watch now

Author Topic: 2012 Brides *Part 7*  (Read 89607 times)

chelle_peachy0524

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #40 on: September 29, 2011, 04:55:52 am »
nagising lang po at 3 am... nakatulugan ko itong laptop hahaha...

sis health.gal - thanks sa pm :) i appreciate it :)

sis katrinac- talaga? saan yang pv mo? yung photographer ko kasi me backup videographer so baka yun na lang yung kunin ko. kahit simple at wala ng masyadong arte na video... yung tamang coverage lang...

sis michiness and blueflame - thanks for  your prayers :) *hugs*

sis mawchan - yung sa akin am planning to get rei's gown. me package kasi sya. i will get his bronze package consist of 1 wedding gown, 1 MOH and 2 bridesmaids gown for 15k. yun ang sabi nya ha? havent met him yet... coordinator - perfect 5... very important ang OTD kasi they will give you minimal stress (?) talagang ganun kasi wala namang perfect talaga hindi ba? dati am not into it but then naisip ko alangan ako pa ang mag asikaso ng lahat... kung me marunong lang mag event coordinator sa family eh kahit wag na kumuha ng coordinator... pero me point si sis blueflame - leave it to the professionals ;)

sis ninaceline - naku... mahal masyado yung 17k OTD kahit pa discounted sa iba kasi full coordination na ang 20k kahit me budget ako hindi pa rin ako kukuha ng ganyan kamahal for OTD...

sis michiness - you think dapat bigyan ko rin ng details ang h2b ko? hehe...

sa mga naglalaro ng gardens of time sa fb- add niyo ko pleeeeeaaaaaassse :D


good mornight na... maya ulit o sa susunod ng araw hehe... baka maya part 8 na ha...

carmichael18

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #41 on: September 29, 2011, 06:55:15 am »
good morning sa inyo!!! (sweet and mild ang kasama ko... ) wahahaha!!! na LSS ako sa commercial na yun eh...

blushing margarita - hands down ako sayo girl... nangyari sa akin yan 4 years ago, na-engaged ako, pero for some family reasons sa side ng ex fiance ko hindi namin natuloy ang kasal - he was 36 and I was only 23... so devastated ang drama ko nun, naglalasing, nagmamakaawa sa kanya, nagpupunta sa house nila (as in parang sa one more chance) it wouldn't have been the end of our relationship kung naging mas understanding ako.. pero dahil bata at immature pa nga, nagtantrums ako sa issue na hindi MUNA matutuloy ang wedding...  i guess that wasn't really the time for me to get married... pero ikaw, you went all the way for your h2b.. pinilit mong intindihin kahit na alam naman nating lahat na masakit yun.. kaya apir tayo!!! galing mo!!!

mawchan - yung budget ko initially is 15k.. kaso pledge ng friend ko yung gown ko at 15k lang sakto ang nabigay niya, so nagpakawais na lang ako at hinati para sa amin na ng asawa ko yung budget.. so 10k sa akin 5k kay hubby... yung slacks at belt niya sa dept store lang namin binili, nagkataong sale pa nun.. hehe, kaya pati shoes niya nasama na rin namin... pero ambait ni ate fe, 9k lang ang pinabayad niya sa akin!! :) nakadiscount pa ako.. :)

katrinac - i agree sis.. kasi naman ang gown, in my opinion, ay para sa satisfaction ng bride, kasi minsan lang naman nating susuutin at siyempre, we want to wear something beautiful.. pero sa panahon ngayon beautiful is not always equal to expensive.. marami na ring murang supplier na maganda gumawa.. i mean hindi naman maalala ng tao kung anong klaseng tela ba ang ginamit sa gown mo at kung swarovski o local crystal lang ang accent nito, pero tatak sa kanila kung magulo ang seating arrangement, walang food, hindi maayos ang program, o wala palang pari...

ako kasi sa budgeting ang ginawa ko, set ako ng budget... and hindi yun negotiable.. I mean kung yung gusto kong supplier eh mas mahal sa budget na inallot ko, I will let go of the supplier, kesa magdagdag ako ng ilang libo rin, tapos kung ganun din ang attitude ko sa ibang suppliers, patay na! eh kung tig 10k ang dagdag nun sa budget ko, sa 10 suppliers eh di nagover ako ng 100k sa budget ko... I'm sure na sa dami suppliers, hindi kayo mauubusan ng magaling.. you just have to be wiser sa pagpili at paghahanap... you can always scout for new yet promising suppliers na nagooffer usually ng introductory price nila at gumagawa pa lang ng clientele at good reviews...

akala ko mag-over kami sa 200k.. pero hindi kahit sinama pa namin yung 10k na nagastos namin sa honeymoon sa tagaytay, 192k lang for 150 guests na yun...

ez4gotten - sis what time po tayo sa sunday? text mo na lang ako ha.. may number naman ako sayo.. kasi manggagaling pa po ako nun ng cavite. most likely lunch time ako makakaalis dun kasi magsisimba pa kami sa umaga...

update nga pala:
balik banda na rin ako!!! weee!! I'm so happy napaka supportive ng asawa ko.. he supports me sa annong gusto kong gawin.. siya nag-encourage sa akin na karirin na ang events coordination at wag na magfreelance, pati yung pag-emcee siya rin natulak sa akin, at ngayon, he is letting me do my first love -- singing.. umalis ako sa banda 5 years ago para sa ex jowa ko.. kasi hindi niya naiintindihan yung ginagawa ko, (everyday kasi ang gig nun) pero ngayon, 2 days lang at hindi naman sa gabi kasi sa malls ang gigs namin, kaya pumayag na si hubby... yey!!!

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #42 on: September 29, 2011, 08:31:50 am »
sis blueflame, yan din nga gusto ko eh. ilagay sa invite na we prefer cash kasi nga naman nagboboard lang naman kami, san naman namin ilalagay ang mga gamit na ireregalo samin. tsaka mostly friends naman kasal namin, so I am hopeful na maiintindihan nila kami. kasi naman kung maggift registry kami baka puro makeup lang ang ilagay ko dun. hahaha

thanks pala sa link, i have an iphone pero di ako marunong kasi magcopy ng files. si h2b ang tagakopya ko. dito na lang sa pc mas maigi pa. hehe

sis mawchan, yehey, tayo na lang partner sa october 15!

sis katrinac, oh sige na nga, ikaw na ang may weekend na kasal. hehe

sino po member ng Deal Grocer? meron silang bridal collection now eh, pati pang bridal shower meron. tingnan niyo na rin baka makatulong.

EB EB EB.. paadd naman ako sa FB.

vincris16

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #43 on: September 29, 2011, 08:59:17 am »
sis healthgal, kami din ni h2b di namin lam kung alin ba talaga hehe..

sis katrinac, wag ka kabahan hehe.. tink positive

naku sis chelle_peachy0524 yun nga napag usapan namin ni h2b sana unang pamamanhikan palang and nun nagsasabi palang ako saknya..kaso palague wala sya reaction then saka pag ganun madami na saka dirediretso na siya salita..any way wala na kami magagawa nangyari na..wish ko lang mismo wedding ko wala na ganun eksena..
di naman kasi kami nagkulang sa pakikipag usap eh..diko nga ba alam..

sis ninaceline, parang want ko pumunta ng 8? sino pa sa mga sis ang pupunta?kung madami pupunta go ako..

sis blueflame, thank you so much sis.. uu sobrah sakit talaga nun madinig mo sakanila yun..kaya no choice kami kung di sundin sila..then konti pilit pa sakanila if ever mapipilit..
buti pa kayo as in kumpleto na yihee may haws na at mga appliances, kame eh need pa din pag ipunan yan..masyado kasi kami nagpasarap sa buhay hehe at di nakapag ipon agad..

sige mga sis dipa syado makapag comment busyness syado di makapag fully read hehe.

have a nice day mga sissies

lennie.bong

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #44 on: September 29, 2011, 09:41:17 am »
goodmorning sisses! ang active ng thread.natutuwa ako.hehe.salamat po sa lahat ng sumasagot sa mga queries ko :) sobra ko naappreciate :)


@ sis blushing - may diabetes ba yun lola niya sis?wawa naman.mas ok nga sis yun feeling na wala na masyado inaalala sa pagprepare ng wedding.go for 2013 :) saka ok pa din kasi tuloy pa din naman kayo,importante makasal pa din di ba?goodluck! maovercome niyo din yan :)

@sis michiness - tama sis,la herencia nga yun.good reviews lagi nababasa ko sa pizza nila pero haven't tried.gaano ba kasarap?hehe.babalik ako dun ng november to finalize things eh.natawa naman ko dun sa alindog!hehe.pero ganun nga din sabi niya sa akin.hehe.nagpabola naman ako.haha ;)

@ sis ishi90210 - oo nga eh,ganun din iaannounce namin na,for fun lang yun money dance..na kahit anong amount lang.saka ilocos naman yun eh,medyo uso pa siguro.hehe :) saka magpapalagay kasi kami ng four pillars na may xmas lights sa magseserve as stage so maganda kung may ganun part ng program.hehe :)

@ sis ninaceline -thanks sis :) pero dahil dun sa pinost mo sis,napatanong din ako tuloy sa h2b ko kung sino ba dapat mauna para wala na lang conflict.hehe pero ok naman kasi yun family niya eh so di naman big deal siguro.saka wala din yun sa family ko.hehe.yun family naman niya,pag nasa ilocos ako,tumutulong naman pero major preps pa din tayo.hay.kasama mo ba ngpprepare si h2b mo?

@ sis katrinac - ah ok sis.ewan ko pa.basta may treasure chest kami plus chocolates.yun na din kasi pang give away namin sa lahat,then mini blueberry cheesecakes for the ento at PS. ok din yun wines.so pag magasawa ba yun PS dapat tig1 pa sila o 1 na lang?

@ sis blueflame - hi sis!thanks sa rep about dapitan arcade :) siguto next time na lang ako punta dun.divi na lang muna.hehe.sana hindi umulan.yun carrot cake sis sa la preciosa pa yun sa laoag eh.pero masarap talaga siya.and may maliit nun na mga 180 lang.try niyo na lang pag mapunta kayo sa ilocos :) happy bday kay baby mo.pagpray ko siya :)

RE yun gifts sa PS namin,tumawag kasi si h2b kanina,sabi niya bigyan daw namin ng pabilao kasi yun nga uso sa province,pero sabi ko,fruit basket na lang.ok na yun di ba?

nabook ko na yun florist ko.medyo mahal nga lang.

hello po sa lahat :)






ninaceline

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #45 on: September 29, 2011, 10:05:14 am »
michiness - korek sis! pag may naging pasaway pa naman. nako lang. nako lang talaga. ahaha :D.. thanks sis,, ok din na from your own bulsa ang gagamitin sa kasal. kasi downside neto, nahihiya ako gastusin lalo na alam ko na over over sa budget yung gusto ko.hehe

blueflame - sis, na-aksidente, buti nga di kayo nasaktan...  sa wedding invites.. sa akin lang naman. ok na yung idea mo na word of mouth na lang kesa ilagay sa invitation, tsaka marunong na tao ngayon. practical na din. o kaya lagay mo na din sa wedsite niyo.. .. 3 months na lang .. juskooo. di na ko makatulog ng ayos. haha

chelle_peachy0524 - sis ang pagkakaintindi ko kasi maghahati hati na yung 5 brides sa 17k. mahal nga pag tig 17k. LOL

lenie.bong - no sis, sarilig kayod ako dito. .. me na me lang. hehe.. nasa Canada kasi silang buong family ,, ako lang tsaka baby namin naiwan. ok din sis yung sa fruit basket. ;)

vincris16 - punta ka na din sis, gusto ko lang gumala kaya pupunta ko sa 8 . hehe

hello po sa lahat !! ;)

qtpurple04

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #46 on: September 29, 2011, 10:11:35 am »
good morning sa inyo .. sweet and mild ang kasama ko .. haha! kanta.mode!  ;)

hindi na ako nakapag online kagabi .. sa wakas may nameet na rin akong sissy ..  ;) nice meeting you sis katrinac and sis health.gal .. sa uulitin!

sis lennie.bong » aww! sweet naman ni h2b mo ..  ;) kami nga sis sa tagal na namin nun nagpropose siya hindi rin ako nakasagot ng "yes" basta pinasuot ko na lang yun ring .. :D

sis martiella » welcome back sis! happy preps ..

sis ninaceline » tama sis kiber na lang sa pinagsasabi nila .. kun makapag reklamo sila parang may naitulong .. intindihin mo na rin lang si h2b siguro iniisip niya rin yun ikatatahimik ng lahat .. syempre ayaw niya rin makarinig ng nega about you .. yakang yaka mo yan sis .. kaw pa!

sis blushing.margarita » aww! sad naman .. oks lang yan sis gaya ng payo sa akin ng mga sissy natin kahit kelan pa kasal basta ikaw gustong pakasalan .. atlis sis 2012 bride ka pa rin church man yan or civil ikaw pa rin like pinili nyang pakasalan .. at bow ako sa sacrifice mo sis ha .. ;) hope mabilis makarecover si lola .. :)

sis michiness » nyahaha! ako sis sigurado akong iiyak si MIL sa kasal as in hahagulgol pa yun .. hehe! okay naman na kami ni MIL ngayon .. before lang talaga may mga issues pero paminsan minsan tinotopak pa rin siya .. kaya madalas simulan ng pagtatalo namin ni h2b.

sis vincris » wow sis! kakabilib parents ni h2b mo .. ang lawak ng pang unawa .. well dapat naman talaga sa lahat ng bagay maging open minded tayo .. dahil walang malulutas na problema kun pataasan ng pride e .. kausapin nyo na lang parents mo .. hingiin ang opinyon nila .. for sure naman lahat ng gusto e nila e yun makakabuti rin para sa inyo .. :D ref magnet or keychain kahit ano dyan sis panalo .. ::)

sis health.gal » nice meeting you .. hehe! sorry talaga hindi ko nabasa agad yun text mo .. :-[ ang tagal mo na pala sa mega kahapon .. sorry sorry talaga! bihira ko kasi pansinin yun smart ko e .. hehe! lagi ko kasi gamit yun sun .. sensya na talaga! thanks sa time! sa uulitin ..

sis katrinac » same here sis! thanks sa time .. jahe much pa nga kami ni h2b e .. ayaw pa niya akong samahan nahihiya daw siya .. haha! sige ba sis honeymoon package lang pala e madali lang yan .. hehe! re pagluluto: sweet sweet talaga ni baby mark .. hehe! kay james puro pambobola inaabot ko .. konting tikim "ang galing galing mo talaga magluto bhe sobrang sarap" tapos kiss sabay hug pa yun .. kilig much naman ako! ;D re issues: sa ngayon naman sis ok na .. pero minsan tinotopak pa din mom niya .. before kasi walang tigil puro yun ex ni h2b un bukambibig .. paminsan minsan inoopen pa rin si ex kaya pinagsisimulan ng away namin ni h2b at away na rin nilang mag asawa .. pero yun dad ni h2b botong boto sa akin .. mula nun unang beses ko pagpunta sa kanila nun pinagmamalaki ako sa mga kumpare niya .. kaya pag nagaaway kami ni h2b sa dad niya ako nagsusumbong .. hehe! ;D

hi sis ishopnowfeelguiltylater, sis mawchan, sis blueflame, sis chelle_peachy0524 .. wave wave to y'all .. ;)

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #47 on: September 29, 2011, 10:46:30 am »
Good morning peeps! :D

Sis blueflame, you are soooo back! Namiss ka din namin. As always, you can count on my prayers for baby Seann. :) Re invites, I think maglalagay kami. Pero di na kami mag gi-gift registry. Knowing the background of our invited guests, plus our relationship with them, I think naman di sila mao-offend dun. Pero sa gift registry, mukhang maguguluhan sila. hehe. Try to weigh down the personalities of your invited guests na lang.

Sis chelle, hindi naman necessary yun pero malaking tulong. As in before ng pamamanhikan, super kinakabahan si h2b ko. Pero nung binigyan ko ng outline ng mga need i-discuss, mejo kumalma na. Pero during the pamamanhikan, super kabado pa rin siya. hehe. :)

Sis ishop, member ata ako ng halos lahat ng group buying sites. LOL. Ano palang email add mo so I could add you up sa FB. Baka nagkakasalubong na pala tayo dito sa Makati Ave. hehe.

Hello sis vincris! Not quite sure if makakapunta kami sa fair on Oct8. Text kita. I have your number naman eh. ;)

Sis lenie.bong, sarap as in! Kakaiba kasi diba naman. Not the usual pizza flavors dito sa Manila. Re PS gifts, okay din naman yung pabilao since sa Ilocos naman ang wedding. Pero keri na din naman yung fruit basket. Check mo na lang kung saan mas makakamura if ever. hehe. ;) Congrats sa new booking!

Sis ninaceline, LOL! Kayang kaya mo sila i-handle for sure. Extend your patience na lang at sa kanila naman pala ang gastusin. hehe.At tohmoh, yun naman ang advantage pag kami mismo ang magsho-shoulder ng expenses. :)

Hi sis qtpurple! Naku, I feel for you talaga sissy. hehe. Kahit kami ni h2b, madalas din pagsimulan yun ng pagtatalo. Buti na lang at nabawasan na ngayon. Mukhang naiintindihan na ni FMIL na di na bata ang anak nya.

Kaway kaway sa lahat! :D

vincris16

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #48 on: September 29, 2011, 11:06:36 am »
qtpurple04, uu nga sis nakakatuwa at nakakagaan ng loob ganun sila..

sige sis ninaceline.. see yah hehe..

sis blueflame, naku si fader dear naman tahimik lang.. di nga niya mapigilan anuman want ni mader dear kaya di na din ako nagtatangka hehe..ngayon kinukuntsaba ko na lang kapatid ko bunso since dun medjo nauulukan niya mader ko..pinapakitaan niya mga wedding pix na sa hotel nag preps hehe..

thanks mga sis sa advise.. :D

ylronchar

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #49 on: September 29, 2011, 11:20:08 am »
hello po mga sis! ang tagal ko nag-lurker mode...

question lang po, medyo off-topic. san nakakabili ng twigs na ginagamit as centerpiece? plan kasi namin mag-DIY ng wishing tree kaso di namin alam kung saan pwede makabili nung twigs. we tried sa malls pero wala. di ko lang sure sa dangwa kung meron di pa kasi ako nakapunta recently. :)

lennie.bong

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #50 on: September 29, 2011, 12:08:32 pm »
sis michiness - o sige,itatry ko yun pizza na yun paguwe ko dun.sobra kasi kasarap mga foods dun kaya nawawala ko sa diet ko pag andun ako.hehe.lalo na yung inihaw na longganisa saka empanada sa bacarra :) siguro sa fruit basket na lang ako.mas mura yun eh saka para maiba naman.hehe.thanks!

sis ninaceline - wow may baby na kayo.inggit ako.hehe.gusto na din kasi namin magkababy,pero positive lang ko dun,bata pa naman ako.hehe. yun mga in season fruits na lang.pwede na nga yun.hehe.parang pareho pala tayo,kasi kahit humingi ko ng tulong minsan,malabo kausap mga kapatid ng h2b ko.hehe.pero sobrang ok yun FMIL ko.Mama at Papa na nga tawag ko sa knila :) goodluck sa atin.pare pareho pala tayong january ni sis blueflame.anong date ng sa yo sis?

sis qtpurple04 - haha.ako din sis,di ako nakasagot kaya nun napagusapan namin ulit ang kasal talaga,sabi niya,nagpropose na siya,di naman daw ko sumagot!hehe.so dun ko na figure out na guys are like us din na,kahit ok na yun paguusap namin about marriage at tuloy na,gusto pa din nila ng sagot na oo.hehe :) kaya sinagot ko na din ;)

« Last Edit: September 29, 2011, 01:42:08 pm by lennie.bong »

aiyayil

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #51 on: September 29, 2011, 12:14:37 pm »
anhabang backread na naman! ambilis talaga ng thread natin :)

mejo nagskim lang ako.. hehe! nagbreak lang ako saglit at baka madagukan ko tong katrabaho ko. pano naman kinakausap ng kinakausap sarili nya. out loud ha. at kanta pa ng kanta. kunwari, may comment sha sa kung anuman ang ginagawa nya, aba e yung last word ng comment nya kinakanta nya! naman! nakakaloka! gusto ko na talaga saktan!

anyway.

sis ninaceline ako, una din ang pangalan ko kaysa kay h2b sa lahat ng stationary. ladies first di ba? hehe! tsaka yung sa amin kasi, Daryl Roxas and Timothy Paul Castillo.  ampangit din talaga pag inuna ko si h2b. example sa initials: TD, TY (pag nickname ko) at CR (pag surname). o! ansagwa! kaya pumayag na rin si h2b. hahahaha!

sis vincris kinakabahan din ako sa pamamanhikan na yan. lalo na magkaiba kami ng relihiyon ni h2b.. may hirit pa magulang ko na parang kami ang bahalang magdesisyon sa mga bagay-bagay na related sa wedding pero nung binanggit ko na gusto ko garden wedding aba, biglang bawi na kesyo ang tanging hiling lang nila ay makasal ako sa simbahan. wow naman di ba?! parang napakaliit na bagay nung hinihiling nila.. pastor pa tatay ni h2b so talagang set na kami sa christian ceremony.  nafo-foresee ko na talaga ang tension sa pamamanhikan na yan. :(

sis blushing_margarita nasad ako sa nipost mo.. wala na kasi akong grandparents e.. kamamatay lang ng lola ko last year around december pa.. unang apo ako e.. tas si h2b naman isa na lang din, si lola nenette na lang.. tapos this past few months parang sinasabi nya pa na ready na daw sha. sabi ko nga, no! makikita at makakapunta pa po kayo sa kasal namin..

ayun. hello hello sa lahat! kain na tayo lunch :)

blueflame

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #52 on: September 29, 2011, 12:49:49 pm »
ylronchar - bro, may nakita ako one time sa divi. kaso di mo maala kung anong street yun. basta kung san maraming nabibiling xmas tree. you can find twigs there

ylronchar

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #53 on: September 29, 2011, 01:07:28 pm »
ylronchar - bro, may nakita ako one time sa divi. kaso di mo maala kung anong street yun. basta kung san maraming nabibiling xmas tree. you can find twigs there

nice! thanks, sis blueflame ! sige, punta na kami ni fiancee sa divisoria soon. sabay na din namin yung ibang kelangan for DIY. thanks ulit, sis! :)

ishi90210

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #54 on: September 29, 2011, 02:10:14 pm »
hellow sisses!

sis vincris personally mas gusto ko yun ref magnet, para buong family di makalimutan. tapos everytime na meron sila kukunin sa ref, maaalala kayo :)

sis chelle natawa naman ako sa reply sayo ni hub mo. well at least honest sya. ;D

sis mawchan ganun pala talaga si ms. ven. nag-inquire kasi ko 2 weeks ago sa package nya fro my design. until now wala pa din reply. mabilis mag-reply si merlene and si amonn. si ate fe naman, di ko alam kung pano ko kontaking kasi wala sya website eh. patanong ko na lang siguro sa coordinator namin. re: otd, kinuha namin yun partial kasi overseas bride ako so medyo importante sakin yun. siguro mga 2 ang level of importance samin nun. kasi sa wedding namin, wala ako balak mag-isip maliban sa vows namin. gusto ko lang, kumain at magpakasaya. hehe!

sis michiness grand launching para walang magselos sa pamilya namin. yun nga na nalaman nila na ikakasal kami nagkaroon pa ng issue kasi bakit daw nauna pa makaalam yun side ni hub kesa sa side ko. mas love ko daw siguro sila. oh di ba ang drama ng side ko. ;D

sis carmichael wow naman sis! talented ka talaga! sige pa-autograph pag nagkita-kita tayo ha (hopefully meron eb next year)


juice406

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #55 on: September 29, 2011, 02:28:30 pm »
mga sis san ba meron instructions ng paggawa ng pomander?

ishi90210

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #56 on: September 29, 2011, 02:57:49 pm »
sis ninaceline sis parang mejo pricey yata yan kasi meron yun otd package ng coord namin 10k lang incl. emcee. ano pa ba inclusions ng package nila? kung kasama na yun styling, pede na siguro :)

sis lennie.bong ok na yun fruit basket sis. yun pinsan ko na kinasal sa batangas, yun gifts nila parang 1 basket na puro mango plus leche flan and ube halaya. tanim kasi nila yun mangga, tapos gift ko sa kanila yun leche flan.

sis blueflame happy birthday sa baby mo. im sure happy sya nasaan man sya kasi happy din mommy nya eh.

sis juice406 sis tissue pomander ba? here's the link:http://www.weddingbee.com/2009/08/07/diy-tissue-paper-pomander/
if real flowers naman: http://www.perfect-wedding-day.com/make-your-own-wedding-flowers.html

update lang: halos tapos na yun wedsite namin, kaso kulang kulang mga photos ng entourage namin.   i tried cropping some of our group photos kaso medyo malabo eh. hay, bahala na nga.

kaway kaway mga sisses

blueflame

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #57 on: September 29, 2011, 03:12:41 pm »
juice406 - here are some links sis - http://www.projectwedding.com/wedding-ideas/diy-tissue-pomanders or http://www.oncewed.com/7591/diy-wedding/flowers/diy-wedding-pomander/ or http://www.creativejewishmom.com/2009/07/floral-pomander-balls-for-diy-wedding-decorations-or-anytime.html

ishi90210 - thanks sis! i'm sure he is! re your pics, you can try to fix it sa gimp or photoshop.

update po - tuloy ang prenup namin on october 14th! yahoo! we'll go for bonifacio high street, scrap na ang lrt2. buti mababait suppliers ko! from october 14 ni-move ko to november 9 to november 10 back to october 14 in 2 days! hahaha! thank God at pwede pa rin sila.

lennie.bong

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #58 on: September 29, 2011, 03:22:07 pm »
^wow sis!congrats! :) ako din yan yun mga kinasasabikan ko,pero bukod dun siyempre e after 2 years,magkikita na kami ng h2b ko :)

@sis ishi - oo nga sis yun na nga lang.less hassle pa ko magisip.hehe.pero bibigyan ko pa din sila ng mini cakes at treasure chest.baka magtaka naman sila kasi kung bakit wala nun give away ko :) ayoko kasi ng fondant cake kaya 2 malaking cheesecakes tapos mini cakes nalang. :)

ishi90210

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 7*
« Reply #59 on: September 29, 2011, 03:37:05 pm »
^ay nainggit naman ako kasi ikaw pede ka mag cheesecake, samin kasi baka bumagsak kasi outdoor yun event, mainit pa naman sa May. ang di kami makapag decide kung ano souvenir para sa mga guests. budget ko kasi P50 lang per guest. meron pa ba mabibili yun? hihi!

sis blueflame nice naman. share your pics ha. btw, ilang costume change ba needed for a prenup? para malagay na din sa budget namin.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close