watch now

Author Topic: Immigration officers, how to deal  (Read 139894 times)

nylanig

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #40 on: September 28, 2011, 09:11:53 pm »
mga sis may question ako...

alis kami ni hubby papuntang HK this weekend kaso ang nakalagay sa passport ko is maiden name ko. ok lang ba sabihin ko sa IO na mag-asawa kami? or wag na lang. kinasal kami last dec 2010 pa, so parang malabo na sabihin ko na walang time para papalitan.

Ok ba sabihin na valid pa naman passport kaya hindi muna ako nagpapalit? :-\

TIA

mama squeak!

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #41 on: September 28, 2011, 09:20:00 pm »
^yes, just bring a copy of your marriage certificate to show the IO.

 :)

nylanig

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #42 on: September 28, 2011, 09:40:44 pm »
thanks mama squek! ;)

para hindi ot share ko experiences namin ng friend ko sa mga IO

Mla-SG

Mla IO- tinanong ako purpose, saan mag stay tapos kung ano work ko. Butin na lang yung sinundan namin ko namin ng friend ko e group ng accountants from sykes ata yun. Tapos sabi na lang sa akin. Dami accountants nagtatravel ngayon.

SG IO-wala masyado questions tatak agad

2nd day namin is KL so SG-KL-SG kami

SG IO and KL IO-wala din masyado tanong

SG IO-dito na kami nagkaproblema. meron sila sinabi parang "roundtrip"
          Basta [textspeak!] IO kinausap niya ibang IO tapos parang usap usap sila. Yung kasama ko kasi kakagaling niya lang magtour sa HK, may sinabi sila about HK. Tapos bigla pinapunta kami sa isang room. Medyo kinakabahan na ako konti kaso alam ko naman na wala kami ginagawa masama so deadma lang. Tapos tinanong kami ano daw ginawa namin sa KL. Sabi ko lang namasyal. Tiningnan petronas tower. :P. tapos parang ayaw niya maniwala. Tapos sabi ko na lang birthday ngayon ng friend ko, dun kami nagcelebrate. Tapos tiningnan nila passport ng friend ko, ayun sabi nila happy birthday tapos pinalabas na kami.

yun pala kasabay naming mga accountants sa Manila-SG, Kasabay din namin sa SG-KL-SG.
Tapos mga naquestion din sila. Kasi sabi nung SG IO, do you know them? sabi namin NO. tapos umalis na kami.



pewjen

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #43 on: October 03, 2011, 06:08:26 pm »
Based on experience, dapat mabilis at totoo ka sa mga isasagot mo sa nila, prepare yourself and always bring the supported documents like Company I.D., copy of ticket with returning dates (minsan kasi pag walang pabalik na ticket e feeling nila mg-TTNT ka dun), copy of hotel reservation or letter of invitation. 

I had a bad experience with an IO just last week, girl yung IO ko, since kasama ko si BF, medyo annoying yung question nya na " hindi mo ba nakuha or nkilala lang yan sa labas" ? medyo off yung question and masyadong way beyond na, na for me hindi naman ata dapat tinatanong kasi personal na yun, at nakakabastos... what I did, I made sure ko muna na naibalik nya saken yung passport ko na may tatak ska ko sinagot na medyo mataray na " mukha ba akong mnghihila lang ng di ko kakilala" sabay irap sa IO.

Kaya mga sisses, wag mgpapaintimidate sa kanila.  ;)

yby2476

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #44 on: October 05, 2011, 09:29:24 am »
^sis tanong lang, san terminal yan?

X_03

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #45 on: October 05, 2011, 06:28:42 pm »
hi mga sis! sorry if late nako post ulit. andito nako dubai. so far ang masasabi ko po is effective ang pag papacharming at the same time ang pagiging cheerful. promise. kasi mababait IO sakin. nagjoke pa nga sila na bilisan ko daw ifill up yung form maiiwan daw ako ng plane ko. mega chismis pa kami. although sad kasi may mga na offload that time may naiwan ng plane nila. :-\

pewjen

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #46 on: October 08, 2011, 05:21:11 pm »
^sis tanong lang, san terminal yan?



Terminal 3...

rhumbafrapp

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #47 on: October 09, 2011, 09:22:44 am »
Share ko lang mga sis
Nung unang una kong punta ng HK, recent board passer lang ako, so wala talaga akong job, gift yun trip ko. Decent get up and pinakita ko lang yun PRC card ko, ok na. May mga questions na where will you stay, etc. Pinakita rin namin yun tickets to Disney

Nung nag bangkok naman kami, kasungit ng mga IOs. Dapat sa behind the yellow bar ka talaga. Pero ok lang di naman ano ano mga tinanong

Siguro pinaka tip ko lang e: Dress appropriately, be confident and cheerful, have your supporting docs such as Return tickets, company ID (helps na yun company mo is kilala), hotel reservation, mga amusement ticket if lalo na pleasure trip.

Good luck to all!

yby2476

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #48 on: October 09, 2011, 04:07:00 pm »
^sis tanong ko rin sa iyo, san terminal naman din ito? kami rin, last month, galing sa bkk, pero ok lang naman ang experience namin sa mga IOs natin dito, sa terminal 2 kami...walang tanong-tanong, tatak lang...

rhumbafrapp

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #49 on: October 10, 2011, 08:00:39 pm »
^sis di natin IO, IO ng bangkok, sa Suva----- something airport :)

yby2476

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #50 on: October 10, 2011, 09:34:34 pm »
^hmm, oo medyo masungit nga mga IOs ng thailand...may nakasabay kaming mga taga-channel 7 nun, nakapila kami tapos paano kasi, nag-picture-picture siya sa harap,as in yung mismong mga IOs kinukuhanan niya, pinagalitan siya ng IOs...:-) yung sister ko, kumukuha rin, pero wala siyang flash...eh itong si channel 7 reporter, may flash...:-) sabi nga nga mga ibang kasama nila, ano ka ba, hinde pa tayo nakakapasok, ipapadeport na tayo...:-)

regarding yellow line na yan, minsan kasi di natin napapansin diba? usually ang mahigpit sa ganyan eh yung mga IOs ng hk...ako napagalitan ako diyan...:-)

promises_bytes

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #51 on: October 17, 2011, 06:47:01 pm »
Ako madalas sa lalaking IO pumipila kasi parang mababait sila sa mga babaeng pasahero. One time hiningan ako ng company ID sabi ko hindi ko dala. Sabi nya lang mas maganda kung yun ang dalahin ko next time tapos okay na  :)

yby2476

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #52 on: October 17, 2011, 09:05:04 pm »
^yan nga ang sabi nila pumila sa male IOs, mas mabait sila kaysa sa females...mas maraming tanong ang mga females, pansin ko lang...

esor

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #53 on: October 18, 2011, 10:25:55 am »
Share ko lang din experience ko sa mga IOs

My first Int'l travel sa Taiwan, walang question  question, tatak agad :)
Pati sa Taiwan IO wala din question.
yung ka-sis natin dun ko na sya na meet sa loob, so parang solo travel din.

Yung sa SG naman, solo travel ako, MNL IOs madaming tanong. I presented my roundtrip ticket, email reservation ng accommodation, Company ID. They photocopied my passport + company ID.
pagdating sa SG, walang tanong tatak agad. :)
Malaysia IO(girl sya), nag ask ng ticket, then ok na.
Pabalik ng SG, ayun madami na namang tanong. kaloka nga pati yung EXACT amount ng pera ko tinanong as in EXACT talaga :P

Nung nag HK-Macau naman, MNL IOs nag ask lang ng company ID, then ask kung magkapatid kami, yun lang :)
HK IOs, no question naman.
Same sa Macau, wala din.  :D

yby2476

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #54 on: October 18, 2011, 10:49:28 am »
sis esor-bakit napansin ko nga ngayon ang higpit ng mga IOs kung papunta ka ng sg? nung kami, wala naman din...pero teka, lahat ba ito sa terminal 2? sorry, i have to ask...

phurple0515

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #55 on: October 18, 2011, 10:55:18 am »
^yong sa SG mahigpit na talaga ngayon.  maybe dahil marami na rin cases na may mga illegal stays na.  kahit kumuha ng PR mahirap na don kasi na-achieve na ata nila yong target nila na no. of citizens din.

1st travel ko abroad, HK, wala rin tanong sa akin non.

me funny thing din na nangyari sa amin ni hubby. working ako sa KL then nong 1st xmas ko dito, hubby (bf pa non) came here, and I sent him all the documents (invitation letter, stating he will live with me, I will support his stay, etc).  Nong nasa IO daw siya, hinanapan siya ng ID then pa-cute pa daw yong IO sa kanya, binola-bola lang daw niya, ayun, di naman na daw masyadong nagtanong.  Pagdating dito, walang tanong sa kanya except the usual na how long are you going to stay here, etc.

Next, when he came here for training (IT), tapos umuwi kami sa pInas, OA yong IO sa clark.  Di ko alam sino nauna sa amin, sabi ba naman ng IO, 'ilang years na kayo mag-gf?' 'San kayo nagkakilala?' 'Pano kayo naging mag-bf?' e naririnig na ng lahat, ginagawa na lang na biro ni hubby.  ok pa yong tanong na 'bat don ka pa mag-ttraining?' e ginawa na personal interview nong IO mga tanong niya, sus, namumula ako non sa hiya kasi masyado siyang personal magtanong ke bf.  Pero tuwa naman ako sa mga sagot ni bf non.

naalala ko pa, 1st time ko non sa KL, yong na sa ibang counter na Pinay  (sa IO ng LCCT to), tinanong nong IO kung ano plan niya dito, etc.  Then hinanapan ng pera, la ata dala yong girl, sabi niya, my boyfriend will support me. Tinanong asan BF, sabi nasa labas daw inaantay siya.  Ang tagal. 

Di talaga basta basta pag lumabas ka ng bansa, esp. they are all on alert sa mga illegal na nag-s-stay sa mga countries.  Pasensya na ha pero pinapahirapan lang tayo nong mga kapwa natin pinoy na gumagawa ng kalokohan and who are only thinking of themselves, damay damay tuloy lahat.  (Sorry napahaba post ko, heheh)

yby2476

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #56 on: October 18, 2011, 10:58:56 am »
^hay true ka diyan sis...yung mga pinoy na gumagawa ng kalokohan ang may dahilan, kaya damay-damay lahat tayo...

esor

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #57 on: October 18, 2011, 11:16:50 am »
mahigpit yung SG IO if galing ka ng Malaysia, kasi feeling nga nila nag exit ka lang dun, kaya daming tanong.

promises_bytes

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #58 on: October 18, 2011, 04:39:17 pm »
Yung friend ko na papunta dapat Dubai hindi natuloy kasi kulang papers nya daw sabi ng IO. Tapos ngayon may mga kausap sya na tutulong sa kanya, ang lumalabas hindi talaga papers yung kailangan kundi bribe money. Sabi nung isang friend ko ganun din nangyari sa kakilala nya. Bale yung sponsor nya na nasa Dubai ang nagbayad sa contact dun, tapos pagkabayad tumawag dito sa Pinas yung contact tapos ayun okay na. Bale 30k ang binayad. Nakakainis kasi kung walang maglalagay eh di di rin magtatagumpay yung mga msasamang IOs and contacts. Kaya lang siyempre iniisip ng mga kababayan natin na malaki na nagastos nila sa mga visas at plane tickets kaya naglalagay makaalis na lang. Usually nangyayari sa mga may sponsor na hindi nila kamaganak.

phurple0515

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #59 on: October 18, 2011, 05:03:15 pm »
actually, pansin ko, mas mabusisi mga IO natin kesa ibang bansa.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close