Hi girls!
Almost 2 months post-op na ko! Yey!!! Kay Doc CCJ ako nagpagawa. Sobrang natural yung outcome. Ear cartilage yung ginamit sa akin since mataas na yung bridge ko. Mas na-refine lang ngayon. Nawala na rin yung pamamaga. Natakot nga ako nung mga 1st week post-op kasi magang-maga ako. Tapos parang lumaki nose ko and nawala yung bridge ko. Todo panic ako noon akala ko deformed na nose ko or something. Buti pag-uwi ko sa bahay, hindi masyadong nag-usisa parents ko sa mukha ko. Inom lang talaga ng pineapple juice and elevated lagi dapat ang head pag matutulog. Ngayon nga kahit two pillows na lang gamitin ko sa head ko, okay na. Dati kasi tatlong unan. Medyo tiis talaga kahit uncomfortable yung ganung position.
Ang saya lang na nakaya ko yung operation mag-isa. Proud na proud ako sa sarili ko kasi nilihim ko sa family ko yun and nagtago ako ng 1 week sa ibang lugar. Ako yung nagpagaling sa sarili ko na walang assistance from anyone. And all that sacrifices and suffering paid off. Tiis-ganda talaga.
Dati nagdadalawang-isip ako palagi kung itutuloy ko o hindi. Todo research talaga ginawa ko tsaka kinausap ko talaga si Doc CCJ. Mabait si Doc CCJ tsaka alam nya ginagawa nya. Pag hindi bagay sa patient yung gustong nose, hindi nya gagawin. She has this "eye" for noses na alam nya kung ano bagay sa face mo according to your facial features. Kung mukha kang
Asian, ibabagay nya dun yung nose mo. If mukha kang European, ibabagay nya rin. Basta sabi nya she will retain the distinct charm of my face. She will just make me more beautiful and I trusted her word. Yun yung importante sa pagpili ng plastic surgeon. Mahalaga na tiwala ka. Hindi yung naniwala ka lang dahil may nagsabi sayo.
Umabot ng kulang-kulang 7 hours yung operation sa akin. Hinarvest pa kasi yung cartilage sa ears ko and may visiting surgeon from India na nag-o-observe so parang mas naging mabusisi yung operation kasi si Doc Aguila (the assistant of Doc CCJ) kept explaining all throughout the procedure.
Yung ears ko hindi halata na kinunan ng cartilage unlike sa iba na na-deform yung ears nila. Hindi ko alam kung paano nagawa ni Doc Aguila yun. Basta ngayon nasusuot ko pa rin yung earphone sa ears ko na hindi nalalaglag or what. Wala talagang bahid ng surgery kasi nakatago yung tahi dun sa pinakalikod ng tenga...yung sobrang narrow space where the ears and the head converge.
Nagtaka din ako sa nose area kasi nung tinanggal yung sutures, wala din scars. Ang linis ng pagkakatahi at pagkakatanggal. Di halata. Sumakay pa ko ng MRT na walang nakahalata na bagong tanggal sutures ko.
Masakit lang talaga pag tumatawa. Bawal talaga tumawa ng malakas or ngumiti ng super wide pag mga 1 or 2 weeks pa lang post-op. Sabi ni Doc Aguila ganun daw talaga kasi yung mga tissues sa loob ng nose eh naghiheal pa rin kaya dapat wag banatin. Wag din dapat kumain ng mga malalansa and spicy foods para mawala yung swelling.
Ngayon, nahahawakan ko na yung nose ko pag naghihilamos ako ng face. Nung mga 1st to 3rd week kasi di ko talaga hinahawakan. Dumami yung whiteheads ko sa nose area pero dedma lang. Wala akong paki kasi iniisip ko pag ginalaw ko yung nose ko baka masira yung shape na ginawa ni Doc Aguila. Nung mga 1 month post-op lang nya ko pinayagan na hawakan yung nose ko. Ngayon nga napipinch ko na softly eh. Ang saya i-trace nung contour ng nose ko. It looks so natural. Hindi katulad nung sa mga silicon and goretex na super straight na halata mong may pinasok na something sa nose. Akin kasi finollow lang ng cartilage yung natural slope ng nose ko kaya hindi ako nagmukhang nagpagawa. Sobrang kuntento na ko sa nose ko ngayon and nakadagdag talaga ng self-esteem. Totoo yung sinabi ng isa nating sis dito na nagpagawa rin. Na you shouldn't let a day pass by that you don't feel beautiful about yourself. Life is too short to be anything but happy. Kung gusto mo talaga and you have the means, then do it. Dapat buo loob mo. Tsaka dapat you're doing it for yourself and not to please anyone. Ako pinagawa ko yung nose ko kahit mataas na yung bridge ko kasi gusto mo na mas gumanda. Gusto ko kasi maging model. Ayoko na sa corporate job ko. Gusto ko maglevel-up. This is me pursuing my dream.
Good luck sa mga nagpaplano. Basta dapat buo loob! Yun lang!
