very interesting thread.

honestly, naging dilemma and source of stress ko these past few weeks whether to get an OTD coordinator or not. before h2b's proposal, sinabi ko na sa sarili ko na pag kinasal kami, kukuha ako ng OTD coordinator. Main reason ko, i'm a worrier, at ayaw ko ng stress. Kaso lang, biglang nagoffer ang mga sisters ni h2b na maging OTD coordinator namin. Don't get me wrong, I really appreciate the gesture. For them to volunteer na gawin ang ganung kabigat na task eh talaga namang nakakatouch. Pero at the back of my mind, I still want to hire instead of delegating the task to family and friends. Unfortunately, h2b is okay with the idea na sisters nya ang mag OTD coordinator for us. Napapayag ako sa idea kasi nahihiya ako to turn down yung offer nila, plus agree din kasi si h2b na wag na nga lang maghire. Napapayag ako, kahit deep inside worried na worried nako. So ilang days naging issue to saming dalawa. To the point na naiiyak nako sa stress. Anyway, to cut the story short, after telling my h2b yung real feelings ko about OTD coordinator, nagkaron kami ng change of plans at napapayag ko na siya for us to hire one!!! Yehey!
Di ko pinost to, para iconvince other bride to be na mag hire ng OTD. Its your wedding! kaya kayo pa din masusunod.

Atchaka, mas kilala nyo sarili nyo, friends and family nyo. Mas alam nyo kung kaya nila iexecute ang tasks na idedelegate if ever.
Anyway, for brides who opted not to hire an OTD, ishare ko lang tong mga naexperience ko sa mga weddings without OTD, para as early as now, makaisip na kayo ng contingency plan.

1. Dahil walang OTD, during the preps, si bride ang nagfofollow up ng arrival ng entourage. Pati directions papunta sa church siya ang tinatawagan. At ang nakakalungkot pa dito, nalate at kalagitnaan na dumating ang maid of honor at isang bridesmaid.
2. Sa friends dinelegate yung pag check ng sound system sa church. unfortunately, di napansin na merong hindi compatible sa music. ang ending, nataranta sa paghahanap ng another laptop yung kakanta sa bridal march.
3. dahil walang nagassist sa bridal march, antagal bago nagstart yung procession, nagaantayan kasi kung sino mauuna,
[textspeak!] music o yung paglalakad. medyo nainip na yung mga guests.
4. sa cutting ng cake, nagtanungan pa kung asan yung pang cut ng cake, yun pala nakalimutan na nung bridesmaid dahil busy sa pakikipagkwentuhan.
5. may dumating na di nag rsvp, si bride pa ang nangarap sa pagcoordinate sa caterer para mabigyan ng place.
some of the details na make sure maendorse/madelegate ng mabuti para di stressed si bride sa wedding day itself.

para naman sa mga brides like me who opted to hire an OTD. wag nating iexpect na dahil may OTD eh wala ng magiging glitches. Hindi pa din natin masasabi na magiging perfect ang lahat. Kailangan pa din talaga ng preparation at matinding dasal.. At isipin na lang natin, at the end of the day, married na tayo sa ating love of our lives!! hehe.. happy preps everyone.
ang haba lang ng post ko.. hehe