Mommychic
sis, naku same tayo, I'm on my 25 weeks now, may pain ako sa abdomen ko, sa malapit sa umbilical
region, no discharges din ako (thank God), no contractions o paninigas ng tiyan.
Yung pain, nararamdaman ko lang siya kapag mag che-change ako ng position, or babangon sa kama,
pero kapag hindi naman, like kung naka steady lang ako, wala naman pain.
Nabasa ko sa internet, pwedeng nababanat na ligaments kaya sumasakit. Tinawag ko na kay OB ko,
sabi niya lang, mag bed rest ako, and ituloy ang duvadilan, since yung pain naman hindi naman severe
or persistent. Wala din naman akong bleeding. Plus super likot ni baby (thank God ulit)
Kaya yun, nag pray ako, afterwards, hindi na ako nag worry, kasi naisip ko, kung may diperensya sa loob
dapat yung pain, andiyan palagi, kahit ano pang position ko diba?
Basta count for fetal movements palagi sis, hanggat malikot si baby, sign yun na healthy siya. =)