Just wanna share my own story...
I'm a single mom with a 14-month-old baby girl. Yung dad nya, iniwan ako at hindi na nagparamdam when I was still 4 months pregnant. Ni ha, ni ho, wala nang paramdam. I tried to find him but he just left just like that... Anyway, that's not the point here.
August 2010, I met this man, hindi pa ako buntis noon. I find him okay but may bf nga ako non at yun nga yung dad ng anak ko ngayon. But that doesn't stop our communication.
Then lumalim yung ugnayan namin. We did go out even though buntis na ako (hindi pa nya alam non na buntis na ako). However, sinabi ko na rin at nasaktan daw sya ng sobra kasi mahal na raw nya ako. Come January 2011, nagkagulo gulo kaming dalawa, marami syang dinate na girls kasi nga nasaktan daw sya sa nalaman nya. Wala talagang pwedeng maging "label" sa amin, kung kami ba or hindi pero mahal na namin ang isa't isa. He was my shoulder kasi during my pregnancy.
So mag-isa talaga ako all throughout my pregnancy. Iniwasan muna namin magkita kasi nga ang laki na ng tiyan ko. Pero pangako nya, after ko manganak, aayusin namin ang lahat.
Nanganak ako May 2011. He was still there communicating with me but hindi sya pumunta sa ospital dahil takot sya na baka sya ang sugurin ng family ko at isipin sya yung nakabuntis sa akin. As usual, marami pa rin syang finiflirt na girls sa FB nya. Sabi ko sa sarili ko, confused lang sya siguro kasi nga kumplikado ang status naming dalawa.
The "no-label" relationship continued. I asked him ano ba kami, sabi nya asawa daw nya... pero niyaya ko na sya dito sa house para magpakilala, takot daw sya. Tinanong ko kelan nya ako pakikilala sa kanila, naghihintay lang daw sya ng buwelo. At sabi nya, gusto nya na ipakilala ko sa kanila yung anak ko bilang anak din nya at hindi anak ng ibang lalaki. I understand naman kasi alam kong masakit sa ego nya yun.. So it continued..
May 2012, nagbirthday ang baby ko. I invited him pero hindi na naman sya pumunta, kasi may CS exam sya. So inintindi ko.. Naging makulit na sya sa akin na magsama na raw kami. Sabi ko, tulungan mo akong ipaalam ako sa parents ko dito kasi ayoko na rin tumira with my family. Sabi nya, kaya ko naman daw mag-isang magpaalam. Dun daw kami titira sa town nila sa Calamba.. Lagi namin pinagtatalunan yun na samahan nya ako dito magpaalam kaso sabi nya takot daw sya sa family ko (hindi pa nya namimeet ang family ko ever).
Simula nung nanganak ako lagi ako pumupunta sa Calamba para magkita kami pero hindi pa nya ako dinadala sa house nila. Pero inintindi ko, sabi ko sa sarili ko, nahihiya din siguro sya sa kalagayan ko bilang isang single mom.
We still continued to be like this. Naiisip ko, ano ba talaga kami? May commitment ba kami? Humiram na rin sya sa akin ng pera (mga 1000), then binenta ko cellphone sa kanya (Samsung Galaxy Y worth 6K noon pero bigay ko lang is 4K) then he tried also to use my credit card to buy 44-inch TV (magdodown daw sya sa akin ng 10K then the rest huhulugan nya). But I told him, ako nga 26 inches lang TV ko! Ikaw tricycle driver eh may 44-inch TV? (Tricycle driver sya pero 2 tricycles nya and may paupahan syang apartment habang naghahanap ng permanent work).
Then iniisip ko, ginagamit lang ba nya ako? Sinusubukan ba nya ako kung kakagat ako sa mga utang nya kapalit ng pangakong magpapakasal kami in the future? Ano ba talaga? Bakit hindi pa kami umaakyat sa next level, mag two two years na kaming ganito!
August 2012, two years since magkakilala kami, I was hospitalized for pneumonia. Naconfine ako, tawag sya ng tawag. Hawak ng mom ko cellphone ko. My mom asked, sino ba si *****? sabi ko friend ko lang. Eh bakit tawag ng tawag. At sinabi na ng mom ko ayaw na raw nya magkamali ulit ako. Kung talagang seryoso sya sa akin, magpapakilala sya sa family ko. So tinext ko sya, sabi ko, now is the time para magpakilala ka na kasi alam pala ng mom ko na may ineentertain na naman ako. Then sabi ko, kung talagang mahal mo ako, andito ka sa tabi ko ngayong kailangan kita. Mahina yung lungs ko noon at hindi ako makahinga. Then ang sabi lang nya "Sorry, hindi kita mapupuntahan dyan." sabi ko bakit? Walang sagot. Yung maya't maya nyang tawag eh biglang hindi na sya tumawag kasi sabi ko baka mama ko ang makasagot....
Then I texted him, sabi ko ito na yung test sa ating dalawa pero wala pa rin pala. Hindi mo kayang magsakripisyo. Tapos sasabihin mo mahal mo ako? Nasan ka nung kelangan kita. Wala syang reply. So I decided, to cut this off. Maraming beses na nangyari yung kinacut ko communication namin but I think this is the final blow. For me, it really means, wala talaga syang concern sa akin kahit mamatay na ako. Hindi ko alam bakit pinaabot pa nya ng 2 years pagpapaasa nya sa akin, yun pala wala pala kaming pupuntahan. I started blocking him in my phone, never replied to his messages, pagod na ako.. Dati kasi nakakahanap ako ng dahilan sa mga shortcomings nya pero ngayon... Need ko magtira naman ng konting respeto sa sarili ko.. Ayaw ko na.. pero mahal ko pa rin sya. So far, mag 1 week na akong di nagpaparamdam sa kanya. Hindi nya alam kung nakalabas na ako ng ospital o buhay pa ba or whatever. I just want to move on without him. Masakit ang umasa sa mga pangakong hindi ko alam kung talagang tutuparin pa nya...
FYI: Siya ay binatang binata...kaya siguro hindi na ako umaasa na mamahalin pa ako ng completely single guy... Hindi naman sa inaapi ko sya, professional naman ako tapos gaganitohin lang ako ng isang tricycle driver... Masakit..kasi tinanggap ko syang ganon...
Your insights are very much appreciated.