watch now

Author Topic: 2012 Brides *Part 7*  (Read 89889 times)

Judessec

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #140 on: October 02, 2011, 12:09:20 am »
thanks in advance sis chelle ...muaaah! :)
sis ez4gotten ano ginawa ng nanay mo?sana may mkuha din kme kht ilang percent lang

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #141 on: October 02, 2011, 12:10:28 am »
Good evening everyone! :) Lamig lamig ngayon. Sarap matulog. hehe... Haba agad ng backread. Woot!

Hello sis chiclet! Di ko agad nabasa yung post mo. Sino po ang caterer mo sis? Kahit ako, sasama ang loob ko sa AE, kasi nainform naman siya at nagconfirm beforehand. Tapos kung kelan all set na ang lahat, at na-grant na yung leave ko, tsaka siya magdedecline. Sakit sa bangs huh. Pwede naman na ibang AE yung magentertain sa FT nyo. Pero kasi, may iba ibang diskarte din kasi ang bawat AE when it comes to their deals. Kaya yung iba, kung sino talaga ang naka-assign sa isang couple, sila talaga dapat ang magasikaso. Try to request for another na lang kung sa simula pa lang eh wala ka ng kumpiyansa sa AE mo. ;)

Sis ishi, hehe. Baka nga PMS lang. Kahit ako, nagkakaganyan din. Di naman siguro maiiwasan na magkaroon sila ng lapses sa pagsagot ng mails lalo na when they have lots of things to attend to. And since love mo naman sila, try to air out your concerns na lang, and hopefully makabawi sila sa inyo. ;)

Sis patchi, yep. Malamang po sa Imus kami magfile ng marriage license. Sabi ng nanay ko, kakilala daw nya yung naka-assign dun sa munisipyo. LOL. 

Sis vincris, honga sis. Parehas pala kasi kayong taga-Cavite ni h2b mo.  Masyado ng malayo sa inyo at effort talaga if luluwas kayo palagi to meet her. Pero si sis babsbridda, yung nagrecommend sa akin kay Ms. Ven, taga GenTri siya. Pinupuntahan din siya sa bahay ni Ms. Ven. ;) So glad naman at nakakuha kayo ng designer na taga-Indang din. Dito kasi sa Imus, super pricey ng mga couturier. 

Sis chelle, good luck sa church hunting. Kami kasi, kaya mabilis nakahanap, kaunti lang choices. LOL. 3 churches lang pinuntahan namin at nagpareserve dun sa swak sa desired schedule namin. Yun nga lang, di pa yun all in. Pero since maganda naman ang facade at ambience, gow na kami dun. :) Congrats pala sa bagong booking. Wee!
Ayun naman, may bago ka na palang post re church. hehe... Congrats sissy! Gow, gow, gow na yan! 

Sis qtpurple, ayan naman ang isa pang masakit sa bangs. Grabe naman si FMIL mo. Nakakasad naman. Bakit naman ganun ang treatment nya sa iyo. Naalala ko tuloy yung isang episode sa MMK entitled "Tumba tumba". Not quite sure kung napanood mo, pero si Janus del Prado at Charee Pineda yung gumanap na couple, at si Laurice Guillen yung Monster-in-Law. LOL. Winner yung dialogue ni Charee habang inaatake kunwari sa puso yung biyenan nya, "Paanong aatakehin yan, e wala naman yang puso!" LOL talaga. Pero buti na lang, love na love ka ni h2b mo. Yun naman ang mahalaga sa lahat. Kahit na kalurkey pa ang mga cheverlou ni FMIL.

Sis ez4gotten, LOL naman dun. Iba nagge-grade at iba nagdedecide ng increase. Dapat diba pag mataas grade, mataas din ang increase. hehe.

Sis health.gal, LOL! Really, si Joe Mari Chan ang ultimate crush mo??? Infairnaluchi naman, kakainlove ang boses. At kahit may edad na, gwapo pa din. LOL. Ako naman, nagiisa lang din si John Lloyd sa puso ko. Hahaha. Feel na feel ni h2b yan. Siya si John Lloyd, ako si Bea. Echosero't echoserang magjowa. LOL. At super thanks pala sa ating Bizu kembot. Nagenjoy talaga kami ng sobra. Sira ang diet pero keber lang. hehe. ;) Sarap niyong kachikahan! LOL sa 4hours na kwentuhan. hehe. Hello hello sa iyo sis ishopnowfeelguilty later, na nagshop pa din talaga before ng dinner nung napadaan sa Landmark. hehe... ;) 

Sis riaenvodka, awww sis... Get well soon po okay? Usong uso talaga ang sakit ngayong tag-ulan. Take your meds and drink lots of fluid. Ok? Re cord, veil, etc, di po ito pinoprovide ng church. Pero usually naman, kasama na ito sa package ng bridal gowns. Pero you can opt to buy them separately sa mga stores, sa divi madami nito. In our case, yung wedding cord namin, i-DIY nung friend ko. Yun kasing kasama sa package, yung standard na rope style. hehe. Gusto ko rosary wedding cord.

Sis katrinac, LOL. Gusto ko ding panoorin yung movie kaya lang tipid mode naman kami. At tohmoh, nakakaparanoid nga yung mga ganyang tema. Nung pinapanood ko nga yung The Fierce Wife, affected na affected na ako. LOL. Sabay nagdialogue si h2b ko na, "O ano na naman yang pinapanood mo? Baka pag nagbasketball ako ng madalas eh kung ano ano na ang isipin mo." hehe... May scene kasi dun na pag daw lagi ng nagbabasketball yung asawa every weekend, isang senyales daw na nangangaliwa. LOL talaga. At sana nga nakasunod ka sa Greenbelt sis. Super saya ng kwentuhan galore. :) Sige, keri lang sa coffee kembot sa Shaw. Pero di kasi me pwede pag Wednesday. Toxicity level's high. hehe. Friday, can be kami ni h2b. ;) Hope to see you na. 

Hi sis juice! :) Re prenup photos, we'll be using them for the invitations, STD, tarpaulin, guestbook, photobooth layout at AVP. Hopefully matuloy na ang photoshoot. Sana naman wag na tayong bagyuhin. Congrats naman at complete na ang bookings. Bonggacious! Napressure din ako dahil dami pang kulang. hehe. Sabagay, ikaw ang buena mano sa 2012. hehe. 

Sis bluflame, naku, October na nga. Ngiii... Feeling ko dami pa naming kulang.

Sis judessec, awww... Na-sad naman ako jan. Isang wedding na din yang 225k ah. Pero tama ka, mahirap talaga pagsabayin. Gaya namin ngayon, bumili din kami ng property last year. Tapos this year, sabay na nagiipon for the wedding expenses at yung monthly payment. Pero keri na din. Kasi kung wala kaming binabayaran, malamang splurge galore na sa wedding. LOL. At least, naka-ON ang tipid mode dahil sa mga gastusin. hehe. Wala na ba talagang way na mabawi yun kahit man lang half nung amount? Saan pala kayo kumuha sis, sa Cavite din ba yan?

Dami pa yata akong di nabackread hehe. Nagskim lang ako sa lagay na yan. hehe. Kaway kaway sa inyo. Good mornight na pala. ;)

blueflame

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #142 on: October 02, 2011, 12:35:10 am »
good evening! just god home from our movie date. we watched no other woman. ang ganda! its worth watching! ganda ni bebe anne! nakaka-tibo! LOL!

sis blushing - condolences po sa inyo ni h2b.

sis ishopnow - naudlot ang ating meetup kahapon! di na kinaya ng powers ko ang tagal sa paghihintay ng cab! :( next time dadating na talaga ako! si h2b po ang taga-bicol, sa legazpi sila. we got eli casim as our photog! super excited na nga kami eh! kasama din namin yung moh ko dun. a day before our trip mag-aalay kami ng itlog sa mga santo para bigyan kami ng magandang weather. kahit sa october 20 lang. *fingers crossed*

mawchan - para akong eng-eng habang nanood ng no other woman sis! iiyak tapos tatawa. puma-punchline kasi eh, ganda ng twist na kala mo tuluy-tuloy ang drama tapos biglang babanatan ng comedy. re gown, yun mga friends kasi ni h2b na recently kinasal, mga ganun yung price ng gown. so feeling nya, ganun din magagastos ko. eh sa budgeting namin, ako sasagot ng gown so career talaga ng paghahanap ng designer. magaling naman si Rei sis. kung ayaw nya talaga, try mo si roxy bagano or minda ong. PM ko sa yo contact number nila.

katrinac - thanks sissy! okay na lahat pati si karu. game na sa mga trips namin. busy day tomorrow and monday. may side trip pa sa laguna to visit h2b's sister. hay... lagot na naman ako sa shift ko tomorrow night!

ez4gotten - congrats sa review! kami naman this november ang audit. hopefully it will turn out good din.

health.gal - LOL! natawa naman ako sa tito & tita mo.  :P pero actually nauuso na nga ngayon ang skype wedding.

chiclet_24 - naku sis, hindi dapat ganyan ang AE mo. if she can't handle you dahil conflict schedules nyo, dapat sya maghanap ng pwede mag-assist sa inyo habang busy pa sya. she should properly endorse you to other AEs, never ka dapat mamrublema dun. that's a red flag for them sis, kung ako yan, hahanap na ko ng iba. importante kasi sa akin yun maayos kausap. kung gusto mo yung caterer na yan pero ganyan naman ang treatment, you might as well look for someone na mas coordinated and yun ma-meet din standards nyo sa food.

tomorrow ko na itutuloy post ko. mina-migrane ako.  :-[ goodnight na muna sa inyo.

kiz_me1109

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #143 on: October 02, 2011, 12:51:55 am »
Hello sa lahat... Grabe hirap mag back read. Tagal ko din nawala. We just got back from our Palawan Vacation. :) Happy preps everyone!

chelle_peachy0524

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #144 on: October 02, 2011, 01:13:20 am »
just read sta clara's rules... sa kanila rin bawal ang sariling songs... pwedeng magdala ng singer tapos ang kakantahin religious songs. eh di para safe, pakantahin na lang yung soloista nila...

patchi2012

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #145 on: October 02, 2011, 12:26:34 pm »
happy sunday mga sis

@ sis ishi yup, magdadala talaga ako ng bagoong at dried squid, so far di pa naman na bawal sa custom e, mga cuz ko kasi pag umuwi laging may bitbit, yung bawal lang ata is yung may milk content like polvoron which is kakainis since fave ko din ang goldilocks,,hehe though may bagoong sa filo store and yup mahal nga + tax pa, mas prefer ko kasi yung homemade na ginisa sya,hehe,,yaan ko muna gown ko sis, (where in at this time di pa nga na umpisahan e) dyan nalang muna sa bahay ni h2b, di ko naman masusuot na yan after ng wed , so balikan nalang after 2yrs ulit, re pag bibintang ng mother in law, ganyan talaga sis, once kasi na resident/citizen na ang isa ganun yung usual na comment, once nakipag relasyon sa di pa landed, though wala pa naman sa family ko ang nagsabi nyan sakin but mostly mga ibang pinoy na ma meet mo lang if they know na single ka sabay sabi na ingat lang daw makipag relasyon baka residency lang daw habol.

@ sis qtpurple bilib naman ako sa yo sis, haba talaga patience mo,well ganyan naman talaga kasi ang nagmamahal, learn to love din yung love ng mahal natin, tsaka isa pa sis pinakita nyo na nag strive kayo ha, since may own house na kayo, masarap yung naka bukod talaga, yan kasi laging term ni mama ko e, kahit mag tumbling daw kayo, dahil inyo walang may makialam, at baka ugali n kasi nya talaga yan ang pagiging grumpy, lam mo yun, sa kanya balewala lang, not knowing naka sakit na pala sya ,then lam mo na matanda feeling nya tama sya sa lahat ng bagay.

@ sis michi paki inform moko sis if naka file na kayo ha, para malaman ko if anong requirements dun, plus if may seminar pa ba then the sched, baka kasi dun kami mag apply din e, pagka dating namin, para walang waste na time, sa ilocos sana e sa hometown ni h2b kaso travel pa namin, hay naku 10 bus days pa naman yan,

@ sis judassec hoping na help will come along the way to you sis at maayos yang prob mo regarding sa lupa para may peace of mind ka na,

@ sis chelle goodluck ha, sanay maging ok na,

question lang mga sis, since 10 days bago ma release ang marriage license habang naghihintay ba nyan pwede na ba mag pre cana? or tinatanggap lang ng church once meron ng ML? or depende sa church?, thank you

blueflame

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #146 on: October 02, 2011, 02:41:39 pm »
Hello sisses! Daan muna ako bago tumulak pa-Laguna.

This am, nag-mock setup kami ng flowers with ate arleen. super bilib ako sa florist nya dahil nakuha nila ang design ng bridal bouquest ko. eh kala ko kasi yun mga ento flowers lang ang gagawin nila. nagulat ako dahil may flowers na rin sya for my bouquet, though may 2 flowers na di pa nya sinama dahil di umabot yun shipping. i love it much! post ko picks tomorrow. paid na 50% ko.

After Dangwa, pumunta kami sa recto for our invitation. umabot din kami ng P5400 for 90 sets of invitation. nagbayad na kami ng 50%. proofing would be on Thursday then 10 days after that makukuha na namin. so happy!

yun lang po! Alis na kami. :)

mawchan

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #147 on: October 02, 2011, 08:03:42 pm »
maulang sunday! hello to all!

sis blueflame dati si ate arleen din bet ko sa florist, good thing she's doing well unlike sa mga previous na nega feedback about her services, pero fullblooms kinuha ko walang mock-up may extra charge ba yun?  re movie! drama sabay comedy!hehe, di ka nag-iisa kaloka talaga.. re gown kay ms minda mas mahal quote nya skin kasi nagpalit na naman ako ng gustong design, kaya drop ko na, roxy bagano mukhang di approve si h2b dahil malayo. between rei and ate fe mas gusto ni h2b si ate fe, although may allocated budget, kahinayang lang talaga kasi once lang susuotin.. congrats pala sa mga accomplishments nyo for the day! :)

sis patchi syensya i can't answer your question, wala pa kong idea about ML, and pre cana.. mga ilang months ba before the wedding dapat mag-asikaso nyan? ???

sis kitz na miss ko tuloy ang palawan! puerto kayo or coron? ;)

sis chelle congrats at finally pencil booked kana sa church and at least may soloist narin, bawas gastos yun unlike kuha kapa ng choir.. ganun din kasi sa twin hearts church may soloist din! :)

sis qtpurple over naman yang si FMIL, pero i hope in the future magkasundo parin kayo kasi ikaw pinili ni h2b mo.. mahirap talaga pag relationship sa in-laws na ang problem, bukod na lang kayo sis at iwas trouble pa! :D

sis rian belated happy engagement pala!so sweet ni h2b! get well din sis! re veil, cord usually kasama sa package ng couture pero mga basic accessories, pero kung gusto mo customized/personalized pwede diy or may mga supplier din gumagawa nun.

sis ishi pwede siguro yun na emcee na lang yung kukunin mo.. since wala naman silang na co-contribute to think na partial otd kinuha mo, kaso bat wala kayong contract sis? yung iba nga wala pang payment may emailed contract na.. sino wc?

sis judessec dapat may refund yun, o kaya baka pwede i-re sell na lang sa iba.. hirap mag-ipon ng 225k! kaiyak talaga yan sis  :(

sis ez pag di busy, sure! silip ako sa adu prenup nyo,  :D tagal ko nang di nakapasok sa loob.. pero mukhang di na kame dun mag prenup di type ni hub, mag summer theme daw kame kasi month of may ang wedding, kaya malamang hanap pa ko ng affordable resort suggestion nya sa club manila east.. congrats pala sa appraisal!  ;)

sis blushing condolence to your lola..

sis chiclet request kana sis ng new ae, pero dapat in a nice way pa din.. hirap din kasi baka mag iba yung service nila sa big day!

sis health.gal kaiinggit ang coffee kembot nyo.. ikaw na ang laging present sa eb! ;)

sis kat uber mura pala talaga sa roxy! true ka dun sis wala naman sa price yun, nasa nagdadala or mag susuot naman..  :) pero basta wag lang mag susuffer yung quality, may nabasa ako sa sobrang mura nga pero, during church procession natatastas/natatanggal na yung mga beads katakot naman yun..  :P nice idea sis na papatahi nyo na agad, the earlier the better para mahaba yung time in case magkaron ng problem sa gowns.. re becky insecure ata sya!lol actually feeling nya kasi laging may malice ang tingin ng mga becky sa kanya.. hehe

sis augbride same experience tayo kay h2b, ganun ata talaga karamihan ng boys minsan dedma sa wedding preps minsan naman super kontrabida! kame nga almost lahat bago kame nagbooked ng suppliers mega away.. magkaiba kame lagi ng ideas, opposite attract kuno..  :) pero in the end let's just think na tayo gusto nilang pakasalan and to live happily ever after.. yun lagi nya sinasabi sakin ni h2b..  :)

sis mich tipid mode ba? naku, ako din.. mapilit lang kasi mga ka officemates ko, pero sulit naman tagal narin nung huling watch ko ng movie!lol winner ang mga lines sis! speaking of masamang karanasan sa becky meron nga sis at sa lrt pa!haha di ko na ikwento at baka magalit yun..  :P


happy preps and godbless sa lahat! :)






« Last Edit: October 02, 2011, 08:14:39 pm by mawchan »

chelle_peachy0524

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #148 on: October 02, 2011, 09:00:53 pm »
hi mga sis...
milagro at sunday naka net ako hehhee


sis judessec - sis, tapos na ba magdownpayment si h2b mo? kung tapos na at nagbabayad na ng monthly dues sa lot, me makukuha pa kahit 50%. pero kung dp pa lang yung 225k, say goodbye :( yun kasi ang sabi ng ate ko na real estate agent.

sis ishi - hugs for you... sana maresolve mo na ang issue sa WC mo.

sis mawchan - got your point as well :) about WC... anyway count me in sa h2b na iniaasa ang wedding preps sa atin :) katwiran naman ni h2b sa kanya na ang gastos ako na ang bahala sa lahat. sana minsan mafeel din nya ang stress... oo maglalabas lang sya ng money pero sana maexcite ka naman h2b :)

can someone please share kung me bumabagsak ba sa pre cana? thanks :)


wave wave to all :)


« Last Edit: October 02, 2011, 11:23:49 pm by chelle_peachy0524 »

Judessec

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #149 on: October 02, 2011, 10:30:02 pm »
sis michiness tama isang wedding na yun kaya sobrang nka2hinayang talaga...yup sa cavite yun sis
thanks sis patchi...nka2gulo talaga ng isip hnd ko tuloy maasikaso wedding namen
nka2iyak talaga sis mawchan huhu
sis chelle actually no downpayment yun...yung total contract price divided in 24 monthly amortization bale 4mos na yung nba2yad nmen...haaay hrap mgdecide as of the moment sabi ni h2b ituloy na lang daw namen bka mgbago pa rin decision namen...bahala na si batman huhu.thanks sis ha
naku nxt wik na ulit ako mka2pg-online...mami2ss ko ulit kau mga sisses...
« Last Edit: October 02, 2011, 10:32:02 pm by Judessec »

qtpurple04

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #150 on: October 03, 2011, 08:52:54 am »
sis ishi90210 » tapang-tapangan lang ako sis .. lately nga nagpa-flash back lahat ng past e .. kaya si h2b napagbabalingan ko .. naiiyak pa rin ako pag naaalala ko yun mga nangyari dati .. hirap malimutan e .. >:(

sis vincris » tama ka dyan sis .. talagang yan na ata papel ng nagmamahal e .. mag tiyaga at dapat learned to forgive and forget .. kaso hindi talaga ata lahat ng bagay madaling makalimutan e .. lalo na siguro yun mga masasakit pero ok na rin yun parang way na rin para mas masing strong at maimprove mo yun self mo .. ::)

sis chelle_peachy0524 »wow congrats naman at finally may church na .. re pre cana: may nabasa ako before na bumagsak daw sa pre-cana .. medyo naguluhan din ako dun e .. di ko na-gets yun kwento niya .. parang pinaulit yun pre-cana nila .. tapos parang depende ata sa pari kun i-aallow ka na ikasal sa church na yun .. di ko pa rin yan gets until now .. can someone enlighten me regarding pre-cana? paano ba process nga nyan?

sis riaenvodka » yun cord at veil .. ang alam ko couturier mo mag provide nyan .. minsan kasama na yan sa package or pwede mo irequest .. nowadays kasi personalize na rin yan .. so depende sayo kung like mo icustomize based sa gusto mong itsura .. halos lahat ng sissy natin dito DIY lalo na yun cord .. kahit ako like ko i-DIY yan ..  ;D

sis Judessec » aww sayang naman yun sis .. yun 225k na yan sobra pa yan pang wedding ko e .. hehe! may contract ba kayo sis na non-ref na kun sakaling hindi ituloy? ang laking pera nyan para pakawalan lang .. baka naman sis pwede nyong i-resell kahit half lang ibayad sa inyo then yun kulang sila na magtuloy sa pagbayad .. then ask ka na rin sa lawyer or sa mismong developer na .. baka kasi yun agent lang ayaw magbalik ng pera sa inyo .. alam ko pwede naman yun e pero hindi na buo maibabalik sa inyo .. hanap ka na rin sis baka sakali merong interesado naman .. sayang kasi talaga e ..

sis michiness » tama sis sakit nga sa bangs! hindi ko nga napanuod yun MMK epi na yun pero un trailer napanuod ko naman at panalo nga yun line ni Charie Pineda dun ah. pak na pak! pero sana naman hindi kami umabot sa ganun sitwasyon ni FMIL. Mabait naman na siya e medyo minsan tinotopak lang. nakausap ko nga yun gf ng cousin ni h2b sabi niya nun pumunta daw kami sa house ni FMIL puro papuri/positive daw sinasabi sa kanya ni FMIL about sa akin ako dw ginagawang sample habang siya pinagsasabihan. ang no-no lang naman sa akin e un binabanggit pa si ex sa harap ko. syempre masakit yun para sa akin. yun din pinagsisimulan ng away nila ni FFIL. mabait nga si h2b ko siya lagi naiipit syempre di niya naman kayang awayin mom niya kaya siya na lang tumatanggap ng mga sama ng loob ko. :-[

sis kiz_me1109 » welcome back sis! how's palawan trip?

sis patchi2012 » tama ka dyan sis .. siguro nasa isip niya napagdaanan ko na lahat yan kaya dapat kayong mga manugang ko ganito ganyan kayo .. hay! ??? yan din sinasabi ng mama ko pagsikapan daw na magkaroon ng sariling bahay dahil mahirap may kasamang kamag anak sa iisang bubong .. mabait naman si FMIL excited na nga magka-apo kelan daw namin bibigyan ng apo .. sabi pa sa akin magbuntis na daw ako tapos dun daw muna ako sa kanila siya daw mag aalaga sa akin .. sa isip ko naku ha baka araw araw bungangaan niya ako .. dahil ang buntis db minsan tamad talaga .. e yun pa naman lagi niya reklamo sa isang manugang niya na lagi daw tulog lang .. haha! intindihin ko na lang siya tutal halos once or twice a month lang namin siya nakikita .. ::)

sis mawchan » uo sis ayoko talaga sumiksik sa puder nila .. kasi ayoko ng may masabi at masumbat pa balang araw .. mabait naman sis si FMIL matagal na rin naman yun nun medyo bago pa kami ni h2b nun .. pero ngayon konti konti na lang .. iniintindi ko na lang .. tagal na rin namin ni h2b kaya tyagaan ko na lang siya kasi paminsan minsan tinotopak pa rin e ..

wave wave to y'all ..  ;) hello sa lahat!

chelle_peachy0524

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #151 on: October 03, 2011, 09:58:57 am »
^hala i need a back up plan pala ng church...  :-\ but then why think of failing hindi ba? my understanding of pre-cana is an exam for couples, yung readiness nyo na magpakasal itatanong sa inyo ng pari... pero sabi naman ng bestfriend ko madali lang naman daw. baka talagang requirement yun ng malalaking simbahan no? kinakabahan and yet naeexcite ako at the same time... ireally wanted sta clara...

sana lang mga sis pagtuntong ng 2012 at me kinasal na eh ganito pa rin  tayo kaactive ha? then lets create a new thread... 2012 Brides na Mrs. na hehe...  ;)

lennie.bong

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #152 on: October 03, 2011, 11:20:04 am »
hi mga sisses!bakit kaya biglang nawala yun reply ko dito?uber long na yun tapos nawala! >:(

hay naku buti na lang good mood ako.haha.
updates : nagdivi kami ng friend ko and nabili ko na lahat ng mga need ko for my invites and giveaways.tuloy na talaga ang treasure chest give away plus golden coins and my message in a bottle invite.next week designing na.nun una problem ko yun bottle pero my friend suggested na yun sa tanduay ice na lang,may grocery kasi sila.problem solved na.plus,nabili ko na din yung pang fruit baskets ko.
dumating na din yun final quotations ko for my menu kaso namamahalan ko,inedit ko pa.kayo mga sis, magkano budget niyo per head sa food?para my idea ko.TIA! :)

ang babait din ng mga suppliers ko,nakasave na daw yun january 7 para sa amin. :)

@ sis ishi - naku sis,plinano ko din na magkaroon ng garden reception,kaso,impossible ang cheesecake dun plus naisip ko ang weather and all.hehe.saka pag gumabi na baka magkalamok.when and what time wedding mo sis?sweet naman ng lovey dovey mo sis. :)

@ sis michiness - naku puro masasarap na food din naiisip ko pag nasa ilocos ako.yun sa may bacarra,masarap din yun empanada nila dun kasi malaki at malasa.hehe.oo sis tuloy na ang fruit basket,mas makakatipid and mas uso daw yun dun.at ang hirap buhatin ng basket nun pumunta kong divi.natagtag ko.haha

@ sis shayne - check mo sis sa cluster bldg.sa divi.yun malapit sa tutuban,madaming may mga pwesto dun na mananahi.may mga RTW pa na gowns pa sis. :)

@sis health.gal - thanks sis!may mga bago ko nagawa kaya i'm so happy.menu na nga lang eh biggest problem ko as of now.

@sis blueflame - ay buti ka pa sis magpic na.yun prenup pa naman namin is on december pa kasi,dec.8 pa uwe ng h2b ko,di ko nga masasama man lang sa invi yun pics kaya sa sign book na lang pre nup pics namin. jan.7 ka din ba sis?good luck sa photo shoots :)

@sis ninaceline - muntik na pala tayo maging pareho ng date sis. :) yun lang di daw pwede ang paoay so napilitan ko gawing 7 yun date ng kasal namin.hehe.iba pala yun feeling pag binook na ang church,kasi parang tuloy na talaga.hehe.oo magkakababy din kami in due time.thanks sis!saan church niyo sis?

@ sis chelle - yun lang ba talaga gusto mong church sis?try mo ng different date or place.ganun talaga.book as early as possible lalo na sa manila.kahit ako din sis,nag adjust ko ng date just to book the church.good luck!

@sis augbride - ok lang yan sis,basta in every decision dapat kayong dalawa ang may approval.may mga lalaki kasi talaga na pag girly things,wala sila masaydo say eh.kahit si h2b ko ganun.oo lang ng oo.hehe.pero calls and text lang yun kasi ako lang magisa ang nagaayos eh.

@sis katrinac - oo sis 1 fruit basket lang for couples kasi 6 lang binili ko eh.hehe.saka may treasure chest na sila at cheesecake pa.kaya madame na din yun di ba?yun choco coins ko nga yun pangkaraniwan lang peto maganda tingnan sa chest.mahirap na pera ngayon.haha!

@sis blushing - condolence sis. :(

@ sis qtpurple04- ok lang yan sis.tama sila,basta hindi niyo naman makakasama si FMIL mo sa bahay,keri pa yan.hehe.siguro di lang siya makaget over,and kung sincere ka naman sa ginagawa mo,wag mo na lang iover analyze sinasabi niya :) mawawala ganda mo pag inisip mo yun.ang importante,secure ka sa love ng h2b mo.ako nga sabi ng h2b ko,papuntahin pa niya mga ex niya sa wedding namin para makita nilang masaya siya.hehe.pero di man totoo,nakakakilig isipin na,sa akin niya na feel yun true love,yun na lang isipin mo sis kaya ka niya pakakasalan. :)


hello po sa lahat :)




chiclet_24

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #153 on: October 03, 2011, 12:17:41 pm »
Hello mga sissies... Daan lang ako kasi wala ako sa office to day so di ako magakapagbackread ng bongga, share ko lang [textspeak!] unang AE ko na pinoproblema ko  nag reply na sa akin na pwede nya na raw ako isched sa FT 6pm daw duh diba... 1 week siyang di nag reply kaya di ko na siya nahintay at nakapagpasched na kme ng 2pm sa bagong AE nila mas accomodating... Ok lang naman yun diba?
« Last Edit: October 03, 2011, 12:21:13 pm by chiclet_24 »

carmichael18

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #154 on: October 03, 2011, 12:22:39 pm »
hello ladies!!!

ez4gotten - nice to meet you yesterday! finally nagmeet na rin tayo.. will email you the worksheets soon...

chelle - one of the reasons kaya kami nagwithdraw sa sta. clara dahila ng daming bawal... but don't worry sis, kahit tumawag ka sa kanila, naka pencil booked na kayo kahit walang downpayment.. saka wlang bumabagsak sa canonical interview at pre cana sis.. unless sabihin niyong pinilit lang kayong magpakasal.. :) so don't worry.. :)

riaenvodka

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #155 on: October 03, 2011, 01:42:13 pm »
hello sa mga sisses..maraming salamat sa lahat ng mga bumati at sumagot sa tanong ko..tama kayo, yung iba, nag DDYI nalang, ako sana, kaya ko rin..

sis blueflame, congrats sa mock set up nyo, naiimagine ko na, how happy you are upon seeing it..kaka excite, diba..

sis mawchan; thank you thank you talaga..mwah

sis patchi: sa SAC kasi, ang sabi dapat kumpleto na before ng pre cana, so, mag susubmit nalang kami before it..

sis chelle_peachy: tama ka sis, siguro naman, yakang yaka ang precana...basta prepare ka emotionally, psychologically at spiritually

sis lennie.bong: congrats sa mga pag aayos...ang dami mo ng accomplishment..

super HI at WAVE sa mga ibang sisses natin...

chelle_peachy0524

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #156 on: October 03, 2011, 01:57:59 pm »
thanks for assurance mga sis about pre cana...  :)


anyway, sis chiclet hindi mo kelangan maguilty as in! kasalanan na ng unang AE mo dahil nagpabaya sya hindi ba? wag ka maguilty at all kasi ikaw itong naging masipag sa follow up sya ang tamad mag asikaso so goodluck di ba? when it comes to services, hindi ikaw ang mag aadjust kung hindi sila...

sis lennie.bong - oo, dun ko na talaga gusto magpakasal :) ang ganda kasi eh...

sis carmi  anong bawal yung hindi mo nagustuhan sa sta clara? i read their guidelines nga. yung sa flower girl nga dun  ata ako magkakatalo kasi mga 5 years old na sila pero sure naman na naglalakad sila... hindi naman sila siguro magiging cause ng delay.

carmichael18

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #157 on: October 03, 2011, 02:28:25 pm »
sis chelle - yung sa mga abay din kasi puro 2-5 years old ang abay ko eh.. hehe saka yung hindi nga kami makapag down para man lang mabook na talaga yung church.. pero yung isang sis na dun din nagpa-book sabi niya tumatawag siya dun minsan pretending na mag-inquire sa wedding date niya, tapos sinasabi ng sta.clara daw na hindi na available yung place.. so ibig sabihin they really do pencil booking kahit walang bayad.. tapos may rehearsal pa yung mga abay at suppliers as per guidelines nila..

health.gal

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #158 on: October 03, 2011, 02:37:14 pm »
sis ishi – sent them an email inquiry just now. Kulitin ko na lang thru phone. Last Friday kasi, hindi rin nasagot ng store yung inquiry kasi catering dept may hawak nun. Pag nagreply agad, will let you know details. Re your coord, I think okay naman na ipadowngrade, sabihin mo na lang kapos ka ng budget. Kasi pag sinabi mo yung totoo na bagal nila umaksyo at sumagot, baka lalo ka lang nila ipitin.

sis riaenvodka – musta sis? Sana magaling ka na. Re cord, veil, candle, the couple prepares for that. Although most of the time eh free na yun sa couture, but you have to be sure.

sis juice406 – wow, congrats at nabook niyo na lahat ng suppliers, galing! Re sa prenup, saan kayo sa Pangasinan magpre-prenup? Sa amin kasi, gagamitin namin yun for STD cards. Then, if budget permits (since nice-to-have lang siya), isasama namin sa reception decors yung mga shots sa prenup.

sis laireyes – hi, and welcome here. Sana masayahan ka rin sa thread.

sis qtpurple04 – napa “eavesdrop” tuloy ako sa kwento mo kay sis katrinac. Meant to be talaga kayo ni H2B mo. You are really destined for each other. Basta dito lang kami for you, your support group. Muah!

sis patchi2012 – naku, super duper sorry, ngayon ko lang na-send (sa FB mo po).

sis judessec – awww! Grabe, sayang yung 225K. Wala akong masyadong alam sa legalities niyan, pero I do hope may mabawi kayo na pera.

sis chelle_peachy – wow, congrats at may Church ka na nabook! Ano yung pre canonical exam? Ngayon ko lang narinig ito, all the while, ang alam ko interview lang. Anong klaseng exam? As in paper-and-pencil? Ano daw mga tatanungin? Re “2012 Brides na Mrs. Na” – I love your idea! Oo nga, sana. At sana umabot tayo sa 2062 Golden Brides!

sis michiness and sis ishopnow – thanks din. Super enjoyed your company.

sis ishopnow – haha, alam ko na family name ni H2B mo. Bagay nga sa iyo eh. Hehe.

sis blueflame – congrats sa flowers mo, and sa invites. ramdam ko happiness mo.

sis mawchan – medyo gala lang talaga ako kaya laging present sa EB. Isama na ang mabait na employer.  Hehe.

sis lennie.bong – re budget sa food, ano ito sis, para sa caterer? It can range from 450 – 1Kplus. Budget namin somewhere in between.

sis ez4gotten – isama mo na rin ako sa leche flan. Hihi. How was your fitting with rei?

Re”No Other Woman” napanood ko na rin ito. Magagaling yung mga actors and actresses. Pero the story itself, medyo predictable na for me.  But worth-it naman yung binayad ko sa moviehouse. Dami talagang trials sa married life noh?

Re FMIL – so far, wala naman kaming problem or misunderstandings. Ganun din parents ko kay H2B. Sana tuloy-tuloy kahit mag-asawa na kami. But, by hook or by crook, talagang magso-solo kami ng titirahan.

Re Batangas weekend,  buti at hindi naman kami binagyo. Sinamantala ko na rin ang stay ko Balai Isabel. Humingi na rin ako sa kanila ng rates for wedding. Ang ganda dun, lalo na may sarili silang Chapel sa loob. Very romatic. Spacious din yung events hall nila. Kinukulit nga ako ng mga friends na kasama ko dun na doon na lang daw kami magpakasal. Kung kaya lang ng budget, why not, kaso hindi eh. Hehe. Sa mga interested na magpalit ng venue at gawin dun, PM me na lang for the rates. Sa prenup naman, namamahalan ako sa package nila, parang hindi worth-it.

Hello po sa lahat.
« Last Edit: October 03, 2011, 02:56:12 pm by health.gal »

qtpurple04

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #159 on: October 03, 2011, 02:53:56 pm »
sis lennie.bong » tama ka nga sis .. dahil na rin sa mga advices nyo mas lalo ko na-aappreciate yun love sa akin ni h2b .. siguro kailangan ko na talaga maget-over lahat ng hindi magandang nangyari .. nakakakilig noh sis .. sarap pakinggan lalo na pag galing sa mahal mo .. ;D

sis chelle_peachy0524 » ewan ko hindi ko pa rin talaga alam kun ano at pano ang pre-cana e .. na-confuse rin lang ako sa nabasa ko before .. na pinaulit nga daw pre-cana or canonical interview nila .. parang hindi ata na-satisfy si father sa answer nila .. hay! sana may makapag explain ng bongga .. re: 2012 bride mrs na: love it! sana nga active pa lahat .. ;D

sis health.gal » thanks sis! ;) dapat ko na kalimutan mga yun .. lately kasi talaga nagpa-flash back lagi ko inaaway si h2b .. erase erase na yun .. kasi mahirap na baka maka-apekto pa pag kasal na kami .. re: golden brides wow taray nyan .. love it also!  ;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close