Author Topic: how many yaya's/hh do you had before you said "finally! heaven sent "  (Read 5414 times)

Queen Chokolah

  • An inquisitive
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 405
  • A woman with terrible mood swings!
Re: how many yaya's/hh do you had before you said "finally! heaven sent "
« Reply #20 on: February 08, 2015, 08:02:15 pm »
I can't say at this early point kung heaven sent nga sya kasi bago pa lang. Pero so far, I really like her. Masipag at maalaga sa baby ko. Dati na din sya kasambahay ng tita ko kung san ako nakatira dati so kilala ko sya personally. Sobrang layo nya sa nauna kong yaya na nagsisi talaga ako ng bonggang bongga na 1 week pa lang pina alis ko na. here goes:

1) hindi nag aalaga ng baby na yun nga dapat ang main na trabaho nya. kapatid ko pa rin nag aalaga
2) inubos ang snacks for 2 weeks in 3 days lang
3) madaling araw na matutulog (as in 3-4am) kaka fb, chat sa mga indians/arabo trying to hook up with a rich fool na magpapadala ng pera sa kanya
4) at dahil madaling araw na matutulog, late na gigising (10-11am)
5) laging luwa ang dede sa mga suot and uber sexy shorts. Lalabas ng banyo naka tapis eh alam nyang may lalake sa bahay (partner ko)
6) ang trabaho nya lang mainly ay maglaba, washing machine pa no kusot kusot.
7) linggo ang day off. sabado nagpa alam na mag day off. pinayagan. usapan babalik ng linggo. linggo ng gabi 8pm nagtext male-late may dadaanan. 12am na ng monday wala pa. Paggising namin kinabukasan nakita ko sa phone may mga missed calls ng 1 am kung pwede pa daw sya umuwe at gusto pa magpasundo (di pa nya alam pano umuwe samin) wow ha!
8) nung tinrack ko (using globe people finder) nung sunday, nasa malate.
9) kinabukasan, 8am I texted her kung nasan na sya, sabi nya pabalik na daw samin. It takes approx 2 hours galing sa kanila papunta samin. Traffic na yun. 11am wala pa I texted her again. No reply. 2pm nagtext nasa mrt station na daw sya. Wow. So okay. so dapat mga 4pm nasa bahay na sya. Again, no text. Nakauwi na kami sa bahay (7pm) wala pa rin sya. Dumating sya ng 8pm. Sorry daw na late sya dumaan daw sila ng divi. wow talaga nakuha nya pang maggala ha. Right there and then kinausap na sya ng partner ko na pauuwiin na namin sya. iyak sya ng iyak bigyan daw sya ng 2nd chance. Pero di nako pumayag. Ayoko ng sakit ng ulo. Hinatid na namin sya ulit sa mrt station.

Ilang months din bago kami nagkayaya ulit, etong yaya na namin ngayon. Nung una medyo na off pako sa kanya kasi di pa nagsstart nanghihingi na ng advance. Gusto nya ipadala ko sa province. Hindi ko sya pinayagan, kasi bbyahe pa sya. So pano kung pinadala ko tapos di na sya tumuloy lugi pako sa kanya, yung ticket nya pa sa plane. So pinag advance ko sya nung andito na sya. And plan ko, advance na lang ako magbigay ng sahod (ex. Mar 1 sahod is for Mar1-15, Mar15 is for Mar15-30) para di na mag advance advance, kasi advance na nga sahod nya eh.

pero sa ugali naman nya ngayon, okay na okay. masipag. As in naayos nya ang napakagulo naming apartment in 2 days at nalabhan lahat ng laundry. All around kasi sya, yaya/housemaid na din pero hindi naman ganun kabigat ang chores sa bahay since maliit ang bahay at onti lang kami. Love nya din ang anak ko magaling mag alaga ng bata at gusto sya ng baby ko. Hindi sya magtatagal ng ganun katagal samin kasi balak nya bumalik abroad, pero aalagaan ko sya habang nandito pa sya sakin.
Don't ever mistake my silence for ignorance, my calmness for acceptance or my kindness for weakness.

 


Latest Stories

Load More Stories
Close