almost pareho kayo ng kaso ni Aneke sa thread na to
http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,246213.0.htmlyon nga lang, MIL nya naman ang kunsintidora.
lyn cheema, you have to accept it sis. nasa dugo na ata nating mga Pinoy yan. ke first o last apo pa yan, spoiled talaga sa mga lolo't lola yan.
dito na lang sa GT, magbasa ka na lang ng mga threads about unwanted pregnancies...blah,blah, blah...
eto ha, just react violently kung di ka sang-ayon.
marami na akong na-obserbahan, not just in Visayas, pero pati na sa Luzon, Mindanao at dito sa NCR, pare-pareho lang talaga pala.
kadalasan kasi sa mga parents like you, busy sa work (as a professional o sa gawaing bahay), kaya lahat na lang gusto nasa maayos, lahat dapat madali para di na dagdag trabaho/hirap. pag pinagsabihan ang bata na kumain, dapat kumain at walang kalat. pag sinabing matulog, dapat tulog kaagad. eh, ang bata sadyang makulit yan eh. kahit na 6yrs old pa yan, kulang pa sa isip yan eh. yung pag-iyak it's their way to express themselves kasi wala pa sa vocabulary nila ang mag reason-out... kaya ayon, karamihan would resort sa pamamalo para disiplinahin si baby.
eh yung mga lolo't lola?... mga mashonda na yon eh. mga pensionado na, wala nang pinagkakaabalahan. walang future na iniisip na mga yan. no worries. lahat gusto masaya na lang habang hinihintay nilang tatawagin na sila ni San Pedro.
ngayong dumating si apo, new life! bunga ng bunga nila. what do you expect them to do?
kaya ayan, lahat na lang, todo-bigay kay apo. ala eh, kung kaya pa ng mga tuhod nila makipag patintero kay apo, gagawin kaya nila kaya yon.
now, kung lumaking matigas ang ulo ni baby... aba, teka muna, ano ba ginawa mo as a parent? baka nagkulang ka rin sa pangaral?... kulang sa palo?

don't just blame the grannies and the neighborhood. buti sana kung walang isip ang mga bata.
as i have said sa kabilang thread, di ibang tao ang grandparents. if that's how they treat their apos, yon ay gusto lang nila maging masaya. kahit sino sa kanila, in their sane minds, ayaw na may masamang mangyari sa apo nila... kaya maswerte ka nandyan sila at di sa kung sa kanino nag aalaga kay baby.
yes, pareho kayong hangad na maganda para kay baby, yon nga lang, di kayo magkasundo.
like, gusto ni baby kumain ng chocolates, kaya ayon, bili-bigay naman si lolo't lola para makitang masaya si baby... eh ayaw mo kasi masisira ngipin ni baby. so, what are you gonna do? ipasuka kay baby ang chocolates o turuan na lang sya mag brush ng teeth?

now, you're thinking na bubukod kayo? magpakalayo?... huh! ngayon pa?

you'll be breaking your parents' and your baby's hearts ngayong may pinagsamahan na silang tatlo.
pero ikaw sis, it's your family anyway.
nag share ako, POV lang ng isang first-time granny. my apo na kasi ako (courtesy ng eldest sis ko) sa province... kaya ayon, ang bunsong niece ko todo-selos kasi na echapwera na sya. lahat ng attention ng mga sis ko nasa first apo na, di na sa kanya.