watch now

Author Topic: 2012 Brides *Part 7*  (Read 89701 times)

health.gal

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #100 on: September 30, 2011, 03:02:25 pm »
sis augbride, si H2B ko sobrang pakialamero naman, haha. Joke lang. LDR kami. Before he left for work last May, tinapos na niya lahat ng layouts namin BUT, ang downside eh medyo (or should I say, SOBRANG) fickle minded siya. Kung may idea siya na gusto, give it a month or two, iba na ulit gusto niya. Isa pa, medyo maselan or maarte siya (or sadya lang ata na mas mataas taste niya sa akin). Test of patience talaga for me, pero mahal ko eh, yun na lang iniisip ko. Hehe. Re your H2B, alam mo sis, in a way, maswerte ka rin, isipin mo na lang na sigruo gusto lang ni H2B mo na ikaw ang magdecide ng lahat kasi he wants you to be happy on your wedding day and he wants your dreams to come true kasi super duper love ka niya. Oh di ba?

sis blushing.margarita. aww! condolences sis. Now, you also have an angel watching over you.

sis chiclet_24 – naku kaasar yang AE mo ha, may karapatan ka naman mag ala-bridezilla sa kanya. Yes, magpalit ka na ng AE. If I understood your post right, magpapabook pa lang kayo di ba? if yes, then I’m sure kahit sinong AE pwedeng mag asikaso sa inyo, after all, hindi gugustuhin ng caterer niyo na mawalan ng sales.

sis ez4gotten – hindi pa kita na-greet. Congrats! You deserve it, sa sipag mo pa lang eh, maswerte na sila sa iyo. I smell more nice-to-haves.

sis michiness – see yah. Tohmoh! Nahawa na ako sa pink ballpen ninyo. Haha, sige sa iyo na si John Lloyd, basta akin si Jose Mari Chan --> nag-iisang ultimate crush ko sa showbiz, at alam ni H2B yun, at tinatawanan niya ako, pumili naman daw ako ng ka-age ko!

sis ishi90210 – yung mga hindi nagagawa ng coord mo, try asking any of us. Malay mo, kaya namin gawin for you (for free, of course). Re your mom, winner siya sumagot ha!

sis patchi2012 – I’ll send you the rates of lifestyle by feliz in a while. This week lang ako humingi ng packages nila, so updated yun.

sis vincris, hayaan mo na siya, busy-ness siya sa paghahanap ng raket for your wedding, to make you more happy.

sis chelle_peachy – congrats for your WC. At least, one down ka na sa isipin.

hello sa lahat. coffee kembot sa makati tuloy mamaya. naka post na sa FB details. yung wala pa po sa FB at gusto sumama, PM me na lang. see you!
« Last Edit: September 30, 2011, 03:08:06 pm by health.gal »

riaenvodka

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #101 on: September 30, 2011, 03:09:49 pm »
hi mga sisses..grabe, 2 days lang akong nawala pero eto, part 7 na at page 7 na rin...grabee...habang backread to mga sisses..

wasnt able to catch up with all of you because of fever...after typhoon pedring, nagkalagnat ako and several bouts of diziness...i really do not know what's happening to me, pero parang ang bigat ng pakiramdam ko at parang umiikot sya...i hope maging ok na ako..im thankful kasi weekend na bukas at makakapahinga ako..

please bear with me mga sisses..will backread na, para updated na ako..

miss you all mga sissess...

isang malaking hugs...


mwaahhhhh

ishi90210

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #102 on: September 30, 2011, 03:19:22 pm »
^aww...pagaling ka sis. pag tom meron ganyan pa rin feeling mo patingin ka na sa doctor ok. /hugs

sis health.gal pareho pala hub natin. one time nairita ko kasi nagbago na naman sya ng design ng suit nya eh buti di ko pa nababayaran. ayun sagot ba naman sakin eh ang dami ko daw kasing pinakitang choices, eh 2 lang kaya choice nya kasi nga knowing him, it'll take him forever to decide lalo na pagdating sa mga petty things. haha!

thanks sis sa help ha. dahil stressed ako kanina, naubos ko tuloy yun box of chocolates dito sa bahay. lagot na naman ako ke hub nyan mamaya. sya kasi trainor ko sa gym eh.

vincris16

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #103 on: September 30, 2011, 03:39:31 pm »
sis qtpurple04, whew buti na lang kahit panoh diko pa nararansan yan at sana diko maranasan.. well panindigan mo sis wag kayo sa malapit sakanila hehe.. (ang bad ko noh..)

hmm sis health.gal yun na nga lang iniisip ko ngayon di lang kasi ako sanay hehe..

chiclet_24

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #104 on: September 30, 2011, 04:23:40 pm »

sis chiclet_24 – naku kaasar yang AE mo ha, may karapatan ka naman mag ala-bridezilla sa kanya. Yes, magpalit ka na ng AE. If I understood your post right, magpapabook pa lang kayo di ba? if yes, then I’m sure kahit sinong AE pwedeng mag asikaso sa inyo, after all, hindi gugustuhin ng caterer niyo na mawalan ng sales.

naku sis pinalitan ko na tlaga siya bahala na sya sa buhay nya wala siyang ka rapport rapport napakahirap kausap ng mga ganu diba lalo na at di ka naman paulit ulit na kinakasal... so malamang 1st time lahat ng experience para sa akin... kaya marami kang tanong...
oo eh mag bobook palang tlaga kame though 90% decided na kame ni h2b yung tipong pagkatapos ng ft pag gusto namin mga pinagsasabi nila mag dodown na kme to block the date

ibabalita ko sainyo pag ka naibook na tlaga ng bongga hehe  ;D

chiclet_24

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #105 on: September 30, 2011, 04:25:06 pm »
hi mga sisses..grabe, 2 days lang akong nawala pero eto, part 7 na at page 7 na rin...grabee...habang backread to mga sisses..

wasnt able to catch up with all of you because of fever...after typhoon pedring, nagkalagnat ako and several bouts of diziness...i really do not know what's happening to me, pero parang ang bigat ng pakiramdam ko at parang umiikot sya...i hope maging ok na ako..im thankful kasi weekend na bukas at makakapahinga ako..

please bear with me mga sisses..will backread na, para updated na ako..

miss you all mga sissess...

isang malaking hugs...


mwaahhhhh

hope gumaling ka week end pa naman sayang ang araw... uso tlaga ang mga sakit sakit ngayon sis, inom ka dami water  :D get well soon!! :)

ishi90210

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #106 on: September 30, 2011, 04:32:15 pm »
sis health.gal thank you thank you po. sa mga posts nyo pa lang ang dami ko ng natutunan eh.

chelle_peachy0524

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #107 on: September 30, 2011, 04:37:12 pm »
si ishi - hay naku oo nga. WC pa lang sis wala pa yung church... yung importante pa ang di ko maayos... this is it feeling din naman yung church na gusto ko ang problema lang yung date... weehh ayoko na magmove ulit ng date hehe kaya kelangan yung church na pagtatanungan ko maging available sya sa april 14...

sis chiclet congrats at pinalitan nyo na sya. yung naunang AE mo wala ng commi so goodluck sa kanya hahaha

sisriaenvodka - get well soon sis... take a rest...

sis health.gal and ez4gotten - thanks :) otd lang kinukuha ko pero gusto na yata ako tulungan sa lahat hehe... church na lang!!! mafix lang sya ok na ako...


ishi90210

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #108 on: September 30, 2011, 04:45:13 pm »
^basta ok ang wc mo, mabilis na lang yan. kami una namin nabook venue and caterer. mga takot magutom sa wedding day namin eh. haha!

chiclet_24

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #109 on: September 30, 2011, 05:10:48 pm »
^basta ok ang wc mo, mabilis na lang yan. kami una namin nabook venue and caterer. mga takot magutom sa wedding day namin eh. haha!

kame naman Pre-nuptial photoshoot... hahahah super excited eh... actually regalo sabin yun ng FBIL ko nauna pa siyang magbook samantalang kame ni h2b puro lista lista lang hahaha

chelle_peachy0524

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #110 on: September 30, 2011, 08:34:47 pm »
^^ hindi rin sis... ot lang kasi ang kinuha ko... lahat kasi ng suppliers ko naka pencil book na ko so ako naman kasi super hands on. dati me tumutulong sa akin pero ngayon mkhang mag isa ko na lang...

katrinac

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #111 on: September 30, 2011, 09:37:54 pm »
hi mga sisses! success ang APE ko kahapon! di ko naramdaman. hmp! i'm brave naman pala! LOL. Sigh, sayang, kanina, pilit kong humabol sa meeting nina sis health.gal sa Greenbelt, kaso late ko nabasa ang text. aga ko pa naman umalis, kaso na stuck lang ako sa traffic. payday pala kasi tsaka Friday. sayang. dibale sa susunod. ;)

ninaceline - sige sis, let me know what you think about the movie. haha. kanina before i slept, pinanood ko nung bridesmaids. tawa ako ng tawa, and kulit kasi nung dalawang babae na naglalaban sa role nila dun sa bride. la lang nashare ko lang.  ;D

mawchan - yup sis, mura sila, pero may pag ka risky nga lang. last December, nung nag night market kami ni h2b dun for christmas gifts, may nakita kami dun na onsale na gown. 999 pesos. maganda narin. pero kung ako nagtitipid, ayaw ko naman ata mag suot ng 999 pesos pa na gown. tataasan ko pa ng kaunti ang presyo. siguro mga 3,000 naman. haha.  ;D pero for sure, kahit anong gown pa suotin natin, mahal man or mura, babagay talaga ng bonggang bongga! though medyo risky sya, i'd still settle for them. take ko na ang risk. agahan nalang namin magpagawa, and sabihin ko na March ang wedding namin, kahit sa May pa talaga. para naman may kaunting allowance parin just in case na ma late sila. nakita ko naman din kasi ang finished product nila, nagustuhan ko naman. baka by November, go na kami for fitting. too early pa talaga, pero para makasiguro nalang na. ;) -- haba ng sinabi ko. hehe. sis, bakit ayaw nya sa becky? pero di becky nung binigay sakin ha? female receptionist sya sis. :) ako kasi, barkada ko dito, puro becky, kaya sanay na si h2b. lol.

ez4gotten -- weeeh! congrats sa isang major performance review sayo!!!  :-* so ibig sabihin, may dinner date na tayo nyan, at matuloy na ang coffee kembot natin?? hihi. magka text kami sis health.gal kanina, and sabi nya sa 5 daw ba ang kembot natin? go go ako sa Oct 5 na yan. na excite ako bigla. yayyyy!!!

health.gal - korek sis, at makikigamit narin ako ng ballpen ni sis michiness na pink na may feather! hahah. may compatibility ek ek sya. sayang nga eh, nung mga bet ko pa naman na games ang di nagana. haha. kaya puro movie nalang pinag lalagay ko. minsan mabilis nung wifi, minsan mabagal.  :( patry ko nalang ipacheck. and sis, super brave ako kahapon. di ko naman naramdaman. heheh. :D takot lang talaga ako. i just can't imagine, kung pano nakakaya ni mama ko mag inject 2x a day. super tapang na nya. at natawa ako ng bonggang bonggang sa proxy na yan ha!!! LOL. winner ang banat na yun sis! LOL.

chelle_peachy0524 - sis, pwedeng pwede mo kunin yun. ;) email mo sya sis: FCataqui@pcmall.com  -- pero wag mo sabihin na nishare ko sayo nung rates na binigay nya sakin ha? hahah. sabi nya kasi secret lang daw eh. pero pag nakausap mo na sya, sabihin mo sa kanya ni refer kita para bigay sya sayo ng bonggang discount. if interested ikaw, email ka na agad. kasi ang alam ko, dami sya projects for next year gawa nung film showing ek ek .  awww sis, ganon ba? nakakalungkot nga kapag nung gusto mo na supplier ay booked na. kaya dapat talaga unahan talaga sa pag book.  :( may iba ka na options sis?

augbride - sis, di naman SDE, pero 3 MTV's daw. as in presentation. bukod pa dun nung SDE nya. kaloka lang diba? at iba pa daw ang AVP (nung pictures from bata to pagtanda namin ni h2b) - ako nalang mismo tumanggi sa sinabi nya, kasi sabi ko, baka ma umay ang guests namin kakapanood ng presentation during reception. tama na kako nung isang SDE at AVP ng pictures namin.  ;D isa pa, ayaw ko mag shoot ng parang mala MTV talaga. nakakahiya.  :P re: wedding preps ganyan talaga sis, stressful naman talaga, pero kailangan mo enjoying ang stress na yan. ako kahit stress na stress na, natutuwa parin naman. feeling ko, eto ang best stress na naramdaman ko sa buong buhay ko. hehe. pero si h2b ko kasi, ganyan din, he's not into wedding preps din. ang only contribution lang nya ay nung kanta na gagamitin sa AVP nya, which i really don't like, kasi una di akma nung lyrics at ang sakit sa tenga, and second nung attire na isusuot nya. the rest of the ideas, and preps, and pag book, sakin mismo nanggaling. kaya swerte nung mga ibang sis natin dito na more tulong ang h2b nila. hehe. though kahit ganon, nattutuwa parin naman ako, kasi kahit di sya nakakatulong sakin, very supportive naman sya. enough na sakin yun.  ;D

piatos - sure sis, email ko sayo nung rates na binigay nya sakin ha. pero just in case contact mo sya, wag mo sabihin sa kanya nung rates na binigay nya sakin. LOL. actually, di pa kami engaged ni h2b dati, nag ask na ako ng quote sa kanya. 2010 pa ata yun mga November. so sabi ko sa kanya, just in case ba na ikakasal na ako, pwede ba ito parin ang rates na bigay nya sakin. pumayag naman sya. haha. i have here nung previous and latest rates nya. send ko nalang senyo pareho ni sis chelle. ;D

blushing.margarita - sis, condolence po ha? i'll pray for your lola sis. virtual hugs. She's in a better place right now. :)

qtpurple04 - naku sis! may attitude si FMIL in law. pasensya sis ha. kaso parang mali naman ata na papayag pa sya na papupuntahin pa nya nung ex ni h2b mo sa bahay nila? kaloka lang. and nung i kumpara ba naman kayong dalawa? that's a big no no for me! kaloka lang... grrr. naku buti nalang, ako ang first GF ni h2b, kaya wala akong ganyan na experience. nagkaroon kasi sya, kaso that was like 8 years ako and wala pa silang 1 month. kaya wala lang talaga, and di kilala ng parents nya. anyhow, nakakaloka ang attitude ni FMIL. how much more pa sis kapag married na kayo, nakuuuuuuu po!!! sensya na, pero kakaloka ang attitude nya ever! thankful talaga ako sa future in laws ko, at love na love ko talaga sila. kanina nag message sakin si FSIL, sabi nya sakin: *I love you Ate! Sa october sayong sayo na ako, matutulungan na kita sa wedding preps mo* oh diba? bonggang bongga. pati si FMIL over din sa pagkasweet. sana forever silang ganyan sakin. hehe.

patchi2012 - sana yan talaga sis! and kung nakabuy na, wag na tumingin sa iba, dahil nararamdam ko sis na fickle minded b2b ka din tulad ko. mas magugulo lang ang isip mo. Re: monetary gifts, naku, i'm soooooooo guilty. yan sana ang gusto namin ni h2b na regalo, cash. haha. pero narealize ko bigla, sa posts ng mga sisses natin, di ko nalang ilalagay to sa invites. haha. nakakahiya man sabihin, yan talaga ang una kong naging idea. hehe. though may nakita naman ako na super gandang wording talaga. at hindi direct to the point ang pagsabi ng monetary gifts. ang nakalagay dun, kahit wala okay lang. ang impt makakapunta sila.


riaenvodka - get well soon sis! mwah!

chiclet_24 - naku sis, normal lang na ganyan ang maramdaman mo. syempre, bride to be tayo, and getting married na. and lahat ng gusto natin dapat sana nasusunod diba? hhmmm, di ko sure kung pwede pa mag palit ng AE? pero i guess pwede naman eh, kasi di pa naman kayo totally nakapag booked db? kaso baka naman magalit nung AE nyo sa magiging bago AE nyo, pero kebs na. ang impt magawaan ng paraang ang prob nyo. or try to ask someone from their company din, tawag ka and ask fr someone else about this situation. kunwari bagong prospected customer ka. hehe.

michiness - sis, makikisingit lang. regarding no other woman, gustong gusto ko talaga to mapanood. pero i think, since praning ako, wag nalang. baka mamaya kahit wala naman ginagawa si h2b, mapraning lang ako ng bonggang bongga. haha. bout pamamanhikan, sige, invite ko nalang ang PS na kukunin ko. siguro at least 2 man lang. para may kasama din kami ni mama. at sayang, di ako nakapunta sa Bizu . :( gusto ko pa naman kayo ma meet. huhu. dibale sa susunod. sama ka sa coffee kembot dito sa Shaw! ;) sabi ko kay sis health. gal pilitin ka nya. :D

ishopnowfeelguiltylater - sis, san banda nung church ? :)

ishi90210 vincris16 and blueflame!!! hi sa inyo sisses! mwah! TGIF!!!

Happy preps satin. October na bukas, papalapit na ang 2012!! Yey. Nararamdaman ko, busy ako next month.  :-*
« Last Edit: September 30, 2011, 09:39:30 pm by katrinac »

chelle_peachy0524

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #112 on: September 30, 2011, 09:50:21 pm »
^sis thanks po ah? will email him tomorrow... down ata ang gmail. yung church na gusto ko kasi malapit lang sya sa reception venue but then i guess its not meant for me saka ang mahal din nya ha... 17k all in... at mukhang me world tour din ako pag nagkataon. from pasig to antipolo, hehe masaya sya :)


katrinac

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #113 on: September 30, 2011, 09:55:11 pm »
^ No prob sis. na PM ko na sayo ang rates. mabait yan, and hulog sya ng langit sakin. nung mga nakikita ko kasi na PV ang mamahal eh.  ;D and sis, eto tatandaan mo, kung may nauna na makapag book sa supplier na gusto mo, ibig sabihin, its not meant talaga para sayo ni h2b, kaya wag ma sasad ha. :)  :-* Back to work na ako ulit. [textspeak!] time nanaman! sigh. kapagod! ;)

ez4gotten

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #114 on: September 30, 2011, 09:56:03 pm »
salamat pala sa lahat ng nag-congrats. ;)

sis chiclet swerte. okay yang pledge na yan ni FBIL ah. ;)

sis augbride re question mo nga pala about h2b, don't worry si h2b ko din ten years na yung monogram namin wala pa din. lol. pero di ko siya pini-pressure, alam ko naman na naghihintay yun ng crunch time, mas inspired yata siya pag rush. lol. pero with regards sa ibang matters naman super hands on yun (lalo na sa prenup video namin. ::)). natawa nga ko kagabi kasi nagtext sakin na itext ko naman daw sa kanya sched namin for october para ma-plot na nya sa calendar nya. hehe, ginawa pa kong secretary. :P

sis chelle goodluck sa paghunt ng perfect church. ;)

sis rian get well. ako din checkup bukas. yung ubo ko nagmonthsary na. huhu.

congrats ng bonggang bongga sa katapangan mo sis kat. ;) sige ok skin ang coffee kembot on oct 5. text nyo lang ako. :D

hi sa lahat!

chelle_peachy0524

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #115 on: September 30, 2011, 10:00:11 pm »
thanks po mga sisses sa usual support... i wonder anong page na ulit ito sa monday... church hunting mode this weekend :)

juice406

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #116 on: September 30, 2011, 11:59:55 pm »
hi mga sisses! musta na? ang tagal kong nawala... busy sa work ang lola. hehe

pagaling ka sis ria!

booked na kami sa lahat ng suppliers! yay!  target for october are invites saka marriage license. sana magawa. pati na rin yung ibang printables sana.

prenup sana namin tomorrow sa pangasinan kaso we had to cancel dahil sa mga bagyo. sayang daw kasi yung gastos if ever umulan kaya resched na lang. kaso next month na ulit. ok lang ba yun mga sis? saan ba ginagamit yung prenup pics? hehe baka kasi masyado na late. hindi kasi magtagpo schedule namin ng photographer. parehas kaming gala. huhu

ninaceline

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #117 on: October 01, 2011, 12:04:24 am »
health.gal - haha. pass na ko .. hobby ko na lang kasi to ngayon. tsaka sayang baka sumikat nga ako dito sa gtalk na stylist e paalis nadin kami papuntang canada, haha. LOL ..

chelle_peachy0524 - ang mahal pala kahit OTD hehe. thanks sa info sis, nagcontemplate pa ko kung kuha ako ng OTD e. sis i saw pla sabi mo sa fb bet mo yung monte falco? ganda non sis, tapos pwede na reception venue sa ilalim nung church.

augbride - sis present si h2b ko dyan. ang sagot sakin ay palaging "bahala ka na" .. natutuwa naman ako at hinahayaan niya ko. kaso minsan nakakainis din.hehe

ishi90210 - yes sis, kaya nga kung sino dito nagiisip ng OTD. hati hati. :) . me din sis, lalagay ko na lang din sa wedsite. pero tanong ko muna sa future in laws at baka di nila type yung ganun. hehe

blushing.margarita - condolence sis .atleast nga she's now with our creator.

vincris16 - i can attest to that sis, ang future MIL ko , talagang uliran. wala ako ma-say. pero siyempre .. iba parin yung sariling diskarte

riaenvodka - get well soon sis!

katrinac - di ko padin napanood. mygawd na internet ko nawalan ng signal, di pala nadownload. i ended watching bridesmaids. katatapos lang now. tawa din ako ng tawa. yung chocolate fountain . literal!! di niya maitumba. haha . dami kong tawa. ako din pasend ng rates ng PV mo . ty
patchi2012 - sis, pray na lang tayo na our guest will have enough common sense na di natin madadala sa ibang bansa ang rice cooker. haha

juice406 - na-pressure naman ako bigla sa posts mo na booked na silang lahat. parang gusto tumalon ng puso ko.haha. galing galing mo sis!! . nothing is ever late sa prenup. dahil kami jan,6 pa prenup.haha. ang alam ko para sa AVP yan sa reception. yun alam ko. hehe

hello to all. excited na me sa eb natin. yay!!

laireyes

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #118 on: October 01, 2011, 12:49:54 am »
helllo girls! makikisali ako

super nakakatuwa naman posts nyo ang hahaba and ramdam na ramdam yung care for each other!

Oct 2012 bride to be here! super excited na ako kasi 2 years na kaming engaged ni h2b and since ayoko namang ipush yung 'kelan na ba talaga' issue, sya na kusang nagsabi ng date sakin last week  ;D

happy preps everybody!
« Last Edit: October 01, 2011, 01:24:41 am by laireyes »

health.gal

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #119 on: October 01, 2011, 01:30:10 am »
hindi muna ako makakapagback read ha, ubos na energy ko, wala pa akong napreprepare para sa batangas trip tomorrow. daan-daan lang muna to ask everyone:

yung coffee kembot shaw edition okay lang ba sa inyo na 6:30 PM oct 7 (friday) instead of oct 5? toxic daw si sis michiness every wednesdays, at saka para weekend din kinabukasan. okay lang po ba?

yung coffee kembot makati edition kanina, hindi ko inexpect umabot kami mahigit 4 hours - eh 4 lang kami! so approximately, each of us spoke for an hour! haha! dami napagkwentuhan - suppliers na sulit at yung mga hindi masyadong sulit, diet pills and slimming coffee, issue kay *toot* at bridezilla kuno na si *toot*, paano ba magandang emoterang entrance sa Church, wedding budget (not the amount, but how to stick to your budget), and a whole lot more. gaano kaya katagal kwentuhan pag marami na tayo? hehe.

sige na, nytnyt Philippines. borlogs na ako, hindi na kaya ng powers ko. muah!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close