Dinayo ko ang hobbies macapagal kanina para bumili ng stroller, di na kasi kami makakaalis this week at kailangan ko lang talaga ng stroller this weekend kaya sinabay ko na rin yung grooming ng tzu ko tutal nandoon na kami. Sa Pet passion ko sya pinagroom, sanitary trim lang naman kaya sabi ko wala sigurong magiging problema, di sya masasaktan since di naman susuklayan. May mga kasama ako na pinagbantay sa kanya habang nasa grooming area, sumisilip na lang ako kasi mas lalo sya maglilikot once makita ako. Habang chinecheck ko products nila, may narinig pa akong umiyak ng malakas so lumabas ako kaagad to check kung aso ko yun, pagsilip ko, hawak lang naman sya ng groomer, di ko alam kung sya yun or yung iba, pero feeling ko sya yun nung inalis ang hair sa ears nya. Sumisilip ako sa gilid pero everytime makikita nya ako naglilikot sya kaya sabi ko sa mga kasama ko sila na lang ang magbantay.
After 30 minutes lang ata tapos na, pagbalik sakin chineck ko kaagad kung may sugat, ayun namumula nga ang tummy and genitals nya, kahit yung inner paws medyo namumula din. Sinabi ko agad sa staff nila, pero may sagot na agad sila, ang sabi sensitive daw yung skin nya at sensitive daw yung area na yun kaya namula. Tinawag din yung naggroom, pero di naman nila inaamin na may mali sila, ang laging sagot lang sensitive yung balat kaya nagkaganon. Tapos lumapit yung isang staff, may creams daw sila na pwedeng ilagay pero wag na lang daw baka kasi lumala lang once lagyan at ilang days lang gagaling naman daw agad. Nung bumalik ako sa cashier, sinabi ko sa kanila na masyado kasing ahit na ahit kaya nagsugat. At first time nagkaganito ang tzu ko. Yung pagshave nila kasi parang ahit sa buhok ng tao, yung tipong clean cut, hello sino ba naman ang asong di gumagalaw pag inaahitan? Gusto nila perfect yung cut pero di nila iniisip na nasasaktan yung aso pag ginagawa nila yung gusto nila. Narinig ako nung may-ari, kala nya gusto ko mas ahit pa, ang sabi ng staff, naahit nga daw masyado kaya nagsugat. Tapos sabi ng owner, "Ah shave burn!" ng walang halong tono ng concern. As in parang naalala nya lang yung tamang term sa nangyare sa aso ko. Sabi ko na lang sa staff, "dapat hindi niyo masyado inaahit para di nagsusugat. Ngayon lang nagkaganito yung aso ko dahil sa ibang groomer, di naman nila inaahit ng todo. Masyado atang matalas yung blade nyo dapat atang palitan." Sabi niya, "nuwebe yung blade namin" Nagusap pa sila ng isang staff na parang dapat palitan nga yung blade.
Di na rin ako masyado nakipagtalo, wala na ako sa mood at gusto ko ng makauwi dahil ginagabi na kami. Ang sama rin kasi ng pakiramdam ko kaya ito na lang muna sinabi ko, di naman sila gaano nagsungit kaya medyo kalmado pa rin ako, pagbalik ko na lang sasabihin ko na may ibang nagrereklamo rin sa trabaho ng groomers nila. Okay naman yung ibang staff, friendly sila pero yung groomers di professional at mabibigat ang kamay. Malinis nga pero parang nagmamadali na di mo maintindihan. Parang di sila sanay sa aso, barbero ata mga yun eh. Pagbalik ko kakausapin ko ang may-ari.