Author Topic: All about SILENT TREATMENT  (Read 34017 times)

hedonista

  • Guest
All about SILENT TREATMENT
« on: October 06, 2011, 07:17:39 am »
Have you experienced being the receiver or giver of silent treatment to your partners?

I experience silent treatment pag galit sa akin si hubby even before pa kami kinasal.
At first pinipilit ko sya magsalita gagawin ko lahat para pansinin nya---as in lahat. kasi madalas di ako aware ano dahilan nya bakit ako di kinakausap.

Then napadalas noon ang ganitong eksena, nagsawa na ako. Pag sinilent treatment ako, silent lang rin ako. pinakamatagal was 5 days.

I researched about it and it's emotional abuse pala.

Before we got married I asked him bakit sya ganun and he told me trauma from his parents na nag aaway before and ayaw nya magsalita baka makasakit lalo sya. So tumatahimik na lang sya. But we agreed na we'll talk things out na. since we got married di pa naman ito nauulit. usually naman kasi kakaselos ko kaya sya nagkakaganun, so iwasan ang root cause.

Anyway, please share your thought and experiences mga sis. :)


simply_wife

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #1 on: October 06, 2011, 09:11:39 am »
usually pag nagtatampo ako kay hubby or may nagawa syang di ko gusto. di na ako kumikibo pero hubby is palabiro kasi and he knows na madali lang ako patawanin kaya he will just say or do something na nakakatawa.. then tapos nun. okey na kami. pero di umaabot ng isang araw ang silent treatment namin.

kaya ayokong magsalita kasi madali din akong maiyak.. too emotional din kasi ako.

nadialicious16

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #2 on: October 06, 2011, 02:28:32 pm »
Sa akin napaka epektibong pang ganti to kapag may nagawa sya na di tama. One time mega fight kami hanggang sa napagod na ako makipag argue sa kanya dahil walang mabuting nadudulot sa amin. Hayun magkasama kami sa iisang bubong, isang kwarto at natutulog sa isang kama 2 weeks ko syang hindi kinikibo pero 1 week rin nya akong hindi kinikibo siguro hindi na nya nakayanan hayun super papansin. hehe  ;D

babymine08

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #3 on: October 06, 2011, 09:57:45 pm »
sa amin ni hubby ako ang tumatahimik pag galit.  parehas kami mataas ang pride at ayaw patalo.  in order to cut the conversation, ako na tumatahimik.  pag nanahimik na ako marerealize nya mga nagawa o nasabi nya.  then he will say sorry and i love you tapos ayun, bati na kami :)  hindi naman lumaplagpas ng 1 araw, kasi we already talked about this matter na kung anumang problema, paguusapan namin. kaya ayun :)

angel_babyteen

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #4 on: October 07, 2011, 07:20:46 am »
Kami ni bf sya ang laging ganyan,lalo pag inaaway ko :-( emotional torture,sakit sa dibdib,want to do this,how to do this silent treatment?maramdaman man lang nya how painful it is to be ignored :-( usually kasi ako ang di makatiis,mag2 years pa naman kami this oct8,ayoko na ng laging masakit ang puso :-( gusto ko ako na rin ang walang pakialam.

hedonista

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #5 on: October 07, 2011, 07:57:38 am »
Thanks for sharing mga sis.

Try nyo basahin link na to: http://www.angermanagementresource.com/silent-treatment.html

nagresearch talaga ko nun umabot na sa 2 days tapos umabot pa sa 5 days. naiiyak rin ako at times kasama pa buntis ako nun so ang hormones di ba! hehe pero buti nalagpasan namin and we learned a valuable lesson talaga.

candi

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #6 on: October 07, 2011, 11:10:23 am »
Sa amin ako yung mas tumatahimik kaso makulit hubby ko, pag tumahimik na ako naguumpisa na sya mag nag, parang sya yung girl ::) tapos pipilitin nya ako magsalita hanggang sa maasar na ako at sagutan blues na kami, haaay, di maganda sa pakiramdam pero at the end of the day nagkakaayos naman kami, mas ma-pride din kasi ako sa kanya kaya mas sya yung gusto mag usap kami agad pag nag-aaway, I guess kilala nya din kasi ako na kahit na tumahimik na ako, he knows na gusto ko suyuin pa din ako  ;D yun nga lang madalas super away muna bago suyuan ;D

hedonista

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #7 on: October 07, 2011, 12:16:28 pm »
^ sis candi - parehong pareho kayo ng hubby ko. at parehong pareho kami ng hubby mo. LOL

ang kulit ko dati pag nananahimik sya. pero lalo naman sya naiinis lalo nya pinapakita wala sya pake. kahit mag eggroll pa ko sa harap nya.

rae

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #8 on: October 07, 2011, 12:39:54 pm »
I don't like this behavior. I think this could also be a type of passive aggressive behavior. Punishing you in a silent way.

I used to do this pero I try not to. Below are reasons why I do this, either:
1. Para gumanti, or
2. Nagpapalipas ng galit, or
3. Nag-iisip kung reasonable ako, or kung anong logical reason bakit nya nagawa yung nagawa nya

Sinusubukan kong wag syang gawin kasi parang hindi sya fair way ng pakikipag-away. Kasi you're not letting the other person in.

Minsan, kung hindi ko sya kaya kausapin about the particular reason kung bakit ako galit, kinakausap ko pa rin sya about other stuff.

Triny ko din talaga matuto mag-let go ng anger, kasi masakit sa puso ko magalit.

gnrn_026

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #9 on: October 07, 2011, 01:23:52 pm »
i hate this! ::)

j a n i z

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #10 on: October 07, 2011, 01:54:03 pm »
hay akong ako to!

eto madalas kong gawin sa asawa ko. naaawa ako sa kanya pero ang gusto ko lang suyuin ako. pero sya, umaabot ng 3 araw bago nya mapansin na ginaganito ko sya. kase pag may tanong naman sya sumasagot naman ako, pero puro oo at hindi lang.

habang tahimik ako, yun utak ko naman ayaw tumigil kakasalita. madami na akong naisip n isasagot sa kanya kung mag argue kami. grrrrr.

d maganda yun ganito pero eto ako eversince.

rae

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #11 on: October 07, 2011, 02:13:02 pm »
@janiz, hindi nga sya maganda sis, kasi ganyan ako dati :(

Naisip ko, hindi sya manghuhula para malaman ang nasa isip ko. In as much na gusto ko na sana naiintindihan nya agad, hindi ganun. Ako lang ang napapagod.

Iniisip ko na lang, parang ang drama drama ko, iniisip ko na maikli ang buhay, at sayang ang oras para sa mga ganitong emote. So far, nag-iimprove naman.

j a n i z

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #12 on: October 07, 2011, 02:54:43 pm »
^ hahaha! natatawa nga ako sis e. kase para akong t**** kakaisip. tas madami n ako naisip n idadahilan sa akin ni hubby kaya yun utak ko gumagawa na ng script. hehe.

actually inaantay ko lang tanungin nya ako bakit at ano ang problema. pero madalas pag niyakap na ako, wala n ako masabi. sayang ang effort ng pag iisip ko ng mga dialogues ko.

at ang nakakatawa pa after a week, pag inisip ko ano ba kinainisan ko sa asawa ko, d ko na din maalala.

minimal na lang naman yun ganyan ko kase madalas ok na si hubby.  :D

hedonista

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #13 on: October 07, 2011, 03:16:17 pm »
i'll share this link ulit.

http://karen-stephenson.suite101.com/emotional-abuse-is-mental-abuse-a71739

mga sis since ako yun nasa receiving end, hindi talaga maganda sa pakiramdam pag sinasilent treatment ka. sobrang sakit. learn to improve or alisin talaga to before its too late. baka yung receiver di makayanan iwan kayo, that's how i feel every time silent treatment nya ko... iniisip ko umalis isama baby ko... which will not solve anything.

@rae and j a n i z - i am not judging you, kanya kanya naman dahilan pero i suggest read more about how to handle silent treatment and anger para di kawawa mga partners :) find a different outlet na lang.

At least one step closer na kayo by being aware of your actions.



rae

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #14 on: October 07, 2011, 03:38:32 pm »
Yep. That's why I said I was like this before. When you're in there to deep, you don't really notice you're doing it. :)

rae

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #15 on: October 07, 2011, 03:42:21 pm »
@hedonista, try mo din sis na when your husband does that to you, tell him you don't appreciate it and proceed with your life as usual. Talk to him like normal. Don't enable the Silent Treatment.

That's what made me realize how wrong what I'm doing is. Many of us who do silent treatment are people who were made to believe that ANGER is bad so we try to suppress it.
« Last Edit: October 07, 2011, 04:57:05 pm by rae »

j a n i z

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #16 on: October 07, 2011, 03:52:56 pm »
actually mga sis, hubby and i already talked about it.  at nakita ko nga sana kanya yun pain na d nya alam gagawin nya. pero kase ang nakakainis din is d ko na nga sya kinakausap bakit wala pa din sya ginagawa? di man lang magtanong? but that was before. as i said, minimal na lang yun ganyan ko kase ok naman na kami lagi ngayon. iniwasan ko na din yun nagagalit agad sa ginagawa nya, iniintindi ko na talaga mga little things na nagagawang mali ni hubby kase nakakapagod din yun palagi ka na lang galit.

rae

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #17 on: October 07, 2011, 05:01:28 pm »
@janis, naiisip ko din yan dati, na bakit di man lang ako tinatanong. Pero later on naisip ko din na bakit nga ba hinihintay ko pa na sya ang magtanong.

It's a good thing na we're trying to do something about this. :)

Kasi from their side of he fence, tapos hindi nila alam kung anong nagawa nila satin... Nakakabaliw nga naman na alam mo sa sarili mo na wala kang ginawang masama. Tapos isip ka ng isip kung ano kaya yun. Tapos maiinis ka na rin, di mo na lang din pinapansin. Lalong walang mangyayari.

Minsan kasi ako naman ang recipient ng silent treatment, at inuunahan ko na. Coz I've been there.

j a n i z

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #18 on: October 07, 2011, 05:17:24 pm »
^ true sis. yan nakakabaliw na yan ang sinabi ni hubby sa akin. and naawa naman ako. kaya as much as possible ayaw ko ng nagagalit at sabi ko din sa kanya, wag din nya ako gagalitin. actually its a 2-way process. dalawa naman kami na nagtutulungan to avoid this silent treatment na to. hay..

hedonista

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #19 on: October 07, 2011, 05:38:27 pm »
j a n i z and rae

nakakabaliw talaga. haha. anyway, ano ba ang root cause ng mga galit nyo sa partner nyo? malalim o mababaw lang naman?


 

Latest Stories

Load More Stories
Close