Hi mga sis!!! sigh, may sakit nanaman ako. but i have to go to work, dahil may tapusin pang report.

at syempre, dahil 2 days ako nawala, bonggang back read ito! haha
blueflame - sis, i just read your post, and super na sad ako. tatandaan mo sis everything happens for a reason naman diba? i love you sis. naiiyak ako

have faith in him sis, and you're lucky na dyan si h2b mo to support you palagi. hugs for you sis.
maldita29 - welcome sis sa thread! happy preps.
qtpurple04 - sis! namiss kita sa thread ah! madalas sa FB nalang tayo nag kakakatagpo. and goodluck sa pag ocular nyo ni Papa J!
chelle_peachy0524 - you're welcome sis! sulit talaga ang Velvet mood, and dami din good feedbacks. kaso sa dami nilang numbers, di ko alam kung sino ang cocontakin. sis, narining ko nga din sa friend ko, maganda dyan sa Rainforest. san ba banda yun? about sa photographer sis, okay naman yang idea mo na yan. yan din actually sinuggest sakin ni mom ko, sabi nya ganon nalang daw ang gawin namin, then hanap ng magandang pag printan. pero dahil may pv na kami, di kami nag stick sa ganon na plan. pero make sure lang na maganda rin ang kuha ng kukunin mong photographer sis. baka naman di ganon kaganda, sayang lang din.
michiness - weeeehh!!!congrats sa accomplishment sis!!!

btw, kamusta naman ang pag prepare ng breakfast for h2b sis? ako every weekends,ako lagi prepare ng breakfast ni h2b. ang sarap ng feeling ano? hehe. lalo na pag nakita mong nasarapan sya sa niluto nya. re: guests, hay naku, kami naman medyo di na problema sa guests, pero ang major problem namin ngayon ay ninong and ninang. may pinapa dagdag si FMIL sa listahan. e kumpleto na kami. eh di naman ako makatanggi

siguro, kailangan mag tweak kami ulit ni h2b ng principal sponsors. habang tumatagal, lalo may mga major changes. sis, siguro si sis
juice ay busy mode sa wedding preps kaya di makavisit. hehe.
ez4gotten - waaaah, ang layo nyan. nalala ko si h2b, sya kasi, kada punta nya ng bahay, more travel din sya. bulacan - Las Pinas. kaya nangangayayat sya lagi sa byahe.

awww sis, naturwa naman ako sa nabasa ko sa post mo. maganda nung ganyan na realization. kasi may iba, though hindi naman dito sakin, may mga nababasa kasi ako sa ibang forum, nung iba nagsisisi, kasi nagpakasal daw, tapos saka lang nila na realize na di pala sila ready.
xam323 - naku sis, sana maayos na nung prob and makausad na sa wedding preps.
augbride - sis, just like you wala din kami wedding planner ni h2b. lahat ng tips dito ko din nakuha sa GT. and ang sarap ng ganitong stress eh. fun at the same time naman kasi pati.
prettymamie - sis, san ka nag pagawa ng wedding caricature? parang bet ko din ata nyan, pang invites sana namin ni h2b? pa pm naman sis sakin how much if okay lang?
vincris16 - ay sis, nakakaexcite gumawa ng ganyan, lalo na pag kasama si h2b!!! ano ang nakuha nyong souvenirs sis? and re: invites? okay din ba packages nila dun?
riaenvodka - welcome back sis!!!

and belated happy birthday kay h2b. and sis, kinilig ako bigla sa kwento mo! and isa pa, wala sa mamahalin na singsing yan. basta nung feel na sinuot nya sa kamay mo, at tinanong yung tanong na yun, aba, isa yan sa greatest feeling on earth! hehe
prehtsel14 - naku sis, yan ang hirap pag maganda ang venue, tapos ang hirap naman puntahan ano. hhm, partial ako sis sa question mo, syempre ako id vote for GEH> hehe. alam mo yan

wag na maiyak sis. virtual hugs for you. samahan ko pa ng kiss!

re: promo, naku sis, maraming mga promos ulit na dadating nyan.

kaya abang abang ulit. ako din nag aabang ng photobooth promo.
health.gal - sis mukhang nabasa ko na somewhere nung sjb chorale, pero di ko matandaan kung san. hhhm, sa december sa pagpunta namin dun, ask ako ng copy para maasikaso narin namin nung design. lahat ba ng mga pupunta sa church dapat merong copy nito? naku, extra gastos pala to for printing. baka pa photocopy ko nalang. di na lagyan ng design. hehe. hhm, about sa pag post sa blog spot sis, gawin mo save mo nalang muna as drafts sis, para di sya ma publish. re: tampo, sis, tama ka nga just look on the positive side, at least he shares what he wants din sa wedding diba?

kaso, yun nga lang, mahirap pag tinalo ka pa sa pagka fickle minded. hehe.

baka naeexcite lang din talaga ng bonggang bongga si h2b

at dahil dyan, isang bonggang virtual hugs para sayo!
augbride - thank you so much sis!

naku, nahihirapan na nga ako imaintain, kasi wala na ako maisip mailagay. gusto ko lang kasi every month ako nagsusulat dyan. share ko lang, kahapon kausap ako ni h2b, and tanong nya, pano daw kapag kasal na kami, pano na daw nung blog ko. sabi ko naman, papalitan ko na nung title, di na certified bridechilla. - magiging certified wifechilla na. hahah.
lennie.bong - sis, mukhang dyan kami mag honeymoon ni h2b sa ilocos!

btw, tiga dyan ang mother side ko. ilocos sur kami.

maganda nga dyan sa paoay. btw, na excite ako sa magiging suppliers ratings mo.
orangerain - welcome sis sa thread! naku kung may 8. birthday ko yun. hihi. go go na sa may 8!

swerte ang 8 kasi pataas. hehe
mga sis;
hitgirl00 Judessec lennie.bong mawchan hello sa inyo!