i also have my share sa pambubully. My 6 year old nabubully sa school. I just thank the Lord na nagkkwento ang anak namin saamin. And we entertain whatever he is saying. One time he makes kwento na there was one kid in his class na inaasar sya. Before yung hubby ko ang hatid sundo sa school, kinausap nya directly (in a nice way) yung bata and buti naman hindi na sya inaasar at according to my son good friends na raw sila.

But then another incident happened last month. Meron daw sya classmate na inaasar sya. So kinausap ulit ng hubby ko. Pero wala epek sige pa rin. So kinakausap nalang namin anak muna namin at pinarating ko sa teacher, nilipat sya ng pwesto ng seat. Pero hindi pa natapos don...napapansin namin anak namin madalas mangainip sa gabi at umiiyak. Always telling us,"ayaw ko na magka bad dreams". So syempre na bothered na talaga kami...something is up again. So pag wala ako pasok which is (tuesday and thursday) I see to it ako ang hatid sundo at I observe talaga. Pero syempre hindi naman gagawa ng pambubully pag alam may bantay.
After the bad dreams, nagkwento sya ulit na si ___ (same kid na nagka bad dreams sya) dinuraan daw sya! Pero biniyan daw sya ng toy after gawin yung pandudura. We said to our son na ibalik yung toy next school day and explained to himthe possible things that could happen next if lagi nya accept yung mga binibigay nung kid. We also told him na it is not right he accepts things from this kid na ginagawan sya ng bad kase isipin nung bata he can do it again to you all over again kase bibigyan ka naman nya ng toy. We also told our son,hindi friend ang tawagpag ganon. He istaking advantage of you which is not nice.
Anyway, kinausap namin the next day si teacher about the incident. And hinayan lang nya kami na kausapin ko yung kid. I asked the kid:
ME: What you did to our son is not nice. Alam mo ba na ang saliva dirty. Maraming bacteria etc etc,,, Papatawag namin mommy or daddy mo.
KID: Wala dito mommy ko at daddy ko
ME: Kung sino kasama mo sa bahay papatawag namin...
KID: *walang imik*
What we learned from the teacher, pang 2nd na yung anak namin duraan nitong batang to. Yung isang classmate babae pa naman dinuraan! Galit na galit syempre yung parents. Mabait pa raw nga ako makipagusap. Abay sabi ko pinipigilan ko lang sarili ko dahil ayaw ko patulan ang bata. Pero they need to do something about it kase kung wala ako na mismo didiretso sa principal.
Nagsubside yung pambubully, pero hindi ako mapakali kaya ako na lang mismo nagdecide dumiretso sa principal at ipaalam ang incident. Sinabi ko na rin lahat lahat na hindi na maganda epekto sa anak namin kase nagkaka bad dreams na. Ayoko naman kako dumating sa point na ayawan nya pumasok because of that kid! Tinanong ako nung principal ano daw suggestion ko gagawin sa batang yon. At first I was shocked na itanong nila yon sakin. Parang para sakin hindi ba dapat they should know better? Anyway, eh di sinabi ko na "I thnk that kid needs to be counselled. SInce wala ang parents dito, obviuously no one is teaching him right manners and respect other people". I asked the principal na rin, hindi ba macoconsider as minor offense man lang pandudura??? hahahaha nakakainis kase etong bata. Naawa na naiinis ako actually. Ayoko rin naman pag laki nya ganyan pa rin sya. For me, umpisa pa lang kailangan lagyan na ng stop and malaman nya hindi tama ginagawa nya. Kase pag patuloy na hinahayan ginagawa nya hanggang pag tanda nyahe willalways think na wala syang ginagawang masama.

Nope hindi pa don natapos. Ang pinakarecent na nangyari...nagkwento anak namin na etong same kid, hinihila sya sa CR ng boys at pinapakita daw yung genitals nung bata sa kanya! OMG! Nakakapraning tong batang to! After non sinabi sa teacher, pinatawag yung lola nung bata and sa pagkaalam ko na suspend yung bata for 3 days kase patong patong na offenses nya. Hindi lang sa anak ko pati sa ibang classmates nya. Kinclarify ko nga sa teacher na sana maymatutunan sya sa pagka suspend nya. Kase baka masiyahan pa sya dahil walasyang pasok eh... Sana maturuan ng leksyon ng lola or yun nga sana pina counsel na yung bata.

haaay sorry napahaba...