Author Topic: All about SILENT TREATMENT  (Read 34023 times)

rae

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #40 on: December 28, 2011, 12:25:39 am »
I don't know how it is for guys, but if you're female and you're giving the silent treatment... if there's one thing I've learned, it's this: Guys are clueless.

Kahit ano pang silent treatment ang gawin natin, we CAN'T expect them to know what's wrong, 99% of the time, they really DON'T know and they WOULDN'T be able to guess. Eventually both parties will get frustrated.

Silent treatment just makes things more difficult.

Magkaiba magprocess ng information ang lalake at babae. I always think about this fact whenever I feel like giving the silent treatment.  I try to be as straightforward as possible, and I let go of all the drama. Para mas mabilis matapos ang misunderstandings. Life is short para sa mga ganitong chorva.

hedonista

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #41 on: February 12, 2012, 03:35:07 am »
si hubby lagi na lang ganyan sobrang nakakasawa na basta pag nasa bad mood siya di niya ako kinakausap. Pag nag try ako kausapin siya puro 1 world lang kahit ano ginagawa ko para pansinin niya ako pero  wala effect kapag galit siya lumalabas siya ng bahay para magpalamig ummabot ng 2-3 days yung silent treatment niya after that back to normal na naman na parang walang nangyari wala man lang sorry kahit na Christmas ngayon parang galit siya sa akin na di ko man lang alam kung ano yung reason kung bakit???

Sis, I have battled that for 4 years. Know your husband more. If he started to give you silent treatment, let him be. When he is in good mood try to talk it out, though super hard for the silent treatment giver. It is different for every situation and so I suggest you read articles in the web about silent treatment. That was my first step in addressing this issue until I resolved it. Type in How to deal with Silent treatment in google. there are a lot to know. SO first step is awareness. It is very damaging for the receiver like us... be strong and GOd Bless. Hope we'll overcome this and pray for happy relationship...always :)

maiandra

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #42 on: February 14, 2012, 02:58:04 am »
Me too, namana ni hubby ang ugali ng mommy nya na pag galit, cold war talaga as in walang kibuan. I hate it as I am the total opposite and have to speak my mind! I really believe in the verse that says Do not let the sun go down upon your anger or something like that. I should research on how to better resolve this.

Blue Topaz

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #43 on: February 14, 2012, 12:58:03 pm »
I'm giving my husband silent treatment for 2 weeks na. Hindi ko talaga sya kinakausap as much as possible. Yesterday, he asked me, where do I want to celebrate the valentines? I just simply answered him, WAG NA! tapos alis. He knows na nagtatampo ako sa kanya kaya yun inaalo nya ako kung saan ko daw gusto. Sorry na lang sya. medyo asar pa rin ako sa kanya e.  >:(

hedonista

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #44 on: February 21, 2012, 09:47:22 am »
^kawawa naman si hubby mo. so musta sis kinausap mo na ba? do you have a baby? At the end of the day he is still your husband...2 weeks - that's too long. :)

ecnarfoj

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #45 on: February 22, 2012, 11:13:01 am »
What did your husband do blue-topaz?

Hindi kasi healthy yung ganyan katagal na silent treatment.
Masasanay siya na hindi kayo nag-uusap at worse masasanay ka na ang solusyon sa problema ay silent treatment. Siguro ngayon OK lang sa'yo pero paano kung tumigil na siya kakasuyo sa'yo?

Paperless

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #46 on: February 22, 2012, 11:32:45 am »
Ugali ko yan dati, pag galit ako deadma to max ako pero nadala din ako kasi... hehe megakwento lang... nagpasama ko sa bf ko sa computer shop may tinatapos ako thesis then natagalan ako.. paglabas ko wala na siya.. eh badtrip talaga ko so ang ginawa ko sumakay na ako pauwi di ko na siya tinext. Malayo na ako ng tumawag siya hinahanap ako. Sabi ko umuwi na siya kasi umuwi na ako. After that di ko talaga siya inimik for a week ayoko din makipagkita. Eh malapit ng birthday ko non, naawa naman ako pero may toyo parin. Ng sinabi niya na Saturday kami magkita, sabi ko Sunday na lang.. kunwari di ako interesado makita siya. Ayun, Saturday.. namatay siya. Naaksidente kasama friends niya. Kaya birthday ko nakaburol siya. Kaya ngayon pag galit ako palipas lang ako ng konti, tapos inoopen ko na talaga.

Paperless

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #47 on: February 22, 2012, 11:39:51 am »

I researched about it and it's emotional abuse pala.


Ngayon ko lang nalaman yan sis...  :) ano daw effect niyan sa iba? kasi sa amin ni hubby, napansin ko lang... pag tahimik ako, or pagod lang, di umiimik... nagpanic agad siya ano na naman daw nagawa niya galit na naman daw ako...

yaskulet

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #48 on: February 22, 2012, 06:01:23 pm »
Ugali ko yan dati, pag galit ako deadma to max ako pero nadala din ako kasi... hehe megakwento lang... nagpasama ko sa bf ko sa computer shop may tinatapos ako thesis then natagalan ako.. paglabas ko wala na siya.. eh badtrip talaga ko so ang ginawa ko sumakay na ako pauwi di ko na siya tinext. Malayo na ako ng tumawag siya hinahanap ako. Sabi ko umuwi na siya kasi umuwi na ako. After that di ko talaga siya inimik for a week ayoko din makipagkita. Eh malapit ng birthday ko non, naawa naman ako pero may toyo parin. Ng sinabi niya na Saturday kami magkita, sabi ko Sunday na lang.. kunwari di ako interesado makita siya. Ayun, Saturday.. namatay siya. Naaksidente kasama friends niya. Kaya birthday ko nakaburol siya. Kaya ngayon pag galit ako palipas lang ako ng konti, tapos inoopen ko na talaga.

Sis kinilabutan naman ako sa post mo! Kaloka! Napaisip ako din na din ako mang silent treatment!

ms_ldr

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #49 on: February 22, 2012, 06:47:27 pm »
^ i remember my SIL may kwento rin na ganyan. silent treatment nya rin hubby nya pero nagbago na sya dahil sa experience nya na nagkasakit sya at akala nya mamatay na sya. sayang raw ang mga oras, sabihin na ang dapat sabihin, gawin na ang mga dapat gawin.

pero ganto ako sa hubby ko. same reason with everybody kasi ayaw ko magsalita ng masakit kaya i keep quiet na lang. at saka gusto ko ipamukha yung mali nya, parang parusa ba...i know hinde tama kaya unti unti try ko magbago. unti unti nagsasalita nako.


slovy

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #50 on: February 22, 2012, 07:05:11 pm »
Ugali ko yan dati, pag galit ako deadma to max ako pero nadala din ako kasi... hehe megakwento lang... nagpasama ko sa bf ko sa computer shop may tinatapos ako thesis then natagalan ako.. paglabas ko wala na siya.. eh badtrip talaga ko so ang ginawa ko sumakay na ako pauwi di ko na siya tinext. Malayo na ako ng tumawag siya hinahanap ako. Sabi ko umuwi na siya kasi umuwi na ako. After that di ko talaga siya inimik for a week ayoko din makipagkita. Eh malapit ng birthday ko non, naawa naman ako pero may toyo parin. Ng sinabi niya na Saturday kami magkita, sabi ko Sunday na lang.. kunwari di ako interesado makita siya. Ayun, Saturday.. namatay siya. Naaksidente kasama friends niya. Kaya birthday ko nakaburol siya.

naku sis, kawawa naman yung bf mo.. :(

ako rin po, mahilig ako mang'silent treatment dati pero pinakamatagal na ang 24 hrs. kinikibo ko rin at nagoopen up kagad kami ng mga sama ng loob. and so far, medyo matagal na yung last silent treatment, di na ulit naulit.

rae

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #51 on: February 23, 2012, 04:21:28 am »
@paperless, passive aggressive behavior kasi siguro ang silent treatment kaya sya form of emotional abuse. Pinaparusahan mo yung tao by ignoring him/ her. Kapag ako yung nakakatanggap ng silent treatment, halos mabaliw ako sa kakaisip kung anong ginawa kong mali. Haha. So in a way, abuse sya dahil nakakabaliw :p

Anyway, yan din yung naisip ko kaya nawala yung habit ko na ganyan. When you realize that life is short, every problem, every obstacle, every thing that piss me off seems small... Then I'm able to let go.

Paperless

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #52 on: February 23, 2012, 09:04:26 am »
Kaya pala ganun na lang mag react si hubby pag tahimik ako... OA masyado parang baliw..  ;D Saka meron din ako officemate na hindi na kami nagkikubuan since last year. May effect talaga kasi minsan nga napapanaginipan ko pa and yung feeling na ayaw mo na lang na magcross ang paths ninyo kasi although hindi naman kami nagsasabunutan eh parang ganun din, masakit parin sa dibdib. Pride yata ang problem sis. Madalas kasi mahirap magpakumbaba pag alam mo na ikaw ang tama.

girl24

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #53 on: February 23, 2012, 02:23:30 pm »
ay specialty ko rin yang silent treatment! lalo na pag galit na galit. pag tampo lang or galit whatever lang, magsasalita pa ako pero pag uber galit na... kahit ang pag sway ng mga leaves maririnig mo sa katahimikan ko...  ;D

rae

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #54 on: February 23, 2012, 02:33:13 pm »
Nakatulong din na mawala yung habit kapag tinatanong ko ang sarili ko ng "ano bang kong mangyari? Bakit ko ginagawa toh? Anong purpose?"

Tapos na-r-realize ko, pinapatagal ko lang lalo. Pwede namang maging masaya na lang... Chill...

Tapos ok na. Over time nawala na yung habit. Kelangan deliberate effort na wag silent treatment ang unang response kapag galit. It's not a fair way to fight.

girl24

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #55 on: February 23, 2012, 02:44:15 pm »
IMO, yung silent treatment that i do is not to abuse and most probably yung mga spouses ninyo din na nag gaganito - they don't do it to abuse. form of anger ito because of a fight. yung iba ang gusto makipagtalo, makipagsigawan, magsapakan - while the others? like me, i prefer to stay quiet. ayoko na ng ingay, ng dakdak... kesa masabihan kita ng masasakit na salita, kesa mamura kita - tatahimik na lang ako. tsaka kung mahal mo sa buhay ang nagsasilent treatment siyo, you'll understand and adapt di ba? just like we adapt to the other quirks of our spouses.

kung base sa mga posts din ng iba dito and my own experience - we just need time. let our anger dissipate muna. wag pilitin. then after some time, ready naman na kami si talk about the fight. some take just hours, iba days, the most na siguro ang weeks. pag years na iba na yan! yun ang abuse!  ;D

ms_ldr

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #56 on: February 23, 2012, 04:07:21 pm »
dati yung hubby ko pag silent ako at pag after nya ko suyuin at di pa rin ako umiimik, di nya na rin ako papansinin. grabe sobrang sakit pala pag ganun.  :( ayan lesson learned ako.

ngayon pag na upset ako maya maya mag salita na rin ako, pero medyo may hint ng inis yung salita ko ang dialogue nya sakin na may halong biro "ayan pwede naman magsalita at saka pwede naman mahinahon muna na salita"

salamat na lang ako sa Dyos sa mapagpasensyang asawa (sagot ni hubby, "wag naman abusuhin yun")  ;D

rae

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #57 on: February 24, 2012, 08:56:23 am »
It's possible na hindi sya deliberate abuse.

Parang shouting, may threshold ng shouting na verbal abuse na.

Ang problem kasi sa silent treatment, lalo na yung tumatagal ng days, tumatagal ang away.

In a way, it's not a fair way to fight kasi walang chance yung kabilang party to defend or explain him/herself.

Now, sinasabi ko muna na in the calmest way possible na I'm pissed and I need time to be silent for a while.

Hindi yung tipong bigla ka na lang tatahimik tapos hindi alam nung kasama mo kung anong ginawa nyang mali.

Overtime, kapag palaging ganito, nakakasanay. I experienced receiving silent treatment before, tapos nung ilang days na umabot, nasabi ko sa isip ko 'bahala ka na sa buhay mo, I'll just go on with my life and be happy.' Iba din kasi ang effect when your presence is not even acknowledged.
« Last Edit: February 24, 2012, 08:58:04 am by rae »

pinklilac

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #58 on: February 28, 2012, 11:11:09 am »
^ same [textspeak!] bro.. ayaw nga ni BF sa ugali kong yan. ang sa akin naman is not to hurt him. gusto ko pag usapan yung problema kapag nahimasmasan na ako at yan din ang time na  kinakalma ko sarili ko at mas nilalawakan pang unawa sa pangyayari. ang maganda lang sa amin ay di natatapos ang gabi ng di naaayos problema.

beatrize zuri

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #59 on: February 28, 2012, 10:11:36 pm »
ayoko talaga ng silent treatment, for me its very irritating! kung may problema siya tell me hindi yung bigla na lang hindi kikibo, nakakainis kaya yung ganitong ugali. pano kung di mo alam kung ano yung nagawa mong mali bigla na lang hindi ka kikibuin ng di mo alam yung reason nakakainis diba? dapat laging open communication, open door policy ika nga, sa tingin ko sa ugaling to pang asar lang  :P  well this is just my opinion.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close