanya na aalis kami next year?

At nag tanong "ate, sasagutin ninyo pa rin po ba ang pamasahe ko pag umuwi ako?"

Mukha ba akong ATM?

She seem to be finding ways kung paano pa siya makakabenefit sa KBILL na ito. Haaaayst.




« Last Edit: April 18, 2013, 11:05:20 am by happyfemme »

younis

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #464 on: April 18, 2013, 11:07:52 am »
^nanginig dugo ko pagkabasa ng post mo sis.

sima

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #465 on: April 18, 2013, 03:07:50 pm »
@happyfemme, grabeng kumapal naman ang balat ng kasambahay mo ngayon dahil diyan!  Hay naku, kung meron kang mahanap na matinong kapalit, sisantihin mo na!  Tignan lang natin kung hindi niya marealize she had a good thing going pero she abused it!

Purple_Power

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #466 on: April 18, 2013, 04:02:41 pm »
happyfemme ngayon nga lang ako nakarinig na pati Yaya isasama sa abroad ni kahit nga sa mayayaman na alam ko hindi ko pa nakitaan na sinasama ang Yaya sa ibang bansa eh! Tapos siya kung makademand wagas na wagas ah!

I think you should seek for legal advise too regarding the Kbill, naapprove na siya totoo yun pero meron pa rin questionable and yet meron pa nga silang hindi natupad eh! yung menstrual leave which is nakita yan sa Failon Ngayon. She will be having vacation leave with pay pero alam ko ilang days lang yun eh! After that wala na.

Hindi niya pwede demand ang overtime pay. Wala naman nakalagay sa provision na kapag sinama ang maid sa abroad dapat may overtime pay eh! Kaya wag mo pakinggan demands niya. She has no right as well na magdemand na maglibot ng HK you have reason kung bakit mo siya sinama hindi para sa sarili niya. Eh kung mawala siya? Unless may kakilala siya run. Kapag naglibot ng HK yan which is parang free day niya na yun eh di kasama yun sa days of leave niya. Dapat ang ginagawa niya sa HK ay duty niya. Kung lagari mo siyang pinagtrabaho sa HK dun pasok ang OT na sinasabi niya lalo na kung hindi siya natutulog. 4k salary is too much pa nga eh!

Hindi porket may Kbill eh pwede na silang magka attitude o umasta. Kaya basahin niyo mabuti ang bill and ask for legal advise kasi ang gagawin ng mga yan eh umabuso at lulusot hanggang kaya nila.

Sa amin nga eh! nung nadetect ng family ko na yung maid ng bro ko ang gumamit ng telepono sa bahay namin na pang tawag sa cellphone hindi pinalampas ng Nanay ko eh! Nagbayad yung bro ko sa Mama ko nandahil sa kalokohan niya pero binawasan ng bro ko yung sweldo nitong maid. Nung nagsinungaling yung maid na ito pinagalitan nang husto ng Mama ko.   

happyfemme

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #467 on: April 18, 2013, 05:01:33 pm »
Nakapag dulot talaga ako ng "nginig ng laman" sa mga sis natin dahil sa post ko. Sorry talaga, kaya ako nag post dito kasi sobrang inis ko talaga sa kanya. Alam niya need ko ng yaya.

Nakakainis kasi with her eh naging "mabilang" na siya sa hours of work niya and hours of rest.

Eh diba when we travel abroad sinusulit natin ang araw, we have to wake up early and make the best out of our iterinary. When i told her about our iterinary last year, ok naman sa kanya. Pero ngayon nagrereklamo siya na sobra na raw sa 8 hours ang work niya based sa iterinary na ibinigay ko sa kanya. Her 8-hour rest is ok naman.

Sabi niya if she will start working at 7am and will work 8 hours straight (this is tending to my son while touring around), dapat daw stop na siya work ng 3pm. Sabi niya kung ang "breakfast, lunch and dinner" she is still with my son, eh hindi daw "rest" yun kasi kasama pa rin daw niya ang anak ko, which is considered as working hour pa din daw. Then sabi niya she will use the remaining time as her free time maglibot libot for herself sa HK.

Nakakaloka lang kasi mukhang gumawa din ng sarili niyang iterinary.

Sabi ko pa nga "eh di kumain ka magisa sa HK para considered as "rest" mo yun" (just trying to make a dare)

Aba! magaling sumagot ang bruha sabi ba naman "sige po, basta bigyan niyo lang po ako ng pera para makakain"

Ang galing sumagot diba?

We are taking the first flight to HK which is 5:40am, i told her na she should be awake at 2am to prepare. Ang sabi niya:

YAYA: "ate, kulang po ang pahinga ko kung gigising ako ng 2am"
HAPPYFEMME: "pwede ka naman magpahinga sa plane"
YAYA: "basta ate, pag sobra na ng 8 hours ang work ko bigyan mo ako overtime pay".
HAPPYFEMME: "sinama na kitang bumiyahe ayaw mo pa?"
YAYA: "eh hindi ko naman maeenjoy ang biyahe kasi bitbit ko si (name ng anak ko)"
HAPPYFEMME: "yun naman talaga ang trabaho mo diba? ang maging yaya ni (name ng anak ko)"
YAYA: "sige te, bigyan mo nalang ako ng FREE time na makapaglibot libot doon"
HAPPYFEMME: "eh di maglibot ka kung kaya mo" (i dared her)
YAYA: "te, wala ba akong pocket money? pambili pasalubong?"
HAPPYFEMME: (imbiyerna na ako) "so utang na loob ko pa pala na sinama ka namin?"
YAYA: *** silent ***
YAYA: (she sensed my tone) "eh ate kung hindi mo na ako isasama sa HK, mag vacation leave nalang ako habang wala kayo sa Pilipinas" (alam niya na may minimum 5 days vacation leave siya with pay, based sa KBILL).
HAPPYFEMME: *** silent *** (pretending na wala akong naririnig)
YAYA: "te, sasagutin mo pa ang pamasahe ko pauwi gaya ng dati diba?"

Tinalikuran ko talaga siya, walk out ako! Binuhos ko nalang dito sa GT.
Kaya heto at walang closure ang usapan namin, balak ko iwan ko nalang siya. Kung gusto niya mag bakasyon eh di fine! Pero hindi ko na sasagutin ang pamasahe niya sa province. Ipag pray ko nalang na makakita ako ng bagong yaya para magulat nalang siya hindi ko na siya pababalikin dito sa Manila once na mag bakasyon siya.

Abusadong hitad!

P.S.
Pwede bang i-fireout ang HH based on this situation? Diba with the KBill hindi na sila basta pwede tanggalin without major violations? Enlighten me on this one. (re: firing HHs)
« Last Edit: April 18, 2013, 05:20:49 pm by happyfemme »

cherrhys

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #468 on: April 18, 2013, 05:45:48 pm »
^Correction lang pahinga yung dapat 8 hours hindi yung oras ng trabaho.  It's there in the bill, link is posted a few pages back.  Also it doesn't mean 8 hours straight, pwedeng putol-putol basta 8 hours rest in a day.

Honestly, iwan niyo na lang dito si yaya.  I don't think you'll be able to enjoy yourselves with her around.  Besides, traveling abroad is a perk/privilege and not a right.  I suggest you print out a copy of the bill then let her read it, to make everything clear.  Medyo nagiging abusado na si yaya.  Try to read everything about this bill also so you can put her in her place.  Kakaiba ang mga sagot niya ha! 


Here's the link to the bill: http://www.gov.ph/2013/01/18/republic-act-no-10361/
And here's the specific article refering to the working hours/rest period:

ARTICLE IV

EMPLOYMENT – TERMS AND CONDITIONS

SEC. 20. Daily Rest Period. – The domestic worker shall be entitled to an aggregate daily rest period of eight ( 8 ) hours per day.


Yung sa termination ka medyo mahihirapan kasi walang specific violation.  BUT ang alam ko pasado pa lang itong bill but hindi pa in effect dahil wala pang IRR na nilalabas.  So pwede mo pang idispatsa yang yaya niyong masyadong feeling.
« Last Edit: April 18, 2013, 06:03:21 pm by cherrhys »

younis

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #469 on: April 18, 2013, 06:07:02 pm »
korek, suwerte nga nya sinasama pa sya sa mga byahe eh. subukan nyang humanap ng ibang amo tingnan natin kung itrato sya tulad ng pagtrato mo sa kanya sis happyfemme. kapal fez nyang yaya na yan.

may helper kami dati na ganyan, ang hilig magparinig na aalis na sya, nagpapahabol. di namin pinapatulan ng asawa ko, pinapakita at pinaparamdam namin sa kanya na hindi sya kawalan kung aalis sya, umalis sya kung gusto nya, kung tingin nya madaling magpalit ng amo, pwes madali ring magpalit ng katulong. never namin pina-feel sa kanya na malaking kawalan sya sa amin. last xmas nagbakasyon, pero may gut feel na kami na di na babalik, came january nagtext di pa daw sya makabalik keyso ganito at ganyan. sagot namin sa text nya "tamang tama ang text mo. pinag-uusapan palang naming mag-asawa ngayon na hindi ka na talaga namin pababalikin eh."

ganyan kasi yang mga yan eh, pag alam nilang hihinto ang mundo mo kapag aalis sila, nagmamalaki. remember sila ang employee at ikaw ang amo, at hindi dapat magpapadikta sa kanya. parang company lang yan eh, kung ayaw mo sundin sa rules and regulations sasabihin lang ng company "malaya kang makakaalis". madaling madali ka lang papalitan, dami atang nangangailangan ng trabaho dyan.

sonia62

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #470 on: April 18, 2013, 06:12:05 pm »
@happyfemme she would just spoil your vacation pag sinama nyo sya. kng ako, di bale ng mahirapan ako magalaga ng anak kesa kunsumihin ako ng yaya :)

Purple_Power

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #471 on: April 18, 2013, 10:22:51 pm »
happyfemme ikaw na sobrang mabait na employer pwede bang ako na lang magYaya  ;D? Para makatuntong ng HK.

Kidding aside.... mashadong mayabang yang Yaya na yan. Siya na nga pinakamaswerte eh! Yung iba ngang nagtatrabaho walang pampasyal sa HK ni kahit sa local places lang. Ako nga hindi pa nakakarating ng HK eh! :P Ang gaan na nga trabaho niya eh! Obviously gusto ka lang niyang utakan. Ang binibilang sa 8 hours ay yung REST lang nila hindi trabaho. Kung sa corporate siya nagtatrabaho dun siya magdemand ng OT pay na more than 8 hours work lalo na kung janitress siya. Hindi mo rin obligasyon na bigyan siya ng pocket money dahil wala yan sa KBILL mismo. 

Mga maid nga namin rito kapag sinasama sa hotel for overnight they don't even demand eh! ayos nga lang sa kanila kahit sa lapag sila matulog. Ni Yaya nga ng nephew ko hindi nagbibilang ng hours of rest and work kahit na ba tagabantay siya sa pool. Tapos nung sinama last Saturday sa beach inuna nila trabaho nila na mag-ihaw ng mga pagkain. Kapag sila sinama mo sa abroad I could still imagine pa rin naman na tatahimik lang sila baka nga matuwa pa dahil nakatungtong silang ibang bansa tapos pagmalaki pa sa family nila.

sassy_taurus8

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #472 on: April 18, 2013, 10:37:43 pm »
Parang na-hb ako sa yaya ni happyfemme, LOL. Siguro kung ako rin gulatin ng ganyang klaseng convo hindi rin agad ako makaka-rebut, magpapalamig muna ako ng ulo at baka masakal ko sya. joke! ;D

Sis, isama mo sya sa HK following your OWN conditions not hers, ikaw ang amo at employee mo sya. Kung mag-inarte at sabihin nyang mag-leave na lang sya pwede mo ring payagan, leave with pay pero hindi mo na kargo ang pamasahe, ano sya sinuswerte?!

happyfemme

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #473 on: April 18, 2013, 11:43:10 pm »
Pasensya na talaga mga sis kung nadamay kayo sa stress na dinulot ng babaeng ito.

Dati naman kasi mababaw lang din talaga kaligayan ng yaya ko, dalhin mo lang kung saan-saan excited na yun. Ewan ko ba kung bakit nagiging very vocal na siya sa mga demands niya.

Feeling ko baka dahil sa impluwensya din ng ibang mga HHs na kumakapal na din ang mukha dahil sa KBILL na ito.

Dati kasi kinukwento niya sa akin yung mga HH ng kapitbahay daw eh nagcocompare ng mga sahod, benefits at compensation nila sa isat-isa. Kaya siguro feeling ko they're exchanging ideas on how they would go about the KBILL.

Kung dito nga sa GT eh we exchange mga opinions, ideas and suggestions, what more pa itong mga HHs natin na naniniwala sa mga sabi-sabi ng kapwa nila mga HHs din.

Malayo pa naman ang alis namin, observe ko attitude niya. Hindi pa nga kami nakakaalis eh nagiinarte na, what more pa kung nandoon na ang bruha.

Mag ingat sa mga HH na akala mo shushunga-shunga, hindi mo alam kung anong tumatakbo sa mga utak nila. Utusan mo bumili ng gulay sa palengke, bigyan mo ng listahan and all  eh sigurado may kulang pa ang binili. Pero kapag narinig ang kantang "pusong bato", wala pang 5 minutes kabisado na ang lyrics.


younis

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #474 on: April 19, 2013, 09:17:59 am »
^mabuti pang kamag-anak na lang isinama mo eh.

Purple_Power

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #475 on: April 19, 2013, 09:57:26 am »
Better yet huwag mo nang isama gaya ng sinabi ng ibang sisses rito kasi naging makapal ang mukha eh! Marami silang hindi nagegets sa KBILL bakit sa labor code may mga patakaran rin pero hindi tayo nagdedemand. Yung mga benefits na meron sila which is required eh katulad lang naman yan dun sa corporate like yung SSS and other more including yung leaves nila with pay which is 5 days lang rin. Nothing more to demand kahit yung increase ng salary kasi hindi requirement yan kung gusto mong gawing 3,000 including benefits forever you can do so.

younis

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #476 on: April 19, 2013, 10:09:34 am »
@happyfemme, don't give in to her conditions. imagine kung bibigyan mo ng chance gumala yan on her own sa HK, eh kung mag-TNT yan eh di pumatong patong pa ang problema mo.

wag mo na isama yan, humanap ka ng ibang kamag-anak na papalit sa kanya.

chicafabulosa

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #477 on: April 19, 2013, 10:23:09 am »
Sis happyfemme hay naku may ganyan talaga na mga yaya. Maarte na nga ngayon ang mga HH. Imagine they would also ask if pwede na rin sila pumasok sa school? (College ha).

Di pa ba sya thankful na sinama mo sya sa pag HK? Di lahat ng Hh eh afford ng mga amo na isama sa tour. If super stressed ka na sis, have you comsidered asking a relative from province to look after your child? Sa akin kasi tita ko ang nag aalaga sa anak ko. Kasi nga last HH ko ganyan rin. Maarte. Like you lahat ng vacations namin kasama sya, anong food namin ganun rin sya. Eh nag iinarte rin. Di mo mautusan. Pag inutusan mo mali ang ibabalik sayo kahit na nakalista pa yan.

Kasi sis pag ganyan yan and alam nya na takot ka na alisin sya lalo yan magmamayabang. Kasi feeling nya super kailangan mo sya. If may distant relatives kayo na trusted nyo, consider asking her about taking care of your son.

Purple_Power

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #478 on: April 20, 2013, 12:59:00 pm »
Kahapon may nakausap ako sa text na kaibigan ng cousin ko na she is working under the office assistant na may kinalaman sa DOLE tapos responsible for Kasambahay Bill. Some other time may itatanong ako sa kanya about Kbill. Dapat orient talaga sa maids yung responsibilities and limitations nila. Lalo na kapag sinasama niyo sa pasyal tapos kapag sinama niyo sa abroad. Interview niyo dapat sila kung willing silang gawin ang ganitong bagay tapos discuss to them kung ano ang mga hindi pwede lalo na yung hindi kayo magbibigay ng pocket money to them.

aquacharly

  • Guest
Re: Kasambahay Bill
« Reply #479 on: April 20, 2013, 02:40:53 pm »
CHERRYS.  sa June pa start effectivity ng KBill di ba?  -- so HAPPYFEMME can still fire out that kapalmukz

And CHERRYS, tama ba?
      1 day off after every 6 days of continuous work, tapos only  5 days paid vacation leave AFTER 1 year of service diba? 

So, kung wala pa 1 year of service, no 5 days with pay. 

CHERRYS, almost all of us give free fare for bakasyon now. But we are not required to by the KBill di ba?





 

Latest Stories

Load More Stories
Close