watch now

Author Topic: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2  (Read 111135 times)

SnowBall

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #180 on: July 10, 2011, 12:43:56 pm »
B3bang, Emgee and Scents, thank you ng marami mga sis, medyo okay na ako, dami ko nga iniinom na
water at buko juice, hindi na ako nakakaramdam ng hirap sa pag ihi, malikot naman si baby kaya
I am thankful talaga kay God, sana clear na urinalysis ko sa tuesday. :)





Hello mga sis, blessed sunday sa inyong lahat at sa mga babies natin. =)


25 weeks na si bebe ko, at nag triple na likot niya, thank God =) excited na rin akong mamili ng gamit ni bebe
buti na lang nabanggit ninyo na sale sa SM by september, pwede na akong mamili nun =)

Malungkot lang ako ng slight, kasi hindi ako makakapanood ng harry potter sa sinehan LOL.


SnowBall

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #181 on: July 10, 2011, 12:45:58 pm »
Parang cute nga mga cloth diaper covers kaso ang mahal... regular lampin na lang ako pag sa house lang ang baby

ako naman sis, regular diaper din gagamitin, yung disposable, yun gamit ko sa panganay, talaga lang palaging
may drapolene creme para hindi mag rashes.

May mga lampin din ako noon, pero pamunas lang, saka in case nag ka rashes si baby, lampin muna =)

SnowBall

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #182 on: July 10, 2011, 12:53:53 pm »
Mommychic

sis, naku same tayo, I'm on my 25 weeks now, may pain ako sa abdomen ko, sa malapit sa umbilical
region, no discharges din ako (thank God), no contractions o paninigas ng tiyan.

Yung pain, nararamdaman ko lang siya kapag mag che-change ako ng position, or babangon sa kama,
pero kapag hindi naman, like kung naka steady lang ako, wala naman pain.

Nabasa ko sa internet, pwedeng nababanat na ligaments kaya sumasakit. Tinawag ko na kay OB ko,
sabi niya lang, mag bed rest ako, and ituloy ang duvadilan, since yung pain naman hindi naman severe
or persistent. Wala din naman akong bleeding. Plus super likot ni baby (thank God ulit)

Kaya yun, nag pray ako, afterwards, hindi na ako nag worry, kasi naisip ko, kung may diperensya sa loob
dapat yung pain, andiyan palagi, kahit ano pang position ko diba?

Basta count for fetal movements palagi sis, hanggat malikot si baby, sign yun na healthy siya. =)

shoutingwind

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #183 on: July 10, 2011, 02:08:58 pm »
Grabe nag chill ako kagabi. Not the good kind of CHILL.. lol

Ewan ko ba, parang biglang lumamig yung Aircon. Eh hindi ako makabangon, nag kumot na lang ako ng bongga.
chill kung chill talaga. Buti na lang sumipa si baby kasi takot na takot ako baka naapektuhan sya.

Tapos after ilang oras, uminit naman! Anak ng patola talaga o. Ok naman baby... galaw ng galaw.

Bakit di pwede manood ng harry potter sa movie house?

SnowBall

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #184 on: July 10, 2011, 02:42:25 pm »
^sis shoutingwind, bedrest kasi ako until now, maselan ako mag buntis. Kaya inggit ako sa mga buntis
na nakakagala sa mall for the rest of their pregnancy.. di bale, panoorin ko na lang sa dvd.. :)

shoutingwind

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #185 on: July 10, 2011, 02:48:53 pm »
Ahhh.. bed rest ka pala.

Kala ko may curse or something yung harry potter. HAHA! plano ko kasi panoorin sa cinema. :D


blush_blush

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #186 on: July 10, 2011, 03:30:18 pm »
@27 weeks medyo naiinip na ako haha... :)

minsan namamanhid [textspeak!] mga paa ko, hinihiga ko nalang pero hindi ko talaga mapigilan di gumalaw galaw.
ang likot na nga ni baby hehe... minsan nakakagulat siyang sumipa, minsan umuumbok din ewan kung anong body
part ni baby nahahawakan ko.

kanina, ang sakit ng balakang ko parang may period ako.

shoutingwind

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #187 on: July 10, 2011, 03:32:12 pm »
Medyo may manas na nga pala ako sabi ni doc.
At galit na galit na ang mga stretchmarks ko... kaka depress.
At mababaw na yung pusod ko.

27 weeks na din ako.

shinta

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #188 on: July 10, 2011, 06:21:15 pm »
tapos na surgery ko, yey! ok naman kami ni baby. hopefully, simula na ito ng mas masayang pagbubuntis. thanks for all your prayers  :)

SnowBall

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #189 on: July 10, 2011, 06:36:30 pm »
^Shinta:

I am happy for you sis, really, God is good =)


Shoutingwind:

sis, nabasa ko sa net, minsan daw ang sanhi ng chills, eh kulang ka sa water, share ko lang.
Haha, wala naman sumpa ang harry potter, kaso fanatic kasi talaga ako, natatakot si hubby
na baka mag preterm labor ako pag nanood ako LOL.




Grabe nga, may galaw din ang baby ko na parang ini-i-screw niya tiyan ko, parang gusto niyang gumawa
ng butas palabas LOL, favorite part ko talaga ng pregnancy ang gumagalaw na si bebe, miracle kicks =)

shoutingwind

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #190 on: July 10, 2011, 08:08:21 pm »
^true, gustong gusto ko pag sumisipa si baby... kahit minsan sa pantog ako sinisipa (edi natural napapa ihi ako ng wala sa oras!!)

it assures me na she's ok. somehow.

bb

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #191 on: July 11, 2011, 07:52:52 am »
@shinta: Praise God you're done with surgery! happy pregnancy journey na!

@shoutingwind: naalala ko yung ate ko dati nung buntis nagcchill din sya sa gabi as in gabi gabi yun. pero mga 5-7 minutes lang tapos nawawala na din. pag nagcchill sya natatakot ako. pero paglabas naman ng baby ok na ok naman very healthy. hindi ko din alam ang cause ng pag-chill nya basta kukumutan ko lang sya ng madami (ako kasi katabi nya nun madalas, wala hubby nya eh sa boracay naka-base, civil engr sya eh). pagkatapos ng chill ok na sya tapos tatanggalin na ang kumot. ang weird hehe. so far hindi naman ako ganun, wag naman na sana baka mag-panic si hubby. hehe.

mga sis naranasan nyo na ba mag-cramps. 2 days ago pagkagising ko bigla ako pinulikat wala pa naman si hubby. ang sakit! ang hirap pa naman gumalaw kasi laki ng tyan ko hehe.

re: baby needs: anong size po ba ng feeding bottles ang dapat ko bilhin at mga ilang piraso? thank you mga mommies!


mommychic

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #192 on: July 11, 2011, 08:42:34 am »
Mommychic

sis, naku same tayo, I'm on my 25 weeks now, may pain ako sa abdomen ko, sa malapit sa umbilical
region, no discharges din ako (thank God), no contractions o paninigas ng tiyan.

Yung pain, nararamdaman ko lang siya kapag mag che-change ako ng position, or babangon sa kama,
pero kapag hindi naman, like kung naka steady lang ako, wala naman pain.

Nabasa ko sa internet, pwedeng nababanat na ligaments kaya sumasakit. Tinawag ko na kay OB ko,
sabi niya lang, mag bed rest ako, and ituloy ang duvadilan, since yung pain naman hindi naman severe
or persistent. Wala din naman akong bleeding. Plus super likot ni baby (thank God ulit)

Kaya yun, nag pray ako, afterwards, hindi na ako nag worry, kasi naisip ko, kung may diperensya sa loob
dapat yung pain, andiyan palagi, kahit ano pang position ko diba?

Basta count for fetal movements palagi sis, hanggat malikot si baby, sign yun na healthy siya. =)

sis snowball buti ka pa nafifeel mo na si baby 15 weeks palang kasi ako e so matagal tagal pa,
im happy for you na okay si baby, stress lang siguro and yun nga lumalaki si baby =) excited na
ako mafeel si baby! =)

b3bang

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #193 on: July 11, 2011, 11:30:43 am »
^shouting wind
I had the same experience i think nung last 2 nights (friday) nagchill din ako nung natutulog ako.. as in biglang sobrang lamig, nanginginig katawan ko.. kahit anong takip ko sa katawan ko eh malamig pa rin.. tapos after 2-3 mins. nagsubside na.. ang weird no? medyo kinabahan rin ako nun pero nung naramdaman ko si baby na pumitik sa belly ko eh kumalma na rin ako.
Kausapin ko rin si OB about dun. kasi hinde naman siya normal di ba? hayz.. sana naman ok tayo.

Thank God at wala pa akong nakikitang stretchmarks.. lolz.. pero malufe ang UA ko.. ang itim! waah! Sa leeg wala pa. Pinagmamasdan ko rin yung ilong ko kung malaki na.. normal pa rin.. hahah..
Kaya nga pag gumagala ako talagang nag-aayos ako.. kasi ayaw ko magmukhang losyang. Gusto ko pag nakita ako "wow ang ganda mo magbuntis" ahahha.. para hinde nila mahalata yung pagbabago sa akin.  ;D

maria_masungit

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #194 on: July 11, 2011, 02:32:15 pm »
@sis shinta, congratulations on a successful surgery! sana wala ng ibang complications.

In other news, was able to browse sa SM ng mga baby stuff.. ang ccute!!! grabe gusto ko na
mamili kagad, pero lista lang ako ng lista.
Tapos nakita ko yung mga cirb, parang cute nga yung parang playpen na may rocker sa
taas noh? Baka ganun na lang bilhin ko instead of traditional crib. I was informed din na may
sale sa end of the month (sm calamba) pero for advantage card holders daw?

anyway, P5k yung nakita kong playpen/rocker, ok na ko sa price na un, then a friend of ours
texted us na P2.5k lang daw sa kanila un! (she's selling babystuff kasi) So tuwang tuwa
naman ako diba hehe.

Most of the stuff, siguro sa kanila ko na kukunin, since sabi niya na P5k lang daw
makukumpleto ko na gamit ni baby.
Mga pumps, grooming kits, tub, bath support at mga misc na chechebureche sa SM na lang.

princess_jane

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #195 on: July 11, 2011, 03:25:43 pm »
wow mura naman sa kanya, nagtingin din ako sa sm north last sunday ng crib yung nagustuhan ko 4.2K pero hindi ko pa binibili sale daw kasi sa sm north this coming week end. Balak namin bumili kapag sale na. hehe.

^thanks nga pla sa mga nagreply about baby names. Nakahanap na ako sa net tanung ko na lang kay hubby kung gusto nya nung name na yun.

Excited na me, palapit na ng palapit. 28 weeks na me. :)

maileen1

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #196 on: July 11, 2011, 03:51:23 pm »

mga sis naranasan nyo na ba mag-cramps. 2 days ago pagkagising ko bigla ako pinulikat wala pa naman si hubby. ang sakit! ang hirap pa naman gumalaw kasi laki ng tyan ko hehe.

re: baby needs: anong size po ba ng feeding bottles ang dapat ko bilhin at mga ilang piraso? thank you mga mommies!



naku yung cramps ang isa sa pinakamahirap nga na pregnancy discomforts. And sadly, mas mararanasan natin siya sa third trimester. Ako nun sa firstborn ko, as in gabi gabi nagigising ako sa sakit tapos kadalasan both feet pa sabay.

About feeding bottles, if you're keen to breastfeed no need for feeding bottles pero okay din since pwede magamit ni baby pag need mo umalis at mag-express ng milk.  For the first few months, onti pa lang naman iinumin ni baby na milk so get just enough 4-oz bottles.  Yung 9 and 11 oz bottles matagal pa niya magagamit pag malaki-laki na siya.  In my case, I'll be buying 3-4 4 oz bottles then same quantity for the bigger bottles siguro.  Pero kasi I'll be breastfeeding kaya this quantity might be onti for the others who will formula feed.

By the way, get bottles that are BPA-free and helps prevent colic. Avent is a good and trusted brand by many moms.  Downside, medyo pricey lang.  Pero it's for the baby's good and safety naman kaya di ko na iniisip ang presyo. :)

b3bang

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #197 on: July 11, 2011, 03:58:05 pm »
^maria_masungit
wow! sis baka naman pwede ko mahingi number niya? or meron ba siyang website? Parang intrested din ako kumuha ng baby item sa kanya kung mas cheaper yung price niya

^sis shinta
Congrats sa iyong successful operation! Sana magtuloy tuloy na yan! ;D

maria_masungit

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #198 on: July 11, 2011, 04:55:09 pm »
@sis b3bang, nako taga laguna kasi siya, and I think mas makakamura ka kung kunwari
sa Divi ka bumili. Although sabi niya meron din kasi siyang brands na meron sa SM, direct
sa supplier kaya mura.

@sis princess jane, yay! turned 28weeks today din.. grabe parang ang bilis na ang tagal..
gusto ko na makita si baby!

Re:cramps sa feet, accdg to my OB pag may cramps daw sa legs/feet ibigsabihin
kulang sa calcium- sympre satin kasi kukunin ni baby [textspeak!] mga kailangan niyang vits and
nutrients. Pero sometimes, kaya naman support ng body ng mommy maski walang supplement.
Katulad ko, avid milk and dairy fan ako, kaya so far wala naman akong cramps na
nararamdaman.
So mga sis, na nakakaexperience ng cramps, baka you can discuss this with your OB na lang
para she can prescribe you the right meds

applec16

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #199 on: July 11, 2011, 05:12:28 pm »
^yes agree ako dyan.  Sabe rin kase ni OB pag may cramps, kulang daw sa calcium.  So ako, on top of my Amnum, may calcium supplements din ako.

sis maria_masungit,  may website ba sya?  Taga-Cavite lang ako malapit lang ang Laguna, kung direct supplier sya ng SM, mura nga yun!  :D  Baka pwede matignan din cribs nila. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close