watch now

Author Topic: Baby Due on July, August, September 2011 V  (Read 71392 times)

rapids

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #20 on: July 15, 2011, 02:15:29 pm »
hello mga sis!  1 week after gave birth, medyo nakakarecover na sa sakit ng tahi.  pero hinay hinay pa din ako ng kilos kasi mas mahirap pag bumuka ang tahi ko.

Ito ang aking story...

July 7, 7:50pm ng dumating kami sa hospital, my OB informed me na 7:30am ang operation ko.

July 8, 4 am ginising ako ng nurse tinanong kung gusto ko daw maligo kasi 5am lalagyan na ako ng dextrose..
7am ng ipasok ako sa delivery room, may binigay sa aking gamot pagkatapos nun nabangag na ako, tapos may gumising sa akin nagpakilalang anesthesiologist di ko naman naintindihan ang mga sinabi niya sa  akin ang naintindihan ko lang iinjectionan na niya ako, tapos maya maya ginising uli ako ni doktora, pinakita niya yung face niya sa akin, tapos tinanong niya ako kung gusto ko nang mag paligate, dun ako biglang nagkaulirat sabi ko "dok gusto ko pang isang anak". tapos ayun nakatulog na uli ako.

Nasa recovery room na ako nung magising ako, sobrang madhid ng legs ko, sa isip ko gusto ko siyang igalaw pero di ko magawa, gusto kong magsalita pero wala namang lumalabas sa bibig ko, tapos nakatulog uli ako.. pagkagising ko uli,ok na ang pakiramdam ko may lumapit sa aking nurse sabi sa kin maya maya iaakyat na daw ako sa room ko, and tinanong ako kung gusto kong makita si baby sabi ko oo.. maya maya dala dala na ng nurse, pinadede ang baby, tapos maya maya yung nurse kinukuhanan kami ng baby ko ng picture.. nakisuyo daw ang hubby ko na picturan ako.

Everything was ok, si baby and ako, pero nagkaroon lang ng konting problem nung 24 hours na di pa din ng pupupoo si baby, sabi sa akin ng pedia, wait lang daw namin, if 36 hours na di pa din siya dumudumi, kailangan ng I xray para makita if my problema.. sat 7:30pm ng I xray si baby  pray na kami ng pray ni hubby na sana nadelay lang.. 11pm ng biglang dumumi kaya tuwang tuwa kami.

1st time kong magpadede ng ibang baby and mag bigay ng breastmilk sa mga baby na nasa NICU, malakas kasi ang gatas ko, pag hindi nedede ni baby ang sakit sa dede..

lableemom

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #21 on: July 15, 2011, 02:35:28 pm »
congrats rapids! CS ka ba? if you don't mind can I ask bakit ka na-CS? hirap kasi ng CS, matagal ang recovery. I had CS din kasi nung first pregnancy ko. but now I will try VBAC as suggested by my OB. again, congrats sa inyo ng hubby mo and syempre welcome sa inyong baby!

i'm turning 34 weeks on Sunday :) 3 weeks na lang hihintayin ko at pwede na akong manganak. bukas check-up ko naman kay OB.

same as some preggy sisses here, may mga stretchmarks din ako. kami ng dalawa ko pang ate merong ganito mula nang magkaanak. hindi kami nagmana sa mother namin na kahit 6 kaming siblings, super kinis pa rin ng tummy and hips. maybe sa mga chemicals from the food and yung mga ginagamit natin sa katawan sa panahon ngayon? di ko rin alam, hehe! operation Belo o Calayan na ito kung sakali, pag nagkapera ako,  lol!

kathon

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #22 on: July 15, 2011, 02:37:50 pm »
Sis how, ganun ba.. Maswerte pa din pala ko kung ganun. Ako, try ko bpump, pero sobrang hina ng suction, sa 2 breast ko 1oz lang nakukuha nya, pero pag si baby, feeling ko mas madami sya nakukuha. Sabi din ng pedia mas malakas daw talaga suction ng baby kesa sa mga breastpump.
Naku, sabi sakin, ipalatch ko pa din daw sya kahit wala ng milk. Ok lang naman sakin, ang problema parang kapag ang tagal na masyado, sumasakit na yung breast ko. Ang hapdi na.

^sis rapids, maswerte ka at madami kang milk. :) pagpatuloy mo yan. :) goodluck and Godbless.

Stretchmarks: ako ngayong nanganak na ako, dun ko nakita lahat ng stretchmarks ko. :( napansin nga ni hubby yun eh, tapos sinabihan sya ni ob, maglighten daw ang stretchmarks pero di na mawawala yun. Isipin ko na lang daw, yan ang patunay na nagbuntis ako! :)

rapids

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #23 on: July 15, 2011, 02:48:32 pm »
Sis  Lableemom - 3rd pregnancy ko na to, nung first ko NSD. Nung 2nd ko, nag prolonged labor ako tapos nadiscover na cord coil.. gusto ko din sana sis na mag VBAC kaya lang  inexplain  sakin ni doc ang pros and cons, kaya ngdecide na din ako na magpaCS na lang din uli.

sis kathon- thanks sis, dami ngang natutuwa kasi ang liit ko lang na tao pero ang lakas ng milk supply ko, yun bang sumisirit talaga. :)

prettysherry

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #24 on: July 15, 2011, 03:02:51 pm »
joining din... :)

^sis congrats!! May God bless u & ur new baby!! Shocks sis sana ako rin mayaman sa gatas para magawa ko talagang magBF!! :)

@purplesassy --  thanks sis!! dyan din ako tumitingin ng baby couture bags e! Oh and swerte mo pala super dameng gifts nakuha niyo ni baby from your baby shower!! Ako im hoping my other group of friends will organize pa their own showers for me para may gifts ulit!! hehe :)

anyway, mga sis ask ko lang if meron sa inyo un nakakaramdam din ng pagbabalik nung pagduwal-duwal? Im 29 weeks na e pero lately pansin ko na parang bumabalik etong first trimester na symptom ko na ito! Although it never really left me naman kasi kahit nun 2nd tri ko paminsan-minsan naduduwal pa rin ako.  Problem lang lately is parang madalas ko siyang nafefeel saka parang may mga certain tastes ulit ako na ayaw!! Hay...d ko alam if normal lang ito!

kathon

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #25 on: July 15, 2011, 03:37:45 pm »
^sis, normal lang yan.. :)

lableemom

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #26 on: July 15, 2011, 04:05:36 pm »
sis rapids, can you share what your OB said about cons of VBAC? pasensya na ha. wala pa kasi akong nababasang VBAC cases dito sa GT eh. parang wala pa atang nagsha-share ng stories nila whether successful o hindi.

buti ka pa after ng delivery mo, lumabas agad breastmilk mo, at sumisirit pa ha! :) nung time ko hindi agad lumabas. sana this time magkabreastmilk na agad ako pagkapanganak ko.

rapids

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #27 on: July 15, 2011, 04:34:57 pm »
^ sis lableemom - first you have to get your record na pinag-anakan mo dati, titignan yun ng OB mo if safe na mag VBAC ka.. kasi sabi nila it depends daw kung paano ang tahi natin sa  loob ng tiyan. In my case hindi daw dapat mas malaki ang baby ko na previously na NSD ko kesa sa baby ko ngayon, kaya kailangan well monitored dapat ang weight ni 3rd baby.. and it would be a trial labor, chances would be 50/50.. if ever na ma emergency CS ako, mas malaki ang gastos. kaya sis I opted na magpa CS na lang, para makapagrepare ako lalo na financially.

kausapin mo na lang mabuti sis, mabuti nga yan, ang OB mo mismo ang nagsuggest na magVBAC ka, kasi yung ibang OB ang hilig magCS. kung ako sis gusto ko pa din ang NSD.

sensya kana ha, kung medyo malabo ang explaination ko, di ko kasi alam yung mga medical term eh.. Thankful nga ako sis na malakas ang gatas ko, siguro nakatulong din yung mahilig ako sa masasabaw na pagkain.

kyrie26

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #28 on: July 15, 2011, 09:59:18 pm »
COCOCOCONGRATS SIS RAPIDS!!! katuwa naman, bakit kapagisipan ni ob tanungin if paligate ka? hehe pano kung super windang ka sa gamot tapos bigla kang mapatango, maski NO ang answer mo. pag gising mo na lang, suprise! hehe!


feeling ko din normal lang may foods na off ulet sa panglasa at appetite naten, tapos biglang may foods na nung una eh di naten makain, now pwede na. like saken- nung first to mid2nd trimester, super ayaw ko ng sweets. now, tsokolate (yung drink) ang pangpagana kay baby

i had my ultrasound na kanina sa face2face. i went last friday pero pinagwater therapy ako at pinabalik today. umiinom ako nung quickly choco taro shake before ako sumalang, sabi nung sono, very good daw at gustong gusto ni  baby yung shake na yun. kaso nasobrahan ata pagkagusto ni baby kasi sa sobrang likot, bumalik syang nagtago sa water sa placenta hehe. so i had to walk around muna then come back to get good shots. ang konti lang nung magagandang shots ni baby ko. as in. most of them are blurred, hay.. pero super precious naman yung napanuod ko sya. maski blurred. nag-belat pa sya at open eyes  :)

kathon

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #29 on: July 15, 2011, 10:03:36 pm »
Wow sis kyrie, good to hear na very active si baby. :) sarap ng feeling noh! :)

purplesassy

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #30 on: July 15, 2011, 10:58:07 pm »
Jusme di ko alam kung ano nangyari sakin, i had another shocker moment awhile ago, pag restroom ko kukuha ako panty liner may nakita ako super laking tuko sa may shower namin na feeling ko pumasok sa may tubo part ng rest room, takot kase ako sa ganun tapos sobrang close encounter pa! Napatalon ako at nagtatakbo palabas ng restroom tapos sumakit ng todo yung tyan ko tumakbo si hubby kase nagulat siya, tapos iyak ako ng iyak kase ang sakit ng tyan ko kaya inihiga na ko sa bed ni hubby. After 5 minutes nawala sakit ng tyan ko, iyak pa din ako ng iyak kaya nakahiga na naman ako. Nahuli na yung tuko not sure sino sa helper o dad in law nakahuli. Damn you tuko!!!


ruselledazzle

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #31 on: July 16, 2011, 02:47:26 am »
nagpa ultrasound uli kami kanina..

so happy na cephalic position na si bebe..:)

turning 30weeks na kami, konti nlng!

jhenrheign

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #32 on: July 16, 2011, 03:07:23 am »
I think I'll be giving birth today... mukhang tama ang estimate ni OB na manganganak ako... and eto din [textspeak!] yung sabi ko date kay Baby Eeshia na lumabas sya kasi dapat uuwe daddy nya yesterday pero napaaga diba...

I'm currently experiencing sharp pains/contraction in my pelvic area, 4-5 mins interval... I can't sleep na... Sana tuloy-tuloy na ito... Please pray for our safe delivery mga sissies...  :)

vianney04_boo

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #33 on: July 16, 2011, 08:18:19 am »
repost ko lang po from the previous thread...hehe


hi mga sisses! ask ko lang kung ano bang recommended na breast pump na hindi naman ganun kamahal.. kasi napansin ko na sobrang mahal ang breast pump na avent... waaaaah.. sobrang laki na ng gastos ko kasi sa mga gamit pa lang ni baby... plus every week nako NST and AFI kasi need i-monitor ang amniotic fluid ko, may GDM kasi ako kaya ayun.. i need to buy an affordable but good quality na breast pump.. help nyo naman ako mga sisses! :(


kyrie26

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #34 on: July 16, 2011, 08:23:41 am »
sis jhenreign, we're right there behind you all the way!!! finally, magpapakitang gilas na si baby eeshia ng face to face!! for sure love at first sight na naman si daddy at mommy nya sa kanya!! God speed!!

sis vianney, alam ko 55%off napakadaming philips products, kaso di ko alam if kasali yung breast pumps. kasi 55th anniversary nila.

the best reviews meron is philips and medela. but yeah expensive nga. meron namang mga manual na available din na iba ibang brands like precious moments. check mo lang sa department store. pero since first time mom ako, wala pa ako experience sa breast pumps. better check reviews online ng mga nakagamit na.

sa mga 1/2 to 1/3 price ng philips at medela, yung playtex dual electric, parang ok naman reviews kaso may konting nagreklamo na may parts na nasisira and you have to request (if in warranty) or order pa from playtex mismo yung parts. i checked din the first years, meron din sila. pati lansinoh meron din.

since im still 7months preggy, basa basa lang ako. so keep reading lang sis until may nakita ka na you think would suit you.

kathon

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #35 on: July 16, 2011, 09:55:57 am »
Sis purplesassy, konting ingat sis! Llo na pag nasa restroom ka.. Bka mamaya madulas ka pa nya.. Mas mahirap yun..

Sis jhenn, wow, galing ni OB ah.. Naku, eto na pinakahihintay nyo.. I am sure super happy kayo ng hubby mo.. Kaya pala anong oras na nakafb ka pa, dahil pala di ka makatulog..

Mga sis, si baby Gab, naku, kung dati 3am pinakalate na nya matulog, ngayon nag adjust na naman.. 4am na! At talagang dilat na dilat pa sya! Haaay! Kaya mga preggy sissies, matulog na kayo ng matulog, ienjoy nyo ang mahabang oras na pagtulog! :)
Yun nga lang kahit super puyat ako, kapag nakita ko na nakasmile si baby, wala na.. Parang nakapagrecharge na naman ako pag ganun..

cmc101883

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #36 on: July 16, 2011, 11:14:45 am »
Hi mommies :)

Ask ko lang what mga need sa hospital bag? for baby and mommy...Im actually preparing mine kaya lang naguguluhan ako eh...like ilang pieces?  pati yun problem hehe.  mom passed away last year then husband will be home by dec pa...papa ko lang kasama ko now..so talagang im clueless..


Hope you'll help me ..

GOD bless us all :)

kathon

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #37 on: July 16, 2011, 12:02:20 pm »
^hi sis!
For hospital bag, eto mga usually need.. Actually, eto yung mga dinala ko before, pero dahil diko na-room in s baby, kaya pang uwi lang ang nagamit nya. :)
Pero dala ka na din para if in case kelangananin, dala mo na.. :) check mo na lang sis kungroom in si baby o hindi..

For baby:
shortsleeves tiesides, pajama
Disposable diapers for newborn (pinakamaliit na newborn diaper ay huggies, compared to pampers, prokids and eq)
Rceiving blankets
Mittens/booties or socks and bonnet
Burp pads

For Mommy:
Sanitary napkins/maternity pads/underpads
Dress na button down para madali magpabreastfeed
Toiletries
Breastpump ( nagdala ko dahil hindi ako pwede pa magpunta sa nursery nun to brestfeed my baby, kaya try ko magpump, sad to say, walang nangyari, pag uwi ko saka pa lumakas ang milk suppky ko)
Docs needed for philhealth

Hth sis! :)

Damit pang uwi ni baby (dala ko nun onesies)

cmc101883

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #38 on: July 16, 2011, 12:13:19 pm »
Sis Kathon..Super TY ha..

Ilang days na ako nalilito sa mga need ko dalhin...33 weeks na kasi ako and i feel the need to prepare things needed sa hospital since nga no one will do it for me...

Thanks din sa tip about sa diaper...nakabili ako prokids newborn diaper...buti konti lang nabili ko..bibili ako ng huggies :)

Nkapaglaba na din ako ng damit ni baby..plantsahin ko naman today.


Thanks ulit Sis :)

kathon

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #39 on: July 16, 2011, 01:02:17 pm »
No prob sis!

Naku, ako nun, yung malaking prokids pa binili ko.. Tapos ang laki sa kanya, as in lalabas yung poop sa gilid.. Tapos try namin pampers, mas malaki pa sa prokids.. Yung eq naman, mas maliit sa prokids, kaya yun binibili namin.. Nakalimutan ko may huggies pa na hindi namin try, kaya bumili si mil kahapo, ayun, mas maliit pa sya sa eq and maganda ang fit. :)

Nagdala pa ako nun sis ng alcohol, and top to toe wash, pero di naman kinailangan dahil nasa nursery sya.. Kaya kung di mo din lang room in si baby, konti lang kailangan mong dalhin.. And kung uuwi ka din naman kagad, wag ka na magdala ng marami. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close