watch now

Author Topic: Re: Seafarer's Family Part 6  (Read 89671 times)

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #500 on: September 28, 2011, 10:37:41 am »
hi mga sis! buti naman everyone's alright. samin ok lang din. kinda blessings in disguise pa samin si pedring kasi walang pasok sa office, magkakasama kami buong araw, bday ng aking baby, kaya nakapaghanda pa ng kunting salu-salo.  :) ondoy baby ang aking princesa, kahapon, bagyo na naman. grabe nga ang lakas ng hangin, pagpunta namin ng cathedral, yung isang bakal na poste sa labas ng patio, half-bend na.

next year naman kami subok ng another baby. gusto ko na sana magdiet, tinatamad ako pag naiisip ko na next year, dyontis lang din abot ko haha.

Workingmomzie

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #501 on: September 28, 2011, 10:53:22 am »
magdilang anghel ka sana sis chie!

sis ren pwede na sundan si nika  next year.

welcome sis jhai! good morning everyone!

sweetie28

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #502 on: September 28, 2011, 09:48:20 pm »
hi mga sisses good evening sa lahat, ask ko lang sana kung sino ang mga hub dito ay  nakapagjoined na sa america, mahigpit ba sila sa mga seamen, ano mga bawal dalhin, bawal ba ang mga movies na nakasaved sa external hardisk, na downloaded lang sa net..pero walang pirated na dvd na dala kasi syempre bawal talaga yon :)..
TIA sa mga magrereply

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #503 on: September 28, 2011, 10:00:04 pm »
^sis, si H2B contract niya last year sa Hawaii ang port of call. ang sabi sa briefing nila, super higpit daw basta sa US territory. bawal ang pirated movies, pirated software installers, pati mga pictures be careful daw, lalo na sa women and child pornography. miski yung pictures ng mga anak (di ba sa atin dito sa Pinas, normal lang na may picture tayo ng anak or pamangkin natin na nakaunderwear lang or walang suot na pang-itaas kasi bata pa naman) pero sa US law, strict daw sila sa ganun, para maiwasan na ma-question, wag na lang magdala ng mga ganung files. HTH!

sweetie28

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #504 on: September 29, 2011, 11:49:34 am »
^ganon ba sis kaya nga hanggat maari ayaw ni hub dyan magjoin kaso ganon naman haaay, salamat sa tips sis

sweetie28

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #505 on: September 29, 2011, 03:29:05 pm »
mga sisses may question ulit sana ako, medyo legal question baka lang may nakakaalam kasi si hub umuwi one month lang siya sa barko kasi binenta,  may right ba kami na magdemand ng one month basic salary niya sa company since more than one month na siya dito dipa rin nila naisakay kasi dapat daw ata naisakay na siya agad or pag hindi dapat bayaran siya ng one month(though im not sure with this) sayang din kasi if ever :)..next week pala alis ni hub kaya more than a month na siya dito pinas
« Last Edit: September 29, 2011, 03:39:26 pm by sweetie28 »

chasiderwin

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #506 on: September 29, 2011, 04:43:55 pm »
^sis sa pagkaka alam ko di sila babayaran kasi di naman nakalagay sa contract sa hubby ko kasi at sa kapitbahay namin nabenta din barko nila at napababa sila pero hindi naman sila binayaran sa tinagal nila dito sa lupa, pero sila ang PRIORITY sa list ng next na sasampa. Kung mahigpit sa US mas mahigpit kapag mag join sa muslim country, nag join dati sila hub sa saudi (ata di ko na tanda tagal na kasi) ultimo mga pictures na hindi related sa islam (Holy Family) bawal, even bible, maliban kung bible nila. even rosary bawal lahat

guilleanne

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #507 on: September 30, 2011, 01:23:03 am »
sis napag usapan na yan dati about sa mga pinababa dahil na benta ang barko. from what i remember ha from sis pillowski yata yun, ireview nyo daw yung contract with poea, kasi dapat 2 months basic salary ang entitlement sa kanila, kesyo pa paakyatin agad.

ang pagka tanda ko ha, if binenta ang barko kahit ilipat sa ibang barko agad ang crew dapat new contract na yun plus yung compensation nga na 2 months basic.

kay hubby daw nangyari yan before, may bayad na 2 months basic plus after 2 weeks pina akyat sya ulit. kasi kahit na compensated sya ng 2 months basic salary, the reality is ang liit lang ng basic salary kumpara sa dapat na sinusweldo nila, diba parang 1/3 lang yang basic pay, kaya hindi sila pwede patambayin agad kaya priority parin sila sa pag akyat.

sa office naman nila hubby if more than 2 months kanang bakasyon at hindi ka pa ma iline up. meron kang standby pay na until mapaakyat ka. pwera na lang kung option mo na hindi sumpa like si hubby kunwari pwede na i line up pero ayaw pa nya, wala syang standby pay.

chasiderwin

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #508 on: September 30, 2011, 10:09:05 am »
buti pa sa hubby mo sis kung may bayad sila, sa hubby ko kasi di ko natanong kung may bayad sila dahil mag bf/gf pa lang kami ng time na nabenta ang barko nila pero naka 8mos na siya noon, pero sabi naman niya wala daw, priority lang sila sa line up dahil after 3 days pinapasampa na siya uli (kung makababa sila now at need sa kabilang barko ng mga katulad nila sila na agad ang isasalpak).

pero sa kapitbahay naman namin di naman daw sila binayaran naka 1mo na siya, di ko din natanong dahil di naman kami lagi nagkikita, basta sabi lang niya nabenta barko nila.

ask ko nga si hubby pag dating, delay nga sila imbes na uwi na sila sa lingo baka daw abutin pa ng lunes o martes dahil nagka aberya sa makina, di sila makalayag  :(.

sino sa mga sis natin dito na may kakilala o hubby na sa interorient or evic ang company?

guilleanne

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #509 on: September 30, 2011, 12:04:09 pm »
sis ito galing sa hubby ko na katabi ko now, pag hindi daw hiningi sa office yung 2 months basic pay, kyemebels lang ang office, pero dapat daw meron, kaya dapat daw hingiin yun pag ayaw ibigay. kasi pare pareho daw ang contract ng seaman sa poea, check nyo daw nakalagay dun dapat may 2 months basic pay pag hindi finished contract. now kung ang contract mo daw eh 9 months plus one minus 1, tapos 8 months kana nung binenta yung barko, wala ka daw 2 months pay pero kung putol contract mo dapat daw meron.


edited:

binasa namin ni hub yung standard terms and conditions governing the overseas employment of filipino seafarers on board ocean going ships. (eto naka stapler sa contract nya)

section 23. termination due to sale of ship, lay up or discontinuance of voyage

where the ship is sold, laid up, or the voyage is discontinued necessitating the termination of employment before the date indicated in the contract, the seafarer shall be entitled to the earned wages, repartriation at employers cost and 1 month basic wage as termination pay, unless arrangements has been made for the seafarer to join another ship belonging to the same principal to complete his contract in which case the seafarer shall be entitled to basic wages until the date of joining the other ship

sa handbook nila hub ang naka lagay naman 2 months basic pay, siguro additional benefits sa company nila na 2 months ang binibigay. so ayun. tanung nyo na lang yung office bakit ka nyo sa poea contratc sabi dapt may bayad. sayang din yung 1 month basic pay.
« Last Edit: September 30, 2011, 12:25:57 pm by guilleanne »

babyrose

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #510 on: September 30, 2011, 03:11:42 pm »
hi sis, pajoin naman.. ininvite ako dito ni sis Workingmomzie, bf ko kakaalis lang 2 weeks ago..kakalungkot nga at walag internet sa barko nila, pero lagi naman may signal kaya text lang lagi..kahit wala akong narereceive na reply,todo text pa rin ako kasi nagagalit yun pag nagkakasignal siya then walang mareceive na message galing sakin.. :):)

regarding sa termination of contract, alam ko meron nga dapat yun makukuha na basic pay..yung classmate ng bf ko lumipat na lang ng company nung ayaw bayaran sa company nila..ayun nakaalis na ngaun,sobrang tagal kasi ng sakayan sa company nila bf kaya plan niya na din lumipat after ng contract niya ngayon. :(

Workingmomzie

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #511 on: September 30, 2011, 04:05:25 pm »
welcome sis babyrose!

hub ko october 19 tentative date nya pero luluwas sya next week manila. matagal tagal din bakasyon nya, 5 months din. di ko na sya pipigilan kasi to be honest konti na lang natira sa savings namin at preggy ako now with our 2nd baby.

pasyal ka lang dito sis mag eenjoy ka at mababait mga sissies natin dito. lahat nakaka relate sa sitwasyon natin at nagdadamayan pag may problema. at dami mo matutunan sa ibang mga sissies natin.

happy weekend! God bless!

chasiderwin

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #512 on: September 30, 2011, 04:40:51 pm »
thanks sis guilleanne di ko kasi din binabasa ang contrata ni hubby e, tamad ako magbasa ng mahahaba tapos ang liliit pa. ask ko din siya, hanapin ko mamaya sa bahay yung old contract niya at ng mabasa

welcome sis babyrose, ako nung magbf gf pa kami 1 week ako ngumangawa kapag kakaalis niya lang, now na may mag asawa at may baby na kami 1 day na lang hehe, tapos sanayan na lang din, tama lang na tayo ang mas madaming text kasi naka ka unli tayo samantalang sila 20 pesos, at makakamura lang kung makakabili ng sim kung saan bansa sila, pangit lang dahil pag naubos bili na naman ng bago di tulad dito sa atin na load lang ang katapat.

sis Workingmomzie good health sa inyo ni baby

Workingmomzie

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #513 on: September 30, 2011, 05:36:40 pm »
thanks sis chasiderwin...nung wala pa kaming baby naku palagi din ako umiiyak. iba talaga pag may anak na kasi nadidivert attention sa baby.

keri ko na kahit hindi na makahatid at sundo sa (manila) airport kasi talagang uunahin muna si baby. parang ang hirap iwanan lalo na at kailangan ko pa luluwas ng manila para hatid at sundo kay hub.

if ever paalis na sya this is my 2nd time di makahatid sa airport dahil preggy nga. at once pa lang ako hindi nakasundo sa kanya nung naipanganak ko yung first baby namin.

babyrose

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #514 on: September 30, 2011, 06:09:35 pm »
thanks sis Workingmomzie and sis chasiderwin sa pg welcome sakin..:)

ako naman, ako lang naghahatid sa kanya pag paalis na siya pero nung umalis siya ngaun pumayag na hindi ko na lang siya ihatid kasi alam nya na iiyak lang ako pag hinahatid ko siya.hehe.kaya tumawag na lang siya sakin nung paalis na.

buti nga nung bakasyon niya dito din siya nagstay sa manila kasi kung sa province wala siya gagawin. eh dito sa manila nagturo siya sa training center,libangan niya at the same time kumikita pa siya.hehe

were planning na din to get married next year,kaso dahil 5 months siya tumambay di sure kung kakayanin naman ang december 2012. usapan kasi namin 2 pang sakay para makapagipon naman kahit papano tsaka siyempre kami na gagastos para sa wedding namin..:):)

sweetie28

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #515 on: September 30, 2011, 09:28:25 pm »
hi sa bagong sampa sis babyrose, and salamat sa mga sumagot sa katanungan ko :), ayon nga daw talaga ang alam ni hubby kaya lang itong hub ko sobrang bait eh kaya di nagdedemand ng bayad, ako lang itong naniniguro kung may bayad nga  ;D at nangungulit sa kanya :), galing kami kanina sa ofis ayon sila mismo nagsabi na bibigyan ng bonus si hub,sa kanila na nanggaling ,di naman nagdemand si hub,kasi daw for patiently waiting daw and satisfied daw sila sa performance ni hub, asus,bonus ang term nila ,mas mababa sa basic niya pero ok na din at $2k ay malaki na din
good evening

babyrose

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #516 on: September 30, 2011, 09:36:20 pm »
hi sis sweetie28, malaki na nga din ang $2k.walang taong magbibigay sayo niyan ng libre :), wais nga din ang mga agency na yan, pag tiningnan mo ang contract mababa ang basic na binibigay nila. parang lumalaki na lang ang total salary dahil sa mga bonus so if ever may aberya tulad ng nabebenta barko, maliit lang din ang babayaran nila sa mga pinapauwi nila :)

xilac

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #517 on: October 01, 2011, 02:09:19 pm »
hi mga sis :) pakoin ulit tagal ko nawala hindi pa ko nakakapg back read.. :( kamusta naman ang mga hubby ninyo?

yang21

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #518 on: October 02, 2011, 09:40:04 am »
good morning everyone! pasampa lang ulit. habang backread din. no experience yet regarding sa binentang barko.

happy kase malapit ng umuwi si hubby. ilang days na lang! =) wala pang exact date pero mga 2nd week andito na siya. i am hoping nga na makaabot siya sa field trip ng anak namin kaso this coming thursday na yun. para sana kumpleto kami, and i'm sure matutuwa si bulilit if that will happen.

btw, may ise-share lang ako at itatanong sa inyo. kase si hubby nagopen up sa akin re: money matter and sharing or giving small amount of his income to his parents. naguguluhan lang kase ako eh, hindi sa nagdadamot ako. okay lang naman sa akin na tumulong siya or for example mag-abot siya everytime na dumarating siya. pero yung monthly allot. for his parents ibang usapan na iyon. kase naman seaman din ang papa niya at di hamak naman na mas mataas ang posisyon ng father-in-law ko. chiefmate siya although dito na siya nagbabarko, inter island na siya. pero kung susumahin mo ang salary nila, mas mataas pa rin ang salary ng biyenan ko. naiinis sa akin si hubby dahil hindi ako pumapayag. baket daw nakakontra ako pagdating sa family niya. ang reason ko naman, para saan yung extrang ibibigay niya sa magulang niya na sobra naman ang natatanggap. na samantalang kami, everytime na umaalis siya, palagi na ang nakautang. like dati sa papa pa niya kami humiram what i mean is, sila may ipon. samantalang kami wala pa. actually kakapromote lang din niya kaya kahit papano tumaas din salary ni hubby.

may apat siyang kapatid, 3 ang nagwowork na. yung isa, may asawa na rin.pero dalawa ang single na nasa bahay pa rin nila at nagshe-share sa gastusin sa bahay. may isa pa silang kapatid na grade school lang. yun na lang ang pinagkakagastusan nila ng malaki. or in short yun na lang ang tinutustusan ng magulang niya. so big question sa akin kung baket kelangan pa niyang magbigay ng monthly? samantalang kami nga kinakapos din minsan. sabi ko nga maiintindihan ko na magbigay siya ng monthly kung ang papa niya ay huminto na sa pagbabarko at wala ng mapagkukuhanan ng pagkakakitaan. pero ngayon na maayos naman pamumuhay nila at mas malaki pa ang salary ng papa niya kesa kay hubby, parang hindi fair sa amin na pamilya na niya. pinipilit kong iopen naman ang mind niya at hindi inis at pagkontra ang isipin niya sa akin. kung kayo, tama ba ako sa sinasabi ko sa kaniya o mali? o dapat hayaan ko na lang siyang magbigay sa parents niya monthly.

isa pa pala, dito kami sa parents ko nakatira. tipid din kase hindi na kami umuupa. regarding sa gastusin sa bahay, kahit mgkasama kami may kanya kanya kaming kuntador at share sa ibang bills. saka parang separate pa rin kasi sa 1st flr. kami sila sa 2nd flr.  may sariling pintuan din, yun lang nagkokonek para makaakyat din at makalabas sa main door. may business ang magulang ko kaya never na nanghingi sa akin or what so ever.  they never ask anything na sobra for me even nung nag-work ako. plan din naming magkasariling bahay pero sa hirap ng buhay parang malabo pang mangyari yun lalo na at nag-aaral na rin ang anak namin. at humihirit na ng isa pa. at ako gusto ko rin naman na. kaso sa sinasabi niya about his share sa parents, hindi ko alam kung saan ako lulugar.. :(
« Last Edit: October 02, 2011, 09:52:36 am by yang21 »

babyrose

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #519 on: October 02, 2011, 06:10:22 pm »
hi sis yang, regarding po sa pagbibigay ng pera sa inlaw mo. may point ka naman,okay lang sana na magbigay si hubby mo sa parents in law mo kung kinukulang sila. pero kung hindi naman,para san pa yung allotment na gusto ibigay ni hubby mo sa kanila. ipaintindi mo sa hubby mo na may sarili na siyang pamilya na dapat niya unahin. since may income din naman in law mo,dapat siguraduhin niya muna na hindi kayo kinukulang bago niya tumulong sa parents nya.

wala pa ako asawa,were planning to get married next year pero napagusapan na namin ang tungkol sa allotment na yan if ever magasawa na kami.nagtanong sakin bf ko kung puputulin nya na daw ba allotment sa family nia pag kasal na kmi,sabi ko wag nia pulutin kasi may kapatid ka pa na nagaaral. pero after kapag tapos na kapatid nia magaral saka nia na lang puputulin kasi may work naman mama nia.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close