subscribing! hehe...
hindi ako ang ikakasal kundi yung kabarkada ko na ikakasal ngayong November.. hindi kumuha ng OTD ang kabarkada ko at ang H2B nya, ang ginawa na lang nila eh kinuntsaba nila ang mga barkada nila para tumulong sa pag-aayos ng wedding nila.. limang magbabarkada ang bride, siya at ang apat na bridesmaids (including me), tapos walo naman ang sa groom, kasama ang best man at mga groomsmen..
magkakakilala naman yung barkada namin at barkada ng groom dahil a year before the wedding nagkakilanlan na.. to the point nga na parang ang tagal na naming magkakilala pag nagkikita kami.. hehe.. anyway, bale kami ang magiging coordinating team ng wedding ng kabarkada namin..
sa ngayon halos lahat ng major suppliers ng couple eh na-book na.. as of last na pag-uusap namin ayos na ang church, reception venue, catering, damit ng entourage, wedding ring, photog at invites.. the rest eh either pina-finalize na lang ang detalye or under negotiation pa lang.. binigay na rin sa amin ng couple ang paunang tasking namin, pag-uusapan na lang yung iba pang details as time goes..
kaso habang binabasa ko ang thread na to parang bigla akong nalula sa mga tasks na gagawin ng coordinating team, lalo na yung entire list.. hehe.. but seriously, bigla akong na-concern, kasi nga kasama kaming lahat sa entourage tapos may mga tasks na sa tingin ko ibang tao liban sa amin ang dapat na gumawa.. especially yung mga kailangang asikasuhin sa church an hour before the ceremony at mga aasikasuhin sa reception an hour before that.. eh paano namin magagawa yun gayung kasama kami sa entourage?
tapos pressured din kaming magbabarkada, lalo na ako.. kasi naka-toka ako sa pag-aasikaso ng guests during the reception, along with three others.. ang siste pa, since hiwalay ang parents ng bride, kanya-kanya silang dala ng mga guests nila; naturalmente, paghihiwalayin sila sa seating arrangement.. pressure dahil kilalang mapang-mata ang family ng bride sa mother's side (kung hindi pa matindi yung nilait nila yung fiance nya, I don't know what is), so kung hindi magiging maayos ang flow ng kasal todo lait ang aabutin ng bride pagkatapos.. ayaw naman naming mangyari yun, and at the same time ayaw din naming ma-stress si bride sa araw ng kasal nya.. 
grabe dama ko na talaga ang wedding fever kahit hindi ako ang ikakasal.. sana mairaos namin ito..
hi sis just wanna share my pov by not getting a coord.naging issue to nung wedding planning ko MIL ko ang against dyan reason nya "madami kameng kamag anak na pwedeng gumawa ng mga gagawin ng coord mu at para makatipid kayo" sagot ko pero ke hubby ko lang sinabe ha

"hindi ko kailangan ng bonggang kasal! ang kailangan ko maayos lang" wala syang nagawa kumuha ako sa isip ko "bakit si MIL ba magsho-shoulder? pera naman namen to ah! kasal ba nya?" hahaha!
anyways,sis sabihin ko lang mga scenario on that day...i got otd 5 members sila.sabay-sabay silang dumating sa hotel pinakain ko muna at 2 sa kanila umalis agad papuntang church & venue dala-dala na nila yung mga bm/moh/ps/mothers bouqouet & boutonniere.arrhae,pillows,candles.kung may diys like "here comes the bride" banner dala na din.3pm ang wedding pumunta na sila by 11am dun. kayang gawin ng mga bms or moh yun sis pero since kasama sila sa ento so dapat earlier than 11am nakapag make up na sila & nakadress?
since lalakad kayong lahat sa aisle sino ang magbibigay ng signal kung sino na ang sunod,sa kakanta,or music? kanya-kanyang lakad? panu malalaman ni bride na sya na ang maglalakad kung walang magsasabe since nakasara ang door diba? pag nagbukas na ang pinto yun na lang? kung ganun sino ang magsasabe dun sa mga magbubukas ng pinto since lahat kayo nakaupo na sa unahan dahil nga ento kayo

otd ko kasi may radio sila at meron talaga nakatoka saken na kasama ko hanggang mag cr ako

at may radio din syang dala.
sino ang kasa-kasama ni bride ayusin ang trail nya,ang veil or kung pinapawisan sya magbigay man lang ng tissue sa kanya? or panu pag nawiwiwi sya?imagine sis nakagown si bride anhirap suotin at tanggalin kapag walang tutulong!yung taong yun ang magiging buddy buddy ni bride believe me kung wala akong kasama nun iiyak na ko sa hotel pa lang anhirap sis.asan ang moh ko? ayun nagpapamake up at nagpipicture din pero im not galit sis ha gusto ko yun para maenjoy nya ang wedding ko ang tanging nagawa lang nya sa kasal ko is hawakan ang mic nung nagbibigay na kame ng vows

ang relaks nya diba? hahaha
sa venue sino dapat nakatoka sa registration,floor plan ( e.g sa left side fam ni hubby,sa right naman ke bride ) sa mga balance ng suppliers sino maghahawak ng pera please wag sa bride! imagine kung maya't maya may bubulong sakanya in the middle of the program hindi na na enjoy ni bride diba?
sis naiimagine mu ba mga gagawin nyo? mahirap yan sis hindi na kayo nakapag enjoy sa wedding at worst gutom pa malamang kayo.para saken kaya nyo naman gawin sis pero nireready lang kita sa mga mangyayare

kahit may otd ako sis may mga palpak pa din pero kame lang ng coord ko ang nakakaalam pero maliliit na bagay lang naman sis like asan na ang projector bat hindi pa nilalagay ganun lang

sis alam mu sa fam ni hubby pag may kinakasal sakanila sila-sila lang mga tita nag aasikaso.yung last nilang hinandle na wedding ng pamangkin nila ayun naglakad si bride ng walang music,nagstart na si father napakaingay ng mga tao bulungan & worst pictorial sa church kung sino sino na lang nagpapicture sa couple kasi walang sistema.nung nalaman nga nila tita na kumuha ako ng coord 2 tita ang nagsabay nagsabe na "hay salamat sitting pretty kame nun"

sis pov ko lang ah ako din budgeted wedding pero i make it sure coordinator ang hindi mawawala sa wedding day ko para saken aanhin ko ang 15k (with emcee na po yan) na mawawala saken kung puro kapalpakan naman ang matatandaan ko sa wedding day ko.

kausapin mu si bride sis at kung ayaw nya talaga kumuha ng otd just tell me share ko sayo yung wedding checklist ko para sureball wala kayong nakalimutan

sis better ipag gt mu na din si bride hehe para mabasa nya mga pwedeng mangyare sa kasal nya