@sis cuteapril-kami pumunta kami ng ayutthaya...we went to bkk last sept...yung week na dumating kami yun yung week na tumigil na ang mga ulan-ulan, pero pagkaalis namin ng bkk, dun nag-umpisa ang ulan at sobrang grabe ang baha ang nangyari...
nung 3rd day yata kami ng ayutthaya...2 hrs away lang siya from bkk...you can either take the train (chug-chug po ito ha? ) or the bus...we took the train going there, then going back to bkk, nag-bus na kami...isip namin kasi na ok nang ma-traffic pabalik ng bkk kaysa ma-traffic papunta...
the train was a nice experience, kasi we went to the last carriage, kasi siya yung pinaka-mura and at the same time, para ma-exprience mo daw ang way of life sa thailand...may mga nakasabay kaming mga europeans na mga back-packers sa carriage, walang mga pinoy...kasabay namin yung mga monks, mga nagtitinda sa loob ng train, at mga locals...so expected na may mga katabi kayong mga manok, gulay and the likes...and ofcourse, minsan may "away" or kaguluhan na nangyayari..pero harmless naman...:-)
pagbaba niyo ng ayutthaya, expected niyo na pagkakaguluhan kayo ng mga tuktuk drivers...kami kasi nun naglakad palabas ng train station at naghanap ng 7-11 at dun nagtanong kung paano pupunta sa mga temples...yun pala, kailangan mong tumawid ng tubig...kaya sumakay kami ng parang barge...then pagbaba mo sa kabilang ibayo, ayan na naman ang mga tuktuk drivers...since pa-importante kami, lahat ng tuktuk na lumapit sa amin dineclined namin...sobrang pagmamalaki pa namin sinasabi na, we will walk around ayutthaya without them...sabi kasi nung pinagtanungan namin na photo shop, mga 200 meters away yung unang temple na makikita namin...eh since isip namin yung 200 meters eh 2 ikot sa isang olympic swimming pool, kayang lakarin...:-) yun pala ang layo...:-) the fact na ang daming asong kalye sa kalsada at sobrang kainitan ng araw nung dumating kami ng ayutthaya, around 12 noon yata...so advice ko sa inyo, pag nakakita na kayo ng tuktuk drivers, i-hire niyo na...200 baht ang isang tao, 5 temples yata in 3 hrs, ganun ang lakaran dun...and sis, ang lalayo ng mga temples, so kailangan talaga ng tuktuk...
pero kung adventurous kayo katulad ng mga europeans na nag hire ng bike, kasi mas mura...way too the max na mura, go ahead, kaya lang dapat may extra shirt kayo and water bottle, kasi para kayong nag marathon ng di oras, kung bike ang gagamitin niyo...and mahirap i-manoobra ang bike around ayutthaya, kasi mayroon na parang san juanico bridge kayong tatawirin para makarating sa isang temple...and wala silang binibigay na helmet pala...
when we went back, we took nga the bus...pwede kayong magpahatid dun sa tuktuk driver niyo...pwede rin kayong mag-hire ng van or ang tawag nila shuttle bus. i-explain niyong mabuti sa driver kung bus na bus ang sasakyan niyo or shuttle ha? although, sa last na temple na pupuntahan niyo, may mga shuttle bus nang naka-park dun, pabalik ng bkk...pero ofcourse, mas mahal ang fare niya...pero kung marami kayo, i guess, ok lang...
expect traffic pagbalik ng bkk...sobra pala ang traffic sa bkk...di nagbibiro yung mga naririnig niyong kwnto na kaloka ang traffic sa thailand...totoo yun...expected niyo na makakarating kayo na gabi na...around 7pm...kung say mga 3pm kayo natapos sa temple-hopping...pag bus, kumukuha sila ng pasahero along the way...pero sobrang traffic nga, kaya kahit shuttle usad-pagong...ewan ko lang kung train...kasi nasa gilid lang siya ng main highway eh...pero syempre may mga train stops...
pero ayutthaya is worth seeing...di ka na-magte-temple hopping sa bkk,once nag-ayutthaya ka...although, mas maganda pa rin ang angkor ng cambodia...still, you have to see ayutthaya, kasi ito ang capital ng thailand dati...its the old city, the place where the royalty stayed before,its a must-see pag nasa bangkok ka...:-)