lucky me hindi ganyan ka grabe mga kamag anak ko,he!he! i remember pala may mom in law, naku siya yung naalala ko na pag umuwi e akala mo fiesta sa house nila, e lahat ng mga anak niya dito na sa abroad naka tira kaya halos mga kamag anak na lang niya ang pinapasyalan niya sa pinas, she owned properties and house pa kasi sa Pinas, almost everyday nandun mga relatives niya,at dun pa nakikikain, kaya si mommy ang dami nagagastos everyday sa food pa lang, to think silang dalawa lang naman ni Papa, eh mga relatives naman niya may kaya naman sa buhay, they have businesses,car,properties, pero todo abang pa rin ng pasalubong. kaya sabi ni mom, instead na kumustahin sila at kahit papano eh nakaka uwi pa rin sila ng pinas kahit may edad na, eh pasalubong at pag hingi ng tulong ang talagang sadya nila,lols, na experience ko ang sinasabi ng MIL ko last year ng umuwi kami ng Pinas para mag celebrate ng birthday at baptism ng son ko, 1 week lang kasi ang pagitan ng Baptism celebration ni baby at 1st bday niya, kaya nung Baptism talagang close relatives lang talaga namin ng Husband ko ang invited at sa house lang namin, nagpa cater ako ng foods good for 50 pax, aside from that nag paluto pa ako ng mga 3 or 4 na klase ng ulam, just incase na mag kulang yung cater food, at si MIL nag dala siya ng lechon, as in super laki at taba nung lechon, siguro nasa mga 20 or 25 lang ang dumating kong bisita sa side ko at kalahati nun mga kids pa, the rest mga bisita na ng side ng husband ko, di naman din sila ganun karami, kaya naisip ko super dami ng foods na matitira, nauna mag paalam na umalis si MIL at mga relatives niya dahil medyo malayo pa uuwian nila, ang ginawa ko, yung mga ulam na pinaluto ko sa bahay, i told my mom na mag balot for my MIL and sa mga relatives niya, kaya each family may take out, tapos 1/4 nung lechon pina balot ko din para pa uwi kay MIL, hindi ko na nilagyan ng lechon yung mga take outs nila kasi for sure yung lechon ng pina uwi ko kay MIL ay ma pupunta din sa kanila dahil hindi naman mahilig sa ganun si MIL, eh yung dalawa sa mga kamag anak niya nakita na medyo marami pa yung lechon kaya ayun, lumapit dun sa table nung lechon and ask my uncle na mag papa hiwa daw siya ng lechon kasi wala daw yung take out nila, kaya ayun nag sunuran almost lahat ng relatives ni husband na mag pahiwa din, as in hindi tinigilan yung lechon, pati ulo. iuuwi din daw nila, hindi na lang ako nag re-react kahit na disappoint ako sa nakita ko sa kanila, kasi pagkain lang naman yun, ang sa akin lang, di man lang nila naisip na baka may mga bisita pa kami na hindi dumating or yung mga kamag anak ko hindi pa gaano naka kain dahil sila yung tumutulong kay mommy na mag asikaso sa kanila, ayun ang na tira na lang sa lechon is yung bandang likod niya, yung dalawang paa sa bandang hips na lang ang natira, kaya sabi ko kay husband sana inuwi na lang nila lahat, porque dinala ata ni MIL yung lechon kaya they don't mind na kung halos ma uwi din nila,lols, tapos at the end of the day naman, yung mga relatives ko na tumulong sa bahay ayun ginaya ata mga relatives ni hubby at sila naman ang nag uwi ng mga ulam, halos lahat ng ulam wala natira sa amin, kaya nung dinner na dun pa lang namin sana malalasahan ang pagkain dahil hindi na kami busy,kaya lang halos wala na pala ulam na natira samin kasi na uwi na lahat,he!he! gulat ako kasi,mga 40 kids and adults na pinaka madami namin bisita side ko at side ni hubby,pero ubos lahat, balak sana namin kainin yung mga left over kinabukasan para hindi na muna ako magpa palengke,kaya lang nasimot,lols