^ couldn't agree more. nakakaawa talaga ang mga aso sa puppy mills. andami ko ng nakita na vids na tungkol dyan, my God, nakakaiyak na makita yung condition nila. they we're deprived simula pa lang sa mill, tapos pag dinala pa sa pet stores, mararanasan pa rin nila ang iba't ibang klaseng deprivation like kulang sa tamang pagkain, pati yung crate na pinaglalagyan sa kanila kadalasan sobrang liit (tulad na lang nung nabasa ko sa, i think, old website ng paws, na isinumbong ng isang concerned citizen about the harsh condition of a big dog sa bioresearch).
i bought my first dog, pero hindi sa pet store. i got her from my aunt na hindi na kayang sustentuhan yung needs ng dog (a lovely purebred female dachshund). regalo naman yun sa kanila ng amo nila na breeder ng mga doxies. so when i heard from my sister that my aunt is giving up their dachshund, kahit wala talaga kaming kapera-pera nung time na yun, talagang kinuha namin sya. i remember, ni-withdraw pa namin sa bank yung natitirang pera namin para mabili (but i like to use the term "ma-adopt") lang yung dog from my aunt. ayokong mapunta lang sya sa ibang tao na itatali lang sya sa harapan ng bahay...maulanan at maarawan na lang.
oh, i have another doxie pero anak sya ng unang dog namin. i will never buy a pup from a pet store. they're all for the money eh. sa totoo lang, nakita ko na kung gaano ka-unhygienic ng mga cages nila. and how they treat those animals, di maganda.
may friend kami ni hubby na may-ari ng isang pet store. before, palagi kaming nabisita dun. hay, nakakaawa ang hitsura ng mga aso. kahit cute sila, kung talagang dog lover ka, mararamdaman mo na sad sila. sobrang liit ng space tapos mainit pa dahil ceiling fan lang available. one time may golden ret silang nakadisplay. hindi na makatayo yung dog, lagi lang sya nakaupo or nakadapa. kahit nga maupo sya, his head was bowed down dahil sobrang sikip. ni umikot hindi nya magawa. hindi lang ako makapagreklamo. and imagine, kung matagal silang "on display", syempre hindi talaga sila maiaalis sa cage nila. it only means, hindi man lang malinis/madisinfect ng maayos yung kulungan. tapos every sunday, sarado yung store nila. eh yung friend ko na nakatira just in front of that pet store told us na talagang pag sunday, never nagbubukas ang store na yun. mukhang di man lang daw pinapakain. tapos before daw yun magsara ng saturday night, pinapatay ang ilaw. so simula saturday night hanggang monday morning wala silang ilaw. malamang nilalamok na yung mga aso dun. one time naman napadaan dun ang mom ko, sunday afternoon, nitong summer lang. eh di ba sobrang init nun. aba, umaalulong daw ang mga aso. wala na ngang food and water, wala pang proper ventilation. kawawang mga aso.
well, kanya-kanyang discretion lang yan. mas maganda nga kung mag-adopt na lang from shelters kasi marami na ring naghihintay dun ng bagong mag-aalaga sa kanila. mismong mga vet na ang nagsasabing sa mga reputable breeders lang kukuha ng pups. so there...