watch now

Author Topic: 2012 Brides *Part 6*  (Read 83309 times)

blueflame

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #500 on: September 26, 2011, 08:26:18 pm »
Mga sis... I have been inactive for few days na. Pasensya na kayo.

Share ko lang. I have a feeling na parang ayaw ko ng ituloy ang kasal namin. Nothing's wrong with us, infact he's so much into planning At nasabi nya na he's imagining na kung ano ang mga mangyayari sa araw na yun. Hindi ko maintindihan sarili ko. ayoko na lang ituloy. Ang dami kong ng pending items pero di na ako namomotivate to do those.

May be it has something to do in building a family. Natatakot akong magka-baby. I'm having myself checked kasi gusto kong maging safe ang pregnancy ko pero natatakot ako! On september 29th, it should have been my son's 8th bday. I gave birth when i was 19 y/o right after i graduated from college. It was okay until i reached my 3rd trisem. He was premature and i had placenta plevia, yun mababa inunan, halos nakabara na sa lalabasan ni baby. It was a very traumatic experience for me kasi hindi ako sinipot ng OB ko, imaginine nyo na madaling araw nagiikot kami sa manila to find for a hosp na tatanggapin ako. Naka-7 hospitals kami pero walang gustong tumanggap sa akin dahil di daw sapat ang equipment nila. Yun iba ataw akong tanggapin dahil wala kaming dalqng pera that time. When we found a hospital at naipanganak ko na si Seann, He had to be in an incubator dahil he's premature he can't even breathe on his own. He had sepsis that caused his organs to fail, hindi na kinaya yun antiabotic and just imagine, lahat na ng pwedeng turukan ng IV naturukan na. His little feet, both hands and arms. Until di na nya kinaya. He was a month and a half when he passed away. And when he passed, sa ulo na nya nakaturok yun IV kasi wala ng ibang ugat na magamit yun mga doctors. He was a  fighter at such a young age. But the fact na hindi ko sya nahawakan, nakarga and nayakan man lang. That's very painful!

One of my friends recently had a miscarriage, the other one naman nanganak sya and her baby is also premature. Di ko pa nga nadadalaw but she said she understands kung bakit di ako makapunta. With these incidents, mas lalo akong natatakot. Anyway, hindi po si h2b ang tatay ng baby ko, it was my bf when i was in college pero di kami schoolmates.

Im grateful to the Lord because he helped me to move on. I didn't get depress, well, i did but not for long. And i am thankful that i found h2b who truly understands what i've been through. He never judged me because of what happened. He said im his inspiration and im helping him prepare to become the best father for our children. But whenever September 29 comes, i remember everything. Kung pwede lang magkulong na lang ako sa bahay.

Sorry mga sis, long read. Pasensya na kayo. Napaaga kasi gising ko. 1030 pa alarm ko eh pero di na ko makatulog.

« Last Edit: September 27, 2011, 02:34:44 am by blueflame »

qtpurple04

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #501 on: September 26, 2011, 08:59:45 pm »
^aww .. sobrang na-sad ako sa story mo sis .. teary-eyed ako while reading your post .. :'( i really don't know what to say .. but i'm hoping na ma-surpass mo yan .. it's not your fault .. maybe God's plan na rin yun kasi ayaw nya na rin mahirapan pa si baby mo that time .. pagkalabas pa lang nya kun ano ano na tinurok sa kanya .. I understand what you feel .. hirap talaga kasi ng napag daanan mo .. Thank God coz u found your h2b na malawak ang pag iisip .. dahil kun iba yan kahit past na hindi pa pinapalagpas .. Basta sis have faith to him .. Trust him .. coz he knows everything .. at sure ako sis magiging mabuting mom ka sa mga magiging baby mo .. Don't give up sis .. natural lang sa isang ina ang nararamdaman mo .. sana totally ka ng makamove-on and isipin mo na di ka papabayaan ni God at ang baby angel mo ..  ;)

mawchan

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #502 on: September 26, 2011, 09:17:14 pm »
^^ hugs for you sis di anne, sorry to hear what happened to your baby.. he was your angel and guiding you all along,  just think positive cause everything happens for a reason.., you'll build your own family and will have beautiful children  :)

hi to all sisses and bro!i miss you all!

riaenvodka

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #503 on: September 26, 2011, 09:25:40 pm »
sis blueflame, i want to hug you right now...nakakasad nga talaga sis....talagang teary eyed ako...what you have been through is not easy sis and i admire you for being that courageous and brave...kung ako siguro, i already gave up, but look at you sis, becoming more and more beautiful inside and out...i know that with your faith sis, you will be able to surpass it...keep on praying for I know that God will always guide you and bless you...

love yah sis...

xam323

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #504 on: September 26, 2011, 09:29:55 pm »
hello mga sis,

sis michiness, qtpurple04 and sis ez4gotten, actually nagkausap na kme ni h2b. Naintindihan ko naman sya at alam ko naman na para sa akin/sa amin din yung ginagawa nya.. para maging ok kame sa kanila. sadyang ganun na kase talaga yung side nya. hindi mo maintindihan. nakakalungkot lang talaga.

Ok naman si h2b kung may gusto ako na supplier pinag-uusapan muna namen tapos mag-ok na sya kaya yung iba na gusto namen hindi na namen kinukwento sa family nya and para din daw di na sila makialam sa gusto namen. hihi.
ang problem ko lang kay h2b is yung di pa rin namen napupuntahan yung church.  :( 

Mga sis Thanks po..

thanks din sis riaenvodka and sis health.gal


katrinac

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #505 on: September 26, 2011, 10:23:16 pm »
Hi mga sis!!! sigh, may sakit nanaman ako. but i have to go to work, dahil may tapusin pang report.  :'( at syempre, dahil 2 days ako nawala, bonggang back read ito! haha

blueflame  - sis, i just read your post, and super na sad ako. tatandaan mo sis everything happens for a reason naman diba? i love you sis. naiiyak ako  :'( have faith in him sis, and you're lucky na dyan si h2b mo to support you palagi. hugs for you sis.

maldita29 - welcome sis sa thread! happy preps.

qtpurple04 - sis! namiss kita sa thread ah! madalas sa FB nalang tayo nag kakakatagpo. and goodluck sa pag ocular nyo ni Papa J! ;)

chelle_peachy0524 - you're welcome sis! sulit talaga ang Velvet mood, and dami din good feedbacks. kaso sa dami nilang numbers, di ko alam kung sino ang cocontakin. sis, narining ko nga din sa friend ko, maganda dyan sa Rainforest. san ba banda yun? about sa photographer sis, okay naman yang idea mo na yan. yan din actually sinuggest sakin ni mom ko, sabi nya ganon nalang daw ang gawin namin, then hanap ng magandang pag printan. pero dahil may pv na kami, di kami nag stick sa ganon na plan. pero make sure lang na maganda rin ang kuha ng kukunin mong photographer sis. baka naman di ganon kaganda, sayang lang din.

michiness - weeeehh!!!congrats sa accomplishment sis!!! ;) btw, kamusta naman ang pag prepare ng breakfast for h2b sis? ako every weekends,ako lagi prepare ng breakfast ni h2b. ang sarap ng feeling ano? hehe. lalo na pag nakita mong nasarapan sya sa niluto nya. re: guests, hay naku, kami naman medyo di na problema sa guests, pero ang major problem namin ngayon ay ninong and ninang. may pinapa dagdag si FMIL sa listahan. e kumpleto na kami. eh di naman ako makatanggi :( siguro, kailangan mag tweak kami ulit ni h2b ng principal sponsors. habang tumatagal, lalo may mga major changes. sis, siguro si sis juice ay busy mode sa wedding preps kaya di makavisit. hehe.

ez4gotten  - waaaah, ang layo nyan. nalala ko si h2b, sya kasi, kada punta nya ng bahay, more travel din sya. bulacan - Las Pinas. kaya nangangayayat sya lagi sa byahe.  ;D awww sis, naturwa naman ako sa nabasa ko sa post mo. maganda nung ganyan na realization. kasi may iba, though hindi naman dito sakin, may mga nababasa kasi ako sa ibang forum, nung iba nagsisisi, kasi nagpakasal daw, tapos saka lang nila na realize na di pala sila ready.

xam323 - naku sis, sana maayos na nung prob and makausad na sa wedding preps.

augbride - sis, just like you wala din kami wedding planner ni h2b. lahat ng tips dito ko din nakuha sa GT. and ang sarap ng ganitong stress eh. fun at the same time naman kasi pati.

prettymamie - sis, san ka nag pagawa ng wedding caricature? parang bet ko din ata nyan, pang invites sana namin ni h2b? pa pm naman sis sakin how much if okay lang? :D

vincris16 - ay sis, nakakaexcite gumawa ng ganyan, lalo na pag kasama si h2b!!! ano ang nakuha nyong souvenirs sis? and re: invites? okay din ba packages nila dun?

riaenvodka - welcome back sis!!! ;) and belated happy birthday kay h2b. and sis, kinilig ako bigla sa kwento mo! and isa pa, wala sa mamahalin na singsing yan. basta nung feel na sinuot nya sa kamay mo, at tinanong yung tanong na yun, aba, isa yan sa greatest feeling on earth! hehe

prehtsel14 - naku sis, yan ang hirap pag maganda ang venue, tapos ang hirap naman puntahan ano. hhm, partial ako sis sa question mo, syempre ako id vote for GEH> hehe. alam mo yan :D wag na maiyak sis. virtual hugs for you. samahan ko pa ng kiss!  :-* re: promo, naku sis, maraming mga promos ulit na dadating nyan. ;) kaya abang abang ulit. ako din nag aabang ng photobooth promo.

health.gal - sis mukhang nabasa ko na somewhere nung sjb chorale, pero di ko matandaan kung san. hhhm, sa december sa pagpunta namin dun, ask ako ng copy para maasikaso narin namin nung design. lahat ba ng mga pupunta sa church dapat merong copy nito? naku, extra gastos pala to for printing. baka pa photocopy ko nalang. di na lagyan ng design. hehe. hhm, about sa pag post sa blog spot sis, gawin mo save mo nalang muna as drafts sis, para di sya ma publish. re: tampo, sis, tama ka nga just look on the positive side, at least he shares what he wants din sa wedding diba? :) kaso, yun nga lang, mahirap pag tinalo ka pa sa pagka fickle minded. hehe. :D baka naeexcite lang din talaga ng bonggang bongga si h2b :)  at dahil dyan, isang bonggang virtual hugs para sayo!

augbride - thank you so much sis! :) naku, nahihirapan na nga ako imaintain, kasi wala na ako maisip mailagay. gusto ko lang kasi every month ako nagsusulat dyan. share ko lang, kahapon kausap ako ni h2b, and tanong nya, pano daw kapag kasal na kami, pano na daw nung blog ko. sabi ko naman, papalitan ko na nung title, di na certified bridechilla. - magiging certified wifechilla na. hahah. :D

lennie.bong - sis, mukhang dyan kami mag honeymoon ni h2b sa ilocos! :) btw, tiga dyan ang mother side ko. ilocos sur kami. :) maganda nga dyan sa paoay. btw, na excite ako sa magiging suppliers ratings mo.
 
orangerain - welcome sis sa thread! naku kung may 8. birthday ko yun. hihi. go go na sa may 8! ;) swerte ang 8 kasi pataas. hehe


mga sis; hitgirl00 Judessec lennie.bong mawchan hello sa inyo!

ez4gotten

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #506 on: September 26, 2011, 10:52:07 pm »
hugs for you sis blueflame. you're baby is now on heaven and siya ang angel mo kaya wag ka na masyado magworry. i'm sure if the time comes na magkakaroon ka na ulit ng isa pang baby, baby seann will guide nyo. siya ang i-aassign ni God to watch over you and his li'l bro or sis. kaya wag ka na sad. magiging good parents kayo ni papa karl for sure. :-* para maging kampante ka na i'll share my friend's story sayo. dalaga pa siya sinabihan na siya ng doctor na mahihirapan talaga siya magka-baby. pero when she got married nabuntis naman siya after less than a year. kaya lang nakunan siya. she was so depressed that time. pero after ilang months lang they tried again. this time nagpa-work out (i hope tama ang term) sila sa OB. ayun, buti naman nakabuo ulit, although hirap pa din sa pagbubuntis (as in she had to resign from work), she's on her 8th month na. through prayer and alaga lang malapit na siya magkaroon ulit ng panibagong baby. kaya i'm sure kayo mo din yan. pano naman si papa karl who wants nothing but to spend the rest of his life with you kung ngayon ka pa magbaback-out. be strong sis.

sis kat pagaling ka. :-* and yep, i'm all set and ready for this new life. :D kahit magka-prob kami ni papa p, basta pray lang ng pray.

welcome sis orangerain. :)

sis health.gal sabi ng PV ko di niya sure how to get permit dahil yung client nya nag-ayos. pero don't worry, if matapos ko na tong project ko kukulitin ko siya to contact his client and ask. ;)

health.gal

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #507 on: September 26, 2011, 11:17:14 pm »
sis katrinac – re misalette, I attended a wedding na mga members lang ng entourage ang meron, okay lang yun. Thanks sa bonggang virtual hugs. Pagaling ka ha.

sis ez4gotten, thanks sis, no need to rush po. Thanks talaga.

health.gal

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #508 on: September 26, 2011, 11:18:49 pm »
sis blueflame – thanks for trusting us and for sharing your story. Naiyak ako, I’m really emotional when it comes to babies. Rest ka muna sa preps, let your emotions pass, cry if you want to. Soon, you’ll be okay, I’m sure of that. Alam mo kung bakit? Kasi you have an angel named Seann who’s watching over you. I’m giving you my one tight *embrace*.

hitgirl00

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #509 on: September 27, 2011, 12:13:16 am »
Hi ladies (and gents) :) haba ng backread 4 pp agad! sorry windang ako kay Pedring, affected much ang work ko tuwing may suspension of classes  :o tried to browse your posts para updated naman ako :)

sa lahat ng baguhan: hello and welcome po! di kayo nagkamali ng sinalihan na thread dahil ang mga sisses dito super nakatulong sa akin :) enjoy your stay :)[

sa mga umusad na wedding preps congrats mga sis, keep up the good work! :)

sa mga nakakaexperience ng humps sa buhay sisses, tuloy ang laban! if there's a will, there will always be a way :) i hope maayos na lahat ng probs especially with your h2bs :)

blueflame hi sis, thank you for trusting us. appreciate your courage to tell us your story. usually kasi people would prefer to keep these things in private. i know what you're going through is tough... sometimes, things in the past will haunt us -- but i hope you wont let yourself be intimidated by this. Seann is indeed an angel, i'm sure he's smiling at you right now because of the great life that awaits you with your h2b.. stay strong sis... :)










chelle_peachy0524

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #510 on: September 27, 2011, 12:56:02 am »
hay... sana lubayan na tayo ni bagyong pedring!
nakakatuwa talaga itong thread na ito... nagbackread na naman ako ng bongga hahahha

sis blueflame- hugs for you...naiyak talaga ako while reading your story... as a mom i feel your sentiments as well... but then dont worry kasi andyan si h2b by your  side tapos andito pa kami :) cheer up :)

sis katrinac and riaenvodka - yung napili ko kasing photographer mura lang pero de kalidad naman yung pics nya. i visited his site and sya rn yung kinuha ng friend ng kuya ko... me mura syang package kasi... so naisip ko kunin ko na lang yung pinakamura nyang service tapos magpaprint na lang ako ng coffee table book. nakita ko yun sa sulit.com sa kakahanap ko ng difference between hardbound, magnetic and coffee table album hehheh ang kulit lang... 4k yung pinakamura, 40 pages na but still i need to look for the quality they produce naman.

sis katrinac yung rainforest sa pasig sya. maganda rin naman sya parang parks and wildlife din pero parang mas maganda sa ecopark no? ang layo na nga lang...

nasabi ko na ke h2b yung tungkol sa expenses. of course hindi ko rin naman sya mapipiga talaga kung konting halaga lang yung kaya nya. sabi nga nya, ako na bahala sa plano, sya sa gastos... the usual di makausad dahil until now wala pa rin kaming church haist! istorbo pa si pedring...

naisip ko yung point ni h2b about videographer... bakit pa kukuha nun eh kung sa katagalan eh hindi mo na rin mapapanood....

back to mommy mode ulit... nagising na si baby :) wave wave again!


patchi2012

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #511 on: September 27, 2011, 01:24:19 am »
@ sis blueflame wag ka ng ma sad sis, for sure your lil angel was guiding you, at isa pa, ayaw din nyang makita na nalulungkot ka, yung date na yun sis, will be just a reminder na you win over a battle, naging courageous ka sa pag harap sa lahat...God was good sis, di ka nya pinabayaan, and he give you someone to be with you.

@ sis rainevodka at last sis, o di ba tama mga sisies natin dito na may surprise pala e....

@ sis michiness lol,,word of the day *shoray-- naku sis wala nga akong ka taste taste pumili sa mga heels kasi naman boyish ako e, kaya siguro ganun, i bought the 1st pair anne klein, kaso black naman sabi ni h2b pano ba daw yan bakit black, sabi ko naman, pano, type ko e, tsaka madami na ngayung nag susuot ng black as a bridal shoes, 2nd naman torquise sya, wer n midnight blue naman motif namin,,lol,,yung stones nya kasi blue, kaya pra sakin oks lang,..

@sis qtpurple ako sis, go pa din, kahit na tagilid ang uwi, positive ko nalang ang lahat, winaksi ko na ang mga worries ko, h2b influence me kasi, sabi kasi nya, wag daw naming isipin ang mga bagay na wala pa naman, kaya ayun last month tapos na suit nya, kaya na inspire naman ako so, bili din ako ng shoes, and we never stop talkin bout our wedding, i do admit na before na disappoint din ako, but, for now gagawin ko nalang makaya ko......and i admire your h2b na sya din mismo nag encourage sa yo na matuloy kayo next year at isa na dun sis ay yung kakayod sya para added sa pang gastos, o di ba

@ sis health.gal mahirap nga sis na ldr na nag away pa, hehe, pag may prob ka kasi tapos nasa malayo ka pa, then lam mo naman mga guys di masyadong ma kwento yun sa mga friends alang outlet, minsan dinidibdib lang talaga nila, unlike sa tin pag masama loob, may maka chika lang wala na,kaya tama yung decision mo na keep lang muna,

welcome po sa mga bagong bride 2012...

health.gal

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #512 on: September 27, 2011, 01:47:09 am »
...naisip ko yung point ni h2b about videographer... bakit pa kukuha nun eh kung sa katagalan eh hindi mo na rin mapapanood....

sis sorry hindi ko na-gets. bakit hindi na mapapanood pag sa katagalan?

augbride

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #513 on: September 27, 2011, 02:51:55 am »
sis katrinac sana nga ma-maintain mo. then someday, it'll be Certified Wifechilla.  :) pero supportive naman si h2b sa pagbblog mo?

sis blueflame grabe. pinaiyak mo ako at pinahanga at the same time. :'( just like what they said, everything happens for a reason. hats off ako coz if i were in your shoes, i wouldnt know how to move on. you're soo lucky God gave you someone like your h2b. hug!
« Last Edit: September 27, 2011, 12:55:26 pm by augbride »

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #514 on: September 27, 2011, 12:09:09 pm »
Guys, Pedring is on the loose! Be safe po. Stay at home na lang hangga't maaari. I'm on leave na today. Hirap makipagsapalaran sa typhoon lalo na at kakagaling ko lang sa sakit.

Sis blueflame, I really really want to hold your hand right now after reading your post. For a small span of time na nagkakilala tayo at nagkausap, you were definitely one heck of a woman. You were so nice, so strong, so bubbly, and I do admire you for that. Pag may mga problems kami ni h2b with regards to wedding preps, I thought about how dedicated you and your bebe karl was on these matters. You really are an inspiration to both of us. Tama ang mga sisses natin. Everything happens for a reason. Grabe yung trials na pinagdaanan mo before. But don't let this be  hindrance in building a famioly with Karl. God will provide. Seann is with Him na, and he wants his mommy to be happy. Be extra strong deary. Kahit ako, I'm really afraid. I have my own paranoia. But still, I want to marry the man I love. Whatever it takes. Prayers are powerful. We could all surpass trials thru prayers.

Hello sis qtpuple, sis mawchan, sis ez4gotten, sis hitgirl, and sis riaenvodka!

Sis xam, that's really hard. I feel for you. Pero need pa rin nating makisama sa in laws. Hopefully maging okay ang lahat. :) Good luck on your wedding preps sis. Kaya yan. :)

Sis katrinac, tenchuness! :) Actually, pag dito siya umuuwi sa bahay, I always cook for him din. hehe... At tohmoh, ang saya saya pag nagugustuhan nya yung mga niluluto ko for him. ;) Kami naman, nilimit lang talaga namin ang PS sa 6pairs. Napagusapan na din yun nung namanhikan so both sides understood. Na-stress lang ako sa mga lola ko (kapatid ng aking grandma) na gustong gawing ring bearers ang mga apo nya. Actually pinagbigyan ko na, we have 4 bearers na nga eh - ring, coin, rosary and bible. Tapos may gusto pang idagdag na apo. Huhuhu... Eh ano na ang ipapadala ko dun sa bata??? Buti naman at napaliwanagan na namin ng maayos with the help of my tita. hehe... Get well the soonest sis.

Sis patchi, LOL. At talagang tinatandaan mo ang mga cheverlou ko. ;) Naku, parehas tayo. Di rin ako mahilig mag-heels eh. I always wear flats. Mas comfortable kasi lalo na at nagco-commute lang ako. Para always ready makipagtakbuhan at makipagunahan sa pagsakay ng bus. hehe. Parang mas okay nga yung turquoise na shoes sis. hehe. Swak pa sa motif nyo.

Sis health.gal, baka he meant like the old times, yung mga videos na naka-betamax, di na mapapanuod dahil vhs na uso. Then yung mga naka-vhs, di na mapapanuod dahil CD na ang in. Ang mahal pa magpa-convert. Then so on and so forth na innovations. Or baka dahil, comparing to my debut video from along time ago, hehe, parang nabalewala na ito at di na napapanood. Pero now naman, digital na lahat. Nakaupload na nga sa net so IMO, keri na ang videographer. hehe. Para ma-capture ang memories in live action. LOL. Bakit nga ba sis chelle? ;)

ez4gotten

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #515 on: September 27, 2011, 01:29:38 pm »
good afternoon sisses! ang lakas ni pedring! pwede kami magwork from home pero ito, i'm still here sa office. huhu. kasi naman yung manager ko nag-schedule lang ng performance appraisal ngayon pa. syempre naman usapang increase ito kaya i can't afford to miss it. lol!

i hope you're okay na sis di. ;) karl will be there for you to understand you all the way.

stay safe everyone. work mode muna. :D (pabibo para sa appraisal. lol!)

kaway kaway sa lahat!

vincris16

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #516 on: September 27, 2011, 02:15:14 pm »
sis blueflame nasad naman ako sa story mo.. hugs and kiss for you sis..  isipin mo na lang sis anjan pa din si h2b mo kahit anoh mangyari..

sis katrinac, wow kayo ni sis mitch nagprepare ng breakfast hehe.. inggit naman ako.. kasi ako antukin kaya palague si h2b ang nagpreprepare pag nauwe ako sakanila hehe..
pati ipapaligo ko pag malamig na malamig siya din nagprepare kasi sakitin tiyan ko kaya di pwede malamigan maigi..

mga sis hello hello..

baka hindi ako makapunta sa mega sa 15 or even 16 huhuhu pwede ba kayo sa PICC meron din hehe..
08-09 naman sya..

health.gal

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #517 on: September 27, 2011, 02:20:52 pm »
hi sis michiness, sabagay, baka nga. yung video coverage ko kasi during mg 7th birthday buhay pa. hehe. nasa betamax pa yun. napa-convert lang. na-curious lang ako sa post ni sis chelle ;)

sis ez4gotten, ingat ka sa pag-uwi ha

sis vincris, pwede din ako sa 8-9 PICC fair.

wala kami office today. kaya lang, brownout sa bahay. eh pag nag brown out pa naman dito, hindi sakop ng generator yung mga loob ng units, so hallway lang may ilaw. as i was about to leave para dun magstay sa bahay ng parents ko, saka naman na-restore ang electricity. buti na lang. nakakatakot si pedring.

stay safe everyone!

ishi90210

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #518 on: September 27, 2011, 03:10:52 pm »
My goodness part 6 na pala to  :o mahaba-habang back-reading ang need ko. last post ko dun pa yata sa part2 eh...

sis blueflame i'm sorry to hear that sis. I know you're confused and scared pero you know what, just think na happy yun baby mo for you kasi you finally found your one true love. just hang tight sis, babalik ulit yun excitement mo with planning your wedding ;) *hugs*


michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 6*
« Reply #519 on: September 27, 2011, 03:23:41 pm »
Sis ez4gotten, LOL. Kaya ba mega pasok ever ka kahit binabagyo na? Dagdag sa kaban ng cash yan kaya gow. Pero super ingat po okay? Mejo humina na si Pedring. But still, take extra precautions.

Sis vincris, ganun naman si h2b ko pag sa kanila ako umuuwi. :) Ipinagiinit din ako ng pampaligo. LOL. Masyado kasing malamig tubig dun sa kanila. Dito kasi sa atin, parang timplado ng ang water temp. Ano ba yung fair sa PICC? Saan magreregister? Not quite sure kung keriboom boom pa kami dun. Pero morning kasi ng Oct8, sa Quiapo ang destination namin.

Sis health.gal, LOL. Yung mga videos namin na nasa VHS at Betamax, wala na, di na naipaconvert sa CD/DVD. Nasayang nga tuloy. Buti wala kayong pasok today. Dun sa office namin, maaga ding nagpauwi. Buti at di na ako pumasok. May nag-fall alvarez na billboard dun sa may Buendia, near PNR station. Sa bus pa nalaglag. Buti at wala naman nasaktan. Dun pa naman dumadaan bus na sinasakyan ko. Kaya stay at home na lang tayo as much as possible. At let's pray na makaalis na si Pedring. Though mukhang meron na namang papasok na isa pang storm.

Sis ishi, LOL. Goodluck naman sa backread. 1day lang ako umabsent, two pages na agad ang backread. hehe.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close