watch now

Author Topic: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas  (Read 22949 times)

jenybasti

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #20 on: October 14, 2011, 09:43:13 pm »
grabe naman mga kamag anakan nyo sis ibang level :)
in fairness wala namang ganyan sa mga kamag anakan namin may mga relatives din kami abroad and pag dumadating sila di naman kami nageexpect ng anything pasalubong from them.yung iba nagbibigay chocolates sabon ganon pero yung iba wala ok lang basta ba nakaalala dumalaw sa bahay eh ok lang yun.yung tito ko na super galante pag dumadating as in lahat ng kapatid nya binibigyan nya sinasama nya pa nga pag nag duty free tapos pwede kumuha ng kahit ano pero sila mismo nahihiya di kumukuha basta basta si tito pa mismo nagtuturo at naglalagay sa cart nila lalo makita na wala pang laman.bukod pa dun papakain pa yan sa labas tuwing dadalaw sa bahay ng mga kapatid nya to the point na pinipigilan na nga nila kasi nga sobra sobra na yung gastos.
yung asawa ko nasa abroad din naka 2 uwi na sya and may pasalubong lang sya samin sa immediate family nya pati sa immediate family ko lang din kasi di naman ganon kalakas ang kita nya wala din masyadong ipon.
kapitbahay na makapal ang face meron tipong manghihingi talaga pero dedma lang..:)

nadialicious16

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #21 on: October 16, 2011, 08:18:24 am »
Sa akin naman,garapal din ang kamag anak kong bida sa story na ito. Apat kasi auntie ko dito sa Australia,pero hindi sila nag-uusap usap. War silang lahat lol ! So itong makapal na mukha kong tiyahin kong hilaw (asawa ng tito ko na kapatid ng mga auntie ko dito) sinamantala ang sitwasyon ng magkaka patid na hindi sila nag-uusap. May monthly allowance sila na natatanggap kay Auntie 1. Ang pinapalabas naman nya sa iba kong Auntie,wala na silang natatanggap na pera kay Auntie 1. So si Auntie 2,3,4 eh maaawa naman at maghuhulog. Akala nya siguro di sya mabubuko eh nakakausap ko si Auntie 1,2,3,4 so ayun nalintikan sya. Kapal ng mukha nya akala nya siguro pinupulot lang ng mga tao dito ang pera na di nila alam na halos magkanda kuba ang mga tao dito kakatrabaho. Pati mga anak ginagamit kunyari nagkasakit para lang makakuha ng pera. Hayun nung nabuko sila, pinalabas pa na lumuwas ng Manila para mamasukan. After 2 weeks may nakakita sa kanya na nagsasampay sya sa terrace nila. Kaya lagot sya kasi uuwi si Auntie 2 this month. At talaga naman malaking drama ang mangyayari sa buhay nya. Mga pasaway akala mo ATM ang mga tao sa abroad na sumusuka ng pera !

khat

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #22 on: October 17, 2011, 07:47:08 am »
lucky me hindi ganyan ka grabe mga kamag anak ko,he!he!  i remember pala may mom in law, naku siya yung naalala ko na pag umuwi e akala mo fiesta sa house nila, e lahat ng mga anak niya dito na sa abroad naka tira kaya halos mga kamag anak na lang niya ang pinapasyalan niya sa pinas, she owned properties and house pa kasi sa Pinas, almost everyday nandun mga relatives niya,at dun pa nakikikain, kaya si mommy ang dami nagagastos everyday sa food pa lang, to think silang dalawa lang naman ni Papa, eh mga relatives naman niya may kaya naman sa buhay, they have businesses,car,properties, pero todo abang pa rin ng pasalubong. kaya sabi ni mom, instead na kumustahin sila at kahit papano eh nakaka uwi pa rin sila ng pinas kahit may edad na, eh pasalubong at pag hingi ng tulong ang talagang sadya nila,lols, na experience ko ang sinasabi ng MIL ko last year ng umuwi kami ng Pinas para mag celebrate ng birthday at baptism ng son ko, 1 week lang kasi ang pagitan ng Baptism celebration ni baby at 1st bday niya, kaya nung Baptism talagang close relatives lang talaga namin ng Husband ko ang invited at sa house lang namin, nagpa cater ako ng foods good for 50 pax, aside from that nag paluto pa ako ng mga 3 or 4 na klase ng ulam, just incase na mag kulang yung cater food, at si MIL nag dala siya ng lechon, as in super laki at taba nung lechon, siguro nasa mga 20 or 25 lang ang dumating kong bisita sa side ko at kalahati nun mga kids pa, the rest mga bisita na ng side ng husband ko, di naman din sila ganun karami, kaya naisip ko super dami ng foods na matitira, nauna mag paalam na umalis si MIL at mga relatives niya dahil medyo malayo pa uuwian nila, ang ginawa ko, yung mga ulam na pinaluto ko sa bahay, i told my mom na mag balot for my MIL and sa mga relatives niya, kaya each family may take out, tapos 1/4 nung lechon pina balot ko din para pa uwi kay MIL, hindi ko na nilagyan ng lechon yung mga take outs nila kasi for sure yung lechon ng pina uwi ko kay MIL ay ma pupunta din sa kanila dahil hindi naman mahilig sa ganun si MIL, eh yung dalawa sa mga kamag anak niya nakita na medyo marami pa yung lechon kaya ayun, lumapit dun sa table nung lechon and ask my uncle na mag papa hiwa daw  siya ng lechon kasi wala daw yung take out nila, kaya ayun nag sunuran almost lahat ng relatives ni husband na mag pahiwa din, as in hindi tinigilan yung lechon, pati ulo. iuuwi din daw nila, hindi na lang ako nag re-react kahit na disappoint ako sa nakita ko sa kanila, kasi pagkain lang naman yun, ang sa akin lang, di man lang nila naisip na baka may mga bisita pa kami na hindi dumating or yung mga kamag anak ko hindi pa gaano naka kain dahil sila yung tumutulong kay mommy na mag asikaso sa kanila, ayun ang na tira na lang sa lechon is yung bandang likod niya, yung dalawang paa sa bandang hips na lang ang natira, kaya sabi ko kay husband sana inuwi na lang nila lahat, porque dinala ata ni MIL yung lechon kaya they don't mind na kung halos ma uwi din nila,lols, tapos at the end of the day naman, yung mga relatives ko na tumulong sa bahay ayun ginaya ata mga relatives ni hubby at sila naman ang nag uwi ng mga ulam, halos lahat ng ulam wala natira sa amin, kaya nung dinner na dun pa lang namin sana malalasahan ang pagkain dahil hindi na kami busy,kaya lang halos wala na pala ulam na natira samin kasi na uwi na lahat,he!he! gulat ako kasi,mga 40 kids and adults na pinaka madami namin bisita side ko at side ni hubby,pero ubos lahat, balak sana namin kainin yung mga left over kinabukasan para hindi na muna ako magpa palengke,kaya lang nasimot,lols

ldrwifey

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #23 on: October 20, 2011, 10:56:34 am »
buti n lang sakin walang gumagawa ng ganyan, alam nila mataray ako!!! pero si mama ko, susmaryosep, galante! dun naman s mga kapatid ng parents ko walang problema kung ano lang ibigay thank you silang lahat, itong mga malalayong kamag anak nagsusulputan bigla pag dumadating si mama, ok sana kasi kita m namang hikahos s buhay kaso parang off sakin yung talagang sasadyain m sa bahay para humingi ng pera diba...

lyn

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #24 on: October 25, 2011, 03:12:39 am »
LOL! I don't know if matawa ako or magalit sa mga ganito na mga kamaganak some close, some not.

I remember noong nasa Phils pa kami may business kami. And halos kami naghe-help nila sa side sa mom ko pinapaaral nya sila tapos di man lang tinapos tapos, or pinapautang na walang bayaran, tapos sila naghahakot lahat ng gamit namin sa bahay at ninanakawan pa kami. Sa side ng papa ko kami naghelp na mapapa abroad sila dito sa US or sa ibang bansa (NZ, Canada etc.) pero noong kinakapos kami kahit ning isang kusing wala kaming napala nilang lahat. Doon mo malalaman kung sino talaga ang tunay nagmamalasakit sa inyo. I think isa lang ang naghelp samin yung close sister ng mama ko, aunt ko.

Yung iba keyso nasa abroad na sila nagiba na yung ugali. Feeling super yaman. At para pang natuwa sila na naghihirap kami when kami nga naghelp sa kanila na maabot nila narating nila ngayon. Yung iba tinuuran ng papa ko about sa business para makatayo din sila ng sarili nilang business. Hindi nga kami kinakausap at kahit natatagpo kayo sa mall deadma lang. Okay lang naman yan sa amin. Ang di okay eh yung nakabalita lang sila na nandito na kami sa US nagmigrate, nagsusulputan sila at kung ano2x ang gustong pabibili. Nagme-message sa FB. Pero nawala na ng amor sila sa amin kaya kami na naman ang nagde-deadma sa kanila at eni-ignore namin.

Hindi talaga namin sinabihan yung mga relatives namin when my parents migrate here na kahit nagkita sila sa mall. Yung close sis (aunt ko) lang ng mama ko at yung mga anak ng aunt ko sinabihan namin.

Yung nasa abroad din nagiba ihip ng hangin, nagstart na mag okay yung attitude nila pero the damage been done. At nablock na din namin yung ibang pasaway na mga kamag anak na yun. Yung iba naman na relatives na hindi kami friends sa FB gusto ng maging friends. Shyt kayo, but di kami gustong maging friends sa mga plastic na tao.

Ngayon problema namin eh yung bahay namin sa probinsya, namatay kasi yung trusted caretaker namin doon kaya yung mga gamit namin ninanakaw. Ang sad pa eh alam namin mga kamag anak lang ang nagnakaw sa mga iyun. Mga scuba gear, tanks, compressors, damit, curtains, cabinets, tupperware, pots and pans, microwave halos lahat gamit namin doon na wala. Kung makukuha nila yung marbol na floor namin doon baka kinuha nadin nila. LOL! Yung bahay namin sa city naman di gusto magstay yung dalawang sis ko doon. Kaya another probs din...hay buhay! :-\

Iba iba talaga ang gulong ng palad natin....

icee_star

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #25 on: October 26, 2011, 02:24:01 pm »
Thank you mga sis for sharing your stories. Somehow, nawala na din ang inis ko at natatawa na lang din ako sa mga nangyari. Not until last week, just to share with you, my grandpa passed away na pala, siya yung nasa kwento kong nasa hospital :(

Anyway, rant lang ulit dahil wala talagang pinatawad na pagkakataon itong mga "kamag-anak" ko na ito. So nung 13 nga when my lolo died, so syempre burol and kung ano-ano pang asikaso. Sa wake kasi napakiusapan namin yung sis nga ng lola ko na magluto for the visitors. Simpleng mga food lang naman, like mga sopas, then timpla timpla lang ng juice. Ang walang patawad na lola, nanghingi ba naman ng 500/day. Dahil daw sa pagluluto niya for the wake, hindi daw siya makakapagtinda at hindi makakabayad sa bumbay ng daily hulog niya. Samakatwid, naka-2500 siya sa 5 nights na pagluluto. So ok na yun. Nung libing naman akala namin parang papalagpasin na niya, nanghingi pa rin! Medyo nainis na nga ang mama ko kasi di naman daw siya nagluto bakit nanghingi pa, eh kasi nga di na nman daw nakatinda dahil nakipaglibing! Haaay naku :(

Then during the wake, maraming friends ang tita ko na nagbigay ng mga food like boxes of zesto, biscuits and chichirya. Yung mga apo niya lagi nagpupuntahan dun and everytime na uuwi may mga supot na bitbit laman ang mga food! Pati mga nanay takenote ha nag-uwi ng mga zesto! Nakakaloka talaga. Minsan nga sinabihan ng mom ko na wag mag-uwi ng marami dahil marami pa darating na makikipaglamay.

Then nung last night na ng wake, nagpa-cater for the visitors. Eh wala naman kami iba makatulong so si lola na naman ang naatasan maglagay lang ng ulam sa plates ng mga pipila sa food. Aba nahuli ng mama ko nagbabalot ng ibang ulam! Jusko my gulay talaga!!! Tapos sabi ng mama ko "nay wag ka na magbalot at baka kulangin" sagot ba naman wala daw sila pang-ulam. So pinalagpas na lang ng mama ko. Then nung nagbibigay na siya ng mga ulam, ang KONTI niya magbigay, kasi nga madami-dami nakipaglamay eh baka kulangin sa food. Pero nung mga anak niya at apo, pati mga manugang niya ang nakapila, ang DAMI nyang sinandok!!! Nakakabaliw talaga.

Hindi lang siya ha, pati yung manugang niyang taga-munisipyo pinakiusapan ng tiyahin ko na ayusin na lang yung death cert ng lolo ko para mapabilis, nanghingi pa ng lagay at pampa-gas ng motor niya. Parang ang sarap sagutin ng "Hello, kamag-anak ba kayo? Lahat ng kilos niyo katumbas eh PERA!!!"

Tapos eto lang sunday, kakauwi ng mom ko dito sa SG, nagmessage naman daw yung apo ulit na sa Pasko na lang daw yung havaianas. Tapos may follow up pa "tita, birthday ko na :D"

Nakakaasar diba, utang na loob, were still in grieving period especially my mom kasi tatay niya yung nawala, then just 4 days after the libing ganun ang ime-message sa kanya sa FB? Nako buti hindi ako ang ginanun nila kundi makakatikim na talaga sila sa akin. After all ng ginawa nila during the wake, halos lahat ng galaw nila binayaran, ganun pa iaasta nila.

Grabe talaga :(

Sorry napahaba lang, sobrang asar lang ulit.

mom_G

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #26 on: October 26, 2011, 03:10:11 pm »
^ sis, wala akong masabi.  winner talaga ang mga kamag-anak mo, haha! may ganyan din kaming relatives ni hubby pero mas tame naman.  nakakainis lang na feeling entitled sila sa mga pinag-papaguran natin.  buti na lang, known ako for being kuripot and wala akong pakialam kahit ano sabihin nila.  nung una, nagpapa-pressure din mom ko pero wala rin sya magawa sa pagiging kuripot ko  ;D

daveigh

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #27 on: October 26, 2011, 03:26:45 pm »
pag gusto ko palang ma-high blood, ito lang ang thread na babasahin ko! grabeee!

one word : ABUSO!

blooming

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #28 on: October 26, 2011, 09:06:08 pm »

sis icee_star, our condolences sis.

pero back to topic - nakaka highblood naman ang kwento mo. parang nagpapalpitate ang puso ko sa inis!

Sa wake kasi napakiusapan namin yung sis nga ng lola ko na magluto for the visitors. Simpleng mga food lang naman, like mga sopas, then timpla timpla lang ng juice. Ang walang patawad na lola, nanghingi ba naman ng 500/day. Dahil daw sa pagluluto niya for the wake, hindi daw siya makakapagtinda at hindi makakabayad sa bumbay ng daily hulog niya. Samakatwid, naka-2500 siya sa 5 nights na pagluluto.

what!??!?! ano ba sya, caterer ba sya sa lamay or kamag-anak?  kung magpapacater din lang, puede naman kumuha nalang nung talagang nagc-cater.  naniningil sya?  kala ko yun na ang participation nya or "tulong" sa pamilya ng sister nya.

Then during the wake, maraming friends ang tita ko na nagbigay ng mga food like boxes of zesto, biscuits and chichirya. Yung mga apo niya lagi nagpupuntahan dun and everytime na uuwi may mga supot na bitbit laman ang mga food! Pati mga nanay takenote ha nag-uwi ng mga zesto! Nakakaloka talaga. Minsan nga sinabihan ng mom ko na wag mag-uwi ng marami dahil marami pa darating na makikipaglamay.

kung para kay sis Daveigh ABUSO yang mga yan, tawag ko dyan eh MGA SUGAPA at PATAYGUTOM.

Parang ang sarap sagutin ng "Hello, kamag-anak ba kayo? Lahat ng kilos niyo katumbas eh PERA!!!"
Totoo yan, minsan mas mabuti na hwag nalang silang tumulong at baka mas makatipid ka pa kung maghire ka nalang ng taga-ayos, taga-cater, taga-bantay etc. mas maayos pa ang trabaho at puede mo sabihin pano mo gusto.


Tapos eto lang sunday, kakauwi ng mom ko dito sa SG, nagmessage naman daw yung apo ulit na sa Pasko na lang daw yung havaianas. Tapos may follow up pa "tita, birthday ko na :D"
Magandang sagot dyan - "Happy Birthday!" yun lang hehe.


snowflakesdance

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #29 on: October 26, 2011, 09:48:42 pm »
@sis, icee_star: condolence...

and ang alam ko, malas maguwi ng food from lamay or libing :P

anyway, karma karma lang yan ;) may mga ganyan din kaming relatives lalo na sa side ng father ko. After pagaralin ng tatay ko mga anak nila, aba! nagsipagasawa at humihingi parin sa tatay ko para sa mga apo nila! ang kapal lang diba? tapos kapag pumupunta kami dun sa kanila, taas kilay lalo na kung meron sa amin may bagong cellphone, bagong gadget etc... e kung tutuusin yung mga luho namin, galing sa pinagtrabahuhan namin, hindi naman kay papa... nakakainis lang.

Nung nasa call center pa ako at night shift yung schedule ko, nawala ni papa yung phone nya. so hindi nila macontact. Aba! ako yung tinawag-tawagan... e syempre tulog ako nung mga panahong yun kasi "bampira" ako nun e... :p nagigising ako sa tawag nila. e kapag napuputol ang tulog ko, umaatake migraine ko! talagang hindi ko binigay sa kanila ang bagong number ni Papa...

and then, last year lang, yung isang kapatid ni Papa, kung ano anong masasamang salita ang pinagsasabi kay Mama... muntik na mastroke si Mama nun! Pero ang kapal ng mukha at humingi parin ng pera sa Papa ko kasi nagbubusiness daw. Yun pala kakumpitensya ng nanay ko... magkatabi pa ang pwesto!

Naku! wag lang magkataong magkita kami ng asawa nya at talaga namang papahiya ko sya sa pambababae nya! kapal!

kaya nung umuwi sina ate, hindi nila binisita kahit on the way lang naman papunta dun sa lolo namin sa mother side naman since wala naman kaming ganyang klaseng problem dun sa relatives namin sa mother side.
« Last Edit: October 26, 2011, 09:50:33 pm by snowflakesdance »

nadialicious16

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #30 on: October 27, 2011, 06:42:21 am »
Nakakaloka sila noh? Bakit ganyan.. ang sa sama. Umuwi na kahapon yung Auntie ko sa Phils. magkakabukingan na pag uwi nya ng fiestang patay. Tingnan natin kung talagang namasukan sya sa Manila or baka nagtatago lang sa lungga nya. Dakdak talaga abutin nya. May monthly allowance na ngang natatanggap baon pa sya sa utang na ang nagbabayad eh ibang tao.  >:(

marssie

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #31 on: October 31, 2011, 01:23:10 pm »

Then during the wake, maraming friends ang tita ko na nagbigay ng mga food like boxes of zesto, biscuits and chichirya. Yung mga apo niya lagi nagpupuntahan dun and everytime na uuwi may mga supot na bitbit laman ang mga food! Pati mga nanay takenote ha nag-uwi ng mga zesto! Nakakaloka talaga. Minsan nga sinabihan ng mom ko na wag mag-uwi ng marami dahil marami pa darating na makikipaglamay.

Then nung last night na ng wake, nagpa-cater for the visitors. Eh wala naman kami iba makatulong so si lola na naman ang naatasan maglagay lang ng ulam sa plates ng mga pipila sa food. Aba nahuli ng mama ko nagbabalot ng ibang ulam! Jusko my gulay talaga!!! Tapos sabi ng mama ko "nay wag ka na magbalot at baka kulangin" sagot ba naman wala daw sila pang-ulam. So pinalagpas na lang ng mama ko. Then nung nagbibigay na siya ng mga ulam, ang KONTI niya magbigay, kasi nga madami-dami nakipaglamay eh baka kulangin sa food. Pero nung mga anak niya at apo, pati mga manugang niya ang nakapila, ang DAMI nyang sinandok!!! Nakakabaliw talaga.



LOL ;D Sis sana tinakot mo, sa amin kasi kasabihang panakot ng matatanda haha, pag naguwi ka ng galing sa patay, pagkain or kahit ano pa man, susundan daw ng kaluluwa ;D

quennna

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #32 on: October 31, 2011, 02:32:59 pm »
haaay TS.. nakakapang-gigil!!!
may ganyan din akong relatives sa mother side..
mama ko and lola ko.. pinagsasabihan ko na kung may uuwi from abroad
makikamusta lang wag.. umasa sa bigay..
so far, di naman sila katulad ng ibang relatives namin..

ako nung nag abroad papa ako..
ang taray ko.. kasi kami nga anak eh.. di pala hingi..
talagang sinasabian ko sila.. di po nagbakasyon papa ko abroad
at saka ang liit lang ng pera laging nauuwi nun.. ibibigay pa ba sa inyo..

haaay, nakakakulo ng dugo..

sis,

minsan gawin, ikaw naman mag PM sa kanila..
kwento ka ng problema.. ibalik mo lang kung ano yung ginagawa sa iyo..
kunwari nagrereklamo ka na sa bagay bagay..

'alam nyo ang hirap hirap ng buhay dito sa SG..
pagod na pagod katawan namin, kung pwede nga lang magtrabaho kaluluwa ko, baka nagawa ko na..

tapos makakabasa pa ako sa inyo ang kung ano ano
kala nyo.. mag dali ng pera dito..
baka may alam kayo na.. mahihiraman ng pera dyan..
sabihan nyo ako... "

pag yan eh.. di pa naguilty..
DI NA TAO YAN!!!... lol


ladykristinn

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #33 on: October 31, 2011, 04:38:46 pm »
Buti nahanap ko an thread na 'to. Kaka 1 week pa lang namin ni hubby dito sa Japan kahapon pero on the 2nd day pa lang namin is marami na nagsasabi na "huwag makakalimot". As if naman makakalimutan namin sila eh sa dalas ba naman nilang sabihin. Secret lang sana pagpunta namin abroad eh etong si Daddy sabi magpaalam daw sa Lola ko (mom nya). From there nalaman na ng mga tita and tito ko. Diyan na nag  umpisa.  From lola to tito to tita to pinsan. Before we left sinabi ko naman na marami pa kaming babayaran na utang at hindi pa kami agad makakapag work. Ang nakakaasar pa, these are the same people na minamaliit maliit lang dati ang asawa ko. Na kesyo ganito ganyan tapos biglang naging maapong tupa sila bigla. Buti man lang sana kung kinukumusta nila kami and all that, kaagad ba naman na pera agad ang front nila sa amin. Sinabi ko rin na marami din kaming obligasyon at syempre mag iipon din kami para sa magiging family namin eh gusto ata nila lahat ng kitain namin eh ipadala sa kanila. Totoo nga ang sabi ni Daddy na nakakatakot tumawag sa mama nya at pera agad ang bungad. Papadalhan mo tapos ang makikinabang is mga anak rin nya na mahilig mag side comment. Hindi naman namin sinasabi na hindi kami mag sha share, wag lang nila kaming pangunahan at wag nilang isipin na kami na ang bubuhay sa kanila. Aba, magbanat sila ng buto nila (mga pinsan at mga tito at tita that is). Nakaka high blood lang kasi. Tuloy ko next time iyong iba. hehe...

blooming

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #34 on: October 31, 2011, 05:49:07 pm »
Hindi naman namin sinasabi na hindi kami mag sha share, wag lang nila kaming pangunahan at wag nilang isipin na kami na ang bubuhay sa kanila.

Sis, kasi ang hirap, ang default sa inyo ay MAGSH-SHARE kayo. Bakit hindi puede ang default, NO SHARING!  Kasi hindi naman kamo kayo charity. Nagt-trabaho lang naman kayo para sa inyong kinabukasan, bakit gusto nila kumabit.  As if naman kung kayo nangailangan eh susuporta ba sila.

quennna

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #35 on: October 31, 2011, 06:52:53 pm »
sobrang nakakawala ng dugo.. hmmmp

snowflakesdance

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #36 on: October 31, 2011, 10:06:53 pm »
haaay TS.. nakakapang-gigil!!!
may ganyan din akong relatives sa mother side..
mama ko and lola ko.. pinagsasabihan ko na kung may uuwi from abroad
makikamusta lang wag.. umasa sa bigay..
so far, di naman sila katulad ng ibang relatives namin..

ako nung nag abroad papa ako..
ang taray ko.. kasi kami nga anak eh.. di pala hingi..
talagang sinasabian ko sila.. di po nagbakasyon papa ko abroad
at saka ang liit lang ng pera laging nauuwi nun.. ibibigay pa ba sa inyo..

haaay, nakakakulo ng dugo..

sis,

minsan gawin, ikaw naman mag PM sa kanila..
kwento ka ng problema.. ibalik mo lang kung ano yung ginagawa sa iyo..
kunwari nagrereklamo ka na sa bagay bagay..

'alam nyo ang hirap hirap ng buhay dito sa SG..
pagod na pagod katawan namin, kung pwede nga lang magtrabaho kaluluwa ko, baka nagawa ko na..

tapos makakabasa pa ako sa inyo ang kung ano ano
kala nyo.. mag dali ng pera dito..
baka may alam kayo na.. mahihiraman ng pera dyan..
sabihan nyo ako... "

pag yan eh.. di pa naguilty..
DI NA TAO YAN!!!... lol

LOL!! grabe natawa talaga ako dito sis... parang magandang idea yan :D

quennna

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #37 on: October 31, 2011, 10:18:39 pm »
lol..

unahan lang kasi yan..
lalo na kung ang tao di marunong magalit..
katulad ni ts..
penge nga konting mabaitan mo.. bigyan kita ng konting kalokohan ko.. lol

boaVista

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #38 on: December 28, 2011, 10:07:27 pm »
Hay ewan ko ba sa mga kamag anak sa pinas ganyan ganyan din mga kamag anak ko at ni hubby, last time yung pinsan nya nagpaparinig sa kanya na gusto daw ng pamangkin nya (anak ng kapatid ni hubby) sa private school mag aral, lol e d sabihin nya sa magulang ng bata na nasa abroad buti na lang si hubby marunong makaramdam sinagot yung pinsan nya na bakit ako mag papaaral anak ko ba yan eh may magulang ang mga bata na yan. Yung naman ni mother ni hubby kabibigay lang 8k pag uwi ni hubby wala pang 10 days nanghihingi na naman ng pera tinuturuan pa yung apo na mismo ko pang narinig dahil katabi ko si hubby that time binulong kay hubby na bigayn daw ng pera lola nya at wag daw sasabihin sa ken, susmaryosep tinuruan pang maging walanghiya ang apo, pati si hubby tinuruan pang maging walang hiyang asawa. At pag hindi mo nabigyan ikaw na ang pinakamasamang tao sa mundo kahit dun sa mga kapatid nya, lakas ng loob sumabatan asawa ko na kesyo dapat daw half ng sweldo dapat sa nanay nila dahil pina request sha ng work sa pinsan nila, bakit daw nag asawa sya agad, lahat daw ako yung nakinabang sa kanya, P...I sha ngayon may sakit anak nya halagang isang libo sa ken sha tumakbo after nya ko sabihan ng ganun. Pati mga utang nya noon twice na nag abraod asawa nya ni singkong duling wala siya binalik, ang kapal nya.

Yung mga kamag anak ko naman  sa mother side pag andito si hubby mga halatang halata panay ang puntahan dito, ikot ng ikot mga mata sa bahay namin, natatakot tuloy kami ng nanay ko kasi baka mamaya may mag interest sa mga bagay na nakikita yung personal na gamit namin sa salas eh kung saan lang nakapating mahirap na buhay pa naman mga yun, pero kahit mahirap na buhay susme bakit ba tuwing andito asawa ko eh andito sila lagi, timing lang? Pati yung pag uwi ng asawa ko bilang nila yung schedule? Panay salita na hirap na hirap sila sa buhay, maryosep ang lalaki ng katawan nila yung nanay kona may sakit na psoriasis halos hindi makalakad dito pa sila lalapit At saka di naman nila kaano ano ang asawa ko panay sila nangungutang, pati sila gusto makipackage deal sa sweldo ni hubby. Hingi ng lotion hingi ng pabango damit, hay buhay every 2 months umuuwi si hubby halos wala rin inuuwing pera sana kung every two yrs ang uwi baka magpasalubong si hubby ng ganun. Nung minsan wala ako sa bahay d alam ni mother na nasa baba sila naghalungkat sa ref grabe nakita yung mga stock na chocolates lahat gusto hingin, ano karapatan nila maghalungkat ng hindi namin alam.

Sorry for the long post gusto ko lag mag vent out pag naiisip ko kasi naiinis ako, ang tagal pa naman maalis ng inis pagbuntis. Pag ganto pakiramdam ko nasasabi ko na lang na mas swerte kami dahil hindi namin kailangan manghingi at manghiram ng pera. Hay buhay.

Claudia P

  • Guest
Re: nakakainis na mga kamag-anak back in Pinas
« Reply #39 on: December 29, 2011, 07:16:16 am »
Ganyan na yata talaga ang mentality sa atin ngayon. Just because you're abroad, they think, naliligo ka sa pera. And just because you have money, they think they are entitled to it...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close