watch now

Author Topic: Lolo at Lola over poretective sa apo..  (Read 9838 times)

lyn cheema

  • Guest
Lolo at Lola over poretective sa apo..
« on: September 28, 2011, 09:16:32 am »
kung meron na ganito topic paki delete nalang

I have 3 years old daugther we're living near with my parents. Fisrt apo nila anak ko.
I just don't know pero napapansin ko lumalaking spoiled anak ko. Pag may sinabi cyang gusto nya. gusto nya.. pag hindi binigay iiyak ng malakas na malakas.. tatawagin ang lolo at lola.. ako naman pinatitigil ko na kinakausap ko cya.. lalo lang cya iiyak hanggang maririnig ng lolo at lola " ano yan? kanina pa umiiyak yan baka magkasakit na sa puso yan"  :-\ naasar ako...
kaya lalong iiyak anak ko.. nagpapakampi hanggang sa kukunin nila sakin yung bata.. >: paulit ulit ganun, kahapon yung pinaka latest. Minsan may ginawa cyang mali.. kinausap ko yung anak ko.. sabi sakin ng bata " pupunta ako sa kabila", naisip ko tuloy baka makalakihan nyang ganito, siguradogn mahihirapan ako..


kinausap ko tatay at nanay ko.. wag palalakihin spoiled ang bata.. kapag naririnig nyo umiiyak hindi yung agad agad kayong ssundo, hindi namin sinasaktan yan at hindi rin namin pinababayaan yan. Kami rin mahihirapan pag mataas na sungay nya..

sabi ng nanay at tatay ko masyado pa maliit yan hindi pa nya naiintindihan pagdidisiplina mo? Hindi rin namin inaangkin anak mo, yahad..yadah.. gang mumurahin ka mula ulo hanggang paa pati panunumbat.. ( though tumatanaw naman ako ng utang na loob sa knila) my hubby & i are working.. the whole day kasama nya nanay at tatay ko pati yung yaya nya..

gabi nalang namin cya nakikita after office.. hindi nga kami gano nag oovertime para makabaawi kami sa anak nmin.. kaya gusto ko sana ga't maaga mamulat cya kasi para naman sa kanya yun...
gusto ko sana hangga't maari lalo kung walang kaming pasok ni hubby bigyan nila kami ng space mag pamilya lalo pagdating sa pagtuturo sa bata ng tama... hindi yung bigla nalang susulpot at kukunin sa min yung bata..

lahat nalang napapansin-- hindi maganda damit, yung gatas, sabon, vitamins.. kung ano ano pa.. ano ba?!!! nagkakatampuhan tuloy kami ng parents ko..

samantalang nung bata kami grabeng disiplina gingawa samin ng nanay ko..lumaki kaming maayos.. bakit ako na magulang parang mali sa mata nila na magdisiplina sa anak ko.. ewan ba!!!


binggay

  • Guest
Re: Lolo at Lola over poretective sa apo..
« Reply #1 on: September 28, 2011, 09:59:06 am »
 There is only one solution to that. Bumukod kayo and live a little farther. Promise. Di maiiwasan yan. Lots of grandparents tend to be spoilers talaga, and remember instilling discipline is the parents' responsibility. Pag lumaking salbahe yan, it is a reflection of how YOU raised them, not the grandparents.

Ang lolo at lola talagang spoilers --admittedly, even my own parents and in-laws are. Ang mommy ko nga, derecho -- O, lola ako ha. Mag-spoil lang ako niyan, di magaalaga. Hehe.

Thing is though, we do not live near my parents nor my in-laws, so nadidisiplina ko ng maayos ang mga anak ko. Tuwa nga ang mga kamag-anakan ng asawa ko sa mga anak ko kasi behaved. For the first few years, we lived with my in-laws too (lived on our own on our 4th year of marriage). My husband's lola was a spoiler. Pag pinagagalitan ko son ko, pinagsasabihan ako. "Bata pa yan, di pa niya naiintindihan yan." Na sinagot ko minsan (out of inis kasi pinagsasabihan ko yung bata, pinaririnig pa sa bata na parang ako yung mali), "Nay, mag-tatatlong taon na yan. Nauutusan na nga po eh. Ibig sabihin, nakakaintindi na kaya dapat malaman na niya ano ang tama at mali."

It was such a relief talaga nung bumukod na kami. At least the grandparents get to see them every weekend lang. if they want to spoil, go lang, kasi they tend to spoil sa material things na lang. Kumbaga, the values, nasa mga anak ko na. So they don't act up anymore when they see their grandparents. :)

lyn cheema

  • Guest
Re: Lolo at Lola over poretective sa apo..
« Reply #2 on: September 28, 2011, 10:17:00 am »
binggay - thanks sist.. uu nga e.. yun nga gusto ko bumukod yung malapit lang dito sa work ko.. nagsasbi ka lang ng gusto at ayaw mo bilang magulang sa anak mo, masama na sa knila.. katakot takot na sumbat na maririnig mo parang wala kang gingawa.. :'(
ang daming batang matitigas ang ulo ngayon. kung san san na napupunta.. kaya nga sinisimulan ko na pagtuturo ng tama at mali kasi hindi namin kaming palaging nakatabi sa kanya.. sana maisip ng parents ko para sa apo nila yun. KUng ano man yung gusto nilang maganda para sa apo nila, mas kaming bagong magulang hindi ba? :(

Ysabelli

  • Guest
Re: Lolo at Lola over poretective sa apo..
« Reply #3 on: September 28, 2011, 10:18:37 am »
Ganyan talaga sis, may mga consequences ang previous decisions natin. Pero for the sake if your sanity and para di lumaki na walanghiya ang anak mo I suggest na mag move out ka nga. Malaking risk chaka gastos pero sis dun din naman ang punta nyo. Oo nakakatulong ang tumira sa inlaws pero madalas kasi nakakalimutan nila ang boundaries nila. Mas gusto ko na ako ang masunod dahil anak ko yan.


Sis wag mo na indahin masyado ang inlaws mo may masasabi at masasabi pa din yan kahit na anong gawin mo tama man o mali. Do it nalang for the sake of your child.

lyn cheema

  • Guest
Re: Lolo at Lola over poretective sa apo..
« Reply #4 on: September 28, 2011, 10:20:48 am »
Ysabelli-- not my in-laws-- my parents actually.. ;D

Ysabelli

  • Guest
Re: Lolo at Lola over poretective sa apo..
« Reply #5 on: September 28, 2011, 10:31:04 am »
Ay hehe duling na ako.

Well still the same, try as best as you can to move out. Nakakainis din pag mas sinusunod ng anak ko ang grandparents, nawawalan ako ng boses bilang a parent.

Pretty_ava

  • Guest
Re: Lolo at Lola over poretective sa apo..
« Reply #6 on: October 01, 2011, 04:21:28 am »
naku mga sis, ganyan din si ava my 3.4 yrs old baby,

pag nauwi kami sa quezon province, ayaw na ayaw nila makikinig umiiyak si ava, unang apo kasi si ava both sides kaya super spoiled.

pero kinakausap ko naman sya and so far okay naman sya, she can't have everything, like pag may gusto syang toy, I'll let her choose kung  ano ang pinaka like nya pumapayag naman.

saka maganda din siguro na malayo kayo sa mga parents/ in laws mo, madidesiplina mo ng maayos ang bata.

glamorosa_09

  • Guest
Re: Lolo at Lola over poretective sa apo..
« Reply #7 on: October 02, 2011, 04:44:50 pm »
we live near my in laws' house.

Subukan lang nilang mag-interfere sa pagdidisiplina ko sa baby ko... aalis kaagad kami dito...

dona626

  • Guest
Re: Lolo at Lola over poretective sa apo..
« Reply #8 on: October 02, 2011, 05:25:20 pm »
same situation tayo, nga lang I live with my parents. Pros: may nag babantay sa anak ko pag umaalis ako. Im sure na hindi mapabayaan or mapapalo ng yaya. Love na love nila, happy ako na andito sila to be with their apos. Cons: spoiled, hindi nakaka tikim ng palo. Pag nag malling, lahat ng gusto bigay. Kontrabida tayong mga parents. Takbuhan ang lolo and lola pag napapagalitan. Well, I have to deal with it. Kailangan pag pasensyahan ng mahaba ang parents ko, spoiled ang anak ko sa kanila, pero alam naman ng anak ko na hindi sya spoiled sa amin. And, ayaw ko din magka tampuhan with my parents, lalu na in a few years we will be leaving the country na, waiting for my hubby's petition. Just the thought na iiwan ko sila, makes me sad.

aquacharly

  • Guest
Re: Lolo at Lola over poretective sa apo..
« Reply #9 on: October 09, 2011, 03:45:50 am »
LYNCHEEMA -- calmly talk to your parents -- remind them how they  raised you, and how well you turned out to be.  remind them that they are your child-rearing blueprint, so could they please go back to that all with  their apo?

candy_tone

  • Guest
Re: Lolo at Lola over poretective sa apo..
« Reply #10 on: November 15, 2011, 09:56:38 am »
same situation din with my son i live with my MIL & father in law pero they are nice naman sa first apo nila. My son just turned 1 and they shouldered the expenses on my child's party  sobrang nahihiya na nga si hubby sa parents niya kasi sila halos gumagastos sa lahat electricty,water,telephone bills etc. bukod lang  groceries and sahod ng yaya. Pag may sakit si baby nagwo-worry MIL ko she calls just to check on my baby, minsan pag may checkup si baby sa pedia niya my MIL gives money.  My hubby doesnt earn much napunpunta yung gastos namin sa groceries, diapers and food. Before we got married, we talked that living with his parents is much better kasi medyo may edad na din parents nya they're around 60+ ayaw ni hubby na magbukod kami kasi gusto niya may makasama parents niya which is a valid reason kaya pumayag na ako.

       In hindsight, i think i made a wise decision in staying kasi super bait ng MIL & father in law ko i dont have to cook a meal, I dont have to wash clothes. Im a stay at home mom and i train my yaya since wala pa siya 1 week sa amin i can check on my baby anytime. Wala ako reklamo sa kanila because they dote on my baby and im happy because parang nawawala yung pagod ng MIL ko everytime she gets home and gets a glimpse of my baby. My father in law plays with my baby and i can see joy in their faces each time my baby develops or learns a few tricks on his own.
« Last Edit: November 15, 2011, 10:03:44 am by candy_tone »

justin3

  • Guest
Re: Lolo at Lola over poretective sa apo..
« Reply #11 on: November 16, 2011, 12:04:05 am »
almost pareho kayo ng kaso ni Aneke sa thread na to http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,246213.0.html
yon nga lang, MIL nya naman ang kunsintidora. :D

lyn cheema, you have to accept it sis. nasa dugo na ata nating mga Pinoy yan. ke first o last apo pa yan, spoiled talaga sa mga lolo't lola yan.

dito na lang sa GT, magbasa ka na lang ng mga threads about unwanted pregnancies...blah,blah, blah...

eto ha, just react violently kung di ka sang-ayon.
marami na akong na-obserbahan, not just in Visayas, pero pati na sa Luzon, Mindanao at dito sa NCR, pare-pareho lang talaga pala.

kadalasan kasi sa mga parents like you, busy sa work (as a professional o sa gawaing bahay), kaya lahat na lang gusto nasa maayos, lahat dapat madali para di na dagdag trabaho/hirap. pag pinagsabihan ang bata na kumain, dapat kumain at walang kalat. pag sinabing matulog, dapat tulog kaagad. eh, ang bata sadyang makulit yan eh. kahit na 6yrs old pa yan, kulang pa sa isip yan eh. yung pag-iyak it's their way to express themselves kasi wala pa sa vocabulary nila ang mag reason-out... kaya ayon, karamihan would resort sa pamamalo para disiplinahin si baby.

eh yung mga lolo't lola?... mga mashonda na yon eh. mga pensionado na, wala nang pinagkakaabalahan. walang future na iniisip na mga yan. no worries. lahat gusto masaya na lang habang hinihintay nilang tatawagin na sila ni San Pedro.
ngayong dumating si apo, new life! bunga ng bunga nila. what do you expect them to do?
kaya ayan, lahat na lang, todo-bigay kay apo. ala eh, kung kaya pa ng mga tuhod nila makipag patintero kay apo, gagawin kaya nila kaya yon.

now, kung lumaking matigas ang ulo ni baby... aba, teka muna, ano ba ginawa mo as a parent? baka nagkulang ka rin sa pangaral?... kulang sa palo? ;)
don't just blame the grannies and the neighborhood. buti sana kung walang isip ang mga bata.

as i have said sa kabilang thread, di ibang tao ang grandparents. if that's how they treat their apos, yon ay gusto lang nila maging masaya. kahit sino sa kanila, in their sane minds, ayaw na may masamang mangyari sa apo nila... kaya maswerte ka nandyan sila at di sa kung sa kanino nag aalaga kay baby.
yes, pareho kayong hangad na maganda para kay baby, yon nga lang, di kayo magkasundo.

like, gusto ni baby kumain ng chocolates, kaya ayon, bili-bigay naman si lolo't lola para makitang masaya si baby... eh ayaw mo kasi masisira ngipin ni baby. so, what are you gonna do? ipasuka kay baby ang chocolates o turuan na lang sya mag brush ng teeth? ;)

now, you're thinking na bubukod kayo? magpakalayo?... huh! ngayon pa?  :o you'll be breaking your parents' and your baby's hearts ngayong may pinagsamahan na silang tatlo.
pero ikaw sis, it's your family anyway.

nag share ako, POV lang ng isang first-time granny. my apo na kasi ako (courtesy ng eldest sis ko) sa province... kaya ayon, ang bunsong niece ko todo-selos kasi na echapwera na sya. lahat ng attention ng mga sis ko nasa first apo na, di na sa kanya. ;D

   

ysa.belle

  • Guest
Re: Lolo at Lola over poretective sa apo..
« Reply #12 on: November 18, 2011, 09:39:12 pm »
just want to share my opinion.
spoilers talaga ang mga lolo at lola. my parents are like that e. inispoil nila anak ko. kung pwede nga atang bilhin ni mama ang sm, matagal na niyang binili.

ayaw din niyang pinapalo at pinagagaliTan ang apo niya. pero iniinsist ko yung akin. sinasabi ko na magiging matigas ang ulo ng anak ko at darating yung point na lagi nalang nagpapasaklolo sa kanila pag pinagagalitan ko.

there are times na may gusto ang anak ko at mag ask siya permission sa amin ng dad niya. pag nag NO ako, lalapit siya sa mama ko at siyempre YES ang sagot ng lola but ipipilit ko ang akin..  kaya ngayon, kahit anong sagot ng parents ko e my child would wait pa din for my approval.

basTa instill mo nalang siguro na ikaw at ikaw pa din ang dapat masunod since kaw ang mommy...

kookie420

  • Guest
Re: Lolo at Lola over poretective sa apo..
« Reply #13 on: December 25, 2011, 10:53:51 pm »

it's always a good thing to live away from your parents and in laws. not because you don't love them but because you need to raise your family on your own. it would be the most sound thing to do.

grandparents are always there to spoil the kids and will always try to be in control. no matter what happens, i believe you should still be firm in disciplining your kids.

girl24

  • Guest
Re: Lolo at Lola over poretective sa apo..
« Reply #14 on: December 27, 2011, 03:23:49 pm »
ganyan talaga ang mga lolo't lola... iba, pag apo... anak ko rin ayoko lumaki na spoiled, i discipline her. pinapagalitan ko pag naguutos. aba, one time, nasa bahay ako i heard her asking for milk. itong nanay ko natataranta sa paggawa. i kept telling her, wag sanayin yan at baka lumaki na utusera. kami nga lumaki na hindi naguutos, lahat ng pwedeng gawin on our own we do it kahit pa me household help. i want her to be that way also, baka maging dependent kasi sa household help.


zaza

  • Guest
Re: Lolo at Lola over poretective sa apo..
« Reply #15 on: December 28, 2011, 10:27:11 am »
alam mo sis, pasalamat ka na lang at kahit papaano merong nagbabantay sa anak mo pero syempre kausapin mo muna ang mga parents mo about disciplining your child, kasi ako nangyari samin yan, pag napagalitan namin ang anak ko, sumbong agad sa lolo lalo na kung marinig na umiiyak, sinabi ng asawa ko sa parents nya "di ba tay nung maliit kami pag pinapalo mo kami tapos sabi ng lolo sa inyo - tama na yan, anong sagot nyo? sabi nyo sa lolo - wag kayong makialam mga anak ko ito!!!" biglang natigil ang father in law ko tapos nagrason na kasi daw nakakaawa namang mga bata pag papaluin, sagot ng asawa ko, di naman namin sila papatayin sa palo e, disiplina lang naman ang ginagawa namin, pano pag lumaking matigas ang ulo at pasaway, syempre sa amin ang balik nun" kaya ayun di na sila nakikialam, kahit pumunta pa anak ko sa kanila para magsumbong kasi napalo ko sya, sasabihin lang ng lolo nya, magsorry ka na lang sa mama mo, at least alam nila san sila lulugar.

about spoiling your child, ok lang yun pero syempre kausapin mo rin sila pati ang mga bata na wag laging aasa sa lolo yung mga luho nila, o di kaya pwedeng itago mo muna o sabihan ang lolo na hinay-hinay lang...

eian4fun

  • Guest
Re: Lolo at Lola over poretective sa apo..
« Reply #16 on: January 27, 2012, 04:23:30 pm »
same here,same situation sa house  :(
kapag napapagalitan ko yung son ko, todo awat ang daddy ko sabay karga sa apo nya, hindi ko na talaga alam kung papaano ko didisiplinahin ang anak ko.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close