watch now

Author Topic: Re: Seafarer's Family Part 6  (Read 89540 times)

guilleanne

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #520 on: October 02, 2011, 06:55:48 pm »
sis yang ang hirap talaga pag matters of the in laws tapos may money pang involve.

may tama ka naman sis. siguro ang feeling lang ni hubby mo he needs to pay back  his parents or gusto na nya patigilin ang papa nya mag barko, well we don't know for sure kung bakit gustong gusto ni hubby mo. kung ako siguro nasa sitwasyon mo, isusuggest ko na lang, na ipunin namin yun instead na monthly ibigay, like kung gusto nya sana mag allot ng 200 dollars sa magulang nya monthly instead na ipadala sa kanila monthly eh ilagay na lang sa separate bank account na magiging funds din naman para sa pamilya nya incase na mangailangan na sila, dun sa bank account na yun kukuha ng pantulong sa pamilya nya. Kasi nga sabi mo sobra sobra naman sa ngayon ang income ng inlaws mo.

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #521 on: October 03, 2011, 11:21:42 am »
sis yang, nakaka relate ako sayo. matagal ko na ngang gusto i-post dito ang tungkol sa ganyan but my SIL is gtalker din haha, baka mabasa pa at mag emote IL ko, ayoko naman mastress di hubby.  ;D dun sa closed group namin sa FB, i asked how much and share/allotment sa ILs nila and gulat ko na parang sobra laki nung samin.. masama nun, di pa maappreciate.

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #522 on: October 03, 2011, 11:46:42 am »
welcome sis babyrose.

hi sis yang21, feeling ko i'm not in the position to give an advise since hindi ko pa nararanasan yung ganung problem. things for me maybe easier said than done, pero mas maganda siguro pag ang mga wives talaga ang magbibigay sa iyo ng payo. *hug* na lang kita. :)

hello po sa lahat :)

silverbarrow

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #523 on: October 03, 2011, 09:35:01 pm »
welcome babyrose  :)

sis yang my input only is lahat maayos sa seryosong usapan. Tipong sabihin mo lahat ng nararamdaman mo, and at the same time makinig ka rin sa kanya . Mahirap ipilit ang gusto sis, kaya you have to meet halfway. Like what sis Nuna said, baka kasi gusto niya bumawi sa mga magulang niya. Or pwede rin may iba pang dahilan. Pagdating niya kayo magusap para mas personal. Good luck sis, I'm sure you both can  work it out, basta maging open lang kayo sa isa't isa ...

hay ang bilis ng panahon, malapit na naman umalis asawa ko :(

pero on a good note...tumataas na naman dollar yipee!!!!  ;D
« Last Edit: October 04, 2011, 07:39:49 am by silverbarrow »

yang21

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #524 on: October 03, 2011, 10:26:44 pm »

thanks for all the advices.. i just need to share what i feel right now. nakakagaan din kase kapag nasasabi ko kung ano yung nararamdamang bigat sa dibdib ko.

i know naman that he have his reasons and siguro nga we just need to talk again regarding this matter... nakakabother lang na kailangan niyang mainis sa akin eh inexplain ko naman ng maayos iyon sa kaniya. saka hindi lang naman siya ang gustong mag pay back sa lahat ng nagawa ng magulang sa anak nila. ako rin naman gusto ko rin yun, kaso how can i do that eh pal lang naman ako ni hubby. :) ayoko namang sa bandang huli ay masumbatan niya ako for doing that kind of act.
pero siguro nga i have to understand na lang din of what he feels. i know at the end of the day, everything will be okay between me and my hub. thanks again mga sis!

gelei

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #525 on: October 03, 2011, 11:00:22 pm »
^ sis I agree with sis silverbarrow.. kailangan mapag-usapan lang ng maayos. kaya nga lang minsan kasi nauunahan ng misunderstanding agad kaya nagkakainisan. Isa din yan sa dapat nating matutunan paano ang tamang approach pag may sasabihin tayo o may pag uusapan.. I can feel for you.. Madalas na hindi namin pinagkakasunduan about money matters din.  Ako kasi matipid at si hub naman ubos ubos biyaya to the extent na madaling lapitan kaya madali din kaming maubusan at nagkakautang pa kami lagi sa parents ko. Isa lang ito sa mga pagsubok at issues sa mag-asawa na dapat natin malampasan. Basta sis sabihin mo lang in a nice way ang point mo.. then listen to him too. Pero ang bottomline lagi is dapat di mapapabayaan ang welfare ng pamilya. Di naman masama ang magbigay or tumulong pero not to the extent na napapabayaan ang sariling pamilya..yun ang lagi ko pinapaalala kay hub.

sharks

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #526 on: October 04, 2011, 12:04:37 am »
hi everyone! it's nice to be back...pero lagi naman ako bumibisita dito pero basa lang lagi.

@yang21 nakakalungkot talaga pag ganyang mga money issues ang dahilan ng hindi pagkakaintindihan. i agree with our other sises' advice...madadaan naman lahat sa seryosong usapan.

Like sis babyrose, ako din tinanong ng bf ko kung pagkasal na kami, ititigil na daw ba niya pagbibigay sa parents niya...sa kanya naman kasi, wala naman source of income ang parents niya although napagtapos na niya yung 1 kapatid niya and yung 1 naman graduating na din this coming march, sabi ko na lang sa kanya, magbibigay pa din kami sa kanila pero hindi na kasing laki ng natatanggap nila ngayon. in time, magkakatrabaho na din yung bunso nila kaya may tutulong din naman sa parents niya, hindi lang sa kanya manggagaling lahat. Basta sabi ko sa kanya, pagkasal na kami dapat priority niya ay yung pamilya namin.

have a good morning everyone! :)

Workingmomzie

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #527 on: October 04, 2011, 08:53:13 am »
agree ako sa sinabi ni sis tet and sis rona.

pinag usapan talaga namin ni hub about sa allotment for his parents kasi naging honest naman sya sa pagsabi sa akin na "hindi ko pwede pababayaan mga parents ko". 14 sila magkakapatid at lahat may trabaho. pero hindi lahat makapag provide ng financial needs ng parents nila since may mga pamilya na. pero sabi nya kung hindi makapagbigay mga kapatid nya sya hindi pwede.

sabi ko ok lang sila naman naghirap sa pagpalaki at pag aaral mo kaya nararapat din na ibalik mo sa kanila pinaghirapan nila. yun ang kasiyahan ni hub kaya ibigay na as long di nya naman kami pinapabayaan sa mga needs namin. saka kahit sa mother ko nagbibigay din sya. sya din nagsabi na bigyan ng allowance si mother kasi matanda na.

naalala ko lang last year nung nagkasakit si MIL (cancer stage 4) sinabi nya sa asawa ko, unahin mo pangangailangan ng pamilya mo, wag ako. may pamilya ka na, sila dapat priority mo.

hayyy, sis tet ako din magiging malamig ang pasko. october 22 tentative date ng alis nya. yun kung walang pagbabago. korea sya join.

have a nive day everyone!


gelei

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #528 on: October 04, 2011, 11:19:31 am »
^ sis halos sabay sabay uli mga hubs natin, tentative din na end of this month ang alis ni hub. Ingat lagi sis on your pregnancy sana girl na yan  :)

Workingmomzie

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #529 on: October 04, 2011, 11:28:39 am »
salamat sis lei! praying and hoping girlalu na si baby hehe.  nakaka excite bihisan at ayusan ng buhok.

bukas luluwas si hub pa manila pero uuwi pa ng iloilo. report lang sa office. 9 months contract nya sis. sana walang problema sa barko. mahirap kasi pag 3-4 months lang konti lang masi-save ko. saka gusto ko na din yun sis, na baka september daw uwi nya kasi gusto ko makasama sya next year sa christmas. 4 years na din di namin sya nakasama at syempre 1st christmas ni baby.

hugs and kisses to diogn and davey!

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #530 on: October 04, 2011, 12:44:11 pm »
^ si hub pag hindi nagpapigil e baka hindi rin sya dito mag pasko. late october pa kasi matatapos ang training nya. sabi ko january na lang umalis kasi kaunting oras lang naman na yun, e kaso mukhang decided na mag-apply agad after training. november o december daw dapat makasakay na sya. bahala sya. mga hub natin ang halos nagkakasabay-sabay sa alisat uwi hehe

Workingmomzie

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #531 on: October 04, 2011, 01:45:36 pm »
sayang sana sis ren ano kasi ilang months na lang pasko na. iba kasi pag buo ang pamilya. nakakaingit tingnan pag nag mall at may kasalubong na buo pamilya. kaya last saturday kahit ayaw ni hub, sinama ko sya nood ng sine (no other woman). iniwan namin si josh sa little martian hindi namin sinama yaya nya para makapag bonding kami ng todo. 2 days na whole day ko silang kasama na mag-ama. nabigla ako nung sinabi ni josh "nag-enjoy ako, kayo enjoy man?" naku nakaka appreciate na anak ko. feel nya talaga na kumpleto kami.

chasiderwin

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #532 on: October 04, 2011, 03:05:29 pm »
kamusta mga sis, kararating lang ni hubby kagabi from davao, naku 14 sila filipino seaman na bumaba, pangit daw kasi ugali ng kapitan nila (4got ano lahi yung sinabi niya), natatawa kami kasi paglabas nila ng airport sa terminal2 domestic, halos magkakamukha sila dahil pare-pareho silang mahahaba ang mga buhok  :P,

sana sa pasko makasama parin namin si hubby, sabi niya kasi dapat makasakay agad siya bago mag pasko, saklap naman, enjoy muna ang mga araw na andito siya  ;D

sis workingmomzie happy ako sa inyo mag-anak

silverbarrow

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #533 on: October 04, 2011, 03:15:02 pm »
sis doris, tentative mga oct 16 0r 17 siya aalis. maaga nga kami nagdecorate dito sa bahay ng xmas decors. Si hubby nga pinag ayos ko ng xmas tree, para sabi ko maalala ko siya pag nakikita ko yung tree ngayong xmas...baduy LOL!!! pero mababaw talaga ako ha hahaha  ;D

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #534 on: October 04, 2011, 03:35:11 pm »
Workingmomzie, true ka dyan! nakakainggit yung mga nakakasalubong sa malls na magkakasama buong pamilya or lahit yung mag-asawa lang na magkasama magshopping. hehe! si hubby ko dapat february pa sya uuwi. pero everytime na tatawag sya or skype kami, sinasabihan sya ng anak ko ng ganito: Daddy, where are you? are you still on the ship? I miss you. Come home na. Love you! Kung ano anong sinasabi sa daddy nya at paulit ulit na pinapauwi na. Everyday yan, she'd ask her dad to come home. So balak ni hubby magpaalam para makauwi sya ng december. Sana payagan sya kase gusto ko makapahinga naman sya. Eto kasing huling barko na nasakyan nya madami problema sa system at lagi nagccrash yung server kaya nasstress ang asawa ko. hmp! Isa pa, sinabi na nya sa baby namin na uuwi sya sa Christmas so pag hindi natuloy, madedepress nanaman yung poging yun.

Workingmomzie

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #535 on: October 05, 2011, 10:53:49 am »
sis chasiderwin...thanks! wow! hpp ka pala sis....enjoy!

sis tet...nakakainggit naman kayo sis. kami hindi pa nakabili ng christmas tree kasi hindi pa naka transfer nang bahay hindi pa kasi tapos. iba religion ni hub sis pero wala naman sya magawa kasi dumadaan talaga christmas season every year.

sis nuna...iba na sis attachment ng mga anak natin sa tatay nila ano. marunong na maghanap kasi nakikita nila sa school nakakasama nila tatay nila. sana makauwi si hub mo sis this christmas para maging masaya ang pamilya nyo. tanggap ko na sis na di namin sya makasama this year but i'm hoping and praying next year sama sama kami. sana pagbigyan ako ni God!

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #536 on: October 05, 2011, 11:08:38 am »
ako nga rin sis doris, ngayon pa lang parang nakikita ko na ang problema ko pag-alis ni hub. kasi si baby marunong ng maghanap. last time nga 8pm na end ng training nila hub kaya una na ko umuwi, hug ko pa lang si baby, parang nagtanong agad "si daddy?".. pag nasa room naman kami, hindi yan titigil kakatawag ki daddy nya hangga't hindi pa umaakyat si hub sa room. pano na kako to pag umalis sya. kaya parang ayaw kong paalisin. natatakot ako sa reaction ni baby. huhuhu

pag si hub hindi dito inabot ng pasko,hindi na lang ako magdecor, uwi na lang kami sa province hehe

chasiderwin

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #537 on: October 05, 2011, 01:27:02 pm »
sis babymom natawa naman ako sayo sis, paano naman si baby mas masaya kung may decor kahit paano. kami di rin nagdedecor kapag pasko pero now na may baby na ako, hmmm parang gusto ko na magdecor ke nandito o wala si hubby.

sis workingmomzie yes super happy talaga ako, baby ko unang kita pa lang nila sumama agad sa papa niya  ;D. sis di ko alam ang hpp :P  tagal ko na nababasa yun, sa kabilang thread pa ata  ;D.

sis nuna, bulol pa kasi anak ko (19mos old) baka pag nasabi din siya ng katulad ng sinabi ng anak mo, paano ko kaya explain na nasa barko at need magwork para may pangtustos sa amin, baka mapaiyak ako  :(

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #538 on: October 05, 2011, 02:07:43 pm »
^ naku sis chasiderwin tamad talaga ako sa mga ganyan gawain, decor-decor..last xmas, c hub ang mapursigi na magdecor. ako audience lang hehe. pati pagbili nun sa divi, inungot-ungot pa talaga sakin, nagtatampo na nung hindi ko mahanapan ng oras haha. tapos si baby naman ang gawain e ihulog ang mga xmas balls from the xmas tree hahaha.

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #539 on: October 05, 2011, 02:12:28 pm »
Workingmomzie, oo nga sis. Yung anak ko sapulmula maka daddy. Sana nga makauwi ng Christmas, miss ko na din ang asawa ko ng bonggang bongga! Hehe! 2 Christmas na din namin di nakasama si hubby.

Chasiderwin my baby just turned 3. Itong contract lang nato sya nagstart na magsabi lagi na gusto na nya umuwi si daddy nya. Siguro kase mas matindi yung bonding nilang mag-ama nung nakaraang bakasyon kaya mas grabe nya din ma-miss. Kahit nung baby pa sya, i always tell her na nasa ship si daddy at nagwwork para may money kami to buy milky at iba pang needs. Magugulat ka nalang na nauunawaan talaga ng mga bata. Nakakaiyak nga lang talaga kapag kids na naghahanap.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close