watch now

Author Topic: Re: Seafarer's Family Part 6  (Read 89915 times)

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #380 on: August 23, 2011, 08:31:50 am »
^  lupit mong nanay sis hahaha! talo mo si jawo sa bantay hehe. tapos pala karamihan ng mga parents e magcoconvoy, para na kayong motorcade nyan hehe. malamang tiwi, albay, cam sur ang iikutin nila. geothermal plant, cwc, cagsawa ruins etc. i suggest magdala ka ng driver sis. nakakaantok sa kalye. or yung ibang parents na gusto rin sumama, magpalitan kayo magdrive.

keisha

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #381 on: August 23, 2011, 08:44:49 am »
sis jonna, tumpak, ang daming sira ulo ngayon.. ingat2x lang poh lahat!

sis ren, ang aga mo! ako pag andiyan si hub laging late sa office eh. LOL! hay naku sis, mas madami lang sira ulo ngayon.. but infairness.. nag lose na ko ng weights, 10lbs. in 4mos.. hahaha. karir na karir.. yun lang ang bilis lumobo pag dating ni hub.

naku sis betty, ganyan mga hirit lagi niya eh.. never failed to make me laugh, kahit asa malayo.  :)

sis jonna, wow.. at mag roadtrip ata... ;)

may joke diyan about sa calendar method, may mag asawa, nag reklamo sa OB, bakit daw nabuntis pa din si mrs. eh sinunod naman nila yung sabing mag calendar method.. ask ng OB pano nila ginawa dun, pag daw nag do sila ni mrs. niya, nilalatag yung calendar. ahihi.. (corny) mababaw lang ako ngayon at me hang over pa ng video call..  :P

good morning pretty sisses!  ;)

betty

  • Guest
Re: Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #382 on: August 23, 2011, 08:47:34 am »
sis Jona, 1 full tank abot na ng sorsogon sa diesel ha, ewan sa gas

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #383 on: August 23, 2011, 08:53:16 am »
sis eva, maaga nga ako dahil ki hub. hinatid ko sya sa kanyang lakad kaya kahit super antok pa ko,wala magawa. pagdating ko dito naglilinis pa lang mga janitor. hay.

kung walang bagahe at mag-isa lang sis jona, mas tipid pa yun. may tira pa yan full tank mo siguro. pero meron kami napagdrive noon grabe sa gas. naka 2 full tanks kami bago nakarating sa bicol, hindi naman naubos 2nd refill pero maaksaya syang magdrive.

nicolle

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #384 on: August 23, 2011, 08:56:44 am »
yup sis ren mag hire ako ng driver para may kapalitan si daddy ko magdrive,,, ;)
baka sama ko na din si MIL ko para masaya :)
1st time ko sa bicol ;)

sis betty diba pwedeng tubig na lang ikarga? hahhaa joke

carry naba ang 20k na budget? let say mga 2days siguro? di naman siguro pagpunta dun ay uwi na agad ang mga student diba? what do u think?

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #385 on: August 23, 2011, 09:13:02 am »
kawawa naman mga bata kung pagdating e uwi agad. baka naman bugbog na sila sa byahe. 20k sa inyong apat, sobra na po siguro yan. mura lang mga pagkain dun. may mga hotels din. kung one night stay lang naman sa hotel, sobra na yan. magdala ka na sis ng swimming attires mo. mag wakeboarding ka sa CWC..ganda na rin mga cottages dun,dko lang alam ang rate. :-)

nicolle

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #386 on: August 23, 2011, 09:19:25 am »
naku sis mukhang di ako pwedeng maghappy happy dun,,at dapat kasi wag mawawala sa paningin ko yun alaga ko ;)

swit_squiggle

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #387 on: August 23, 2011, 09:22:47 am »
gandang umaga mga sis.

bonggang beauty sa mga early birds. sis ren kachikahin mo na lang si Mr. janitor, ikaw ata ang maaawardan ng most punctual hehe.

happy trip sis nicolle. bakit kaya hindi sinuportahan ng government yung naginvent ng tubig as fuel sa sasakyan.
« Last Edit: August 23, 2011, 09:29:25 am by swit_squiggle »

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #388 on: August 23, 2011, 10:32:01 am »
good (super late) morning sa lahat. ang aaga niyo ha :)

sis eva, 10 lbs in 4 months?! woah! wow, super galing and disciplined mo sis. sana magkapitbahay or magka-officemate lang tayo para magdidikit ako sa iyo, baka sakaling mahawaan mo ako ng pagkadisiplinado mo sa pagtakbo. galing, galing. ang kulit ni hub mo re sa video ha, hehe.  ;D

usapang contraceptives, baligtad kami ni boyfie. may PCOS kasi ako (sad), kaya prescribed ang hormonal pills ko. pag andito si bf, hindi ako umiinom, nagbabakasakali kami na may mabuo. sa age ko ngayon, mas important ang magka-anak, kaya keber sa amin kahit mauna anak sa wedding. pag-alis niya, saka ako bumabalik sa paginom ng pills para mastabilize hormones ko.


nicolle

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #389 on: August 23, 2011, 10:34:12 am »
sis chie since when pa kyo nagtatry na magka anak?

nicolle

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #390 on: August 23, 2011, 10:36:39 am »
sis swit_squiggle naku dipa naman sure if tuloy yun bicol trip medyo naghahanda pa lang ako :)
parang anag balita ko nasa amerika na yun nakaimbento ng water as fuel ;)

betty

  • Guest
Re: Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #391 on: August 23, 2011, 10:40:45 am »
sis Chie, go girl! pa pray over ka para magkababy.

swit_squiggle

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #392 on: August 23, 2011, 10:47:31 am »
sis healthgal.kaya yan. mabuti nga lang at nagkababy pa kami ni hub ko, kasi 1st trimester ko na nalaman that I have a dermoid cyst on my left ovary, I was a bit nervous pa during my pregnancy when the doctor told me that in case daw magtwist ang ovary ko by the second trimester e.ooperahan ako kahit nasa loob ang baby. pray lang and it really works. after the pregnancy nagpacheck up ulit ako hayun dalawa na sila, isa sa left at isa sa right. May fear pa naman ako sa operating room. kaya di muna ginagalaw.

sayang talaga yung nakaimbento nun ano?i mean sayang sa mga pinoy. sana kung sinuportahan lang nakilala pa sana ang pinas.

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #393 on: August 23, 2011, 10:49:43 am »
sis jonna - since nagstart siya sumampa ng barko, so that was roughly 3 contracts ago. pero, try-tryan lang. i mean, no medications yet. saka na kami siguro magreresort sa medical help pag sakal, este kasal na kami. one reason daw ng PCOS ko eh weight ko. kaya nagkahormonal imbalance ako. eh yung si ob ko, ayaw magprescribe ng pampapayat, idaan ko daw muna sa natural method of diet and exercise. ewan ko ba, sa ibang threads naman nabasa ko na prinescriban na sila agad. medyo im considering to change ob nga din, kaso, parang comfortable na rin ako sa kanya eh.  :)

sis betty - oo nga eh, prayers talaga, in time. iniisip ko nga, baka naman kaya hindi pa ibinibigay baby kasi gusto ni God na ikasal muna kami. (religious thingy lang). hay, take one step at a time. pero nagreresearch na ako paano pumunta sa obando (dun yun di ba?)  :)

nicolle

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #394 on: August 23, 2011, 11:21:51 am »
sis chie before dumating si bf mo kain ka ng mga oyster plus green leafy veggies...
yun asawa ni couz ko 9yrs sila naghintay...so while nasa abroad yun couz ko ang ginawa ng asawa nya halos ginawang tubig ang saluyot,,hmnn effective naman to think ang laki din ng naubos nila sa sa med nila before...

sis madali lang yan OBANDO dyan ako nag aral eh ;)

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #395 on: August 23, 2011, 11:37:41 am »
thanks sa tip sis. enjoy your road trip  ;)

guilleanne

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #396 on: August 23, 2011, 12:26:25 pm »
sis naiisip nyo ba minsan na habang kayo nag momoment may isang babae namang nag eemote kasi kaaalis lang ng hub nila. wala lang, nagaantay lang ng oras sa pag sundo, naisip ko lang, how sad siguro yung mga misis ng pumalit kayla hub.

grabe sis nicolle, mag bantay, saludo ako sayo ha.. best mom.

sis heath.gal pray lang, si GOd naman ang may plano nyan, in his time he'll give you your bundle of joy. pero tama din yung payo sayo, kasi yung saluyot rich in folic acid yun. saka daw maganda rin yung bulalo na may mais.

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #397 on: August 23, 2011, 01:44:31 pm »
^super thanks sis.

mga sis, ikwento ko lang pala sa inyo. sa kabilang thread kasi, may navirus ang pc so nawala ang mga important files niya. i suggested na pwede siya gumamit nung software na nagrerecover ng mga files. meron kasi ako nito, pirata version nga lang. pero ang galing kasi lahat ng files ko, narecover niya, kahit na nakailang reformat na ako. bigla ko lang kayo naalala. kasi may mga ilan sa atin (kasama na ako, hehe), na minsan gumagawa ng "private" videos. a friendly reminder lang for everyone concerned, make sure na hindi niyo ibebenta sa iba yung electronic device (pc, laptop, cp, handy cam, digi cam, etc) na ginamit ninyo sa paggawa at pagsave nung video, kasi, lahat ng ito pwedeng marecover, kahit pa nareformat na yung device. mahirap na, baka kumalat pa mga beauty natin. ;)

nicolle

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #398 on: August 23, 2011, 01:59:54 pm »
ay sis chie korek ka dyan...kasi last month nasira yun laptop ko,,,,ang unang tanong ni hub ko kung may SCANDAL PIX daw bako? kasi nga kaya daw irecover,,naku po di ako nakatulog the whole day kasi nga meron ako hahhahah,,pero sexy photos lang naman yun so sabi ko abangan ko na lang sa U TUBE..HAHHAHA so far naman wala pa sa U tube ;)

kaya ingat ingat  ;)

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #399 on: August 23, 2011, 02:03:43 pm »
Hello mga sis! Haba agad ng backread ko ah? Absent ako kahapon kasi birthday ng anak ko, lumabas lang kami. next week pa sya magpaparty. Hay, mga sis. Miss na miss ko na ang asawa ko. HAGULHOL ako nung isang gabi sa Skype habang kausap ko sya. Haaha! As in mega iyak ang lola nyo. Yung nakaraang week kasi super busy si hub and down yung server nya kaya hirap kami magcommunicate. Ayun yata epekto sakin, parang gusto ko na pauwiin ang asawa ko. :(

sis chie, nakukuha sa prayer yan. ^_^ Di bale, malapit naman na ang wedding nyo eh. True siguro yung sabi mo na pinapatapos lang ang wedding bago ibigay. =) Kwento ko lang, nung nabuntis ako.. bago umuwi si hubby, mga 3 weeks sya nagtiis sa barko na iwasan si "Mary P." tapos nung magkita kami, oyster pa kinain namin. Oh e ano pa nga ba, edi 3 years old na baby ko ngayon! Hahaha!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close