watch now

Author Topic: Re: Seafarer's Family Part 6  (Read 89720 times)

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #440 on: August 31, 2011, 10:25:20 am »
thanks sis betty.

ow sad naman. I can feel sis na excited ka pa naman sa pagdating ni hubby. panira ng moment talaga. pero ngayon mukhang gumanda na a. kamusta naman?
sis swit_squiggle, is this message for me? if yes, then, hindi po si hubby yun, at wala pa akong hubby. hehe. if its not for me, please disregard my message. thanks.

Hello sa lahat!

swit_squiggle

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #441 on: August 31, 2011, 08:58:44 pm »
hehe.yeah it was for you suppose to be. minsan ginegets ko na lang ang mga usapan dito sa home therad ko. dahil kung magbabackread ako from the first thead..hay naku baka part 7 na at tsaka ko pa lang matatapos. nyahahahaha. ;D eh kikilalanin ko kayo isa isa para makasabay. hahaha

keisha

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #442 on: August 31, 2011, 10:23:57 pm »
sis tet! wow, papalag pa nga ba.. eh sang ayon naman sa plano si hub mo sis...=)

sis chie... hugs for you... unpredictable talaga [textspeak!] weather sa atin..sayang lahat ng effort and most especially yung time na mag kikita kita kayong lahat ng mga cuzins and family dapat.

goodnight!

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #443 on: September 01, 2011, 10:32:45 am »
^thanks sis.

hello po sa lahat. just to update everyone, naka get-over na rin ako. nakita ko rin kasi sa email ni pinsan kung gaano siya kalungkot sa nangyari. so parang narealize ko na malungkot nga ako, pero mas malungkot pa rin siya, wawa naman. pero that's life. hehe. natuloy pa rin yung "mini" party. kainan lang at swimming kahit umuulan. then the day after, since sad pa rin ako, nilabas ko mga kapatid ko. magastos lang kasi ako nagyaya, so ibig sabihin, ako ang taya. hehe. pero happy naman na. salamat sa inyong lahat for the emotional support and virtual hugs.

sis gelei - HAPPY, HAPPY BIRTHDAY! ;)

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #444 on: September 01, 2011, 08:42:15 pm »
hi sis chie, im glad naka get over ka na at happy ka na.

kamusta mga sis. chika lang.. merong babae na nag message sa asawa ko kahapon. nangangamusta lang naman at ina-add si hubby sa FB. Inis ako kaya pinakelaman ko fb nga asawa ko at nireply ko ng "MAY KELANGAN KA??" tapos inulit nya lang message nya na kamusta ka na po.. nagpo-po pa ang hinayupak, nagpapapa-cute! pwe! nangangamusta lang po.. ganun ganun sya. ang reply ko lang ulit "ANONG KELANGAN MO??" tapos ewan ko kung nakahalata na siguro na ako yung nagmessage sa kanya biglang sabi "nangangamusta lang po, sige BRO"

mainit ang dugo ko sa babe na to kase mag bf pa lang kami ni hubby e lumalandi na ito sa asawa ko. Gusto kasi nitong makasampa sa barko at alam nyang kayang kaya sya pasampahin ng bro. in law ko kaya panay ang landi kay bf-now-hubby ko. eh diba nga dati din naman malandi asawa ko (nung bfgf pa lang kami). hehe hindi lang natuloy ang malagim na balak ni babae kase hindi sya nakakuha ng visa. kaya gumuho na yung pangarap nya makapagbarko.

tapos nung siguro ilang months pa lang kami married ng hubby ko, ayun nagmmessage ulit sya. nagpapapansin. sa YM, sa FB. iniignore na nga ng asawa ko parati pa message ng message. eh sa galit ko nun, (nagkataon pa na nagppost partum ako..) sinagot ko yung email nya.. sabi ko "hoy ikaw na malandi ka, kung gusto mo magbarko magapply ka ng maayos, gumawa ka ng sarili mong diskarte at wag yung lumalandi ka sa asawa ng may asawa. mahiya ka naman, dika na nga pinapansin sige landi ka pa. kapag hindi ka tumigil sa kaka message at kakalandi sa asawa ko, ipapappatay kita p*****ina ka!"

grabe ba? ang bad ko ba? hehe sorry naman. matindi post partum depression ko nung ginawa ko yan eh. hahaha! tapos months after, nagmmessage na naman yan. pakamu-kamusta. bakit daw hindi nagpaparamdam sa kanya. etc etc.. i dont know ano pa ba kailangan nya sa asawa ko. hindi naman sila nagka relasyon although naglandian sila noon. ayun, kulo lang dugo ko kahapon. at yun nga napa reply ako sa kanya gamit account ng asawa ko. gusto ko sana murahin pero wag nalang.

dinelete ko yung messages, pero di ko pinakelaman yung friend request nya kay hubby. di ko pa nasasabi sa asawa ko na nagmessage nga at nireply ko nga ganun. hihi tsaka nalang pag nagskype kami bukas. turnaround kasi nila ngayon, ayoko kwentuhan ng kung ano2.

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #445 on: September 01, 2011, 10:56:21 pm »
thanks sis nuna. naku, sobrang nakakairita naman ng girlalu na yan. bakit kaya may ganyang mga tao, noh? panira sa buhay. hayaan mo, makakarma din yan. 

nicolle

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #446 on: September 02, 2011, 04:29:44 pm »
sis chie hay kalungkot naman ng kwento mo :(...pro tnx God at oks ka na ;)

sis nuna basta wag ka lang bumaba sa level nung girlash ;)


mga sis share ko lang ha,,nabasa ko lang sa fb nakakaaliw kasi,,,

Sabi ng IT sa SEAMAN:
......."Technology nyo parang radio lang namin"
Sabi ng ARCHITECTURE sa SEAMAN:
......."Graphing nyo parang coloring book lang namin"
Sabi ng BUSINESSMAN sa SEAMAN:
.........."Explanation nyo parang salestalk lang namin"
Sabi ng NURSE sa SEAMAN:
......."Board Exam nyo pang long Quiz lang namin"
Sabi naman ng SEAMAN SA LAHAT....
EH [textspeak!] SAHOD NYO!! PANG - INOM LANG NAMIN!!!
 ;)

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #447 on: September 02, 2011, 05:50:20 pm »
^HAHA! panalo!  ;D

iggypop

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #448 on: September 02, 2011, 10:33:03 pm »
^^ haha the best ka talaga sis nicolle, napatawa ako dun!

swit_squiggle

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #449 on: September 04, 2011, 07:28:03 am »
I read from FB. share ko lang guys.

Marine Engineer,Navigational Officer, Trained Lifeguard, Electrical Engineer, Radio Officer, Medical Advisor, Firefighter, A Lifesaver, A Leader..A MARINER. The Workplace rated among the Top 3 Most Hazardous Places to Work. No Fixed working hours, No Holidays, Always at the Mercy of Nature, A Tight Schedule.No Margin for Error. You think You can Handle the Pressure? Dont Even Bother..ONLY THE BEST MEN GO TO SEA!
a tribute to all SEAFARERS! RE-POST this to your wall if you believe so.


gelei

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #450 on: September 05, 2011, 07:15:37 am »
^
sis gelei - HAPPY, HAPPY BIRTHDAY! ;)

thank you sis healthgal for the greeting at sa ibang sis na nag-greet sa FB. salamat. medyo sad lang na-dengue ang bunso ko nasa hospital kami ngayon. Kahit anong ingat natsamabahan pa rin si bunso ng lamok. Dumalaw kasi kami sa puntod ng ate ko sa Manila Memorial sa Dasma takbo ng takbo. Kutob ko dun nakuha. haaay :(  3rd CBC na today sana mag-improve..

Ingat lagi mga sis pati mga kids..

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #451 on: September 05, 2011, 10:02:34 am »
^sad to hear that sis lei! si baby nga last week monitor rin namin kasi bigla rin nilagnat, binigyan na nga kami ng pedia ng request for cbc at platelet count, if the fever persist daw at humina ang activities ni baby, ipa-lab na agad. buti hindi naman nagpatuloy. though parang natatamlayan ako sa kanya ngayon.  sis [textspeak!]-ano naging symptoms ni dave?

sweetie28

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #452 on: September 10, 2011, 08:56:58 am »
hi sisses, ito medical na naman si hub , wala pa one month kasi last vessel niya ay nabenta kaya sakay na agad, haaizt buhay, ito sinama niya ako sa pagpamedical, wating mode.

iggypop

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #453 on: September 12, 2011, 09:37:51 pm »
hi mga sis! musta na?

pwede ba mag-vent?  :( i just feel so sad and disappointed right now...

my birthday is coming up and sadly hub can't come home on time. last month he filed a leave and asked me if okay na ba daw ang sept 15-30? sabi ko parang alanganin yata (my birthday is 3rd week of sept. i told him baka pasakayin siya ng ship ng 2nd week of sept and mag-overlap sa bday ko. he said let's hope not daw.

pero nangyari na nga ang mangyayari, he boarded last sept 4 and he's still currently on board. he said sa 22 pa daw makakauwi :( sorry daw pero he can't do anything about it.

i know naman na wala siyang magagawa. i just feel sad  :( had he secured better dates,we could've celebrated together. he has control naman over his leaves.

ilang years na din siyang wala sa birthday ko. and sadly twice na nag-vacation kami, lagi siyang tinatawagan to board a ship and he just can't seem to say no. in the middle of our vacation he would get a call, he gets preoccupied na scheduling his flights and corresponding with agents and his bosses. di din na-enjoy ang vacation.

he's always saying he can't do anything about it. he's new pa lang sa job nya and kelangan magpa-pogi muna sa bosses. he said that it's for our future naman. i completely understand. i just can't help feeling this way!

gusto ko lang mag-moment unfortunately siya pa galit. bat daw hindi ko siya maintindihan, ano ba daw gusto nya gawin ko? mag-resign na lang ba daw? kumbaga instead na intindihin niya feelings ko, ibinabalik nya pa sa akin :(

haayyyyyssssss... sorry mga sis ha? i just feel sad and disappointed.
mali ba ako? selfish yata ako :(

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #454 on: September 12, 2011, 10:40:47 pm »
iggypop hugs for you sis.
alam mo ilang birthdays ko na din na wala si hubby, buti last year nakauwi sya. pero madalas even nung mag bf pa lang kami, di sya nakakauwi sa birthday ko and syempre sobrang sad.

cheer up, sis. im sure gusto ka rin makasama ni hubby mo lalo na on your big day. but sabi mo nga, bago pa lang sya and kailangan magpa-pogi. about sa galit, naku wag mo nalang masyado pansinin. nasstress lang yun at parang pressured. alam mo yung feeling na gusto ka nya makasama pero wala naman sya magawa? mahirap din yun for them e. ako, guilty rin ako sa pang-aaway sa asawa ko sa mga ganyang pagkakataon.

it's normal to feel that way.. hindi maiaalis talaga satin malungkot and sometimes madisappoint. but eto ang buhay natin seafarer's wife. wag ka na masyado malungkot sis, and lambingin mo na din lang si hubby mo para hindi lalo masira ang moment. =) sigurado ako, babawi naman sya sa mga susunod.

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #455 on: September 12, 2011, 10:57:56 pm »
sis gelei and babymom20 - kamusta na babies ninyo? hope they're okay na

sis sweetie28 - hugs for you

sis iggypop - naku, super hugs for you din. i know how difficult it is na mag moment on your birthday. alam mo sis, sa tingin ko, kaya nagagalit partners natin pag ang issue involved eh work nila, kasi parang nagiging defense mechanism nila ang magalit, kasi sila mismo, in a way, eh frustration din nila na malayo sa atin (opinion ko lang ito ha). no, i don't think you're selfish. normal reaction lang siguro yun ng kahit na sino.

hello po sa lahat. na-miss ko kayo, na-miss ko ang thread na ito. muah <3

nicolle

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #456 on: September 13, 2011, 06:15:05 am »
good am sisses

sis iggy hugs for you also ;),,naku sis ganyan talaga nature ng work nila,,kasi si bayaw ko dati ganyan din,,naku naloka ang hipag at kids nya kasi parang 24 hrs duty sila,,lalo na pag may problema ang barko..minsan dina din nila naeenjoy ang vacation coz minsan may tawag from bossing at urgent na magreport daw agad,,kya ayun nagresign na lang din sya after 2 yrs,,kasi sabi ni hipag "SANA PAG NAGING SUCCESFUL KA AY MAY PAMILYA KA PANG BABALIKAN"  ;)

but then sis cheer up ;),masisira beauty mo nyan,,be thankful pa din at kahit papano mas madalas mo pa din sya kasama unlike kami dito na ilang months/yrs pa din ang hinihintay  ;)





chasiderwin

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #457 on: September 13, 2011, 11:20:14 am »
kamusta mga sis tagal ko nawala di pa ako nakakaback read.

sis nicolle katawa naman
sis Nuna subukan niya kaya tumambay sa luneta, doon madami aplayan kamo
sis gelei belated, hope ok na baby mo

lapit na din bday ko akala ko makaka uwi na si  hubby pero 1st week pa ng october sila makakauwi, pero ok na din kasi mabilis lang naman ang araw.

have a nice day mga sis  :D

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #458 on: September 13, 2011, 12:29:59 pm »
sis Nuna subukan niya kaya tumambay sa luneta, doon madami aplayan kamo

ano yon sis, di ko gets? hehe!

chasiderwin

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #459 on: September 13, 2011, 02:42:06 pm »
sa luneta sis doon sa aplyan ng mga seaman sa kalaw harap ng magsaysay, dun pumunta yung lumalande sa hubby mo.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close