Good evening everyone!

Lamig lamig ngayon. Sarap matulog. hehe... Haba agad ng backread. Woot!
Hello sis
chiclet! Di ko agad nabasa yung post mo. Sino po ang caterer mo sis? Kahit ako, sasama ang loob ko sa AE, kasi nainform naman siya at nagconfirm beforehand. Tapos kung kelan all set na ang lahat, at na-grant na yung leave ko, tsaka siya magdedecline. Sakit sa bangs huh. Pwede naman na ibang AE yung magentertain sa FT nyo. Pero kasi, may iba ibang diskarte din kasi ang bawat AE when it comes to their deals. Kaya yung iba, kung sino talaga ang naka-assign sa isang couple, sila talaga dapat ang magasikaso. Try to request for another na lang kung sa simula pa lang eh wala ka ng kumpiyansa sa AE mo.

Sis
ishi, hehe. Baka nga PMS lang. Kahit ako, nagkakaganyan din. Di naman siguro maiiwasan na magkaroon sila ng lapses sa pagsagot ng mails lalo na when they have lots of things to attend to. And since love mo naman sila, try to air out your concerns na lang, and hopefully makabawi sila sa inyo.

Sis
patchi, yep. Malamang po sa Imus kami magfile ng marriage license. Sabi ng nanay ko, kakilala daw nya yung naka-assign dun sa munisipyo. LOL.
Sis
vincris, honga sis. Parehas pala kasi kayong taga-Cavite ni h2b mo. Masyado ng malayo sa inyo at effort talaga if luluwas kayo palagi to meet her. Pero si sis babsbridda, yung nagrecommend sa akin kay Ms. Ven, taga GenTri siya. Pinupuntahan din siya sa bahay ni Ms. Ven.

So glad naman at nakakuha kayo ng designer na taga-Indang din. Dito kasi sa Imus, super pricey ng mga couturier.
Sis
chelle, good luck sa church hunting. Kami kasi, kaya mabilis nakahanap, kaunti lang choices. LOL. 3 churches lang pinuntahan namin at nagpareserve dun sa swak sa desired schedule namin. Yun nga lang, di pa yun all in. Pero since maganda naman ang facade at ambience, gow na kami dun.

Congrats pala sa bagong booking. Wee!
Ayun naman, may bago ka na palang post re church. hehe... Congrats sissy! Gow, gow, gow na yan!
Sis
qtpurple, ayan naman ang isa pang masakit sa bangs. Grabe naman si FMIL mo. Nakakasad naman. Bakit naman ganun ang treatment nya sa iyo. Naalala ko tuloy yung isang episode sa MMK entitled "Tumba tumba". Not quite sure kung napanood mo, pero si Janus del Prado at Charee Pineda yung gumanap na couple, at si Laurice Guillen yung Monster-in-Law. LOL. Winner yung dialogue ni Charee habang inaatake kunwari sa puso yung biyenan nya, "Paanong aatakehin yan, e wala naman yang puso!" LOL talaga. Pero buti na lang, love na love ka ni h2b mo. Yun naman ang mahalaga sa lahat. Kahit na kalurkey pa ang mga cheverlou ni FMIL.
Sis
ez4gotten, LOL naman dun. Iba nagge-grade at iba nagdedecide ng increase. Dapat diba pag mataas grade, mataas din ang increase. hehe.
Sis
health.gal, LOL! Really, si Joe Mari Chan ang ultimate crush mo??? Infairnaluchi naman, kakainlove ang boses. At kahit may edad na, gwapo pa din. LOL. Ako naman, nagiisa lang din si John Lloyd sa puso ko. Hahaha. Feel na feel ni h2b yan. Siya si John Lloyd, ako si Bea. Echosero't echoserang magjowa. LOL. At super thanks pala sa ating Bizu kembot. Nagenjoy talaga kami ng sobra. Sira ang diet pero keber lang. hehe.

Sarap niyong kachikahan! LOL sa 4hours na kwentuhan. hehe. Hello hello sa iyo sis
ishopnowfeelguilty later, na nagshop pa din talaga before ng dinner nung napadaan sa Landmark. hehe...
Sis
riaenvodka, awww sis... Get well soon po okay? Usong uso talaga ang sakit ngayong tag-ulan. Take your meds and drink lots of fluid. Ok? Re cord, veil, etc, di po ito pinoprovide ng church. Pero usually naman, kasama na ito sa package ng bridal gowns. Pero you can opt to buy them separately sa mga stores, sa divi madami nito. In our case, yung wedding cord namin, i-DIY nung friend ko. Yun kasing kasama sa package, yung standard na rope style. hehe. Gusto ko rosary wedding cord.
Sis
katrinac, LOL. Gusto ko ding panoorin yung movie kaya lang tipid mode naman kami. At tohmoh, nakakaparanoid nga yung mga ganyang tema. Nung pinapanood ko nga yung The Fierce Wife, affected na affected na ako. LOL. Sabay nagdialogue si h2b ko na, "O ano na naman yang pinapanood mo? Baka pag nagbasketball ako ng madalas eh kung ano ano na ang isipin mo." hehe... May scene kasi dun na pag daw lagi ng nagbabasketball yung asawa every weekend, isang senyales daw na nangangaliwa. LOL talaga. At sana nga nakasunod ka sa Greenbelt sis. Super saya ng kwentuhan galore.

Sige, keri lang sa coffee kembot sa Shaw. Pero di kasi me pwede pag Wednesday. Toxicity level's high. hehe. Friday, can be kami ni h2b.

Hope to see you na.
Hi sis
juice!

Re prenup photos, we'll be using them for the invitations, STD, tarpaulin, guestbook, photobooth layout at AVP. Hopefully matuloy na ang photoshoot. Sana naman wag na tayong bagyuhin. Congrats naman at complete na ang bookings. Bonggacious! Napressure din ako dahil dami pang kulang. hehe. Sabagay, ikaw ang buena mano sa 2012. hehe.
Sis bluflame, naku, October na nga. Ngiii... Feeling ko dami pa naming kulang.
Sis
judessec, awww... Na-sad naman ako jan. Isang wedding na din yang 225k ah. Pero tama ka, mahirap talaga pagsabayin. Gaya namin ngayon, bumili din kami ng property last year. Tapos this year, sabay na nagiipon for the wedding expenses at yung monthly payment. Pero keri na din. Kasi kung wala kaming binabayaran, malamang splurge galore na sa wedding. LOL. At least, naka-ON ang tipid mode dahil sa mga gastusin. hehe. Wala na ba talagang way na mabawi yun kahit man lang half nung amount? Saan pala kayo kumuha sis, sa Cavite din ba yan?
Dami pa yata akong di nabackread hehe. Nagskim lang ako sa lagay na yan. hehe. Kaway kaway sa inyo. Good mornight na pala.
