Hi mga Sis. nagbasa ako mula umpisa about VT. confirmed na mura sa VT. But i have a very realistic question. Pls help... napansin ko halos majority kayo na nagpost dito, CS ginawa ni Dr. Tansinsin. isa ba sya sa mga doctor na pipiliin mag CS agad instead of making alternatives para maging Normal delivery parin? nabasa ko. paunti na ng paunti ang mga doctor na trained magikot ng breech baby(ulo sa taas) into utero position (ulo sa baba) at takot gumamit ng Vacuum at forceps, kaya dumadami ang rate ng CS. mas madali daw kasi gawin.. Thank u... in case malaman kong isa sya sa ganung docs, mas ppiliin ko na si Dr. Nacuum kase nabasa ko gagawan nya ng paraan inormal
hi sis, i gave birth to my baby girl last May 2016 through NSD with Dr. Tansinsin as my O.B. Though hindi breech presentation ang baby ko so i am not sure kung totoong di nya kaya mag "ikot" ng breech...He told me that on or before my 40th week, dapat mag labor na ako. I did not go on labor until my 40th week. so I underwent induced labor. It was successful, ang bilis ko nanganak. matagal lang yung paghihintay na mag 10 cm ako. I got the suite room, super nice, clean, may living area, cable tv, ref, wifi access, CR and mini ref.
from 1030 to 5pm naka IV ako ng oxytocin to induce labor, pero dun lang ako sa loob ng room ko habang di pa nagpo progress. by 430 p.m., 4cm pa lang ang dilation. Dr. Justin told me, if by 5pm hindi na magprogress to 10 cm, CS na. ewan ko ba kung anong milagro ginawa ng baby ko, from 430 pm na 4cm, naging 9 cm agad agad by 445 p.m. nagulat sila kasi sobrang bilis. by 5 p.m., i told my husband na tawagin na agad agad yung nurse kasi mukhang manganganak na ako. Nailabas ko si baby at 5:15 p.m.
however, dahil sa bilis ng pagprogress ng labor ko, nagkaroon ako ng internal hemorrhage sa birth canal. tapos nag profuse bleeding ako dahil pinipilit ng katawan ko matanggal yung nakabarang buong dugo.
while at the recovery room, nakakaramdam ako ng discomfort, feeling na parang kailangan ko dumumi. I told them kelangan ko gumamit ng CR, siyempre hindi pwede yun kasi need ko pa magrelax ng nakahiga. Sabi ng nurse, itry ko daw dumumi na lang sa diaper ko tapos lilinisan na lang. pero tuwing ita try ko dumumi, nagpo profuse bleeding ako, as in parang sumasabog yung dugo ko. 3-4 times nangyari yun. pinipigilan na nila ako umire/magtry dumumi, at tinawag agad si Dr. Justin. Dinala ako ulit sa OR. he figured out na nagkaroon ako ng internal hemorrhage at yun yung nakabara na parang akala ko napapa dumi ako. after that, sinalinan ako ng 2 bags of fresh blood kasi marami nawalang dugo. nAG 80/60 yung blood pressure ko. pero nagnormalize naman agad agad.
the following day, normal na ako. the nurse taught me how to breastfeed my baby and how to care for my newborn.
i had a great and comfortable experience pa rin at VT Maternity Hospital kahit na nagkaroon ng complication yung panganganak ko. Dr. Justin attended to me swiftly. Although kinabahan talaga ang husband ko kasi nga 5:15 pm. nakita na nila si baby tapos ako 9 pm na di pa nakalabas. at 10 p.m. i underwent an operation to remove the blood clot.
I paid around 54k net of Philhealth, kasama na PF ng OB, anes and pedia, biggest suite room. 3 days and 2 nights stay.