hello mga sis! 1 week after gave birth, medyo nakakarecover na sa sakit ng tahi. pero hinay hinay pa din ako ng kilos kasi mas mahirap pag bumuka ang tahi ko.
Ito ang aking story...
July 7, 7:50pm ng dumating kami sa hospital, my OB informed me na 7:30am ang operation ko.
July 8, 4 am ginising ako ng nurse tinanong kung gusto ko daw maligo kasi 5am lalagyan na ako ng dextrose..
7am ng ipasok ako sa delivery room, may binigay sa aking gamot pagkatapos nun nabangag na ako, tapos may gumising sa akin nagpakilalang anesthesiologist di ko naman naintindihan ang mga sinabi niya sa akin ang naintindihan ko lang iinjectionan na niya ako, tapos maya maya ginising uli ako ni doktora, pinakita niya yung face niya sa akin, tapos tinanong niya ako kung gusto ko nang mag paligate, dun ako biglang nagkaulirat sabi ko "dok gusto ko pang isang anak". tapos ayun nakatulog na uli ako.
Nasa recovery room na ako nung magising ako, sobrang madhid ng legs ko, sa isip ko gusto ko siyang igalaw pero di ko magawa, gusto kong magsalita pero wala namang lumalabas sa bibig ko, tapos nakatulog uli ako.. pagkagising ko uli,ok na ang pakiramdam ko may lumapit sa aking nurse sabi sa kin maya maya iaakyat na daw ako sa room ko, and tinanong ako kung gusto kong makita si baby sabi ko oo.. maya maya dala dala na ng nurse, pinadede ang baby, tapos maya maya yung nurse kinukuhanan kami ng baby ko ng picture.. nakisuyo daw ang hubby ko na picturan ako.
Everything was ok, si baby and ako, pero nagkaroon lang ng konting problem nung 24 hours na di pa din ng pupupoo si baby, sabi sa akin ng pedia, wait lang daw namin, if 36 hours na di pa din siya dumudumi, kailangan ng I xray para makita if my problema.. sat 7:30pm ng I xray si baby pray na kami ng pray ni hubby na sana nadelay lang.. 11pm ng biglang dumumi kaya tuwang tuwa kami.
1st time kong magpadede ng ibang baby and mag bigay ng breastmilk sa mga baby na nasa NICU, malakas kasi ang gatas ko, pag hindi nedede ni baby ang sakit sa dede..