watch now

Author Topic: Can a single mom still be loved by a completely single guy.  (Read 67306 times)

gorgeous_me

  • Guest
Re: Can a single mom still be loved by a completely single guy.
« Reply #60 on: June 13, 2012, 03:07:01 pm »
^agree
but, meron din akong mga friend, nakahanap ng good guys, yung isa kinasal na sila, malaki na din yung kid ng girl, yung isa naman, matagal na sila, mga 1yr n din :)

jtansanco

  • Guest
Re: Can a single mom still be loved by a completely single guy.
« Reply #61 on: July 05, 2012, 03:44:29 pm »
Regarding the question...

My answer is yes. I'm a single guy who likes a single mom.


............but she doesn't like me. Oh well...  :(

dumpee.o13

  • Guest
Re: Can a single mom still be loved by a completely single guy.
« Reply #62 on: July 13, 2012, 03:46:34 am »
Regarding the question...

My answer is yes. I'm a single guy who likes a single mom.


............but she doesn't like me. Oh well...  :(

^ aww, that's sad.. :(

super bratinella

  • Guest
Re: Can a single mom still be loved by a completely single guy.
« Reply #63 on: July 16, 2012, 12:07:40 am »
Yes, I have a 7year old daugther when I married my husband who is very much single..my husband loves my daugther and her family treat my daughter like their own apo na rin,

mk_23

  • Guest
Re: Can a single mom still be loved by a completely single guy.
« Reply #64 on: July 18, 2012, 08:56:00 pm »
YES. It is possible. I know a few people who are single moms but ended up getting married or are in serious relationships/engaged *:) and I have a guy friend who got married to a single mom last year.. so don`t worry. *:) The right guy will come

iampennylane

  • Guest
Re: Can a single mom still be loved by a completely single guy.
« Reply #65 on: July 18, 2012, 09:42:30 pm »
My husband and I were bg-gf since 4th year high school (2001). We broke up after 2 years. Di kami nagkita ng 4 years, no communication, no emails, text or phone calls. I got pregnant and things didn't go well between me and the father of my first child. Nagkita kami ulit ng hubby ko when I was 3 months pregnant after 4 years. Nasa province kasi ako nun and umuwi sya kasi his uncle died. Di ko sinabi na I was pregnant that time. Pero we talked. Then naging ok na ulit kami. I mean friends. He went back dito sa Manila. Textmates na ulit kami LOL I finally told him that I was pregnant nung 8 months na yung tyan ko. He cried. Pero friends pa rin kami. When I gave birth, nagpunta ako dito sa Manila to work. So ayun, nagkikita kami dito, we went out as friends. Then one day he just realized na "damn I loved this girl so much back then". Then ayun nagkabalikan kami when my first child was like 6 months na. So sya na yung kinilalang father ng eldest child ko, and sobrang love nya talaga, feeling ko nga mas close pa sila kesa saken :D Then ngayon meron na kami 2 additional girls :)

So bottom line is. Yes. Pwedeng pwede :D

ross24

  • Guest
Re: Can a single mom still be loved by a completely single guy.
« Reply #66 on: July 18, 2012, 10:20:41 pm »
Yes na yes sis. I am a single mom / hiwalay sa asawa dahil babaero.. pero I met this guy and bf ko na sya ngayon. He loves me and my son and is very much willing to marry me. Sya pa nga yung gagastos sa annulment ko kasi super mahal. Naisip ko na din yan before na baka wala na magmamahal sa akin pero that is not true pala.  :)

Just be confident and 'feel' pretty and respect yourself sis. Meaning, still be choosy kahit na may anak ka na and know what you deserve and not. Don't settle for anything less than what you deserve. That is my motto  ;)

virgogirl98

  • Guest
Re: Can a single mom still be loved by a completely single guy.
« Reply #67 on: July 27, 2012, 11:06:14 am »
^ ang swerte mo sis! sana makahanap din ako ng kagaya ng bf mo ngayon, hehe. kaso mag-fo-forty na ako parang wala na akong makitang guy na magmamahal sa akin at willing i-accept yung anak ko :(

bear_touch

  • Guest
Re: Can a single mom still be loved by a completely single guy.
« Reply #68 on: July 29, 2012, 09:25:25 pm »
Well, pwede pa naman kung sa pwede. Pero dapat maging maingat na si Girl or si Mom dito. Kasi nadapa na siya nung una so she has to make sure na hindi na siya madadapa ulit

Girltalker2

  • Guest
Re: Can a single mom still be loved by a completely single guy.
« Reply #69 on: July 30, 2012, 05:34:37 pm »
Yes na yes sis. I am a single mom / hiwalay sa asawa dahil babaero.. pero I met this guy and bf ko na sya ngayon. He loves me and my son and is very much willing to marry me. Sya pa nga yung gagastos sa annulment ko kasi super mahal. Naisip ko na din yan before na baka wala na magmamahal sa akin pero that is not true pala.  :)

Just be confident and 'feel' pretty and respect yourself sis. Meaning, still be choosy kahit na may anak ka na and know what you deserve and not. Don't settle for anything less than what you deserve. That is my motto  ;)

Agree sis. Do not just settle for anyone.  Make sure you deserve the best. Kung di lang din yun, huwag nalang.

Ang tanong ko lang sis, how are you able to manage a relationship? Di ba nakakapagod?  Kasi you have responsibilities sa mga anak mo.  At the same time, kelangan magdate or magkita kayo.  Pano mo nahahati ang oras?  Kelangan napaka understanding ng guy, at mature enough to know your situation and ano ang implication sa kanya for loving someone like us na single mom. 





ross24

  • Guest
Re: Can a single mom still be loved by a completely single guy.
« Reply #70 on: July 30, 2012, 05:47:38 pm »
1 palang anak ko sis  ;D Hmm good question yan sis, napaka-understanding ng bf ko. Alam nya na yung anak ko yung priority ko. Minsan nga nagiguilty ako pag di ko sya nabibigyan ng time pero siguro dahil dun kaya mas love nya ko hihi. Kasi alam nyang hindi ko ipapagpalit yung 1st priority ko para sa kanya. Sa mga single moms na din siguro, wag natin ipakita sa kanila na desperado tayo na magkaron ng lalaki sa buhay natin. Be independent and na hindi tayo mawawalan kung mawala man sila :) Kawork ko din kasi si bf kaya everyday kame nagkikita.

ragnar_danneskjold

  • Guest
Re: Can a single mom still be loved by a completely single guy.
« Reply #71 on: August 08, 2012, 06:55:44 am »
I was once attracted to a single mom. I really liked her personality a lot. Pero tinigil ko yung kalokohan na yun dahil may gf nman ako (na Ex ko na ngayon).. But it just says that it really doesn't matter if you're single mom or not. It's still possible to find love.

Serena.

  • Guest
Re: Can a single mom still be loved by a completely single guy.
« Reply #72 on: August 08, 2012, 08:08:33 pm »
YES. Someone will love you unconditionally.  You just have to wait, those who stopped courting you dont know what true love is. Blessing pa nga si baby mo. kasi you can easily determine if the guy really loves you if he's still there after mo sabihin ang about sa kanya. And please, dont call your child, "extra baggage". HTH! ;)




xo
« Last Edit: August 09, 2012, 01:43:17 pm by Serena. »

veyaya

  • Guest
Re: Can a single mom still be loved by a completely single guy.
« Reply #73 on: August 10, 2012, 01:08:05 am »
Sana ako din. Although malayo pa ang lakbayin ko, I'm just 19. Magfofocus muna ako kay Baby. Pero gusto ko rin sana na may father figure habang lumalaki siya, [textspeak!] responsible enough and mature enough to accept me and my baby.

Sana meron pa ring guy na tatanggap sa akin despite me being a single mom. Minsan kasi parang nakakawalang pag - asa na e. Kahit kasi syempre may anak ka na, iba pa rin [textspeak!] pagmamahal na mangggagaling sa isang lalaki na karelasyon. Di ba?

Haaaaay.

SethLorenzo

  • Guest
Re: Can a single mom still be loved by a completely single guy.
« Reply #74 on: August 15, 2012, 10:44:06 pm »
OF COURSE :)

@pichness@

  • Guest
Re: Can a single mom still be loved by a completely single guy.
« Reply #75 on: August 20, 2012, 11:35:39 am »
Just wanna share my own story...

I'm a single mom with a 14-month-old baby girl. Yung dad nya, iniwan ako at hindi na nagparamdam when I was still 4 months pregnant. Ni ha, ni ho, wala nang paramdam. I tried to find him but he just left just like that... Anyway, that's not the point here.

August 2010, I met this man, hindi pa ako buntis noon. I find him okay but may bf nga ako non at yun nga yung dad ng anak ko ngayon. But that doesn't stop our communication.

Then lumalim yung ugnayan namin. We did go out even though buntis na ako (hindi pa nya alam non na buntis na ako). However, sinabi ko na rin at nasaktan daw sya ng sobra kasi mahal na raw nya ako. Come January 2011, nagkagulo gulo kaming dalawa, marami syang dinate na girls kasi nga nasaktan daw sya sa nalaman nya. Wala talagang pwedeng maging "label" sa amin, kung kami ba or hindi pero mahal na namin ang isa't isa. He was my shoulder kasi during my pregnancy.

So mag-isa talaga ako all throughout my pregnancy. Iniwasan muna namin magkita kasi nga ang laki na ng tiyan ko. Pero pangako nya, after ko manganak, aayusin namin ang lahat.

Nanganak ako May 2011. He was still there communicating with me but hindi sya pumunta sa ospital dahil takot sya na baka sya ang sugurin ng family ko at isipin sya yung nakabuntis sa akin. As usual, marami pa rin syang finiflirt na girls sa FB nya. Sabi ko sa sarili ko, confused lang sya siguro kasi nga kumplikado ang status naming dalawa.

The "no-label" relationship continued. I asked him ano ba kami, sabi nya asawa daw nya... pero niyaya ko na sya dito sa house para magpakilala, takot daw sya. Tinanong ko kelan nya ako pakikilala sa kanila, naghihintay lang daw sya ng buwelo. At sabi nya, gusto nya na ipakilala ko sa kanila yung anak ko bilang anak din nya at hindi anak ng ibang lalaki. I understand naman kasi alam kong masakit sa ego nya yun.. So it continued..

May 2012, nagbirthday ang baby ko. I invited him pero hindi na naman sya pumunta, kasi may CS exam sya. So inintindi ko.. Naging makulit na sya sa akin na magsama na raw kami. Sabi ko, tulungan mo akong ipaalam ako sa parents ko dito kasi ayoko na rin tumira with my family. Sabi nya, kaya ko naman daw mag-isang magpaalam. Dun daw kami titira sa town nila sa Calamba.. Lagi namin pinagtatalunan yun na samahan nya ako dito magpaalam kaso sabi nya takot daw sya sa family ko (hindi pa nya namimeet ang family ko ever).

Simula nung nanganak ako lagi ako pumupunta sa Calamba para magkita kami pero hindi pa nya ako dinadala sa house nila. Pero inintindi ko, sabi ko sa sarili ko, nahihiya din siguro sya sa kalagayan ko bilang isang single mom.

We still continued to be like this. Naiisip ko, ano ba talaga kami? May commitment ba kami? Humiram na rin sya sa akin ng pera (mga 1000), then binenta ko cellphone sa kanya (Samsung Galaxy Y worth 6K noon pero bigay ko lang is 4K) then he tried also to use my credit card to buy 44-inch TV (magdodown daw sya sa akin ng 10K then the rest huhulugan nya). But I told him, ako nga 26 inches lang TV ko! Ikaw tricycle driver eh may 44-inch TV? (Tricycle driver sya pero 2 tricycles nya and may paupahan syang apartment habang naghahanap ng permanent work).

Then iniisip ko, ginagamit lang ba nya ako? Sinusubukan ba nya ako kung kakagat ako sa mga utang nya kapalit ng pangakong magpapakasal kami in the future? Ano ba talaga? Bakit hindi pa kami umaakyat sa next level, mag two two years na kaming ganito!

August 2012, two years since magkakilala kami, I was hospitalized for pneumonia. Naconfine ako, tawag sya ng tawag. Hawak ng mom ko cellphone ko. My mom asked, sino ba si *****? sabi ko friend ko lang. Eh bakit tawag ng tawag. At sinabi na ng mom ko ayaw na raw nya magkamali ulit ako. Kung talagang seryoso sya sa akin, magpapakilala sya sa family ko. So tinext ko sya, sabi ko, now is the time para magpakilala ka na kasi alam pala ng mom ko na may ineentertain na naman ako. Then sabi ko, kung talagang mahal mo ako, andito ka sa tabi ko ngayong kailangan kita. Mahina yung lungs ko noon at hindi ako makahinga. Then ang sabi lang nya "Sorry, hindi kita mapupuntahan dyan." sabi ko bakit? Walang sagot. Yung maya't maya nyang tawag eh biglang hindi na sya tumawag kasi sabi ko baka mama ko ang makasagot....

Then I texted him, sabi ko ito na yung test sa ating dalawa pero wala pa rin pala. Hindi mo kayang magsakripisyo. Tapos sasabihin mo mahal mo ako? Nasan ka nung kelangan kita. Wala syang reply. So I decided, to cut this off. Maraming beses na nangyari yung kinacut ko communication namin but I think this is the final blow. For me, it really means, wala talaga syang concern sa akin kahit mamatay na ako. Hindi ko alam bakit pinaabot pa nya ng 2 years pagpapaasa nya sa akin, yun pala wala pala kaming pupuntahan. I started blocking him in my phone, never replied to his messages, pagod na ako.. Dati kasi nakakahanap ako ng dahilan sa mga shortcomings nya pero ngayon... Need ko magtira naman ng konting respeto sa sarili ko.. Ayaw ko na.. pero mahal ko pa rin sya. So far, mag 1 week na akong di nagpaparamdam sa kanya. Hindi nya alam kung nakalabas na ako ng ospital o buhay pa ba or whatever. I just want to move on without him. Masakit ang umasa sa mga pangakong hindi ko alam kung talagang tutuparin pa nya...

FYI: Siya ay binatang binata...kaya siguro hindi na ako umaasa na mamahalin pa ako ng completely single guy... Hindi naman sa inaapi ko sya, professional naman ako tapos gaganitohin lang ako ng isang tricycle driver... Masakit..kasi tinanggap ko syang ganon...

Your insights are very much appreciated.

hanson15

  • Guest
Re: Can a single mom still be loved by a completely single guy.
« Reply #76 on: August 20, 2012, 12:41:45 pm »
sa tingin ko sis hes not the type of guy for you. kahit sabihin na natin na mahal ka niya completely. love is not the only reason why a happy and healthy relationship last. nakikita ko kasi sa ugali nya he is not responsible to take commitment. at kung talagang gusto niya dapat he should see him that he is striving harder para sa inyo ni baby. gusto niya magasma kayo pero what happens next? bahala na? hindi pwedeng ganun sis. dapat lahat is may plan dahil para rin sa future niyo ni baby. humanap ka ng lalaki na matino, respondible at may goal sa future niyo. mahirap makahanap ng ganito sis. pero its not impossible at konti nalang ang lalake nakikita ko na ganyan sa pinas pero meron at meron yan.

Girltalker2

  • Guest
Re: Can a single mom still be loved by a completely single guy.
« Reply #77 on: August 21, 2012, 08:48:56 am »

FYI: Siya ay binatang binata...kaya siguro hindi na ako umaasa na mamahalin pa ako ng completely single guy... Hindi naman sa inaapi ko sya, professional naman ako tapos gaganitohin lang ako ng isang tricycle driver... Masakit..kasi tinanggap ko syang ganon...

Your insights are very much appreciated.

Sis, hindi purkit binata ang guy, elligible na sya to be your bf/partner.  You have to look at other aspects, and financial status/educational background is important. Ito eh opinion ko lang naman. Hindi naman sa pagiging matapobre, but I also do not like a guy who is extremely too rich for me na mamatain lang ako ng pamilya nya.  In the same way, I don't think your guy has the means to level up with you.  Ang akin naman kasi, he should be able to provide for himself. Kaso kung nagkaanak kami, he should also be able to provide for himself and our kid, AT THE MINIMUM. 

I am assuming na hindi din sya nakapagtapos kaya his occupation is a tricycle driver.  You said you are a professional. Then humanap ka ng professional.  Mahirap kasi iba ang mundo na ginagalawan ninyo.  Most likely kaya ayaw nya magpakita sa pamilya mo because of his insecurities (his status), which he has to work on pa.

I agree with hanson15, he does not seem to be able to live up to the relationship you are having with him.

And sis! gumising ka nga!  Utang?!!?!? :-\  Magbf palang kayo, grabe na sya sa gumastos.  Konting rangya lang ng gf, sige nang sige sa paggastos.  Isipin mo lang kung magkasama na kayo sa isang bubong, I would think money matters would definitely be an issue. This guy does not know how to save, prioritize, plan his life well.  Gusto mo ba maghanap pa ng isang sakit ng ulo na aalagaan?

 













@pichness@

  • Guest
Re: Can a single mom still be loved by a completely single guy.
« Reply #78 on: August 21, 2012, 02:36:10 pm »
Sisses thanks sa mga reply.. Sobrang down ko ngayon kasi I'm still recovering from my sickness, anglaki ng nawalang pera dahil sa hospitalization ko, marami akong bills na hindi nabayaran, tapos ito, wala na sya sa buhay ko.  Nakagraduate naman sya ng BS Computer Science pero mahigit one year na syang walang work kasi nagresign sya sa previous company nya sa Calamba. Nagtry sya magapply sa ibang companies kaso hindi sya natatanggap. Then recently nga sabi nya magapply sya sa munisipyo ng Calamba pero need nya ng Civil service exam kaso di nga sya pumasa. Kaya nagtritricycle muna sya. Ako naman ay isang HS teacher na may part-time online job. He still keeps on texting me and calling me pero naka autoblock na sya sa phone ko... He's texting me na sana mag-usap kami... Sisses, kakausapin ko pa ba sya??? I have read a thread yung "PSEUDO-RELATIONSHIP", and as I was reading that, hindi kaya yun lang ang turing nya sa relasyon namin? Na akala ko seryoso, sa kanya pala hindi?

@pichness@

  • Guest
Re: Can a single mom still be loved by a completely single guy.
« Reply #79 on: August 27, 2012, 12:38:25 am »
Umiiyak na ako ngayon, after one week na iniwasan ko sya sa phone (he keeps on calling and texting me 24/7 pero kinacancel ko), I decided to take his call. Mahal pa raw nya ako. Sabi ko, kung mahal mo ako, nasan ka nung kelangan kita? Alam mo ba malala na pala pneumonia ko, muntik na maimpeksyon dugo ko pero asan ka? Then I told him, tigilan na nya ako. Sabi nya kahit ba friends hindi pwede? Sabi ko, not now. Next year na lang siguro. Why daw next year? Sabi ko tigilan na nya ako or else pupuntahan ko sya sa bahay nila at mageeskandalo ako. Ayon, natahimik sya. sabi sige po. sana maging masaya ka. biglang ganon. Take note, di pa nya ako pinapakilala sa kanila. So yun lang pala ang makakapagpatigil sa kanya.. Ang sakit..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close