watch now

Author Topic: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)  (Read 88812 times)

diana_tuna

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #20 on: November 07, 2011, 02:06:19 pm »
does anyone have dr. james tagnia's number? and does he still do home service ng vaccinations?  i lost my phone kasi.. :\

cynth_pink00

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #21 on: November 08, 2011, 08:52:30 am »
Anyone from Greenwoods, Pasig here? Which vet do you frequent?

hot_hydz

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #22 on: November 08, 2011, 07:43:50 pm »
GMC dog and cat clinic marcos alvarez talo 5 las pinas city..very affordable ang prices nila compare dito sa cavite vet clinic..

Shawtie

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #23 on: November 11, 2011, 02:30:06 pm »
may alam po ba kayo na vet clinic near rosario, pasig city?

cocoysmom

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #24 on: November 15, 2011, 07:52:10 pm »
^bring your pet to animal specialists' at tiendesitas close na sa rosario yan sis...

hot_hydz

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #25 on: November 16, 2011, 12:28:37 pm »
sisses ask ko lang need ba talgang 4x ang 5 in 1 vaccines? kase sabi ng breeder ng female tzu ko okey na daw ang 3x na 5 in 1..pero sabi naman ng vet ko sa male tzu ko need 4x ang 5 in 1..o naguluhan lang ako..pero siguro follow ko na lang ang vet ???

abuanddiego

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #26 on: November 16, 2011, 04:34:59 pm »
^Ang alam ko rin dati 3 shots is okay na, pero ang routine na ata ngayon is 4x na siguro dahil na rin sa marami pa ring dogs ang walang shots sa atin na madali makapagspread ng virus. Hindi kasi masyadong regulated ang vaccination sa pinas unlike sa other countries na parvo free, rabies free kaya siguro ginawa na ng vets na 4x ang shots nila. Some vets even uses 6in1 and 8in1 vaccines. Yung vet ko 1st shot-5in1, 2nd and 3rd shot 6in1, last shot is 8in1, then ang rabies twice din. She even adviced me to have my dogs vaccinated with the Kennel cough vaccine. I've found out din from a well-known shih tzu breeder that the safest vaccine is the 4in1, no need na daw for other shots kasi cover na lahat ng 4in1. Kaso their basis is US vets ata, di ko lang sure kung applicable din yun dito sa atin.

hot_hydz

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #27 on: November 16, 2011, 09:28:54 pm »
thank's sis ;) sabi nga din nung may ari ng petshop malapit samin kahit 5 in 1 lang okey na e, since di naman daw gaano ang corona virus etc dito satin at kung di naman panay labas ng dogs okey lang ang 5 in 1..so ive decided na 5 in 1 na lang yung last shot nila (my 2 tzu) since medyo malaki rin matitipid ko at may anti rabbies pa sila next month ;D after ata neto heartworming na monthly ::) minsan naisip ko ays di na ko makaluho dahil sa kanila  :( pero kesa naman magkasit sila so okey lang. :)

abuanddiego

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #28 on: November 17, 2011, 12:40:36 pm »
^ur welcome. Sis kung makabalik ka sa vet, pwede mo ask about 8in1 and kennel cough vaccine? Kasi baka okay lang pala na kahit 5in1 lang yung shots nila, dinadamihan ko pa. Masama rin daw kasi pag sobra sobra.

hot_hydz

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #29 on: November 17, 2011, 02:29:00 pm »
hi sis tapos na ang 5 in 1 vaccines nila..ayun parang wala lang ang vaccines nila masigla parin at ang tatakaw ;D every 4 months na pala ang deworming at booster na lang ang 5 in 1 next year..sabi ng vet okey lang daw kahit 5 in 1 lang kaya lang naman nga daw madaming inaalok ang ibang vets kapag maraming alagang aso or expose ang aso sa labas or panay gala.protection narin daw yun.sis if afford mo naman ang ibang shots go lang kase ako di ko afford. ;D

abuanddiego

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #30 on: November 17, 2011, 03:50:29 pm »
naku pag dating pa naman sa mga shots na yan di na ako makatanggi sa vet. di kasi ako familiar sa mga vaccines nila so hindi ko rin mabusisi ng maigi unlike sa food, shampoos, tick and flea prevention may other choices tayo kasi readily available sa market. Pag vaccines kasi ibang usapan na kaya oo na lang ako ng oo  :-\

hot_hydz

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #31 on: November 17, 2011, 04:49:43 pm »
ang swerte ng mga doggies mo at ikaw ang momi nila ;) kase kahit ako kung kay ko lang why not basta maging healthy at wag mahawa sa ibang dogs. :)

abuanddiego

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #32 on: November 18, 2011, 12:03:53 pm »
^Di ko alam kung swerte ba sila or minalas sa akin haha! Medyo unsure pa rin kasi ako sa vaccines nila, I've asked fellow owners and usually 6in1 lang yung shots na binibigay sa dogs nila, mangilan-ngilan lang yung familiar sa 8in1. Tapos when I asked about the kennel cough vaccine, di daw yun nababanggit ng vet nila :-\ Wala tuloy akong ibang basis kung safe ba talaga yung mga shots na binibigay sa mga alaga ko  :(

Naku sis, I'm on a tight budget din, pero pag gastos na nila ang pinaguusapan, iniisip ko na lang paper money yung hawak ko haha! pag inisip pa kasi mas nakakasama ng loob, tinanggap ko na rin na magastos talaga ang maintainance ng pagkakaroon ng pets at ang parati kong consuelo sa sarili ko, para sa kanila naman lahat ng gastos kaya deadmahin na lang haha! Basta nakikita kong healthy sila, di ko na kinukwestiyon lahat ng perang lumabas para sa kanila  :)

hot_hydz

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #33 on: November 18, 2011, 10:37:32 pm »
ako nga din sis grabe ang gastos ko sa kanila haha OT na ata :P pero go ka lang sa mga vaccines nila para mas safe ;)

abuanddiego

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #34 on: November 22, 2011, 02:21:19 pm »
Dinayo ko ang hobbies macapagal kanina para bumili ng stroller, di na kasi kami makakaalis this week at kailangan ko lang talaga ng stroller this weekend kaya sinabay ko na rin yung grooming ng tzu ko tutal nandoon na kami. Sa Pet passion ko sya pinagroom, sanitary trim lang naman kaya sabi ko wala sigurong magiging problema, di sya masasaktan since di naman susuklayan. May mga kasama ako na pinagbantay sa kanya habang nasa grooming area, sumisilip na lang ako kasi mas lalo sya maglilikot once makita ako. Habang chinecheck ko products nila, may narinig pa akong umiyak ng malakas so lumabas ako kaagad to check kung aso ko yun, pagsilip ko, hawak lang naman sya ng groomer, di ko alam kung sya yun or yung iba, pero feeling ko sya yun nung inalis ang hair sa ears nya. Sumisilip ako sa gilid pero everytime makikita nya ako naglilikot sya kaya sabi ko sa mga kasama ko sila na lang ang magbantay.

After 30 minutes lang ata tapos na, pagbalik sakin chineck ko kaagad kung may sugat, ayun namumula nga ang tummy and genitals nya, kahit yung inner paws medyo namumula din. Sinabi ko agad sa staff nila, pero may sagot na agad sila, ang sabi sensitive daw yung skin nya at sensitive daw yung area na yun kaya namula. Tinawag din yung naggroom, pero di naman nila inaamin na may mali sila, ang laging sagot lang sensitive yung balat kaya nagkaganon. Tapos lumapit yung isang staff, may creams daw sila na pwedeng ilagay pero wag na lang daw baka kasi lumala lang once lagyan at ilang days lang gagaling naman daw agad. Nung bumalik ako sa cashier, sinabi ko sa kanila na masyado kasing ahit na ahit kaya nagsugat. At first time nagkaganito ang tzu ko. Yung pagshave nila kasi parang ahit sa buhok ng tao, yung tipong clean cut, hello sino ba naman ang asong di gumagalaw pag inaahitan? Gusto nila perfect yung cut pero di nila iniisip na nasasaktan yung aso pag ginagawa nila yung gusto nila. Narinig ako nung may-ari, kala nya gusto ko mas ahit pa, ang sabi ng staff, naahit nga daw masyado kaya nagsugat. Tapos sabi ng owner, "Ah shave burn!" ng walang halong tono ng concern. As in parang naalala nya lang yung tamang term sa nangyare sa aso ko. Sabi ko na lang sa staff, "dapat hindi niyo masyado inaahit para di nagsusugat. Ngayon lang nagkaganito yung aso ko dahil sa ibang groomer, di naman nila inaahit ng todo. Masyado atang matalas yung blade nyo dapat atang palitan." Sabi niya, "nuwebe yung blade namin" Nagusap pa sila ng isang staff na parang dapat palitan nga yung blade.

Di na rin ako masyado nakipagtalo, wala na ako sa mood at gusto ko ng makauwi dahil ginagabi na kami. Ang sama rin kasi ng pakiramdam ko kaya ito na lang muna sinabi ko, di naman sila gaano nagsungit kaya medyo kalmado pa rin ako, pagbalik ko na lang sasabihin ko na may ibang nagrereklamo rin sa trabaho ng groomers nila. Okay naman yung ibang staff, friendly sila pero yung groomers di professional at mabibigat ang kamay. Malinis nga pero parang nagmamadali na di mo maintindihan. Parang di sila sanay sa aso, barbero ata mga yun eh. Pagbalik ko kakausapin ko ang may-ari.

rjlottc

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #35 on: November 22, 2011, 06:46:41 pm »
^sabi sayo sis e abnuy groomers dun.. :( diba dun na trauma panganay ko tapos sabi nga ni hubby mukha daw nga nabalatan yung balls  kasi dinala namin yun sa vet after binigyan ng cream kasi naging over sa pula... hay..

yung may ari dun sis yung chinese na lady.. lagi siya andun sa room sa likod ng counter.. hay kung di lang talaga mura pet suppies nila di na talga ko dun babalik.. ang laki kasi ng difference sa price nila at petexpress kaya dun kami bumibili e.. :(
 
balitaan mo ko sis pag nakausap mo na yung owner ha

abuanddiego

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #36 on: November 23, 2011, 02:47:01 am »
^Di talaga dapat kami papagroom sa kanila kaso wala na akong time umalis within this week, may lakad kasi kami this coming weekend at isasama ko yung tzu, ang haba na rin kasi ng hair nya sa belly at paws, covered na yung paws at nagbubuhol-buhol na kaya sabi ko patrim ko na kesa lumala yung mats. Kala ko pa naman walang mangyayareng di maganda kasi trim lang naman, yun pala kahit simpleng trim, di sila mapagkakatiwalaan. Unprofessional ang groomers nila dun, parang di sanay humawak ng aso, sabagay kahit sa price pa lang na ganun kababa, parang may something fishy na eh. Yung owner mukha naman din friendly pero I doubt na may proper knowledge sya sa grooming, narinig kasi ng tita ko na may nagrereklamo din after ibalik yung dog nya, ang sabi nga nya parang nagmamadali yung mga groomer at grabe makasuklay, tapos yosi ng yosi pagtapos. Syempre nakikita ng owner yung ginagawa nila, feeling ko dinedeadma na lang kasi baka umalis mga groomers kung hihigpitan nya. Ako rin dinadayo ko sila kahit from QC pa ako dahil sa mura ang items nila, pero sa grooming sablay talaga, parang naglagay lang sila ng grooming for the sake na may grooming services din sila kahit na di naman experts ang groomers. Sige sis pag nakabalik ako, babalitaan kita.

Medyo okay naman yung tzu ko after nya matrim, hindi sya ganoon natrauma pero pansin ko nagscoot sya paminsan sa floor siguro kasi masakit yung part na may shave burn. Nilalagyan ko ng sundflower oil, ayun medyo gumagaling naman. Nakakainis kasi kung anong ingat natin sa kanila, yung ibang tao pa ang magcaucause ng pain sa kanila, knowing na binayaran natin mga groomers na yan, tapos ganun lang gagawin nila. Nakakawalang gana tuloy bumalik.

rjlottc

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #37 on: November 23, 2011, 02:52:11 pm »
^tama ka sis.. pag pumupunta kami dun di ko na dinadala yung 2 kasi baka matakot ulit si grimlock.. nako over sila sa walang TLC sa pagggroom.. husto lang sa dami ang nagpapagroom sa kanila siguro kasi mura.. e yung mga katabi nila na grooming shops ganun din naman ang price.. nakakatakot din magpagroom dun.. hay... bad sila :(

abuanddiego

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #38 on: November 23, 2011, 03:25:22 pm »
^This will be our first and last grooming sa pet passion. First time na nakita ko ang grooming price nila, medyo hesitant na ako eh. Kala ko talaga magagawa nila ng maayos pag sanitary trim, kasi sa mga past groomers namin, magaan naman ang kamay nila parang di nga dumidikit yung razor sa mga alaga namin, parang dumadaplis lang sa buhok nila. Tapos etong mga mokong nato, na mukhang mga tambay lang na sinuotan ng green scrub suit, at wala namang alam kundi magyosi  ;D nako pasalamat sila at medyo kalmado pa ako nun, ayoko na rin kasi magalit baka lalo lang mastress si Abu pag nakita nya ako nakikipagaway sa mga tao dun. Sabi pa nga ng tita ko, mas maayos daw maggroom yung katabi nilang shop. Mas maingat tsaka dahan-dahan sila, tsaka yung walls nila okay kasi glass lahat, sa pet passion parang ayaw ipakita sa atin ano nangyayare sa loob e. Pag nakabalik kami, babanggitin ko rin yung nangyare sa inyo sis, alam ko si babyjap din nagkaproblem din sa dog nya nung dun sila nagpagroom, same din sa nangyare sa mga tzu natin, yung "shave burn" nilang tinatawag. Kasi naman, term lang talaga sa kanila yun, di nila iniisip na nakakasakit na sila. Wish ko lang maitago ko ang pagkaamazona ko pagbalik namin, matangkad lang sakin yung mga groomers pero di hamak na mas mabigat ako sa kanila ;D

hot_hydz

  • Guest
Re: Veterinary And Pet Grooming Centers (Thread 2)
« Reply #39 on: November 23, 2011, 03:48:45 pm »
mga sis san ba okey na grooming center na mga 300php lang im from cavite dasma :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close