watch now

Author Topic: marikina hospitals pls help!  (Read 152671 times)

fionaapple

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #180 on: January 30, 2017, 09:46:20 am »
Hi mga Sis. nagbasa ako mula umpisa about VT. confirmed na mura sa VT. But i have a very realistic question. Pls help... napansin ko halos majority kayo na nagpost dito, CS ginawa ni Dr. Tansinsin. isa ba sya sa mga doctor na pipiliin mag CS agad instead of making alternatives para maging Normal delivery parin? nabasa ko. paunti na ng paunti ang mga doctor na trained magikot ng breech baby(ulo sa taas) into utero position (ulo sa baba) at takot gumamit ng Vacuum at forceps, kaya dumadami ang rate ng CS. mas madali daw kasi gawin.. Thank u... in case malaman kong isa sya sa ganung docs, mas ppiliin ko na si Dr. Nacuum kase nabasa ko gagawan nya ng paraan inormal

hi sis, i gave birth to my baby girl last May 2016 through NSD with Dr. Tansinsin as my O.B. Though hindi breech presentation ang baby ko so i am not sure kung totoong di nya kaya mag "ikot" ng breech...He told me that on or before my 40th week, dapat mag labor na ako. I did not go on labor until my 40th week. so I underwent induced labor. It was successful, ang bilis ko nanganak. matagal lang yung paghihintay na mag 10 cm ako. I got the suite room, super nice, clean, may living area, cable tv, ref, wifi access, CR and mini ref.

from 1030 to 5pm naka IV ako ng oxytocin to induce labor, pero dun lang ako sa loob ng room ko habang di pa nagpo progress. by 430 p.m., 4cm pa lang ang dilation. Dr. Justin told me, if by 5pm hindi na magprogress to 10 cm, CS na. ewan ko ba kung anong milagro ginawa ng baby ko, from 430 pm na 4cm, naging 9 cm agad agad by 445 p.m. nagulat sila kasi sobrang bilis. by 5 p.m., i told my husband na tawagin na agad agad yung nurse kasi mukhang manganganak na ako. Nailabas ko si baby at 5:15 p.m.

however, dahil sa bilis ng pagprogress ng labor ko, nagkaroon ako ng internal hemorrhage sa birth canal. tapos nag profuse bleeding ako dahil pinipilit ng katawan ko matanggal yung nakabarang buong dugo.

while at the recovery room, nakakaramdam ako ng discomfort, feeling na parang kailangan ko dumumi. I told them kelangan ko gumamit ng CR, siyempre hindi pwede yun kasi need ko pa magrelax ng nakahiga. Sabi ng nurse, itry ko daw dumumi na lang sa diaper ko tapos lilinisan na lang.  pero tuwing ita try ko dumumi, nagpo profuse bleeding ako, as in parang sumasabog yung dugo ko. 3-4 times nangyari yun. pinipigilan na nila ako umire/magtry dumumi, at tinawag agad si Dr. Justin. Dinala ako ulit sa OR. he figured out na nagkaroon ako ng internal hemorrhage at yun yung nakabara na parang akala ko napapa dumi ako. after that, sinalinan ako ng 2 bags of fresh blood kasi marami nawalang dugo. nAG 80/60 yung blood pressure ko. pero nagnormalize naman agad agad.

the following day, normal na ako. the nurse taught me how to breastfeed my baby and how to care for my newborn.

i had a great and comfortable experience pa rin at VT Maternity Hospital kahit na nagkaroon ng complication yung panganganak ko. Dr. Justin attended to me swiftly. Although kinabahan talaga ang husband ko kasi nga 5:15 pm. nakita na nila si baby tapos ako 9 pm na di pa nakalabas. at 10 p.m. i underwent an operation to remove the blood clot.

I paid around 54k net of Philhealth, kasama na PF ng OB, anes and pedia, biggest suite room. 3 days and 2 nights stay.

hun_nie08

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #181 on: February 01, 2017, 03:18:55 pm »
[textspeak!], Any idea if 'bf friendly' pa rin ang Marikina Valley? Magkano na ang usual rates ng emergency cs ngayon. My ob is Dra Zarimah Gonzaga and affiliated sya both TMC and Mvmc. Iniisip namin if ok lang ba sa mvmc since mas malapit at mas mura sya compare sa tmc.

ficklemind

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #182 on: February 01, 2017, 05:16:55 pm »
^ hi sis, sa Marikina Valley ang OB ko at malamang dun na din ako manganganak, 29 weeks na kami , hinde pa namin nadidiscuss ni hubby kay dra ang about sa fees, nahihiya pa kami magtanong  ;D

May idea lang kami from hubby's officemates na dun nanganak ang mga misis.
So far sa mga nakausap ni hubby wala silang binayaran sa Marikina Valley, nacover lahat ng health card  + Philhealth na din siguro. For reference, yung card coverage for NSD is 50K then 70K naman for CS. Yung isang kateam ni hubby emergency CS yung wife, nagkasya pa rin.

Balitaan kita sa updated rates if madidiscuss na namin kay OB this week.

hun_nie08

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #183 on: February 03, 2017, 08:17:00 am »
Thanks sis..di kasi cover ng health card yung delivery ko e. Nabasa ko kasi sa blog ng smart parenting 95k daw ang cs package sa marikina valley e
 

hun_nie08

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #184 on: February 03, 2017, 08:39:10 am »
May marecommend kayong bf advocate n pedia?

ficklemind

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #185 on: May 04, 2017, 07:03:48 am »
[textspeak!], Any idea if 'bf friendly' pa rin ang Marikina Valley? Magkano na ang usual rates ng emergency cs ngayon. My ob is Dra Zarimah Gonzaga and affiliated sya both TMC and Mvmc. Iniisip namin if ok lang ba sa mvmc since mas malapit at mas mura sya compare sa tmc.

hi sis hun_nie08, update lang sis nanganak na ako, yes BF friendly ang Marikina Valley, actually strict nga sila eh, bawal bottle daw (pwede naman kung talagang kailangan but dapat patago)
hinde ko alam if pinalatch sakin agad si baby paglabas niya kasi tulog agad ako after nung 'unang yakap' wala na akong maala sa next na nangyari.
sa recovery room twice dinala sakin si baby para ipaBF, tapos nung nasa room na ako, niroom-in na din si baby.
NSD pala ako with epidural, around 57k yung total bill naless na philhealth.
no idea sa CS sis.

enzicey

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #186 on: October 12, 2017, 02:44:12 pm »
up.

Just switched to Dra. Nucum.  Here are the rates na na-quote nya for CS (all in na kasama PF ng team nya):
Salve Regina: up to 65k
VT Maternity: up to 70k
Marikina Doctors: up to 80k

Disclaimer naman nya, over-estimated na yung mga figures.  Basta yun na daw ang safe na iprepare :) Due date ko on January 2018.  I'm leaning towards VT Maternity kahit yun na yung pinakamalayo samin.

aneesah414

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #187 on: February 03, 2018, 06:29:06 am »
^

Hi Sis, how's your delivery?

May I know pala san clinic nd chedule ni Dra. Nucum?

Tumatanggap din ba ng health card sa VT?

TIA!!

fionaapple

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #188 on: February 03, 2018, 04:34:18 pm »
^VT does not accept health cards

Micca23

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #189 on: April 18, 2018, 10:31:43 am »
You can check this link https://mydoctorfinder.com for the nearest doctors, hospitals, clinics and magagaling na mga doctors here sa philippines.

_glamorosa

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #190 on: June 21, 2018, 03:10:14 pm »
Hi mga sis na nanganak sa VT. Just learned last Saturday na pwedeng magpaanak ang OB ko sa VT, so leaning towards na kami sa VT dahil nga mas mura at mas malinis daw. OB said, mas malinis pa nga daw compared sa St. Lukes Global. hehe.

I'd like to ask, pwede ba ang hubby sa loob ng delivery room? Or is this just an arte on my part. Thank you!

engr_neechee

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #191 on: June 22, 2018, 07:11:35 am »
^sa akin, bawal raw.  Sabi nila, mas ninenerbyos pa raw ang mga husband.  Also, during my time, may nursery sila.  My son was there tapos umaakyat ako for breastfeeding kahit na masakit pa ang bikini cut ko.  Hindi sila rooming in.  Also, yung nagcatch sa akin na pedia isn't a breastfeeding advocate.  They give formula sa nursery.

_glamorosa

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #192 on: June 22, 2018, 09:36:24 am »
thank you sis! i-prepare ko pala ang sarili ko na hindi kahawak kamay ang asawa ko. hahaha. at will take note of the formula milk. sana mas iprioritze ang breast milk.

euwie

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #193 on: August 11, 2018, 05:22:20 am »
May nagtanong pala sa akin dito kelan ako nanganak. Nov 2, 2013. Kung walang complications ang baby, room in agad. 1 lang yung nasa nursery nung time na nanganak ako kasi naka incubator. Ako expected ko na na cs ako kasi lumaki talaga ako kaya effort  talaga heart ko na magpump nun tapos napaka low pa ng pain tolerance ko. Kaya every time na nakakafeel ako ng pain, tumataas bp ko, as in mataas.

euwie

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #194 on: August 11, 2018, 05:36:44 am »
^sa akin, bawal raw.  Sabi nila, mas ninenerbyos pa raw ang mga husband.  Also, during my time, may nursery sila.  My son was there tapos umaakyat ako for breastfeeding kahit na masakit pa ang bikini cut ko.  Hindi sila rooming in.  Also, yung nagcatch sa akin na pedia isn't a breastfeeding advocate.  They give formula sa nursery.

Hala sis nagbago na sa vt?  Hindi niroom in baby mo? I believe mas nauna ako sa yo nanganak ano? Nov 2013 ako nanganak. Gusto ko pa naman sa vt kasi iru room in nila ang baby agad tapos pinabreastfeed agad sa akin pagkalabas ng baby ko. Ginising pa nila ako maski na groggy pa ako, naririnig ko na lang mga comments nila sa loob ng OR na ang galing daw dumede ng baby ko.

jeuliann

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #195 on: August 11, 2018, 06:55:27 am »
Hala sis nagbago na sa vt?  Hindi niroom in baby mo? I believe mas nauna ako sa yo nanganak ano? Nov 2013 ako nanganak. Gusto ko pa naman sa vt kasi iru room in nila ang baby agad tapos pinabreastfeed agad sa akin pagkalabas ng baby ko. Ginising pa nila ako maski na groggy pa ako, naririnig ko na lang mga comments nila sa loob ng OR na ang galing daw dumede ng baby ko.

Hi mga sis, sino OB nyo sa VT? ok ba don manganak? maalaga ba sila? how about yung binayaran nyo, magkano inabot?

engr_neechee

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #196 on: August 13, 2018, 01:31:38 pm »
Nung time ko ng Nov 2014 wala namang binigay na option sa akin ni i-rooming in.  Baka depende sa team of doctors. 

_glamorosa

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #197 on: November 04, 2018, 11:59:56 am »
Just an update. Nagbago na kami ng choice of hospital. We will now be delivering at Marikina Doctors. If my research is accurate, 2 years palang sya, so bago pa lang din ang mga gamit. Reason for change is walang NICU sa VT. And I might deliver early dahil bumababa na ang amniotic fluid ko. So mas maganda na may nakabaag na NICU though di naman sure na magagamit.. just in case lang sya. Were praying na sana hindi naman. Though doble nga lang din ang bayad sa MarDocs sa PF. But their basic package is mura. Talo talo na lang talaga sa PF.

jeuliann

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #198 on: November 04, 2018, 08:51:15 pm »
Just an update. Nagbago na kami ng choice of hospital. We will now be delivering at Marikina Doctors. If my research is accurate, 2 years palang sya, so bago pa lang din ang mga gamit. Reason for change is walang NICU sa VT. And I might deliver early dahil bumababa na ang amniotic fluid ko. So mas maganda na may nakabaag na NICU though di naman sure na magagamit.. just in case lang sya. Were praying na sana hindi naman. Though doble nga lang din ang bayad sa MarDocs sa PF. But their basic package is mura. Talo talo na lang talaga sa PF.

Hi sis sinong OB mo? I?m from Marikina pero i will choose to deliver at Pasig Doctor?s, actually cinonsider ko din yang MarDocs, same with Pasig Doctors bago lang din na hospital. I heard some good feedback din kasi sa Pasig Doctors  at super lapit lang din sa house ng parents ko. May i know how much quote sayo sa Mardocs? Thanks sis.

_glamorosa

  • Guest
Re: marikina hospitals pls help!
« Reply #199 on: November 25, 2018, 03:30:54 pm »
Hi sis. Gave birth last 10 Nov sa MarDocs. Si Dr. Zoleta ang OB ko. Ganda manganak dun. Hindi crowded, bago mga gamit, chill ang mga tao, and lahat ng staff, from ER to Nurse's station, to OR, billing, records, and cashier, pleasant kausap. We got the CS-small private room package, worth 27k (exclusive of PF).

Nung nasa OR ako, dahil hindi naman ako pinatulog, and kahit limited ang words na pwede ko sabihin dahil baka daw kabagin ako, I was able to talk to my doctors and express my concerns. (I told my Anesthesiologist that Im nauseous; after I heard our baby cry, I immediately asked our Pedia kung may butas pwet ni baby, kung mukha ba sya normal), the likes.

Packages are posted in their FB page. They are very responsive, both in email and FB page. Nagkakatalo lang talaga sa rate ng mga doctors.

I also highly recommend our pedia, Dr. Anna Dimalanta. Napakapleasant din, tapos lahat talaga ineexplain. Nakapakahands on pati.

Sorry ang haba, but in short, we were treated very well at this hospital. I highly recommend it.

PS although it is named Marikina Doctors, its actually in Pasig. Boundary na kasi sya ng Marikina at Pasig.

PPS I also recommend (if your budget permits, and if allowable) upgrade the room of small private to suite room, lalo kung dadalaw ang family/friends.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close