hi mga sisses! success ang APE ko kahapon! di ko naramdaman. hmp! i'm brave naman pala! LOL. Sigh, sayang, kanina, pilit kong humabol sa meeting nina
sis health.gal sa Greenbelt, kaso late ko nabasa ang text. aga ko pa naman umalis, kaso na stuck lang ako sa traffic. payday pala kasi tsaka Friday. sayang. dibale sa susunod.
ninaceline - sige sis, let me know what you think about the movie. haha. kanina before i slept, pinanood ko nung bridesmaids. tawa ako ng tawa, and kulit kasi nung dalawang babae na naglalaban sa role nila dun sa bride. la lang nashare ko lang.
mawchan - yup sis, mura sila, pero may pag ka risky nga lang. last December, nung nag night market kami ni h2b dun for christmas gifts, may nakita kami dun na onsale na gown. 999 pesos. maganda narin. pero kung ako nagtitipid, ayaw ko naman ata mag suot ng 999 pesos pa na gown. tataasan ko pa ng kaunti ang presyo. siguro mga 3,000 naman. haha.

pero for sure, kahit anong gown pa suotin natin, mahal man or mura, babagay talaga ng bonggang bongga! though medyo risky sya, i'd still settle for them. take ko na ang risk. agahan nalang namin magpagawa, and sabihin ko na March ang wedding namin, kahit sa May pa talaga. para naman may kaunting allowance parin just in case na ma late sila. nakita ko naman din kasi ang finished product nila, nagustuhan ko naman. baka by November, go na kami for fitting. too early pa talaga, pero para makasiguro nalang na.

-- haba ng sinabi ko. hehe. sis, bakit ayaw nya sa becky? pero di becky nung binigay sakin ha? female receptionist sya sis.

ako kasi, barkada ko dito, puro becky, kaya sanay na si h2b. lol.
ez4gotten -- weeeh! congrats sa isang major performance review sayo!!!

so ibig sabihin, may dinner date na tayo nyan, at matuloy na ang coffee kembot natin?? hihi. magka text kami sis health.gal kanina, and sabi nya sa 5 daw ba ang kembot natin? go go ako sa Oct 5 na yan. na excite ako bigla. yayyyy!!!
health.gal - korek sis, at makikigamit narin ako ng ballpen ni sis michiness na pink na may feather! hahah. may compatibility ek ek sya. sayang nga eh, nung mga bet ko pa naman na games ang di nagana. haha. kaya puro movie nalang pinag lalagay ko. minsan mabilis nung wifi, minsan mabagal.

patry ko nalang ipacheck. and sis, super brave ako kahapon. di ko naman naramdaman. heheh.

takot lang talaga ako. i just can't imagine, kung pano nakakaya ni mama ko mag inject 2x a day. super tapang na nya. at natawa ako ng bonggang bonggang sa proxy na yan ha!!! LOL. winner ang banat na yun sis! LOL.
chelle_peachy0524 - sis, pwedeng pwede mo kunin yun.

email mo sya sis:
FCataqui@pcmall.com -- pero wag mo sabihin na nishare ko sayo nung rates na binigay nya sakin ha? hahah. sabi nya kasi secret lang daw eh. pero pag nakausap mo na sya, sabihin mo sa kanya ni refer kita para bigay sya sayo ng bonggang discount. if interested ikaw, email ka na agad. kasi ang alam ko, dami sya projects for next year gawa nung film showing ek ek . awww sis, ganon ba? nakakalungkot nga kapag nung gusto mo na supplier ay booked na. kaya dapat talaga unahan talaga sa pag book.

may iba ka na options sis?
augbride - sis, di naman SDE, pero 3 MTV's daw. as in presentation. bukod pa dun nung SDE nya. kaloka lang diba? at iba pa daw ang AVP (nung pictures from bata to pagtanda namin ni h2b) - ako nalang mismo tumanggi sa sinabi nya, kasi sabi ko, baka ma umay ang guests namin kakapanood ng presentation during reception. tama na kako nung isang SDE at AVP ng pictures namin.

isa pa, ayaw ko mag shoot ng parang mala MTV talaga. nakakahiya.

re:
wedding preps ganyan talaga sis, stressful naman talaga, pero kailangan mo enjoying ang stress na yan. ako kahit stress na stress na, natutuwa parin naman. feeling ko, eto ang best stress na naramdaman ko sa buong buhay ko. hehe. pero si h2b ko kasi, ganyan din, he's not into wedding preps din. ang only contribution lang nya ay nung kanta na gagamitin sa AVP nya, which i really don't like, kasi una di akma nung lyrics at ang sakit sa tenga, and second nung attire na isusuot nya. the rest of the ideas, and preps, and pag book, sakin mismo nanggaling. kaya swerte nung mga ibang sis natin dito na more tulong ang h2b nila. hehe. though kahit ganon, nattutuwa parin naman ako, kasi kahit di sya nakakatulong sakin, very supportive naman sya. enough na sakin yun.
piatos - sure sis, email ko sayo nung rates na binigay nya sakin ha. pero just in case contact mo sya, wag mo sabihin sa kanya nung rates na binigay nya sakin. LOL. actually, di pa kami engaged ni h2b dati, nag ask na ako ng quote sa kanya. 2010 pa ata yun mga November. so sabi ko sa kanya, just in case ba na ikakasal na ako, pwede ba ito parin ang rates na bigay nya sakin. pumayag naman sya. haha. i have here nung previous and latest rates nya. send ko nalang senyo pareho ni sis chelle.
blushing.margarita - sis, condolence po ha? i'll pray for your lola sis. virtual hugs. She's in a better place right now.
qtpurple04 - naku sis! may attitude si FMIL in law. pasensya sis ha. kaso parang mali naman ata na papayag pa sya na papupuntahin pa nya nung ex ni h2b mo sa bahay nila? kaloka lang. and nung i kumpara ba naman kayong dalawa? that's a big no no for me! kaloka lang... grrr. naku buti nalang, ako ang first GF ni h2b, kaya wala akong ganyan na experience. nagkaroon kasi sya, kaso that was like 8 years ako and wala pa silang 1 month. kaya wala lang talaga, and di kilala ng parents nya. anyhow, nakakaloka ang attitude ni FMIL. how much more pa sis kapag married na kayo, nakuuuuuuu po!!! sensya na, pero kakaloka ang attitude nya ever! thankful talaga ako sa future in laws ko, at love na love ko talaga sila. kanina nag message sakin si FSIL, sabi nya sakin: *I love you Ate! Sa october sayong sayo na ako, matutulungan na kita sa wedding preps mo* oh diba? bonggang bongga. pati si FMIL over din sa pagkasweet. sana forever silang ganyan sakin. hehe.
patchi2012 - sana yan talaga sis! and kung nakabuy na, wag na tumingin sa iba, dahil nararamdam ko sis na fickle minded b2b ka din tulad ko. mas magugulo lang ang isip mo.
Re: monetary gifts, naku, i'm soooooooo guilty. yan sana ang gusto namin ni h2b na regalo, cash. haha. pero narealize ko bigla, sa posts ng mga sisses natin, di ko nalang ilalagay to sa invites. haha. nakakahiya man sabihin, yan talaga ang una kong naging idea. hehe. though may nakita naman ako na super gandang wording talaga. at hindi direct to the point ang pagsabi ng monetary gifts. ang nakalagay dun, kahit wala okay lang. ang impt makakapunta sila.
riaenvodka - get well soon sis! mwah!
chiclet_24 - naku sis, normal lang na ganyan ang maramdaman mo. syempre, bride to be tayo, and getting married na. and lahat ng gusto natin dapat sana nasusunod diba? hhmmm, di ko sure kung pwede pa mag palit ng AE? pero i guess pwede naman eh, kasi di pa naman kayo totally nakapag booked db? kaso baka naman magalit nung AE nyo sa magiging bago AE nyo, pero kebs na. ang impt magawaan ng paraang ang prob nyo. or try to ask someone from their company din, tawag ka and ask fr someone else about this situation. kunwari bagong prospected customer ka. hehe.
michiness - sis, makikisingit lang. regarding no other woman, gustong gusto ko talaga to mapanood. pero i think, since praning ako, wag nalang. baka mamaya kahit wala naman ginagawa si h2b, mapraning lang ako ng bonggang bongga. haha. bout pamamanhikan, sige, invite ko nalang ang PS na kukunin ko. siguro at least 2 man lang. para may kasama din kami ni mama. at sayang, di ako nakapunta sa Bizu .

gusto ko pa naman kayo ma meet. huhu. dibale sa susunod. sama ka sa coffee kembot dito sa Shaw!

sabi ko kay sis health. gal pilitin ka nya.
ishopnowfeelguiltylater - sis, san banda nung church ?
ishi90210 vincris16 and blueflame!!! hi sa inyo sisses! mwah! TGIF!!!
Happy preps satin. October na bukas, papalapit na ang 2012!! Yey. Nararamdaman ko, busy ako next month.
