watch now

Author Topic: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)  (Read 88874 times)

rjlottc

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #40 on: November 23, 2011, 06:53:49 pm »
^^basta kami sabi ni hubby sa tiende na lang daw ulit sa chairo pink bago mag christmas sila ipapagroom.. hay kaloka yung mga "goons" sa pet passion :)

^sis sensya na ha wala kasi ako alam sa may dasma na grooming center.. wait natin ibang mga sis natin dito baka maya alam sila na mura pero mabait sa dogs :)

abuanddiego

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #41 on: November 24, 2011, 12:17:27 am »
^Haha! Never na kami magpapagroom dun at sisiraan ko sila sa lahat ng kilala ko na nagpapagroom ng dogs nila haha! Okay din yung animals and things and pet one station when it comes to grooming, kaso yung mga managers naman ang di ko type mga ugali. Next time try namin sa Chairo, before christmas din kami papagroom, pero may ensogo vouchers pa kami sa pet one kaya baka bumalik kami sa kanila pero last na siguro yun haha!

di rin ako familiar sa cavite area, pero sa pet express MOA may grooming services din. usually kasi grooming fee starts at 400pesos, pero kung gusto makatipid, kayo na lang siguro magpaligo, tapos dalin na lang for sanitary trim or kung may specific cuts na gusto ipagawa. May ala carte kasi sila sa grooming services so per service lang ang babayaran kung di naman kailangan ng full grooming.

hot_hydz

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #42 on: November 25, 2011, 11:09:13 am »
Tnx mga sisses

scrapbookjunkie

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #43 on: December 05, 2011, 11:38:36 am »
san ba ang magandang vet sa cubao, qc?  :)

yung vet namin sa may  p.tuazon, near Quirino Memorial MEdical Center (Labor). malapit na din sa Cubao. 11 years na namin syang vet. :)

chocnats

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #44 on: December 30, 2011, 09:05:01 pm »
Hi mga sis!

Ano yung mga recommended niyong grooming centers sa Tiendesitas? Dapat sa Chairo Pink ko ipapagroom si Bacon ko eh kaso sobrang haba ng waiting list, 10 dogs pa daw bago kami kaya napilitan akong humanap ng iba. Doon tuloy kami sa Kisses & Hugs nagpagroom kaso ayaw ko na bumalik doon kasi parang di malinis yung lugar nila. Saka, parang di gaanong gentle mga groomers nila. Yung isang aso nga na nakasabay namin, iyak ng iyak habang ginogroom. Buti na lang si Bacon, wala namang problema.

Sa The Purple Groom ba mga sis okay doon? Yun kasi una kong nakikita na shop dun eh. Hehe. Thanks!! :)

abuanddiego

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #45 on: December 31, 2011, 03:25:54 am »
^Suki namin sa Tiende: Pet One Station and Animals and Things. Animals and Things nasa dulo malapit sa parking, malaki yung shop nila pero bawal owners sa loob, glass walls sya so makikita mo naman kung okay yung gawa nila. Si Meng yung gusto namin, sya lang ata yung only girl groomer doon, pero sabi ng mga kasama nya, kuya daw itawag sa kanya wag ate ;D Magaling sya magcut and pulido, magaan pa ang kamay sa mga aso. Pero minsan iba yung magpapaligo lalo na kung maraming nakapila, so sabihan nyo yung magpapaligo na dahan-dahan kasi bigla nila tinatapat yung shower sa mukha. Pet one station naman medyo maliit ang shop nila pero okay naman ang groomers and Silk Creation yung gamit nilang shampoo and conditioner. Hindi sila strict, pwede ka talaga manood habang ginogroom ang dog. Mas magaan ang kamay nung isang groomer nila, di ko lang sure kung Edwin yung name, basta sya yung walang nunal sa face at mas mahaba ang hair. Yung isa kasi medyo maikli ang pasensya lalo na pag madami ng nagroom, pero mabait din naman at pwede ichika-chika, kailangan lang talaga tapikin pag medyo naiinis na sya ;D

chocnats

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #46 on: December 31, 2011, 10:32:57 am »
Thanks sis! Sige try ko minsan dun if ever di pwede sa Chairo Pink ulit. Hehe. Nakita ko ata yung Animal and Things. Oo nga, ang dami ngang owners na nakatambay sa labas habang pinapanood nila pets nila. :)

cocoysmom

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #47 on: January 01, 2012, 02:51:02 am »
...kayo na lang siguro magpaligo, tapos dalin na lang for sanitary trim or kung may specific cuts na gusto ipagawa. May ala carte kasi sila sa grooming services so per service lang ang babayaran kung di naman kailangan ng full grooming.

hi sis, bukod sa pet express sa MOA, san pa ibang grooming shops na pwedeng ako na magpapaligo sila lang ang gupit? kasi parang mas gusto ko ganun. nanliliit kasi ako kung banlawan ng mga manong minsan yung shih tzus ko eh. saka not sure ako if tamang temp ang water...baka malamig kasi gamit nila. wala naman akong heater na nakikita sa karamihan ng grooming salons. :(

abuanddiego

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #48 on: January 01, 2012, 04:13:05 am »
I think halos lahat ng branches ng Pet Express merong ala carte services. Sm Cubao, SM Hypermart Makati, SM Masinag, yung bago nila sa Corinthian di ko pa sure eh. Dogs and the City meron din, branches: MOA,Burgos Circle, Eastwood,Trinoma, try mo rin magask sa ibang grooming centers sis kung pwede na sanitary trim lang, I think papayag naman sila sa mas mababang rate. Sa Tomas Morato area may mga nakita rin ako, nakalimutan ko lang yung name ng mga shops nila. Pag may nakita pa akong iba inform kita.

Thalassa

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #49 on: January 04, 2012, 08:34:56 pm »
Hi! May alam ba kayong okay na veterinary clinic that is located in Manila? Ipapatingin sana namin yung pets ng mom ko -- she lives near Singalong/La Salle. Any recommendations would be appreciated. TIA!

newbie_po2

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #50 on: January 06, 2012, 01:56:34 pm »
For consultation, already tried the ff:

Makati Dog & Cat Hospital - so far the most ok. complete facilities, also have pharmacy.
Golden Spoon Makati
Pet Express

Grooming, tried Pet Passion at Hobbies Macapagal. Will try Pet Express tomorrow for dematting.

abuanddiego

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #51 on: January 06, 2012, 03:13:15 pm »
Mga sisters, I need your help, I need the contact numbers of Petpals Petshoppe in Macapagal, katabi lang sya ng Pet Passion, kung sino man makapunta sa Macapagal, patanong po ng contact numbers nila. I bought a defective item from them, and the manufacturer is asking me to contact the shop, from QC pa kasi kami and we only go there during wednesday (Baclaran day) wala kasing contact nos. sa receipt nila. Thanks so much!

Pattybee

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #52 on: January 07, 2012, 02:12:14 am »
We're extremely pleased with the way our fur baby was groomed at Vets In Practice (Mandaluyong) yesterday. Got the full grooming package for about P600. When Aldo came home from his pampering session, we were so happy!

cinnam

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #53 on: January 25, 2012, 07:01:46 pm »
Any feedback on Paws and Tails Grooming Salon and Boutique? I'm planning to bring my puppy tomorrow for a quick touch up.

jika

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #54 on: March 02, 2012, 03:57:38 am »
We tried Pet Express (MOA) for our 3 mo pup. Ok naman though i think medyo nakaka trauma sa ibang dogs yung ibang dogs na parang in agony while kept in the cage, waiting for their turn.

OT: The groomer ask us anong cut. We are clueless. First time owners. So we just said to clip sa face area, feet and butt. Sanitary cut pala ang tawag dun. I read somewhere here na may "summer cut" ano yun? and what are the other styles of grooming and it's details. TIA! ;)

abuanddiego

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #55 on: March 02, 2012, 07:05:24 am »
yes sis sanitary cut nga yun. pag summer cut naman halos wala ng buhok na natira ;D pero yung iba nagiiwan sa face ang tail para mas maganda tignan. pag puppy cut, bear cut mas makapal, may 2 inches or more pa. meron pang nauuso yung lion cut, poodle cut. yan yung usual styles na ginagawa, yung iba kasi groomers or owners na lang ang nagdedesign, kumbaga kanya-kanya ding styles. browse ka lang ng pics sa net, maraming lalabas na cuts, save mo then pag gusto nyo ng ganung cut pakita na lang sa groomer.

ladysapphire

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #56 on: March 20, 2012, 07:35:45 am »
okay naman ako so far sa Vets Nook in Bahayang Pag-Asa Bacoor Branch, 2 years na labrador ko healthy naman wala siya sakit and all. 5in1 vaccine, kennel cough, deworming, and anti rabies shot lang ang nirerecommend saken ng vet. ang deworming daw is every 3 mos. the rest annual shots lang. libre na din yung cut ng nails and consultation fee for me ah i dont know if it applies to all. tested na kasi yung vets nook sa place namen eh kaya dun na din ako pumupunta.

may bagong bukas near din sa vets nook eh, it's Fort Eloi, i havent tried it pero ill try minsan pasyal kami ng dog ko.

monkeybusiness

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #57 on: April 27, 2012, 05:36:15 pm »
I just want to share my rant about Dogs and the City Trinoma branch.

We went there to have my dog groomed.  It was my first time to try D&C.  I gave all the instructions to the groomer and even showed him the photo of what I want my dog to look like after the session.  When he carried my dog, the groomer said that the cut cannot be made since my dog daw has many mats and he wants my dog to be skin-headed.  He even mentioned that he can't do it because my dog's hair is not PLUFFY (he means fluffy by the way).  I don't know what does he mean by that pero duh, what's the connection? Of course hindi ako pumayag.  I told him that he can trim short yung fur but never kalbo.  Sabi ko usual na for my dog (and all other Shih Tzu) na magkaron ng tangles and kaya nga ako magpapagroom is to take out the mats.  I even mentioned to him that the mats that my dog has are easily managed by his previous groomer.  He then asked me kung san ko ba daw sya pinapagawa and I said sa SM Furry Tails (formerly Under The Sea).  Tapos hindi na sya kumibo but his face was as if telling me, "Eh di dun ka magpagroom."  In short, I walked out and went to Furry Tails to have my dog groomed there and got the cut that I want for him.

I was just sharing this kasi I really am disappointed with D&C talaga!  Ano ba gusto nila, yung iggroom lang nila eh yung sobrang linis at walang tangles na dog?  Hello? Kaya nga naten pinapagroom sila diba?   Ok lang sana kung hindi nagawa sa kabilang clinic, but they did perfectly. Yun ang nakakalungkot.  Siguro hindi pa sila expert pagdating sa ganun.

abuanddiego

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #58 on: April 27, 2012, 06:27:36 pm »
^Sis normal lang yan. may groomers talaga na ayaw magalis ng mat kasi masakit at very stressful yun para sa mga dogs. Ang usual talagang ginagawa sa mats is gupitin or ishave na kasi ayaw nilang mahirapan ang dog sa process. Sa mga natry naming groomers, mostly sa Tiende, halos lahat ganyan ang protocol, pag heavy mats ginugupit na talaga. Yung iba nagtyatyaga pero bihira kasi aabutin ng ilang oras, yung iba naman may additional fee kasi mahirap talaga magdemat.

Yung about sa cut naman, may point naman si kuya, kasi iba-iba ang coat ng shih tzus. May super kapal at merong manipis, at minsan di nagagaya yung gusto natin kasi di ganoon kafluffy ang coat nila. Ganyan yung mga tzus namin, pag pinapagroom namin hindi sila nagiging magkamukha kasi nga yung iba manipis ang coat. Meron kaming isa na super kapal ng coat kaya sya yung pinakacute kahit kalbuhin kasi may naiiwan pa rin, pero yung iba nagmumukha ng daga ;D Nung nasummer cut din ang tzu ko, sa tiende ito and one of the best groomers na ang gumawa, may pinakita din akong pic pero nung natapos hindi pa rin gayang-gaya kasi di rin ganun kakapal ang hair nya. Kahit panget na panget ako wala akong magagawa kasi ganun talaga ang coat nya eh haha!

Nung first time namin nagpagroom, heavily matted yung isa naming tzu at walang groomer na pumayag idemat sya, ang sinabi ng lahat is kakalbuhin talaga. Nagalit din kami nun kasi nga trabaho nila ang maggroom pero bakit di nila magawa. Pero nung tumagal narealize namin na may point naman sila kasi nga yung aso ang masasaktan pag pinilit alisin ang mats. Ako mismo pag ginogroom ko yung tzu ko, napapasigaw, nangangagat at umaalis sya pag tinitry ko alisin ang heavy mats. Actually may tools naman kaso sobrang time consuming at very stressful. Pag di na talaga kaya, ginugupit ko na lang kasi kawawa kung pipilitin pa.

Just like with vets, wag din natin isipin na lahat ng gusto natin magagawa ng groomers. Hindi porket groomers sila, lahat na ng pagawa natin masusunod, kasi iba-iba rin sila ng rules on grooming, kasi may dogs na sensitive yung tipong hawakan or basain lang iiyak na, ayaw lang siguro nila na maging stressful at magisip na sinasaktan nila ang mga dogs kaya ganun.

And I think tama din naman yung rule nila na pag heavily matted, kalbuhin na kasi for the dog's sake din naman yun. It's also a way of teaching pet owners to have time for our pets para marealize natin na once di natin sila sinuklayan, papanget sila ;D Basta ang importante magkaroon tayo ng suking groomer para maging satisfied tayo sa results at maging happy experience ito sa mga dogs natin. Kung di nyo type ang isang groomer move on to the next, nakakalat lang naman sila sa paligid  ;D

monkeybusiness

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #59 on: April 29, 2012, 11:43:49 pm »
^thanks for the explanation about the fluffiness, hehe :) What I would like to point out kasi sana is that with the other groomer, nagawan nila  ng paraan to get rid of the mats which by the way are just on the underside, sa may chest area which is talaga naman shineshave yung part na yun with or without mat.  And my dog is not heavily matted pero ang sinagot saken is kakalbuhin totally :'(.  Parang it's their way or the highway. Good thing I went to the highway. :)


 

Latest Stories

Load More Stories
Close