good morning sa inyo!!! (sweet and mild ang kasama ko... ) wahahaha!!! na LSS ako sa commercial na yun eh...
blushing margarita - hands down ako sayo girl... nangyari sa akin yan 4 years ago, na-engaged ako, pero for some family reasons sa side ng ex fiance ko hindi namin natuloy ang kasal - he was 36 and I was only 23... so devastated ang drama ko nun, naglalasing, nagmamakaawa sa kanya, nagpupunta sa house nila (as in parang sa one more chance) it wouldn't have been the end of our relationship kung naging mas understanding ako.. pero dahil bata at immature pa nga, nagtantrums ako sa issue na hindi MUNA matutuloy ang wedding... i guess that wasn't really the time for me to get married... pero ikaw, you went all the way for your h2b.. pinilit mong intindihin kahit na alam naman nating lahat na masakit yun.. kaya apir tayo!!! galing mo!!!
mawchan - yung budget ko initially is 15k.. kaso pledge ng friend ko yung gown ko at 15k lang sakto ang nabigay niya, so nagpakawais na lang ako at hinati para sa amin na ng asawa ko yung budget.. so 10k sa akin 5k kay hubby... yung slacks at belt niya sa dept store lang namin binili, nagkataong sale pa nun.. hehe, kaya pati shoes niya nasama na rin namin... pero ambait ni ate fe, 9k lang ang pinabayad niya sa akin!!

nakadiscount pa ako..
katrinac - i agree sis.. kasi naman ang gown, in my opinion, ay para sa satisfaction ng bride, kasi minsan lang naman nating susuutin at siyempre, we want to wear something beautiful.. pero sa panahon ngayon beautiful is not always equal to expensive.. marami na ring murang supplier na maganda gumawa.. i mean hindi naman maalala ng tao kung anong klaseng tela ba ang ginamit sa gown mo at kung swarovski o local crystal lang ang accent nito, pero tatak sa kanila kung magulo ang seating arrangement, walang food, hindi maayos ang program, o wala palang pari...
ako kasi sa budgeting ang ginawa ko, set ako ng budget... and hindi yun negotiable.. I mean kung yung gusto kong supplier eh mas mahal sa budget na inallot ko, I will let go of the supplier, kesa magdagdag ako ng ilang libo rin, tapos kung ganun din ang attitude ko sa ibang suppliers, patay na! eh kung tig 10k ang dagdag nun sa budget ko, sa 10 suppliers eh di nagover ako ng 100k sa budget ko... I'm sure na sa dami suppliers, hindi kayo mauubusan ng magaling.. you just have to be wiser sa pagpili at paghahanap... you can always scout for new yet promising suppliers na nagooffer usually ng introductory price nila at gumagawa pa lang ng clientele at good reviews...
akala ko mag-over kami sa 200k.. pero hindi kahit sinama pa namin yung 10k na nagastos namin sa honeymoon sa tagaytay, 192k lang for 150 guests na yun...
ez4gotten - sis what time po tayo sa sunday? text mo na lang ako ha.. may number naman ako sayo.. kasi manggagaling pa po ako nun ng cavite. most likely lunch time ako makakaalis dun kasi magsisimba pa kami sa umaga...
update nga pala:
balik banda na rin ako!!! weee!! I'm so happy napaka supportive ng asawa ko.. he supports me sa annong gusto kong gawin.. siya nag-encourage sa akin na karirin na ang events coordination at wag na magfreelance, pati yung pag-emcee siya rin natulak sa akin, at ngayon, he is letting me do my first love -- singing.. umalis ako sa banda 5 years ago para sa ex jowa ko.. kasi hindi niya naiintindihan yung ginagawa ko, (everyday kasi ang gig nun) pero ngayon, 2 days lang at hindi naman sa gabi kasi sa malls ang gigs namin, kaya pumayag na si hubby... yey!!!