^
Based on my observation may different kinds of Models sa Philippine industry.
Ramp Models
Print Models
TV Ad Models
Lahat sila may iba't ibang difficulty para makapasok. You have to know anong advantage mo para malaman mo kung saan ka fit. I'll try to tell what I know.
Ramp/event Models - Here you need good looks and good figure. Need mo ng height at need mo rin marunong mag lakad sa ramp with matching fierce looks. Since looks and figure ang need dito, which I would say, 75% genes and 25% hard work, medyo mahirap makapasok dito. Based on observation hindi rin naman ganun kataas ang income dito unless nasa high end event ka or if kilalang kilala ka. Saturated din ang market dito dahil andami ding foreigner na kinukuha dito sa Pinas para sa ganitong klaseng models (Australian, Brazilian etc). Kadalasan magandang stepping stone for exposure para maka-gain ng network at pampalawak ng portfolio dito kahit maliit lang ang income. I think yung ibang mga ramp models sila din yung madalas nakaka sideline sa mga events like car show etc... Madaming events kaya kapag malaki na ang network mo, kahit maliit ang income pero kung mas madaming events, malaki laki na rin ang income mo.
Print Models - Yung income nito, depende sa kind ng prints mo. If sa mga magazine, unless kilala kang tao or celebrity ka, hindi rin ganun kalaki ang bayaran dito. Pero may exception. Kapag ang print mo ay para mag endorse/model ng product, mas malaki ang income dun. Depende rin sa magiging exposure mo like Web Pictures or Billboards, pati sa lockout mo na hindi ka pwede mag model/endorse ng ibang product at contract lockout duration. Compare sa Ramp Models, hindi necessarily na may good looks at figure ka dito since may makeups naman at photoshop. Depende sa role at product endorsement kung fit ka pwede ka na din. Hindi rin kailangan masyado ng height dito since lahat naman pwede dayain sa Pics. Magandang exposure din ito.
TVC Models - I would say ito ang may pinakamataas na income sa tatlo. Pero depende sa role mo kung extra, acting extra, lead... depende sa contract/exposure/lockout din ang pay dito. Pag matagal paulit ulit ang TVC mo, pwede ka kumita as much as 70% ulit ng una mong nakuha. Hindi rin need na good looks and figures ang meron dito. Dapat may character ka dito. Depende sa need ng industry at depende sa product, kukuha sila ng fit sa role. Yung mataas ang exposure kadalasan nagiging stepping stone ito sa pagaartista. Yun nga lang, hindi ganun kadalas na makukuha ka sa TVC. Dahil may product lockout ka maliban na lang kung recurring ang role mo at regular na pabago bago ang TV Ad na yun.
Pwedeng tatlong yan ang mga raket mo, pwede ring isa lang sa mga yan. Kung mag bubuhay model ka, yan ang pagkukunan mo ng income mo.
If seryoso ka sa pagiging model, requirement number 1 mo is need mo maging malapit ang place mo sa NCR. Yung mga VTR, casting at shoot at events, kadalasan sa NCR nagaganap particularly Makati and QC.
Pwede ka maging freelance, pwede ka rin naman magkaroon ng contract sa agency. Depende sa needs mo. Advantage ng freelancers eh kahit saan pwede ka. Yun nga lang matrabaho ito at not necessarily din na walang cut sayo. Freelance ka pero sa mga agency ka pa din lalapit. So may cut pa rin sila sayo. Advantage lang is pwedeng marami kang agency pumunta depende sa mga casting na meron sila. Yung ibang agency syempre priority nila ang mga talents nila. Pero kung tingin mo mabenta ka, makukuha at makukuha ka pa rin. Dito mo rin mapapalaki ang network mo sa industry. Kapag naman may contract ka sa agency, hindi ka makakatanggap ng project kung hindi lang din galing sa agency mo. Pero maganda sa agency is may protection ka. Minsan may mga legal issues na nagaganap sa industry kaya ok din na may protection ka. At saka pag under contract ka, una ka syempre na ippresent sa mga Advertising agency and kapag wala ng option saka na lang sila kukuha ng iba. Minsan kapag malakas talaga ang agency mo, wala ng casting casting at ikaw na agad ang ialalagay sa project.
In the end... ok naman pumasok sa industry na ito if you need extra income or kung meron kang pinagiipunan habang may free time ka. Pwede mo gamitin ang income mo pang support ng study mo or para makaipon ka pang investment sa other opportunities. Pero i think, hindi enough na dito ka aasa. Mag age ka din at yung looks and figure mo ay mag fade while maraming pumapasok na mas bata at mas ok. Kung hindi mo magamit wisely ang income mo dito, I think babagsak ka pa din sa wala. So yeah, pang raket raket lang talaga ito at mahirap gawing career.
Good luck sa endeavors mo!