I dont want to make a reaction na about the Kasambahay Bill, kasi kahit na ata umiyak ako ng dugo eh i really have to follow na what is demanded by the bill.
I have to share lang my experience with my yaya, after I let her watch FAILON NGAYON episode on Kasambahay bill. Kasi parang shes sending me an attitude na nakakairita na, and she kinda demanding na ha.
I let my yaya watch the episode para kahit papaano ay may idea siya how KB goes.
Sabi ko wala namang problema sa akin ang mag comply ng mga mandatory requirements (i.e. SSS, Philhealth and Pag-ibig) but of course i have to compute my expenses and make necessary adjustments para magkasya ang budget ko sa salary niya.
Her sahod is 4K na, then i have to shoulder pa all the contributions incurred for SSS, Philhealth and Pagibig. So kulang-kulang aabot ng 5K ang salary niya (hindi pa kasama ang 13th month pay and leave with pay).
From the time i hired her, at nung wala pang Kasambahay Bill, i always make a salary increase every year. Two years na siya sa akin, ok naman ang arrangements namin. Hindi narin siya "iba" sa amin. Sagot ko rin pamasahe niya whenever she wants to go home sa province niya.
Untill she became aware of the KBill... nag simula na ang sakit ng ulo ko.
I booked last year our vaction to HK, we decided na isama namin si yaya para hindi ako mahirapan sa pagbubuhat sa anak ko. When i told her na sasama siya, shes happy pa nga and excited. My budget alloted for her is 25k (from passport, travel tax, airport tax, amusement park fees, accomodation and dining).
Ok na ang arrangements, then a week after she watched the KBILL sa TV heto na ang demands ni atey.
1. Pag nasa HK daw siya, she demands for an overtime pay.
2. She is asking na i will give her FREE time for herself na makapaglibot libot daw sa HK

3. Wala daw ba siyang pocket money?

4. If i plan daw na hindi ko siya isasama sa HK, she will file for a vacation leave with pay.
Grabe! halos manginig ako sa imbey, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Parang akong pipi, but a lot of thoughts running through my mind (gilitan ko kaya ng leeg ito?). I just kept silent, and walked away.
My yaya seem to have an attitude na after this KBill was shown.
At heto pa ang pahabol, kanina lang may hinirit na naman nag atey "ate, kung aalis po ulit tayo next year pwede huwag sa march? I-move mo nalang ng april kasi uuwi ako sa province at aattend ng graduation."
Sino namang demonyo ang bumulong sa kanya na aalis kami next year?
At nag tanong "ate, sasagutin ninyo pa rin po ba ang pamasahe ko pag umuwi ako?"
Mukha ba akong ATM?
She seem to be finding ways kung paano pa siya makakabenefit sa KBILL na ito. Haaaayst.