watch now

Author Topic: Re: Seafarer's Family Part 6  (Read 89550 times)

Workingmomzie

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #540 on: October 05, 2011, 02:54:54 pm »
ganun talaga sis ren, chasiderwin, nuna pag to the max ang bonding nila sa ama nila lalo na pag matagal ang bakasyon. sigurado mga hubs natin nahihirapan din kapag umalis sila. wag na lang lumingon pag papasok na sa departure area. lalo na si hub almost 5 months din namin sya nakasama ngayon. sabi nya kung may malaking savings lang parang ayaw na sumampa. kaya lang hindi pwede maliit pa anak namin at shontis pa naman.

sis nuna pag nagtanong din si josh iniexplain ko sa kanya kung bakit wala papa nya dahil kailangan mag work para may pambili ng milk, diaper, damit and toys nya. kapag alam nya na papa nya ang tumatawag agad na inaagaw sa akin ang phone gusto sya unang kumausap.

mga sissies, nakakalungkot lang isipin at mahirap din sana na walang father figure habang lumalaki mga anak natin ano pero alam ko maiintindihan at mauunawaan sitwasyon natin pag malaki at may isip na sila.


babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #541 on: October 05, 2011, 02:58:37 pm »
napag-uusapan pa lang, naiiyak nako waaa!! :'( ..

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #542 on: October 05, 2011, 03:05:34 pm »
nalulula ako at nanlulumo sa kwentuhan ninyo. one of my fears about getting married, yung pag may anak na, paano ieexplain that her / his father needs to work far from us.  :(

Workingmomzie

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #543 on: October 05, 2011, 03:16:22 pm »
sis chie, paghandaan mo na hehe...masarap na mahirap ang may anak pero more ang happiness na mararamdaman mo sis kasi galing sa inyo ni hub/boyfie nyo....bunga ng pagmamahal/pag-iibigan daw...ngeee!

ako sis ren, kagabi pa lang naiyak na kasi di na namin kasama natulog si hub. maya maya lang andyan na sya manila. habang naiiyak ako nakatingin lang si josh sabi ko nalulungkot ako wala tatay mo. ikaw josh ano nararamdaman mo? josh: subo-an man! (lungkot din daw)

lors1025

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #544 on: October 05, 2011, 03:18:02 pm »
Mga sis, sensya na now lang uli nakapagbukas gt, hehe laging nakatambay sa fb e at si mr walang pinipiling oras kung magonline. Fb lang kasi kami nakakapagchat kaya almost 24hrs online ang buntis.. hehe. Anyway, sa mga nagpapaturong gumawa ng baby girl, ay hahaha.. Di naman namin pinlano na baby girl nga ito pero sa kasabikan ko ding malaman iyong gender, nung malaman kong buntis nga ako tsek ko iyong chinese calendar na tinatawag nila. And base dun e girl daw magiging baby ko, and surprisingly after my ultrasound 3weeks ago, baby girl nga sya.. :-) di ko alam if totoo iyong chinese calaendar na iyon or nagkataon lang.

Workingmomzie

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #545 on: October 05, 2011, 03:18:50 pm »
sis chie....nag eemote lang kasi paalis na naman si hub. kaya dito ako sa bahay natin naghahanap ng kakampi at karamay. :'(

babyrose

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #546 on: October 06, 2011, 09:28:13 am »
@sis Workingmomzie, okay lang yan sis. dapat talaga masanay na tayo kasi yan ang nature ng work nila.

Workingmomzie

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #547 on: October 06, 2011, 09:54:05 am »
sis lors naalala ko lang before ako nabuntis binigyan ako copy ni hub ng chinese calendar. boy or girl magiging anak namin ok lang kasi first baby. nabuntis ako sis july 2006 at the age of 32 (hehe late bloomer na) nakalagay dun sis baby girl. si josh lumabas hehe. tapos check ko ulit last september yung chinese calendar nakalagay naman ngayon boy. june ako nag conceive at the age of 37....sana girl!

hayyy, 2 sleepless night na, nakasanayan ko kasi katabi matulog si hub.

share ko lang mga sissies ha....early this morning hubby called. inform nya lang ako na his sister is undergoing chemotheraphy. (breast cancer stage 1 or 2 na yata) nagpapaalam din sya na gusto nya makatulong financially kasi wala work sister and hubby nya. napauwi kasi silang mag asawa last july pati na yung 3 kids nila from libya. halos lahat ng kabuhayan nila naiwan sa libya. nagpapasalamat lang ako kasi yung ibang hubby hindi na pinapaalam sa mga misis nila pag meron silang pagbibigyan ng pera. ang sarap sa pakiramdam na yung respect as a wife binibigay ni hub sa akin. sa akin naman walang problema. pera lang yan makikita pag masipag at tiyaga. and i feel blessed na kahit wala pa work si hub god given blessing yung new baby, good health and happy family kahit simot na ang savings ang importante walang away. normal lang naman yung tampo sa mag asawa di maiwasan. pag nakakatulong ka parang yung blessing na balik more than what you give ano.

good morning everyone!

silverbarrow

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #548 on: October 06, 2011, 10:35:27 am »
totoo yan sis doris,  si hubby ganyan din. Buti nga ako naging matured na rin ako mag isip ngayon unlike nung unang bagong sampa pa lang siya. Iniisip  lang namin na pera lang naman yan at pag kami namin ang nangailangan , may tutulong naman sa amin. Minsan din to the point na wala kami, gagawa at gagawa ng paraan. Basta isip namin babalik na lang sa amin yung doble doble  :)

Workingmomzie

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #549 on: October 06, 2011, 10:52:31 am »
^ang gaan-gaan sis tet ng pakiramdam ko ngayon. yung makatulong ka sa nangangailangan. alam naman natin sis na pag 5-6 months na ang bakasyon ng mister natin lalo na pag may project yung matitirang pera sa atin kokonti na lang. pero ganun pala sis kahit walang-wala na talaga to the point na kailangan namin manghiram din pero pag nakatulong ka parang kay dali lumapit ng grasya. parang hindi mahirap hanapin parang kusa lang dumarating.

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #550 on: October 06, 2011, 11:18:00 am »
^ correct yan sis. tested ko na yan. pag tumulong tayo at talagang para sa ikakabuti ng iba at bukal sa loob natin, ang bilis ng balik. minsan nga hindi ko pa nairerelease ang pera na kailangang ilabas, e may dumadating ng kapalit agad. but happens on a  very conditional basis talaga. only at times na bukal talaga sa loob ang pagtulong at para sa ikakakabuti ng iba. pero pag yung tulong na napilitan lang, parang wala. mabigat sa buhay.

silverbarrow

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #551 on: October 06, 2011, 11:21:27 am »
si hubby although 2 months lang ang vacation niya, medyo nahirapan din kami financially kasi naospital ako last month. Akala ko nga mahihirapan kami ipagkasya kasi alam mo naman pag bakasyon sila, parang dumulas lang sa palad namin. Pero natuto na lang kami  mamaluktot sa kumot ika nga, may nabook pa naman  ako sa boracay and cebu kaso we decided to cancel it, buti promo fare lang  at  buti na lang malaki na mga anak namin at nakakaintindi naman.

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #552 on: October 06, 2011, 11:55:40 am »
^ bakit ka sis nahospital? hindi ko nabalitaan. hindi ko yata nabasa sa fb.

silverbarrow

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #553 on: October 06, 2011, 12:07:07 pm »
Nagkaroon kasi ako ng UTI sis, tapos ang bilis lumala, hindi pa kasi ako nagpa urinalysis kasi may period ako that time. Tapos may iniinda ako na masakit sa left side ko, sabay nag chi chill na. Masaklap pa was naging mapait panlasa ko kaya lahat ng kinakain ko nilalabas ko din. Dinala na ako sa ospital at dehydrated na daw ako. Umakyat na pala uti ko sa left  kidney ko kaya yun pala isa side effect nun, yung acid umaakyat kaya mapait panlasa ko. 2 days lang ako nagstay kaso nalok ako sa bill  :o

lors1025

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #554 on: October 06, 2011, 01:26:14 pm »
wala naman talagang masama sa pagtulong e, mahalaga lang dun e magkasundo kayong mag-asawa at iisa ang stand ninyo pagdating sa pagtulong.. ang nagkakaroon lang ng problema naman e kapag di kayong magkasundong mag-asawa sa gagawing pagtulong ng isa sa pamilya nya.. sa case din namin ni mr, 5 mos din sya bago sumakay though plano din namin iyon kasi me mga inasikaso sya at inantay na mga papeles, nagkasakit father niya, hanggang bago umalis si mr un nga, namatay father niya.. in short kami halos lahat.. ;-), umalis nga si hub me bayarin kaming 100T pa dun sa cemetery lot na nakuha namin para sa father niya., hehe buti na lang at nabayaran ko na ngayon hehe.. kami lang din kasi ang sumagot.. sa kin din walang problema iyon, pera lang iyon at di kayang pantayan iyong nakita ko kung pano naman suklian ni mr sa akin at sa mga anak niya iyong pangunawa na binibigay ko pagdating sa pamilya niya..  ;)

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #555 on: October 06, 2011, 01:36:26 pm »
^^ grabe pala sis tet. nangyari rin yan sa pinsan ko.nahospital na rin sya dahil sa uti.sobrang sakit daw at chill na nga. sabi sa hospital pag ganun na naglagnat at chill na raw, malala na daw yun. pero maikwento ko na rin itong pinsan kong to.. ilang taon lagi syang may uti. regular naman syang nagpapacheck up at laging uti ang findings. until last year nabuntis sya ulit, natanong nya sa ob na bakit hindi sya mawalan-walan ng uti, lagi-lagi na lang uti ang result. pinagawan sya ng ibang lab test, lumabas grabe na pala ang damage nung isang kidney nya. as in halos yung isang kidney na lang ang nagfufunction sa kanya. doon na pala nanggagaling yung infection na nakikita sa urine nya. akala sa bladder lang.

kaya ako gusto ko rin magpacheck up kasi madalas rin uti rin findings sakin.kaso ngayon laging busy. ska bakit ganun kaya pag magpapacheck sa sarili parang laging tinatamad hahaha. pero pag sa anak ,kahit normal pa sa ibang tao e tinatakbo ko na sa pedia hahaha

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #556 on: October 06, 2011, 01:46:54 pm »
at sa hospitalization naman, yung isang friend ko asawa rin ng seaman,4 days confine anak nya due to bronchitis daw. pero ang galing ng card nila kasi 27 pesos lang daw binayaran nya sa bill nila na halos nasa 29k. intellicare daw yung card nila.galing sa company ng hub nya.

lors1025

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #557 on: October 06, 2011, 02:02:31 pm »
re-health card, kila hub "DAW", e magkakaroon sila ng maxicare, pinaprocess na "DAW", kasi parang bago pa lang company nila, dati lang kasi silang principal ng isang company, then nagsarili sila.. sana nga matuloy kasi malaking bagay din iyon...

Workingmomzie

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #558 on: October 06, 2011, 02:10:59 pm »
sis tet, nagka UTI ka pala. kala natin simpleng sakit lang pero pag pinabayaan pala lalala din. kahapon i had my urinalysis kasi nagka UTI din ako. buti clear ang result. glad to hear ok ka na sis.

agree ako sayo sis lors dapat pag usapan at magkasundo tayong mag asawa sa bawat desisyon natin. normal lang may disagreement pero kung may proper explanation naman magkakaintindihan din.

sis ren naku pareho tayo, si josh kahit ubo lang takbo agad sa pedia kaya pinapagalitan ako ni hub and nanay kasi sabi magiging dependent na daw anak ko sa gamot at syempre yung epekto nun sa bata hindi maganda. meron daw side effect. takot na ako kasi nagka pneumonia dati si josh parang ako ang nagka phobia. ganun kasi pag nanay overprotective at parang takot tayo kapag mga anak na natin ang nagkasakit. pero kapag tayo nagkasakit nakakaligtaan natin magpa check-up. sabi mo nga sis ren, palaging busy at tamad hehe.

Workingmomzie

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #559 on: October 06, 2011, 02:13:45 pm »
sis babyrose....hayyyy naku sis di pa rin masanay sanay. pero lilipas din to kasi magiging focus na naman ako kay josh at dito sa pinagbubuntis ko. thank you sis!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close