^Sis normal lang yan. may groomers talaga na ayaw magalis ng mat kasi masakit at very stressful yun para sa mga dogs. Ang usual talagang ginagawa sa mats is gupitin or ishave na kasi ayaw nilang mahirapan ang dog sa process. Sa mga natry naming groomers, mostly sa Tiende, halos lahat ganyan ang protocol, pag heavy mats ginugupit na talaga. Yung iba nagtyatyaga pero bihira kasi aabutin ng ilang oras, yung iba naman may additional fee kasi mahirap talaga magdemat.
Yung about sa cut naman, may point naman si kuya, kasi iba-iba ang coat ng shih tzus. May super kapal at merong manipis, at minsan di nagagaya yung gusto natin kasi di ganoon kafluffy ang coat nila. Ganyan yung mga tzus namin, pag pinapagroom namin hindi sila nagiging magkamukha kasi nga yung iba manipis ang coat. Meron kaming isa na super kapal ng coat kaya sya yung pinakacute kahit kalbuhin kasi may naiiwan pa rin, pero yung iba nagmumukha ng daga

Nung nasummer cut din ang tzu ko, sa tiende ito and one of the best groomers na ang gumawa, may pinakita din akong pic pero nung natapos hindi pa rin gayang-gaya kasi di rin ganun kakapal ang hair nya. Kahit panget na panget ako wala akong magagawa kasi ganun talaga ang coat nya eh haha!
Nung first time namin nagpagroom, heavily matted yung isa naming tzu at walang groomer na pumayag idemat sya, ang sinabi ng lahat is kakalbuhin talaga. Nagalit din kami nun kasi nga trabaho nila ang maggroom pero bakit di nila magawa. Pero nung tumagal narealize namin na may point naman sila kasi nga yung aso ang masasaktan pag pinilit alisin ang mats. Ako mismo pag ginogroom ko yung tzu ko, napapasigaw, nangangagat at umaalis sya pag tinitry ko alisin ang heavy mats. Actually may tools naman kaso sobrang time consuming at very stressful. Pag di na talaga kaya, ginugupit ko na lang kasi kawawa kung pipilitin pa.
Just like with vets, wag din natin isipin na lahat ng gusto natin magagawa ng groomers. Hindi porket groomers sila, lahat na ng pagawa natin masusunod, kasi iba-iba rin sila ng rules on grooming, kasi may dogs na sensitive yung tipong hawakan or basain lang iiyak na, ayaw lang siguro nila na maging stressful at magisip na sinasaktan nila ang mga dogs kaya ganun.
And I think tama din naman yung rule nila na pag heavily matted, kalbuhin na kasi for the dog's sake din naman yun. It's also a way of teaching pet owners to have time for our pets para marealize natin na once di natin sila sinuklayan, papanget sila

Basta ang importante magkaroon tayo ng suking groomer para maging satisfied tayo sa results at maging happy experience ito sa mga dogs natin. Kung di nyo type ang isang groomer move on to the next, nakakalat lang naman sila sa paligid
