watch now

Author Topic: how many yaya's/hh do you had before you said "finally! heaven sent "  (Read 6885 times)

beatrize zuri

  • Guest
yaya for my 2 yo dau - 6 yayas and finally! yung pang 7th yaya niya hopefully ito na talaga, so far ok siya at wala akong masabi sa trabaho niya, my dau loves her and i can see that she loves her too, sa lahat ng naging yaya ng dau ko sa kanya lang sya naghahabol sa ibang naging yaya niya NEVER! and ang pinakagusto ko sa kanya napaka tyaga niya sa daughter ko at nakikipag laro sya, laging on time ang pagpapakain nya at pagpapaligo same thing with pagpapatulog.  :D
 
sa hh - 3 yung pang 4th sa wakas! swak sila ng yaya ng dau ko kasi magtyahin sila  ;D
wala akong masabi sa kanila., matitino at marunong mahiya, kaya kami ni hubby they treat them as a family na.  ;D
 

ecnarfoj

  • Guest
Re: how many yaya's/hh do you had before you said "finally! heaven sent "
« Reply #1 on: October 11, 2011, 10:57:06 am »
1 lang... etong 2nd yaya ng anak ko ay sobrang heaven sent. :)

Siguro dahil sobra din yung pinagdaanan namen dun sa unang yaya at naka-quota na kami.
Dumating kasi yung point na ayaw na umuwi ng asawa ko sa bahay namen dahil naiirita siya sa yaya ng anak ko at ako naman si sobrang tanggol sinasaktan naman pala yung anak ko at hindi pinapakain.

Yung yaya namen ngayon, more than a year na siya.. sobrang systematic. Love na love siya ng anak ko. Yung bahay namen palaging maayos at madaling kausap. Hindi yung nagkikimkim ng sama ng loob tapos biglang lalayas. I know sooner or later uuwi na din siya sa kanila pero hopefully mag-stay muna siya samen until makapag-aral na yung anak ko. If ever magka-anak na ako ulit, kukuha na lang ako ng isa pang yaya para hidni naman sobrang bigat ng trabaho niya.

momentum

  • Guest
Re: how many yaya's/hh do you had before you said "finally! heaven sent "
« Reply #2 on: November 03, 2011, 01:01:19 pm »
{OT}


mga sis,

baka po may mga kilala silang karelative/friend na pwede rin magyaya na alam nila ay matino rin??

kasi ako, i lost count na how many yayas my daughter had  :(

may mga 2 ako nahanap but di nagtagal due to family/husband problems.
mga sis, baka may kilala sila? pwede ninyo ba irefer sakin? pls?
 
im desperate  :-[
« Last Edit: November 03, 2011, 01:03:12 pm by momentum »

beatrize zuri

  • Guest
Re: how many yaya's/hh do you had before you said "finally! heaven sent "
« Reply #3 on: November 03, 2011, 11:14:57 pm »
^naku sis mahirap magrecommend sa ganyan, nakakahiya baka pumalpak diba? well yung sakin kasi maayos talaga silang magtyahin pero malay ko ba sa irerecommend nila diba? mahirap na.

k_heart

  • Guest
Re: how many yaya's/hh do you had before you said "finally! heaven sent "
« Reply #4 on: November 11, 2011, 09:42:16 pm »
Hay, true yan, mahirap magrecommend ng yaya or katulong. Kasi oag may palpak, parang yung nagrecommend rin ang may sagutin. Afraid.

beatrize zuri

  • Guest
Re: how many yaya's/hh do you had before you said "finally! heaven sent "
« Reply #5 on: November 12, 2011, 06:06:58 pm »
oo nga eh. dapat talaga pag nag screening lahat kinukuha (nbi, police clearance) kung dapat samahan mo siya sa bahay niya talaga, go! just in case, matakot siyang gumawa ng kalokohan.

Kady_14

  • Guest
Re: how many yaya's/hh do you had before you said "finally! heaven sent "
« Reply #6 on: December 12, 2011, 03:03:32 pm »
i lost count. more than 20 siguro. Mahirap talaga humanap ng OK, lalo na when I still live with my MIL. Meticulosa kasi yun and hindi makasundo ng yayas. Very praning na Lola din para sa mga apo nya.  ::)

My kids are aged 8 & 7. mag-1 year pa lang ang yaya nila sa Feb pero we love her like family. She's getting married this May to her long time BF. Sabi nya babalik sya pero iba pa rin what if diktahan na syang husband na wag na bumalik. So nappraning pa din ako.  :-\  My kids even have this count down until April, they are dreading the day she leaves to start prepping for her wedding. Pero inexplain ko na ganun talaga. :(
« Last Edit: December 12, 2011, 03:05:20 pm by Kady_14 »

twelvth_goddess

  • Guest
Re: how many yaya's/hh do you had before you said "finally! heaven sent "
« Reply #7 on: December 30, 2011, 10:26:30 pm »
Finally found a replacement yaya after almost 2 months. She's 18 years old and taga-Binangonan Rizal. Kanina lang namin sya sinundo sa house ng in-laws ko and I'm really praying na she's ok. Nakausap namin yung ate nya and mukhang ok naman. Pumayag sa starting rate namin and sabe ng ate nya, wag daw palalabasin (as in mag-off) kase hinde daw marunong sa Manila. We told her naman na wala naman problem mag-off basta pre-planned.

I just hope na things will be ok. Hirap kase pag papalit-palit especially since my husband and I are both working.

beatrize zuri

  • Guest
Re: how many yaya's/hh do you had before you said "finally! heaven sent "
« Reply #8 on: December 30, 2011, 11:53:30 pm »
^goodluck sis, hopefully ok siya  ;)

twelvth_goddess

  • Guest
Re: how many yaya's/hh do you had before you said "finally! heaven sent "
« Reply #9 on: January 01, 2012, 09:31:48 pm »
^Thanks sis :)

savvychic

  • Guest
Re: how many yaya's/hh do you had before you said "finally! heaven sent "
« Reply #10 on: October 31, 2013, 03:39:32 pm »
HIrap talaga mag hanap ng yaya na maayos cause nothing beats mother's care.  Kahit may yaya na kelangan parin ng supervision kahit na sinabi mo na kung anong kelangan gawin kelanagan mo pa ring ulitin ulitin at icheck if ginawa nga.  My yaya used to be my househelp sya lang kasi yung nagtagal ng 1 year lahat 3months lang.  suko nako sa paghahanap ng yaya.  I have to quit my job to make sure my kid is well taken care of.
« Last Edit: October 31, 2013, 03:46:25 pm by savvychic »

aquacharly

  • Guest
Re: how many yaya's/hh do you had before you said "finally! heaven sent "
« Reply #11 on: November 21, 2013, 12:39:53 am »
IMO, there's no "Finally!" With house staff.  It's a continuing process of hiring & firing.

Generally, sa umpisa kung "ok" --  akala mo "Finally".
Tapos, pag nasanay na sa sweldo, perks at na solve na ang desperate financial needs nya/ng family nya --  lalabas na tunay na ugali or "familiarity breeds contempt".

In our household, the average ok service is 3 years.  Most I replace after 3 years, if not earlier.
Maybe the routine burns them out.  Most turn petty & pick fights with co-helpers.  Surprisingly (to me) most I fire out can't or refuse to continue rendering good service kasi distracted by a lover ( na ginagawa lang naman silang  sugar mommy). 


ritznmore

  • Guest
Re: how many yaya's/hh do you had before you said "finally! heaven sent "
« Reply #12 on: January 15, 2014, 01:18:37 pm »
I wish I can finally say this too, but no, my husband and I are too nice yata.  Naabuso kami so wala pa talaga akong maid na gusto ko talaga. 


kreez

  • Guest
So far so good, yung bago naming house help ok sya, masipag at maasikaso sa mga anak ko which is the most important thing.  thank god at ok sya dahil dinala ko pa sya dito from Phils.  Hindi naman kasi ako mahirap iplease basta nakikita ko na ok sya sa mga anak ko ok na ako.  She is not without a fault, lagi nya hawak yung Iphone na binigay ko sa kanya when she arrived mahilig magFB pero ok na sakin yun as long as hindi nya napapabayaan ang mga anak ko ok na....


sistah!

  • Guest
hindi pa rin perfect, but otherwise my current yaya is pretty good. she is super nice and patient with my daughter who can be very makulit. i had 4 yayas before her and 2 na temporary (meaning, panakip butas until dumating yung totoong yaya). it's hard to find good help kaya kahit hindi perfect, ok na rin. ang important mabait at walang gagawing masama sa pamilya mo.

nageinna

  • Guest
very happy kami ni hubby with the current yaya of my baby. pang second sya. grabe kasi yung una yaya namin. she was only 18yo. ayaw ko talaga kumuha ng "bata" na yaya but sabi nung nag refer may anak narin si ate so marunong na sa bata. so we gave it a shot. susme naman ang dumi sa katawan. one week na nasa amin once lang naligo! pag nasa akin si baby nakikita ko nakaupo sa sulok nagkukuto. kaya one week palang pinaalis na namin ni hubby. nagtataka pa siya bakit hindi ko na pinapakarga sakanya si baby. eh hello makain pa ni baby yung kuto niya. we gave her 100pesos para magpagupit, 1inch lang pinagupit kasi hindi daw bagay sakanya maikli.

with our second, 50s na siya but very marunong sa baby. DH sya before. and now naayos na ulit passport niya waiting siya sa offers abroad. naubos kasi ipon niya when her husband got in a serious accident. me and hubby offered to increase her salary, and ipa advance pa sya para wag na siyang umalis. she said pag iisipan niya. but very open naman siya sa amin na kung may opportunity abroad, baka she'll grab it.

ejxtwo

  • Guest
Yung yaya ng daughter ko, 13 years na samin. Simula baby pa lang yung daughter ko kasama na namin sya and since then wala kaming problema sa kanya. She's really kind, sweet, and very maalaga. I like her talaga! My daughter loves her, kasi she grew up with her. Kaso minsan nagse-selos ako kasi mas attached yung daughter ko especially now that I'm pregnant (attention seeker na yung daughter ko). Kaso nga lang nagpaalam sya na baka umalis na sya before the year ends kasi kukunin daw sya ng sister nya na nasa Canada and we don't have any problem with that. Okay kami ni hubby dun, yung daughter ko lang iniisip namin kasi I'm sure malulungkot sya pag wala na si yaya nya. And hopefully yung makuha naming replacement, eh kagaya nya. :)

With our all-around helper, driver, and labandera, so far so good. I can say that I'm really lucky matitino yung mga napupunta sakin na helpers. :) We love and treat them like our relatives na rin but of course meron pa ring limitations. :)

imeego

  • Guest
Re: how many yaya's/hh do you had before you said "finally! heaven sent "
« Reply #17 on: January 07, 2015, 12:36:15 pm »
Im not sure if i've finally found "the one" coz she just started last saturday pero so far, these are the things na naobserve ko (in comparison to my other helpers now):
- she greets us every morning at laging naka- smile unlike the yaya na pag may inutos ako eh either di sasagot to acknowledge na nadinig nya ako or nakabusangot
- sobrang sipag, laging may ginagawa parang gusto ko na sabihang rest naman sya; my other helpers pagod na pagod kakahiga, after lunch pa lang nagpapahinga or nap na, or laging may kausap sa cp
-last night bumaba ako sa ground floor, she opened the door of their room para siguro check kung may iuutos ako which is the opposite of what the others do, na pag nagtawag ako instead na open the door eh mas isasara pa para di ko sila makita, bastos lang
- earlier she accidentally broke the handle of my daughter's plastic bath tub, aba nagsorry ng bongga sa akin which is nagustuhan ko talaga. One helper kasi namantshan yung new pillowcase namin na part of the newly bought bedding set at di man lang ako sinabihan or nagsorry, nakita ko na lang nung ako nagpalit ng sheets namin at dun pa lang inamin. Eh no issue naman kasi di naman ako nagkakaltas sa sweldo pag may nasisira sila

I told hubby na pag ganito performance nya eh i will increase her salary na on her 3rd month, starting nya kasi is 3k so gawin ko ng 3.5k plus extra pay if she doesnt take her day off.

design21

  • Guest
Re: how many yaya's/hh do you had before you said "finally! heaven sent "
« Reply #18 on: January 13, 2015, 08:38:36 pm »
nakailan na kami imagine i have twins so its either yung dalawang yaya ang hindi magkasundo or sila mismo may issues in life. But for my son, i can say i pry to God na sana pagnagbakasyon si ayay si march bumalik. she had her last vacation August of last year since her mother got sick two weeks lang bumalik naman. but for my daughter sayang na sayang yung unang yaya niya one year na samin tinanan ng driver sakit sa ulo umalis ng hindi nagpapaalam. ok sana malandi naman pala. ;D

sugar n spice

  • Guest
Re: how many yaya's/hh do you had before you said "finally! heaven sent "
« Reply #19 on: January 14, 2015, 06:13:15 pm »
out of more than 10, 2 lang. yung isa nakapag-asawa na, bata pa kasi nung makuha ko. yung isa naman, may edad at mga anak na, maganda na ang buhay simula nung mamatay yung salbaheng asawa. yung iba naman mabait pero may sablay. yung iba, sablay talaga.

ngayon, ewan ko kung gusto ko pa kumuha ng household help or yaya. ang hirap maka-tsamba ng mabait at mapagkakatiwalaan.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close